webnovel

Mahiwagang mga Kamay

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang kanilang bilis ay halos magkasimbilis. Ang kumpetisyon ay nagsisimula pa lamang pero nagsisimula na makaramdam ng pressure si Sun Yu. Hindi niya inaasahan na kayang tumipa ng mabilis ni Xinghe…

Ang bilis sa pagta-type ay isang paraan ng pagpapakita ng kakayahan. Dahil sa nararamdamang panggigipit, nagpatuloy na sa pagpapabilis ng pagtipa si Sun Yu hanggang sa hindi na makita ng mga tao ang kanyang mga daliri.

Gayunpaman, mabilis na nakahabol sa kanya si Xinghe. Mas tinaasan niya ang kanyang bilis at ganoon din ang ginawa ni Xinghe!

Kahit gaano pa pabilisin ni Sun Yu ang kanyang sarili, mabilis na nakakahabol agad si Xinghe. Maaaring hindi maintindihan ng iba ang kaibahan, pero sina Gu Li at Sun Yu mismo ang nakakaalam.

Sa ilalim ng isang mahirap at kapaligiran na puno ng kumpetensiya, madali lamang kay Xinghe na sabayan ang bilis ni Sun Yu at madali din siyang mabago ang kanyang bilis. Ipinapakita nito ang laki ng kanyang kakayahan!

Lalong nakaramdam ng tensiyon si Sun Yu, patuloy niyang binibilisan ang kanyang pagtipa ngunit naabot na niya ang dulo ng kanyang kakayahan, pakiramdam niya ay nahihirapan na ang kanyang mga daliri. Kaya lang, hindi na ito mahalaga dahil hindi siya pupwedeng matalo, alam na niya kung paano mapapasok ang defense system ng military.

Ito ang pagsubok na alam na niya ang sagot. Hindi na niya kailangan pang mag-isip para malaman ang sagot, ang kailangan lamang niyang gawin ay alalahanin ang sagot na natatandaan na niya noon pa. Paano nga naman siya matatalo sa kalamangang ito? Kahit isang henyo ay hindi siya matatalo!

Lubos ang tiwala ni Sun Yu sa sarili at sobra ang kanyang pananabik, sa sobrang kasabikan na makitang matalo ng lubusan si Xinghe sa kanya. Gayunpaman, agad niyang nakita na nalampasan na ni Xinghe ang bilis niya. Nanginig ng bahagya ang puso ni Sun Yu pero ang sorpresa at takot ay patuloy na tumaas dahil ang bilis ni Xinghe ay lalo pang tumaas, ang layo sa pagitan nilang dalawa ay lumaki na ng lumaki.

Sa bawat oras na akala niya ay iyon na ang dulo ng kakayahan nito, sosorpresahin siya nito. Ang bilis nito ay masasabi na nasa superhuman level na!

Ang obserbasyong ito ay napansin hindi lamang ni Gu Li at Sun Yu, ngunit ng lahat ng nandodoon. Ang lahat ay hindi kumukurap na nakatingin sa mga kamay ni Xinghe. Ang kanyang pares ng mga kamay ay tila mabilis na sumasayaw sa malalamig at walang pakiramdam na mga keyboard. Tila ba may mahika, ang kanyang pares ng mga kamay ay humigop sa tingin ng lahat at ayaw na silang pakawalan pa. Ano kayang klase ng mga kamay ang mga ito na napakabilis nito…

Ang grupo ni Munan ay napakuyom ng kanilang mga kamay ng mahigpit, tahimik na nagbubunyi at pinalalakas ang loob ni Xinghe. Ang grupo naman ni Saohuang ay tahimik lamang at seryoso. Tumingin si Saohuang kay Sun Yu at nakita na ang lalaki ay nagsisimula ng pagpawisan. Ang presensiya ni Xinghe ay napakalaki na nagsisimula na nitong pahirapan si Sun Yu.

Maaaring hindi alam ng lahat ang kakayahan ni Sun Yu pero alam ito ni Saohuang. Sigurado na isa ito sa mahuhusay na computer expert sa mundo. Isa pa, na-hack na nito ang security ng militar dati. Kahit na may mga kalamangan na ganito, nakakaramdam pa din siya ng panggigipit ni Xinghe. Kaya naman, ipinapakita lamang nito na ang abilidad ni Xinghe ay mas higit pa kaysa sa kanilang inaasahan!

Napakuyom na din ng kanyang kamao ng mahigpit si Saohuang, ang mga mata niya ay kasing itim ng mga black hole. Nakakatakot ang mga ito. Hindi siya hangal. Alam na niya na ang kakayahan ni Xinghe ay mas higit kaysa kay Sun Yu.

Ang tanging bagay na mahihiling na lamang niya ay para kay Sun Yu na manalo sa lalong madaling panahon. Dahil nagawa na naman nito ito dati…

Si Xinghe, kahit gaano pa siya kahusay, ay kailangan pa ding magsaliksik. Kaya naman, hindi nila naiintindihan na wala naman talagang sinayang na oras si Xinghe sa pagsubok ng mga bagay. Naging madali ang lahat para sa kanya.

Hindi na magagawa pa ni Sun Yu na alisin ang tingin sa ginagawa para tingan ang sa kabila. Tanging si Gu Li ang nakakaalam nito, ang kanyang mga kamao ay lalong humigpit sa pagkakatikom at mayroong mga luha sa kanyang mga mata!