webnovel

Laban para sa Huling Lugar

Éditeur: LiberReverieGroup

Humakbang palabas sa grupo ng mga tao si George at mariin itong sinabi. Pagkarinig nito, napakaraming tao din ang nagboluntaryo.

"Miss Xia, hayaan mong sumama ako sa iyo. Alam ko kung paano paganahin ang spaceship, hindi ako natatakot sa panganib, sasama ako sa iyo!"

"Ako din, isa akong doktor, maaari akong sumama sa iyo."

"Sasama ako! May mahusay akong computer skills. Maaari kitang tulungan sa mga computer kung kailangan mo ako. Ang totoo, maaari ka nang manatili ng ligtas sa spaceship, at sa pakikipag-usap na lamang sa telepono, ay maaari mo akong maging kahalili."

"Hindi, ako na ang pupunta…"

"Hindi, ako nga…"

Nasorpresa si Xinghe sa kanilang pakikipagkaibigan. Noong una, marami sa kanila ang gustong mamatay siya noong may palaro pa si He Lan Yuan. Hindi niya ito ipinapakita sa kanyang mukha, pero nakaramdam siya ng panlalamig noong inabandona siya ng buong mundo. Ngayon ay natitimo siya na malamang marami ang nagnanais na ibuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan niya. Noon niya nalaman na hindi naman lubusang masama ang mundo. Ang kanilang pagmamahal at pagtitiwala ay nagbigay saysay sa pakikipagsapalarang ito para sa kanya.

"Tatlong tao lamang ang maaaring sumama, kaya tumigil na kayong lahat sa pakikipagtalo. Mayroong isang lugar na lamang ang natitira," mahinang sambit ni Xinghe. Nagulat ang lahat. Tama siya, ang base ng He Lan family ay may isang spaceship lamang at kaya lamang nitong dalhin ang tatlong tao.

Mayroong hindi makapagpigil na nagtanong, "Ano ang nangyari sa ikalawang puwang?"

Bago pa nakasagot si Xinghe, nagsalita si Mubai, "Ang lugar na iyon ay para sa akin."

Walang sinuman ang may problema doon; natural na lamang ito. Kaya naman, kailangan nilang pagtalunan ng husto ang natitirang lugar. Ang grupo ng mga taong ito ay nagsimula na naman magtalo.

Talagang nasorpresa si Xinghe. Ito ang unang beses na nakita niya ang mga tao na nagtatalo para suungin ang panganib. Gayunpaman, dahil lahat sila ay nais na pumunta, nahihirapan siyang pumili ng huling kandidato.

"Tumigil na kayo sa pagtatalo!" Biglang sigaw ni Sam. Habang nakahalukipkip, sinabi nito ng nakangisi, "Wala ng punto pa dahil ang huling lugar ay akin! Ang lahat ng upuan ay puno na, kaya maaari na kayong bumalik sa pagtatrabaho ngayon."

"Bakit ito napunta sa iyo?" Reklamo ni Ali.

"Oo nga, bakit ito napunta sa iyo?" Reklamo din nina Cairn at Wolf. Gusto din nilang maging parte ng sapalarang ito.

Ngumiti si Ee Chen at sinabi, "Ang huling upuan ay dapat sa akin. Wala dito ang mas kwalipikado pa kaysa sa akin."

Kailangan niyang hanapin ang kanyang ama at isa din siyang eksperto sa computer.

Ngumisi bilang ganti si Sam. "Mali ka doon dahil ako ang pinaka-kwalipikado. Alam na ni Xinghe ang tungkol sa mga computer at alam din niya kung paano paganahin ang spaceship. Hindi na niya kailangan pa ng technician. Ang mga doktor ay hindi na kasali dahil sa panganib, kung mayroon man, dahil masyado itong malaki para hawakan ng isang doktor. Pero iba ako, magaling ako sa anumang klase ng sandata, kaya ko siyang protektahan. Kaya naman, ako ang pinakamainam na kandidato."

"Alam ko din hawakan ang maraming klase ng sandata; kaya ko din siyang protektahan," hindi nasisiyahang sagot ni Ali. "Xinghe, hayaan mong sumunod ako sa iyo. Pareho tayong babae; maaari nating tingnan ang bawat isa."

"Ang sitwasyon na ito ay nangangailangan ng presensiya ng lalaki, kaya dapat na ako ang pumunta," sabi ni Cairn.

Tumawa si Sam. "Kaya ba ninyo akong talunin? Kung hindi, ang upuan na ito ay akin."

Humakbang palapit si Wolf at nanghahamon na sinabi, "Ano kaya't isang friendly match ang gawin para magkaalaman?"

"Sige, tara na! Ang hamon ay bukas sa lahat," mapagbigay na sabi ni Sam. Maraming tao ang sumali sa kanya para makipagsuntukan, kahit si George ay nakisali.

Tumalilis paalis si Xinghe para mag-empake ng kanyang bagahe kasama si Mubai. Naghanda na silang umalis sa makalawa.