webnovel

Mas Makisig si Xinghe kaysa sa Kanila

Éditeur: LiberReverieGroup

"Bago pa man tayo nagsimulang gawin ang ating mga istratehiya, nakakilos na agad sila. Wala na tayong panahon para iwasan pa ang pag-atake nila."

"Kung gayon, bakit hindi ninyo gawin ang parehong ginagawa nila sa kanila?" Nakakatakot na tanong ni Saohuang.

"Ginagawa namin pero palagi kaming huli ng ilang segundo…" At ang ilang segundo ang nagpapasya ng lahat.

"Sasabihin ko sa inyo, kapag natalo tayo, wala sa inyo ang makakaligtas ng walang latay!" Wala ng pakialam si Saohuang, direkta na niyang binantaan ang mga tauhan niya. Ang buong silid ay natigilan pero walang nangahas na magsabi ng kahit ano. Kilala si Saohuang sa pagiging walang puso. Walang nangangahas na galitin o kalabanin siya dahil ang katapusan ng mga ito ay karumal-dumal. Ang mga commander ay sinampal ang mga sarili nila para magising, at sinubukang isalba ang sitwasyon. Ang tensiyon sa kapaligiran ay masyado nang mataas at ramdam ang pag-aapura ng lahat.

Dahil sa banta ni Saohuang, tumaas ang abilidad nila sa pag-uutos pero hindi ito sapat para baliktarin ang sitwasyon. Patuloy na natatalo ang kanilang mga combat jet. Nasira na ang posisyon ng kanilang grupo, ang lahat ng istratehiya ay wala nang silbi pa…

Ang tanging bagay na magagawa nila ngayon ay ang iwasan ang mga pag-atake at subukang manalisi ng pag-atake. Magulo ang kanilang buong grupo, ang mga atake ay naging pabaya. Ang partido ni Munan ay itinuloy ang kanilang disiplina, ang pagganap ng pain at patibong ay malinaw. Ang katunayan niyan, mas matagal na lumalaban sila, mas umiigi at humuhusay sila. Sa partido naman ni Saohuang, ang kasulatan ay nakapako na sa pader. Sa wakas, tapos na ang digmaan!

Nang ang huling combat jet ay napabagsak na, ang awra ni Saohuang ay sobrang nakakatakot na aakalain mo na kakayanin niyang lumunok ng isang tao ng buhay. Natalo sila sa aerial combat!

Isa talaga itong nakakainis na sorpresa sa kanya dahil talagang natalo sila…

"Yes, nanalo tayo!"

"Nanalo tayo!"

Isang kakaibang eksena naman sa partido ni Munan. Ang lahat ay sumisigaw ng malakas; malapit na nilang mapabagsak ang kanilang mga kaaway.

"Miss Xia, mahusay ang ginawa mo! Wala akong ideya na napakahusay mo sa ganito, pakiusap kuhanin mo na akong estudyante mo, hindi na ako makapaghintay na matuto mula sa iyo. Ang paghanga ko sa iyo ay hindi na mapipigilan pa!" Isang commander ang tuwang-tuwa na nagsabi.

Ang iba pa ay pareho din nito na sobra ang ligaya. "Miss Xia, tila naglalaro ka lang ngayon, paano ka naging mahusay na tulad no'n?"

Eksakto ang sinabi nito. Nang nag-uutos si Xinghe sa piloto, aakalain mo na naglalaro siya ng isang flight simulator. Maraming beses, nagbibigay siya ng impresyon na lahat ng ito ay balewala sa kanya at tila isang laro lamang. Ito ay dahil ang bagay na ito ay masyadong madali para sa kanya.

Ang bawat hula niya ay tama. Sa lahat ng proseso, ang atensiyon ng grupo ni Munan ay nakatuan sa kanyang mga utos imbes na nakatutok sa screen. Napakakisig niya habang ibinibigay ang mga utos niya, mas kapansin-pansin pa kaysa sa kanila. Aaminin na ng mga grupo ng lalaki na ito, talagang natalo sila ng husto ni Xinghe…

"Miss Xia, wala na akong masasabi pa. Sa susunod, kapag nasa alanganin ka, hanapin mo lang ako. Isang salita lang at ako, si Yan Lu, ay pupunta sa impyerno para sa iyo!" Pangako ni Yan Lu habang kinakabog pa ang kanyang dibdib.

Tumango din si Gu Li. "Miss Xia, kinukunsidera na kitang isang kasamahan. Huwag kang mag-alinlangan na lumapit din sa akin, kung kakailanganin mo ang aking tulong."

"Miss Xia, isama mo na din ako!"

"Ako din!"

Ang lahat ay nagtatalo para mangako at ibigay ang kanilang katapatan kay Xinghe, isa itong bagay na hindi pa nangyayari kahit kailan. Tumingin sa kanila si Xinghe at hindi niya maiwasang hindi ngumiti. "Salamat."

Hindi niya alam, wala sa kanila ang nagbibiro.