webnovel

Hindi Makalampas sa Pamamagitan Niya

Éditeur: LiberReverieGroup

"Talaga bang nagsimula ka nang mahulog sa babaeng ito?" Matalas pa din ang isip ni Lolo Xi. Ang biglang pagkalas ni Mubai ay hindi para lamang sa sarili nito. Siguradong may kinalaman din si Xinghe dito.

Ang katotohanan na ginusto niyang suwayin ang ina para lamang salungatin ang Chu Family para sa kapakanan ng isang babae ay nangangahulugan na, sa ibang antas, ang apo ko na ito ay may gusto sa kanya.

Gayunpaman, maraming paraan para putulin ang isang kasunduan ng pagpapakasal. Wala namang rason para maging malupit.

Hindi naman ito inamin o itinatwa ni Mubai.

Gayunman, halata naman na isa itong tahimik na pag-amin.

Nagpatuloy sa pagtatanong si Lolo Xi ng may ngiti, "O, balak ba ninyong dalawa na magpakasal muli?"

Sa pagkakataong ito sumagot si Mubai ng, "Nasa isip ko ito."

"Hindi naman sa akin," biglang sambit ni Xinghe. Ang tono niya ay mabilis at mariin.

Hindi na siya nasorpresa na may plano si Mubai na pakasalan siyang muli.

Dahil wala siyang pakialam kung ano ang plano nito.

Natawa si Lolo Xi, sa pagkakataong ito ay may bahagyang pangmamata. "Nag-aalala ka ba na hindi ka tatanggaping muli ng Xi Family?"

"Sinisigurado ko sa inyo, hindi iyan parte ng ipinag-aalala ko." Dahil wala na akong intensiyon na bumalik.

"Malakas ang loob ng isang ito," Kutya ni Lolo Xi.

Hindi na gusto pang magsayang ni Xinghe ng oras sa mga kalokohan kay diniretso na niya ito, "Sir, ang rason kung bakit ako narito ngayon, maliban sa makita ang anak ko, ay para makita kayo. Gusto ko sanang hilingin sa inyo na makuha ang kustodiya niya ng ilang taon, sana ay mapayagan ninyo ang aking kahilingan."

Nakaramdam ng pananakit ng ulo si Mubai.

Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na huwag mo na itong sabihin sa lolo ko?

Ang lolo niya ay hindi madaling pakisamahan tulad ng iba sa kanila.

Tama nga, nalukot ang mukha ni Lolo Xi. "Ano ang sinabi mo?"

"Lolo, nagsalita siya ng wala sa lugar dahil masyado niyang mahal ang kanyang anak."

"Huwag kang makialam dito at huwag mo siyang ipagtanggol! Ang lakas ng loob niyang humingi ng ganitong kahilingan! Ako, si Xi Gang ay mayroon lamang isang apo sa tuhod, saan niya kinuha ang lakas ng loob para humigi ng ganitong kahilingan? Sino ang nagsabi sa kanya na pwede nyang kuhanin ang bata palayo sa Xi Family?!" Galit na sigaw ni Lolo Xi, ang tingin niya ay matalim na kayang makatagos sa bato.

"Ako," sagot ni Mubai ng hindi na nag-isip.

Napatitig sa kanya ang lolo niya sa pagkabigla, kahit si Xinghe ay bahagyang nagulat.

Sinalubong ni Mubai ng walang takot ang tingin ng kanyang lolo at nagpatuloy, "Lolo, may dahilan kung bakit kami nagdiborsyo maraming taon na ang nakaraan. Niloko siya para makipagdiborsyo, ang kasalanan ay wala sa kanya…"

"Kung ganoon ay kasalanan niya sa pagiging tanga para hayaang maloko siy!"

"…Iyon ay dahil mayroon siyang amnesia at wala siyang natanggap na tulong mula sa Xi Family. Nasukol siya at pansamantalang nawala ang kakayanan niya."

"Isa iyong senyales ng kanyang kahinaan. Ang Xi Family ko ay hindi kailanman tumatanggap ng mahina o hahayaang gamitin ang ating mga anak na palakihin ng mahina!"

"Lolo, hindi mo pupwedeng gamitin ang standards mo para sukatin siya."

Nanunuya ang Lolo niya na nag-anunsiyo ng malahari, "Sa pamilyang ito, ako ang standard!'

"Kaya nga naririto si Xinghe ngayon para humingi ng permiso mo."

"Ang sagot ko ay HINDI!" Pinal na sinabi ni Lolo Xi, hindi man lamang naawa sa mararamdaman ng isang mahinang babae.

Salamat na lamang, walang mahina kay Xinghe.

Kahit na nahaharap siya sa nakakamanghang presensya at sa masungit na pananalita ni Lolo Xi, hindi siya natinag.

"Narinig mo ang sinabi ng lolo ko. Hindi ito ang tamang paraan para gawin ito." Itinaas ni Mubai ang kanyang ulo para tingnan si Xinghe.

Tinitigan siya ni Xinghe at nagtanong ito, "Ang ibig mo bang sabihin ay pumapayag ka na alagaan ko si Lin Lin ng ilang taon?"

"…"

May problema ba siya sa pag-intindi?

Hindi ba nito makita ito ang paraan niya para tulungan ito na mailaban ang argumento nito?

Syempre, hindi pa siya pumapayag na ibigay dito ang anak nila, ayaw lamang niyang mag-isa nitong salubungin ang galit ng lolo niya…