webnovel

Kasuhan si Tong Yan

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang ilang pwersa na ito ay sapat na para pabagsakin ang buong bansa. Ang katapangan na gamitin ang planong ito na gamitin silang lahat ay nakakahanga pero para kay Xinghe, sila ay walang halaga kundi mga pain lamang sa mas malaking laro.

Matapos na maisaayos ang plano, agad na humanap si Mubai ng grupo ng mga abogado para kay Xinghe para makagawa ng draft at ipadala ang bill of complaint sa kaso. Ang inaakusahan ay si Tong Yan.

Siya ang eredera ng Tong family, ang pinakamakapangyarihang dalaga sa Hwa Xia at may nangahas na kasuhan siya?!

Sa sandaling naisampa na ang kaso, kinontak na ng korte ang Tong family. Ang taong sumagot ng telepono ay si Shen Ru, at maiintindihang nagagalit ito.

"Tinuruan lamang siya ng aking si Little Yan ng maliit na leksiyon at ni hindi nga kinanti ang daliri nito, pero nangahas siyang magsampa ng kaso?! Kilala ba niya kung sino ang kinakalaban niya?"

Kahit sina Elder Tong at Old Madam Tong ay nagulat. Maraming apo si Old Madam Tong, pero si Tong Yan ang nag-iisa niyang apo na babae. Galit na galit din ito nang malaman niya ang tungkol dito.

"Wala yatang kamalayan ang babaeng ito, dahil ligtas siya ay dapat na hinayaan na niya ito. Nangahas siyang kasuhan si Little Yan? Hindi ba siya natatakot na kalabanin ang ating Tong family?"

Ang Tong family ay hindi isang simpleng pamilya, sila ay magbalae sa Shen family at may kaugnayan sa presidente at iba pang makakapangyarihang pamilya sa Hwa Xia. Gaano ba katanga ang babaeng ito para mangahas na kasuhan si Tong Yan? HIndi ba niya alam na gagawin niyang kaaway ang mga makakapangyarihang pamilya sa buong Hwa Xia?

Mas maingat si Elder Tong. "Nasa likuran niya ang Xi family; hindi siya isang karaniwang babae na dapat nating maliitin."

"Ano naman ngayon? Isa lamang siyang diborsyadong manugang ng Xi family, hindi nila ito ipagtatanggol," sambit ni Shen Ru ng may pangmamaliit. "Kahit pa nasa likuran niya ang Xi family, magagawa ba nilang labanan ang pinagsama-samang pwersa ng napakaraming makakapangyarihang pamilya?"

"Importante pa ba kung hindi nila magagawa? Ang katotohanan ay may kasalanan si Little Yan at kahit ang presidente ay alam ang tungkol dito, sa tingin mo ay mapagtatakpan pa natin ito?" Napabuntung-hininga si Elder Tong. "Sa anumang kaso, ang kahinaan natin ay nabunyag na sa oras na ito at ang tanging solusyon ay ang ipaatras sa babaeng ito ang kaso."

"Personal ko siyang uutusan na gawin ito ngayon!" Tumayo si Shen Ru at mayabang na sinabi ito. Inisip niyang mapupwersa niyang gipitin si Xinghe na sundin ang kagustuhan niya.

Sa bandang huli, ni hindi siya gustong makaharap ni Xinghe. Sinabi ng mga guwardiya na si Xinghe ay may trauma pa sa mga nagdaang pangyayari at hindi pa pwedeng makita ng kahit sino; ito ay utos ng doktor.

Matapos nito ay iniutos niyang makita si Xi Mubai.

Mas imposible naman ito. "Kagigising lamang ni Young Master Xi mula sa coma at napagod niya ang sarili sa pagtakbo at paglalakad kahapon. Ang mga sugat niya ay lumala at kung hindi naman papayag si Madam na maging responsable sa kalusugan nito, hindi namin mapapayagan si Madam na makita siya."

Ito ang unang beses na hanggang pintuan lamang si Shen Ru. Sa City A, hindi, sa buong bansa, sino ang nangahas na tratuhin siya ng ganito?

Kahit na matapos siyang maikasal sa Tong family, ang mga ito ay puno pa din ng respeto sa kanya. Siya ang anak na babae ng Shen family, ang nag-iisa na nakababatang kapatid ng Madam Presidente.

Hindi makahintay ang iba na sumipsip sa kanya, pero sina Xinghe at Mubai ay parehong tumanggi na makita siya.

Ang pagkamuhi ni Shen Ru sa dalawa ay lalo lamang tumindi. Gayunpaman, malinaw pa din ang kanyang isip para maintindihan na hindi siya maaaring sumugod na lamang na tulad ng kanyang gusto.

Kaya naman, kailangan niyang magbago ng taktika. Dahil tumanggi si Mubai na makaharap siya, hahanapin niya si Madam Presidente para humingi ng tulong.

Nagmamadaling nagpunta si Shen Ru sa bahay ng presidente. Matapos na makinig si Madam Presidente sa reklamo niya, ay magaan nitong sinabi, "Tama lamang na kasuhan nila ito, dahil sumosobra at lumampas na talaga siya sa hangganan sa pagkakataong ito."