webnovel

Isang Babae?

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi na makapagpokus sa buong araw si Shu Mei, iniisip ng husto ang dahilan kung bakit inaaya siya ni Saohuang na lumabas. Hindi kaya… interesado na din siya sa akin?

Ang isipin ito ay sapat para masabik siya ng buong araw. Ginugol niya ang buong gabi para ihanda ang sarili sa pagkikita nila kinabukasan. Halos lahat ay nagtatrabaho ng overtime sa panahong iyon pero nakahanap pa din ng dahilan si Shu Mei para makatakas sa trabaho.

Sinabihan siya ni Saohuang na makipagkita sa kanya sa isang tagong kainan. Maagang dumating si Shu Mei at si Saohuang ay ilang minuto na nahuli bago sa kanya.

Nakasuot ng isang itim at high-end na suit si Saohuang. Isang simpleng kasuotan pero pinatitingkad nito ang kanyang natural na kakisigan, pero ang presensiya niya ay hindi bababa kaysa sa aktuwal na prinsipe. Ang pagdating nito ay tila nagbigay buhay sa simpleng kainan.

Hindi naaalis ang tingin ni Shu Mei kay Saohuang. Ang kanyang mukha ay pulang-pula na tila isang hinog na mansanas, ang paghanga sa kanyang mga mata ay hindi na niya napigilan.

"Major Feng, matagal tayong hindi nagkita," mabilis na tumayo si Shu Mei para batiin ito.

Ngumisi si Saohuang. "Hindi na kailangan pang maging pormal, maupo ka."

"Salamat," magalang na sagot ni Shu Mei.

Magkaharap na naupo ang dalawa, nag-alok ng maliwanag na ngiti si Shu Mei at nananabik na nagkomento ito, "Hindi ko inaasahan na iimbitahan ako ni Major Feng na lumabas ng biglaan. Akala ko ay hindi na magtatagpo pa ang ating mga landas."

"Bakit iyan ang inisip mo? Magkasama pa din tayo, sigurado ako na ang kapalaran ay may mga paraan para ayusin ang lahat," sinabi ni Saohuang ng nakangiti, ang malalalim at maiitim niyang mata ay nakatutok kay Shu Mei.

Pinasikdo nito ang puso ni Shu Mei. Natural lamang na namali ang pagkakaintindi ni Shu Mei sa pakahulugan ni Saohuang. Inisip talaga niya na may kinabukasan silang dalawa ni Saohuang. Madali siyang nahulog sa patibong ni Saohuang.

"Kumusta ang trabaho nitong mga nakaraan?" Tanong ni Saohuang ng may pag-aalala.

"Hindi na masama pero masyado ka yatang abala," nahihiyang obserba ni Shu Mei.

Tumango si Saohuang ay sinadyang idagdag, "Abala nga. Oo nga pala, magkatunggali tayo sa panahong ito, ayos lang ba sa akin na ayain ka sa labas tulad nito?"

"Walang problema! Siyempre, hindi ito problema!" Mabilis na sinabi ni Shu Mei, "Kahit na magkakumpetensiya tayo, pero tulad ng sinabi mo, magkasamahan tayo. Saka, ito ay isang paligsahan na may mabuting intensiyon kaya naman sigurado akong ayos lamang ito."

"Mahusay ang pagkakasabi mo, gusto ko iyang sinabi mo," Puri ni Saohuang, na lalong nagpapula ng mukha ni Shu Mei.

Sinabi niya… sinabi niya na gusto niya ako!

Halos napatalon siya sa kanyang kinauupuan sa sobrang kasiyahan. "Major, napakagandang ideya nito, masaya ako at naisipan mo ito…"

"Ako din. Pero nakikita ko na pumapayat ka, masyado bang madaming trabaho? Sigurado ako na masyadong abala din ang iyong departamento," sinabi ni Saohuang ng nakangiti.

"Lubhang abala din ngayon pero halata namang mas mahusay ang tech department mo, kung pupwede nga lang ba na magtrabaho para sa iyo," may halong pagbibiro na komento ni Shu Mei.

"Sigurado ako na may pagkakataon diyan para sa hinaharap. Oo nga pala, narinig ko na ang departamento mo ay may bagong sali na tao, ano ang pangalan niya?" Tanong ni Saohuang.

Hindi naman nabahala si Shu Mei, kahit na siya man ay nabahala, siguro ay ibibigay pa din niya kay Saohuang ang impormasyon ng kusa.

Gayunpaman, ang pagkakabanggit kay Xinghe ang nagpabago ng ngiti nito na maging simangot.

"Mayroong bagong tao na sumali sa amin pero babae siya, hindi lalaki. Napakabata pa niya pero naitaas agad ang kanyang lugar para maging second-in-command ng aming pinuno sa kanyang unang araw. Siyempre, wala ni isa sa amin ang handang tumanggap dito."

Bahagyang itinaas ni Saohuang ang kanyang tasa ng tsaa at nag-uusisang nagtanong, "Gayun ba? Ano ang pangalan niya kung ganoon?"

"Xia Xinghe!"