webnovel

Ipagtanggol ang Kanyang Sarili (End ng Heart Mini Arc)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ang lahat ng ito ay kagagawan niya, at wala kang kinalaman dito. Naiintindihan mo ba?"

"Miss Tong, bakit mo ba ito ginagawa? Sinabi mo sa akin na…"

"Sino ka ba para tanungin ako?! Kung hindi mo susundin ang mga utos ko, hindi ko masisiguro kung ano ang mangyayari sa iyo, dahil alam mo na siguro, na mas mataas pa ako sa batas," mayabang na sambit ni Tong Yan at iyon ang nagpanginig sa security.

At sa sandaling iyon, naalala niya ang huling salita sa kanya ni Xinghe. Pagbabayaran mo ng mahal ang katangahan mo…

Totoo nga, napakatanga niya!

Niloko siya ni Tong Yan. At ngayon, wala na siyang pagpipilian; nakuha na si Xinghe at ang salarin ay si Tong Yan. Kung hindi niya susundin ang mga utos nito, ang resulta ay kamatayan niya. Ang tanging pag-asa niya ay sundin ang mga utos nito. Kahit na paniwalaan pa siya ng Madam Presidente, tulad ng sinabi ni Xinghe, ay pagbabayaran niya ito sa kahit anumang paraan…

Ang dapat niyang asamin ay ang kabayaran na sana ay hindi masyadong malaki.

Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Tong Yan. Kahit na biglaan ang pagdukot, hindi nagpakita ng anumang takot si Xinghe. Ang kakaiba lang, hindi ito ang unang beses na nadukot siya.

Ang mga lalaking nakasuot na itim ay hindi mapakali sa kanyang kalmadong hitsura. Gayunpaman, dahil nakatali naman na si Xinghe, wala na siyang magagawa kahit na may gusto siyang gawin. Ang pakikipagtulungan niya ay marahil pagsuko na lamang niya sa kanyang kapalaran.

Hindi naman ito isang pagkakamali dahil napagtanto ni Xinghe na ang paglaban ay wala na ding saysay. Iginapos na nila ang kanyang mga braso at paa at tinakpan ang kanyang mga mata. Hindi siya makakilos o makakita. Ang tanging bagay na nalalaman niya kung nasaan sila ay dahil sa kanyang pandinig.

Gayunpaman, kumpara sa mga tauhan ni Tianxin, ang mga taong ito ay mga propesyunal. Hindi nila binigyan si Xinghe ng anumang pagkakataon at habang daan, wala siyang nakuhang makabuluhang clues.

Sa wakas, inilabas na siya sa kotse at inilagak sa isang basement. Alam niyang nasa ilalim sila dahil sa amoy ng amag at ang taas ng kanyang pinagbagsakan. Nawala na ang mga lalaki at iniwanan na siya doon.

Inakala ni Xinghe na ang salarin ay lilitaw doon para personal na patayin siya o tawanan siya kaya naman talagang nasorpresa siya nang iniwanan na lamang siya ng mga ito.

Sa madaling salita, nandoon ba ang mga ito para patahimikin siya at hayaan siyang mamatay sa gutom?

Nawala si Xinghe!

Matagal na naghintay sa kanya ang grupo ni Ali, pero hindi ito nagpakita at ang telepono nito ay hindi matawagan.

Napagtanto nila na ang triangulation system ng kanyang telepono ay gumana ng ilang sandali bago nawala ang signal. Kaya naman, siguradong may nangyari kay Xinghe!

Nagsimula na silang mag-alala. Agad na kumilos si Sam. "Ali, maghintay ka dito kay Xinghe. Si Cairn ang kokontak sa Xi family ngayon at ibabalita ang tungkol dito. Kami ni Wolf ang aalis at maghahanap sa kanya."

"Okay!" Naghiwa-hiwalay na sila para gawin ang kani-kanilang mga tungkulin. Si Sam at Wolf ay pinangunahan ang security para maghanap kay Xinghe.

Kinontak ni Cairn si Elder Xi dahil kung may nangyari talaga kay Xinghe, kakailanganing malaman ito ng Xi family dahil sila lamang ang mga taong makakapagligtas dito.

Nang matanggap niya ang tawag ni Cairn, pumanglaw ang mukha ni Elder Xi. Ito na ang bagay na kinakatakutan niya, may masamang nangyari nga kay Xinghe!