webnovel

Hindi Ganoon Kasimple

Éditeur: LiberReverieGroup

"Sa ngalan ng pagkakapantay-pantay, sabihin mo ang paksa kung saan ka mahusay at doon ka namin bibigyan ng pagsusulit. Siyempre, ang paksa ay dapat na may kinalaman sa mga pananaliksik na ginagawa dito. Pero huwag kang mag-alala. Hindi namin inaasahan na alam mo ang lahat basta maipasa mo ang mga pagsusulit sa larangang ikinahusay mo ay ikukunsidera namin nitong pagkapanalo mo," mapagbigay na sabi ni Ruobing. Sa oras na ito ay nagagawa niyang maging tapat.

Ngunit, ang katotohanan na sinabi niya ang impormasyong ito matapos tanggapin ni Xinghe ang hamon ay hindi kanais-nais. Dapat ay sinabi na niya kay Xinghe noong una pa lamang na hindi siya makakaharap sa hamon kung hindi ang mga eksperto na naroroon.

Nahulaan na ni Luo Jun ang pandarayang ito na ginagawa nito kaya nagsisisi siya kung bakit hindi niya napigilan si Xinghe noong may pagkakataon pa.

Dahil, ang pinakamahihirap na hamon ay hindi manggagaling kay Yun Ruobing kundi mula sa mga siyentipiko at mga propesor na naririto.

Kahit gaano pa katalentado si Xinghe, bata pa ito, kaya paano siya makikipagkumpetensiya sa mga dekada na ang kaalaman?

Huwag pang sabihin ang iba pang restriksyon na ibinigay ni Ruobing. Ang paksa na sinabi niya ay dapat na may kaugnayan sa mga pananaliksik na ginagawa sa lab.

Ang ibig sabihin nito ay mga subject na tulad ng mathematics, physics, biology, o computer science.

Wala sa mga subject na ito ang madaling matutunan. Kaya paano posible kay Xinghe na maging dalubhasa sa mga ito sa kanyang murang edad?

Sa kahit anong tingin, wala ni isa man ang kumakampi sa kanya, dahil wala namang rason para doon.

Lahat maliban sa iisa…

Nakatayo sa labas ng pintuan, isang malaking lalaki ang pinag-aaralan si Xinghe ng mauti, ang mga pares ng mata nito ay kumikislap sa kagalakan.

Naniniwala siyang kaya ni Xinghe na gulatin ang lahat ng naririto.

Syempre, maliban sa misteryosong lalaking ito, ang pinakamalaking kakampi ni Xinghe ay ang kanyang sarili!

Unti-unti niyang inaakyat ang ituktok ng walang tulong kung hindi ang sarili lamang niya.

Hindi siya apektado sa maliit na pandaraya ni Ruobing. Wala siyang pakialam kung sino ang kanyang kalaban.

"Well, mabuti at alam mo kung hanggang saan ang kakayanan mo at hayaang iba ang makipagkumpetensiya sa iyong lugar. At natakot pa naman ako na baka mabilis na matapos ang hamon," nagawa pa nitong magpasaring.

"Ikaw…" nagtangis-bagang si Ruobing sa galit pero noon niya napagtanto na ang kayabangan ni Xinghe ay maaaring maging pabor sa kanya. Sa ganitong paraan ay hayagan niyang makukuha ang pinakamagaling na propesor para tapusin si Xinghe.

"Tama na ang satsat. Sabihin mo sa akin ang mga subject na gusto mo."

"Pamilyar sa akin ang computer science at mathematics." May alam din ng kaunti si Xinghe sa biology, physics, at iba pang hard sciences pero hindi na kailangan pa niyang ipakita ang kanyang alas.

"Sige, kung gayon ang pagsusulit ay magmumula sa mathematics at computer science!" Bahagya pang mapigilan ni Ruobing ang ngiti na susungaw sa kanyang labi.

Inisip niyang ang tanging sasabihin ni Xinghe ay computer science dahil sa maliit na insidente ng hacking para ipakita ang husay nito dito, pero mathematics?

Ang subject na iyon ay kumplikado at mahirap maging dalubhasa dito.

Kahit na maswerte pa siya para maipasa ang pagsusulit sa computer science, nakatakda siyang pumalya kapag napunta na siya sa mathematics na pagsusulit.

Ang isang kumplikadong mathematical equation ay sapat na para mapalayas siya!

Hindi na makapaghintay na makita ni Ruobing ang babaeng malakas ang loob na hamunin ang awtoridad niya, na lumayas.

Marahil ito ay ang selos sa pagitan ng dalawang babae, pero kapag mas tumataas ang tiwala ni Xinghe sa sarili, mas nananaig kay Ruobing ang pakiramdam na supilin ito.

Hindi siya makakapayag na may isa pang babae na nakawin ang kanyang kasikatan.

Ang pagsusulit ay isinasagawa sa isang lab.

Ito ay ang kinalalagyan ng pinakabagong super computer kaya naman ang silid ay malaki at sapat na para magkasya ang maraming tao.

Sa normal na araw, ang lab na ito ay ginagamit sa pag-eeksperimento ng mga grupo pero para sa araw na iyon, naging isa itong silid ng pagsusulit.

Sumunod sa kanila ang pulutong ng mga tao, umaasa na mapanood ang kaguluhan.

Ang pagtatrabaho sa lab ay paulit-ulit at nakakabagot kaya naman basta may hamon na nagaganap, isa itong malugod na paraan ng pagpapalipas-oras.

Inaalis nito ang mga isip nila sa nakakabagot na trabaho at nagbibigay ng pagkakataon sa kanila na mapalawak ang kanilang kaalaman sa isang nakakalibang na paraan.

Gayunman, marahil ay wala silang matututunan sa hamon sa araw na iyon.