webnovel

Isang Pustahan

Éditeur: LiberReverieGroup

"Hindi pwede!" Seryosong tanggi ni Wolf, "Ang grupo ng tao na ito ay masyadong malaki, madali tayong matutunton at isa silang bungkos ng mga mahihinang babae."

Nalukot ang mukha ni Ali dahil tama ito. Nagpatuloy pa si Wolf, "Ali, tatlo lamang kami na nagpunta dito para iligtas ka; hindi na kakayanin pa ni Cairn na mag-isa. Ikaw lamang ang maililigtas ko dito o bawat isa sa atin ay mamamatay."

"Pero…" nahihirapang tumingin si Ali sa mga natatakot na mukha ng mga babae. Makakaya ba talaga naming iwanan sila?

Sinabi ni Wolf sa mga nagtatangis na ngipin, "Magagawa ninyong subukan na tumakas ng sarili ninyo pero pinaaalalahanan ko kayo laban doon dahil maaaring iniimbitahan lamang ninyo ang kamatayan."

"Hindi, kailangan kong lisanin ang lugar na ito, ayokong maibenta," iyak ng isang babae. Nagsimula ito ng chain reaction at nagmakaawa na sila kay Wolf na igiya sila sa ligtas na lugar.

Ang mukha ni Wolf ay seryoso. "Ikinalulungkot ko, hindi ko masisiguro ang kaligtasan ng maraming tao na maski sarili kong kaligtasan ay hindi ko magarantiyahan."

"Kung gayon ay susubukan naming tumakas ng sarili namin; kamatayan o impyerno sa mundo lang naman ang pagpipilian namin!" Isa sa mga babae ang may determinasyong sinabi ito. Ang grupo ng mga babae ay handa nang sumugod palabas pero pinigilan sila ni Xinghe.

"Manatili muna kayo dito, maaari na kayong umalis kapag patay na ang lahat ng guwardiya," sabi niya sa mga ito. Naguguluhan sila sa ibig sabihin nito. Hindi nagpaliwanag si Xinghe pero bumaling siya kay Wolf para magtanong, "Kung may sapat na suporta, may tiwala ba kayo sa sarili ninyo na mapatay ang lahat ng naririto?"

Tinanggap ni Ali ang pagkakataon para magpaliwanag, "Wolf, siya ang nagligtas ng buhay ko kanina."

Nagulat si Wolf bago matapat na sumagot, "Sigurado, ang mga lampang ito ay hindi namin katapat, pero kakaunti lang talaga ang tao namin sa ngayon."

Tiningnan ni Xinghe ang surveillance room na katapat nila at sinabi, "Sumunod kayo sa akin, umasa tayo na sana ay maging matagumpay ang pusta na ito."

Matapos noon, sumugod siya sa surveillance.

"Ano ang ginagawa mo?" Napahiyaw si Ali pero hinila pa din niya si Wolf kasama niya habang sinusundan niya si Xinghe.

Ligtas na narating nilang tatlo ang surveillance room. Agad na isinara ni Wolf ang pintuan, at ginalitan si Xinghe, "Masyadong mapanganib ang ginawa mo, kung may nakakita sa atin, patay na sana tayo."

Hindi siya pinansin ni Xinghe at naupo ito sa harap ng computer at nagsimulang magtrabaho.

"Ano ang ginagawa mo?" Lumapit si Ali para magtanong.

Ang mga daliri ni Xinghe ay tumitipa sa keyboard na kasimbilis ng kidlat. Nagtanong siya ng hindi man lamang inaalis ang mga mata sa screen, "Gumagamit kayo ng ear-mic, tama?"

Nagkatinginan sina Ali at Wolf bago naintindihan ang tinatanong niya. Hinawakan ni Wolf ang gamit na nasa kanyang tainga at sumagot, "Tama iyon, pero bakit mo itinatanong?"

"Maibibigay ko sa kaibigan mo ang lokasyon ng lahat ng kaaway."

Habang sinasabi niya ito, ang maliliit na parisukat ng surveillance footage ang lumitaw sa screen. Maliban sa mga lalaki ng kuta na iyon, nakita din nina Ali at Wolf ang kanilang mga kaibigan. Nakita ni Xinghe ang dalawang lalaki na nakikipaglaban sa labinglimang lalaki.

Nasa panganib sila kahit na halatang mas may karanasan ang mga ito. Masyado lang silang kakaunti. Gayunpaman, kung alam lamang nila kung saan nagtatago ang mga kalaban, mas magiging madali ang mga bagay. Naintindihan agad ni Wolf ang pahiwatig ni Xinghe. Nagmamadali siyang lumapit at kahit wala ang utos ni Xinghe, ginamit niya ang ear-mic para makipag-usap sa kanyang mga kasamahan kung saan nagtatago ang kanilang mga kalaban.

Sa utos ni Wolf, agad na nabaliktad ng mga tauhan nito ang laban. Napatumba nila ang maraming tao, pero hindi pa tumigil doon si Xinghe; nagsimula na naman siyang magtrabaho sa isa pang computer. Ang surveillance room ay napakasimple at magulo, mayroon lamang itong dalawang computer. Ang mga lalaking nagbabantay sa surveillance ay maaaring sumali din sa labanan, dahil walang tao doon.