webnovel

Dalawang Gutom na Aso

Éditeur: LiberReverieGroup

Umalis ang dalawang lalaki matapos nilang pagbantaan siya.

Sa oras na iyon, tumunog ang telepono ni Xinghe.

Habang bumibyahe sila patungo rito, walang ginawa sa kanya ang mga kidnapper. Ni hindi nila kinuha ang kanyang telepono.

Alinman sa dalawa, sobra silang tanga o may binabalak na iba ang mga taong ito.

Hindi kumikilos tulad ng kidnapper ang mga ito, masyado silang baguhan.

Nilibak ni Xinghe ang mga ito at sinagot ang telepono niya.

Mula ito kay Mubai.

30 minuto na ang huling pag-uusap nila at nag-aalala na siya dahil hindi pa dumadating si Xinghe.

"Malapit ka na ba?" Mahinang tanong ni Mubai, "Masyadong madaming traffic?"

"Nakidnap ako," direktang sambit ni Xinghe.

"Ano?!" Sinubukan ni Mubai na pigilin ang sarili na huwag sumigaw sa restaurant, "Nasaan ka na ngayon?"

Si Lin Lin na nakaupo sa kanyang tapat ay nakita ang reaksiyon niya at nagsimula ng mag-alala sa kanyang kinauupuan. Ang kanyang pares ng maiitim na mga mata ay nakatuon kay Mubai.

"Nandito ako sa isang klase ng abandonadong steel warehouse sa labas ng lunsod, mga 15 minuto ang layo mula sa First Hospital," kalmadong paliwanag ni Xinghe, "Simula sa ospital at magmaneho ka pakanluran ng 10 minuto pagkatapos ay maririnig mo ang tunog ng malapit na kampanaryo. 5 minuto pa ng pagmamaneho matapos noon at malapit ka na sa kinaroroonan ko. Nakakulong ako ngayon sa loob ng isang klase ng pagawaan. Wala sa ngayon ang mga kidnapper, inaasahan ko na naghahanda sila ng plano para patayin ako."

"F*ck!" Pagmumura ni Mubai habang napatalon ito mula sa kanyang kinauupuan.

Ang galit niya ay mararamdaman mo at ang mga mata niya ay kumikinang na may hangaring pumatay.

Halos hindi sapat ang matinding galit para ilarawan ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Mayroong tumatarget sa buhay ni Xinghe!

Maliban pa doon, medyo galit din siya kay Xinghe. Paano pa niya nagawang maging kalmado sa oras na ito? Hindi ba siya nag-aalala man lamang kahit katiting para sa kaligtasan niya?

Tumakbo palabas ng restaurant si Mubai, nakalimutan na ang anak niya ay nandoon pa.

"Sino ang kumidnap sa iyo at ano ang kanilang anggulo? Sabihin mo sa kanila na hangga't hindi ka nila sinasaktan, maipapangako natin ang kahit ano!"

Ininspeksiyon ni Xinghe ang pagawaang walang laman ng mas malapit at sumagot, "Ang layunin nila ay ang buhay ko. Sinabi nila na tauhan sila ni Chui Ming…"

Bang! Bago pa matapos ni Xinghe ang pangungusap, ang pintuan ay itinulak pabukas at dalawang anino ang tumalon papasok ng silid.

Ang isa sa kanila ay kumahol at marahas na sumugod sa kanya.

Natatarantang tumalon si Xinghe palayo dito at nalaglag mula sa kanyang pagkakahawak ang telepono.

Nakaligtas siya sa kamatayan sa gahibla ng buhok. Kung mas mabagal siya ng isang segundo ay siguradong napako na siya sa sahig.

Matapos makaiwas, hindi siya tumigil para huminga, nagsimula siyang tumakbo.

Dalawang malalaking aso ang nababaliw na humabol sa kanya…

Ang pintuan ng pagawaan ay muling sumara at ang mga lalaki sa labas ay nagsimula ng tumawa. "Paalala lang, ang dalawang 'yan ay hindi napakain ng isang linggo kaya sigurado ako na hindi na sila makahintay na makagat ka! Ang swerte mo, makikita mo ang sarili mo na kinakain ka ng buhay!"

Napako ang pokus ni Xinghe at tumalon sa dingding, mabilis na humawak sa mga grills ng bintana na 2 metro ang taas mula sa sahig.

Gayunpaman, sa oras na iyon, isa sa mga aso ay nakagat ang pinakalaylayan ng pantalon ni Xinghe!

"Alisin mo—" pagmumura ni Xinghe habang sinisipa niya ito sa ulo. Sa oras na niluwagan ng aso ang kagat nito, umakyat si Xinghe sa steel grille. Ang katawan niyang nakabitin sa dingding ay nasusuportahan ng lakas ng kanyang mga braso.

Ang dalawang gutum na gutom na aso ay patuloy siyang tinatalon, sinusubukang makakagat sa kanyang paa.

Ang dalawang paa ni Xinghe ay nasa window grill pero ang bintana ay nakasara at ang espasyo sa pagitan ng mga grill bars ay masyadong maliit, bahagya lamang nagbibigay ng espasyo sa kanya na mailagay ang kanyang mga paa at balansehin ang sarili.