webnovel

Magpokus sa Kanya

Éditeur: LiberReverieGroup

Gayunpaman, masasabi niya na marami ang mga taong ito, at hindi pa kasama ang mga helicopter na nasa himpapawid. Hindi inisip ni Barron na magkakaroon siya ng ganito karaming kakampi.

Sa sobrang pagkagulat, sabik na kumaway siya sa ere. "General, ako ito, si Barron!"

Matapos sumigaw, nakikita ni Barron ang isang grupo ng mga tao na naglalakad patungo sa kanya sa naniningkit niyang mga mata. Nahihinuha ni Barron na ang naglalakad sa harapan ay si Philip, sa tabi nito ay ang lalaking nakasumbrero at sa likuran nila ay ang hanay ng mga nasanay na sundalong armado ng mga riple.

Ang sagot ni Barron ay para sulsulan si Philip, "General, bakit kayo nandito? Hindi ko inaakala na nandirito kayo; isa itong maswerteng pagkikita!"

Sinulyapan lamang siya ni Philip at diretsang nagsalita, "Nakarating sa akin ang mga balita ng putukan na nagmumula sa lugar na ito kaya naman nagpunta ako para tingnan."

Nagulat si Barron pero agad na nakabawi ng nakangiti. "General, ang mga tauhan ko ay tumutugis sa grupo ng mga tumatakas. Pinasok nila ang kampo militar para ipuslit palabas ang isang importanteng bilanggo mula sa loob. Gayunpaman, napapaligiran na sila; kaunting oras na lamang bago sila sumuko!"

Hindi napansin ni Barron ang awra ng lalaking nakasumbrero na bumababa ng ilang antas matapos niya sabihin ito. Napansin ni Philip ang pagbabago kay Mubai kaya naman nagtanong siya, "Ilang tao ba ang nasa grupong ito?"

"Anim pero, gaya ng sinabi ko, ay napapaligiran na sila; hindi na sila makakatagal pa!" Nagmamalaking sambit ni Barron, "General, huwag kang mag-alala, ikukulong ko sila sa lalong madaling panahon."

"Sabihin mo ang lahat ng tungkol sa kanila sa akin," patuloy ni Philip. Inisip ni Barron na trabaho lamang ang hinahabol ng General, kaya naman matapat niyang sinabi ang lahat.

"Ang grupo na ito ay palaging nanggugulo pero sumosobra na sila dahil sinubukan nilang magtakas ng bilanggo. Ito ay napaparusahan ng kamatayan kaya naman ibinigay ko na ang utos na kapag tumanggi pa silang sumuko sa loob ng limang minuto, ang mga tauhan ko ay papatayin silang lahat!" Seryoso at mariing sambit ni Barron.

Hindi nagpakita ng anumang reaksiyon si Philip. "Dahin mo ako sa lugar nila para makita ko sila."

"General, hindi na kinakailangan pa, masyado itong delikado."

"Ituro mo sila sa akin ngayon!"

"Yes, sir!" Wala ng pagpipilian pa si Barron kundi sundin ang iniutos sa kanya. Gayunpaman, nasiyahan pa din siya dahil nangangahulugan ito ng katapusan ng grupo ni Charlie. Ipapapatay sila ni Philip. Mabilis na dinala sila ni Barron para makita ang grupo ni Charlie.

Si Wolf, na nag-oobserba sa mga pangyayari, ay seryosong nagsalita, "Mukhang ang bagong dating ay isang taong importante, mukhang mas mataas pa ang ranggo niya kaysa kay Barron."

Nagmamadaling lumabas sa likod ng bato si Xinghe para magnakaw ng tingin sa mga bagong dating. Ang mga mata niya ay agad na tumuon sa lalaking nakasumbrero!

Maingat na natuon ang mga mata ni Xinghe sa kanya, hindi niya maialis dito. Gayunpaman, dahil nasa kalayuan ito, hindi niya makita ng maayos ang mukha nito kahit gaano pa niya silipin…

"General, nandoon lamang sila sa hindi kalayuan," sagot ni Barron habang itinuturo niya ang bato kung saan nagtatago sa likuran ang grupo ni Charlie, "Nasa likuran lamang sila ng batong iyon. Hindi kami nangangahas na kumilos dahil armado sila ng mga pampasabog."

"Ganoon ba?"

"Tama po, pero hindi ito ang problema ngayon, dahil marami na tayong sundalong kasama!" Masayang sabi ni Barron, ang mga mata nito ay tinitingala ang mga helicopter na umiikot sa himpapawid.

"General, maaari mong iutos sa mga helicopter na atakihin sila mula sa langit pero kailangan muna nating umatras para pumunta sa isang ligtas na lugar muna."

"Well, mukhang naisip mo na ang lahat ha," mahinang sabi ni Philip.

Hindi narinig ni Barron ang sarkasmo sa mga salita nito, dahil sumagot pa siya, "Ang lahat ng ito ay salamat sa pagdating ni General. Kung hindi dahil kay General, baka hindi ko sila matagumpay na mapapabagsak."

"Tama iyon, dahil kung hindi ako dumating, ipinapatay mo na silang lahat," biglang sabi ni Philip.