webnovel

HINDI MADALING KALABANIN

Éditeur: LiberReverieGroup

Pakiramdam ni Chengwu ay umikot ang kanyang paningin…

"Itay—" hiyaw ni Xia Zhi at patakbong sinalo si Chengwu bago ito matumba.

Maputla si Chengwu at nakapikit ang mga mata nito.

Agad na lumapit si Xinghe at nag-utos, "Xia Zhi, tumawag ka ng ambulansya."

"Okay" nanginginig na sagot ni Xia Zhi. Habang tinatawagan niya ang ospital sa kanyang telepono, nilalapatan naman ni Xinghe ng paunang-lunas si Chengwu.

Wala siyang kaalaman sa first aid pero agad niyang binuhat si Chengwu at inihiga sa sofa upang maging maayos ang paghinga nito.

Ang landlord at ang mga taong nag-uusyoso ay nahintakutan sa biglaang pangyayari.

Agad na nag-alisan ang mga nag-uusisa dahil sa takot na pati sila ay masangkot sa mahirap na sitwasyon kung may mangyaring masama kay Chengwu.

"Wala akong kinalaman dito, bahagya ko lamang siyang nahawakan. Hinimatay siya ng kusa," depends ng landlord habang nagmamadali itong umalis.

Tinitigan ng masama ni Xinghe ang landlord. Napako ito sa kanyang kinatatayuan.

Ang nahihintakutang landlord ay matigas na tumatanggi, "Sinabi ko na sa inyo, wala akong kinalaman diyan, hindi ako papayag na sa akin ninyo isisi ito!"

"Kung aalis ka ngayon, nangangako ako na gagawin ko ang lahat para mapanagot ka sa korte. Subukan mong umalis ngayon," nakangiting sabi ni Xinghe. Ang tono niya ay hindi halata na may pagbabanta.

Natatarantang tumayo na lamang sa isang tabi ang landlord, nakinig sa babala ni Xinghe…

Nang dumating na ang ambulansiya at nailabas na lulan ng stretcher si Chengwu, nilapitan ni Xinghe ang landlord.

Habang tinititigan ng landlord ang maliit at payat na babae sa harap niya, may isang maliit na tinig na nag-uudyok sa kanya na hindi dapat kalabanin ang babaeng ito.

Nagkaroon siya ng agam-agam. Mas malakas siya at kayang-kaya niyang sakalin gamit ang isang kamay ang babaeng ito, bakit ba siya natatakot dito?

Bago pa siya makakilos at makagawa ng kahit ano, tinanong siya ni Xinghe, "Sino ang nag-utos sa iyo na gawin ito?"

"Ano?" napaatras ang landlord.

Ayaw nang magpaliguy-ligoy pa ni Xinghe kaya inulit niya ang tanong, "Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sa iyo na palayasin kami ngayon at hindi kita idadamay. Kung hindi, sa susunod ay magkikita na tayo sa loob ng hukuman."

Hindi nagbibiro ang babaeng ito. Seryoso siya.

Kahit na binalaan siya na huwag isiwalat ang totoong nag-utos sigurado siyang hindi siya papalampasin ni Xinghe hangga't hindi siya nagbibigay ng pangalan ng may pakana nito.

Inisip niya ang lahat at napagtanto niyang hindi niya gusto na madamay pa sa demandahan dahil lamang sa problema ng ibang tao.

Nagkibit-balikat ang landlord, "Isang babae ang nagbigay sa akin ng pera para palayasin kayo dito. Wala akong alam sa kanya maliban sa apelyido niyang Wu."

Wu Rong!

Agad na pumasok sa isip ni Xinghe ang pangalang iyon. May mga plano na siya kung paano niya babalikan ang babaeng ito pero naunahan siya ni Wu Rong.

Dahil gusto niyang maunang mamatay, pagbibigyan ko siya!

Agad na tumalikod si Xinghe at sumakay sa ambulansiya. Hindi akalain ng landlord na para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan pag-alis ni Xinghe.

Sa ospital, nalaman ni Xinghe at Xia Zhi na dalawang beses na palang hindi sumipot sa dialysis session si Chengwu.

Pero sinabi ni Chengwu sa kanila na nagpunta siya sa ospital.

Ang totoo pala ay itinatabi niya ang pera para sa kanyang panggamot para mabayaran ang pagpapagamot ni Xinghe.

Lumala na pala ang sakit nito at muntikan na siyang mawala sa piling nila.

Ipinaliwanag sa kanila ng doktor sa seryosong tinig, "Ang lagay ng pasyente ay stable na sa ngayon ngunit hindi na niya kakayanin pang mabuhay ng matagal kung hindi siya mabibigyan ng agarang transplant. Mabuti na lang at may last-minute opening, kaya kung kayo ay papayag, agad naming siyang isasalang sa operasyon para bukas."

"Dok, mga magkano po ang magagastos sa operasyon?" tanong ni Xia Zhi sa malungkot na tinig.