webnovel

Gustong Makita ang kanyang Apo? Imposible!

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang damit na suot ni Tianxin ay limang beses na higit ang presyo ng kaysa kay Xinghe pero ang damit ang mas maraming atensiyon kaysa sa kanya.

Kapag tumingin ang mga tao sa kanya, ang atensyon nila ay mapupunta sa damit at hindi sa taong maysuot nito!

Sa pangkalahatan, nanalo si Xinghe.

Si Xinghe, na bahagyang naaayusan, ay mas mukhang masigla kaysa ng dati.

Habang nakikita ang kasuklam-suklam na babae na may mababang uri ng pamilya kaysa sa kanya na mas maganda ang porma sa kanya, sumulak ang apoy at galit sa loob ni Tianxin!

Hindi lamang siya, sa sandaling makita ni Ginang Xi si Xinghe, halos nawalan siya ng kontrol sa kanyang galit.

Wala na siyang pakialam sa kagandahang-asal at marahas niya itong ginalitan, "Ano ang ginagawa mo para magpakita sa oras na ito? Ano bang klase ng lugar ang tingin mo sa bahay ng mga Xi? Sa tingin mo ay makakapasok ka dito kahit anong oras mo gustuhin?!"

"Xinghe, nagkamali ka sa pagkakataong ito," Segunda ni Tianxin.

"Sinasabi ko na nga ba na huwag na akong umasa pa sa isang babaeng nagmula sa isang sirang pamilya na maipakita ang simpleng paggalang!" Masungit na punto ni Ginang Xi.

Inilalabas ng dalawa ang kanilang galit kay Xinghe pero malamig pa rin siya tulad ng isang pipino.

Malumanay siyang sumagot, "Paumanhin pero maaari bang ipaalam ni Ginang Xi kung saan ako eksaktong nagkamali?"

"Wala ka pa ding ideya kung ano ang ginawa mo? Sa tingin mo ay pupwede kang pumunta sa bahay ng Xi Family anong oras mo gustuhin?!" Galit na galit na si Ginang Xi na pinaghintay siya ni Xinghe ng buong araw at ngayon wala pa ding ideya ang babae kung bakit ginagalitan niya ito? Handa ng sumabog ang galit ni Ginang Xi.

Nagsususpetsa siyang sinadya ni Xinghe na magpahintay hanggang hapunan bago magpakita.

Napakurap ng bahagya si Xinghe. "Alam kong ang bahay ng Xi Family ay isang lugar na hindi ko pupwedeng puntahan kung kailan ko gusto kaya nga ipinaalam ko sa security ang pagpunta ko rito kahapon."

"Ang ibig mo bang sabihin ay kaya mo kami pinaghintay ng buong araw para sa iyo?"

"Naghihintay sa akin si Ginang Xi ng buong araw?

Nasorpresang sambit ni Xinghe. Napaubo si Ginang Xi sa kahihiyan.

Paano ba niya hinayaang madulas siya na hinihintay niya si Xinghe na parang tanga buong umaga at hapon?

Hindi man lang mukhang humihingi ng patawad si Xinghe "Wala akong idea na hinihintay ako ni Ginang Xi dahil iniisip ko na alam ng lahat na darating ako sa gabi dahil natatakot ako na baka abala ang mga tao sa umaga. May pasok din si Lin Lin sa araw, hindi ba? Kaya sa gabi ako pumunta."

Tama naman ang punto ni Xinghe sa kanyang argumento, pero hindi siya papalampasin ng ganoon na lang ni Ginang Xi.

Malubha pa rin siyang pinagalitan nito, "Kung gayon ay kasalanan mo ito dahil hindi mo nilinaw ang oras!"

Hindi kinakitaan ng pagkainip si Xinghe kahit na patuloy siyang tinutuya.

Tumango pa siya para aminin ang pagkakamali niya!

"Tama si Ginang Xi. Nagkamali nga ako sa isyu na iyon. Dapat ay nilinaw ko ang oras ng pagdating ko ng mas malinaw. Hindi ko na uulitin pa ang pagkakamaling ito. Maaari na ba akong payagan ni Ginang Xi na makita ang anak ko ngayon? Iyon naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon."

Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ni Ginang Xi ng marinig na inamin nito ang pagkakasala.

Pero ang makita ang apo niya? Hindi pwede!

Mayabang na sumandal sa sofa si Ginang Xi at pinagalitan siya, "Xia Xinghe, anong klase ng tao sa tingin mo ang apo ko? Iniwan mo siya ng maraming taon ng hindi mo binibisita at ngayon ay gusto mo siyang makita? Sino ka ba sa tingin mo?"

"Ako ang biolohikal na ina ni Xi Lin." Deretsang sagot ni Xinghe. Sapat na siguro ang sagot na iyon.

Narinig ni Ginang Xi ang pakahulugan ng kanyang mga salita at nagalit itong muli. "Ano'ng klaseng ina ang iiwan ang kanyang anak ng maraming taon ng wala man lamang pasabi dito?!"

"Pero hindi ba't iyon ang gusto ni Ginang Xi?"