webnovel

Ang Pagiging Mahusay ay isa ding Kasalanan

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ang kanilang mga digital footprint ay magaling din nilang napagtatakpan, kaya naniniwala kami na kayang gawin ito ni Xia Xinghe."

Matapos itong marinig ni Xinghe, tumango siya. Naguluhan sina Gu Li at Yan Lu sa kanyang pagtango, pero naintindihan ito ni Munan. Ikinunsiderang lahat ni Saohuang sa pag-frame kay Xinghe. Kung si Xinghe ay isa lamang normal na sibilyan, ang ilagay ang pangalannito sa listahan ay walang anuman pero ang mga bagay ay naiiba dahil nagkataon din na mahusay siya sa mga computer…

Mas mahirap ipaliwanag ang pagsususpetsa sa kanya. Isa pa, ang Xi family ay napagdudahan na din ng parehong kaso at si Xinghe ay may kaugnayan sa Xi family. Damay na silang pareho.

"Kaya naman, pakiusap ay sumunod ka sa amin at huwag mo na kaming pahirapan pa," malamig na sabi ng namumunong opisyal.

Nakipagtalo si Munan, "Inosente si Xinghe hanggang sa napatunayan na, hindi ninyo siya pwedeng arestuhin dahil lang sa isang pagdududa, ikukuha namin siya ng grupo ng mga abogado! Personal na ginagarantiyahan ng aming Xi family na inosente siya."

Binigyan siya ng namumunong opisyal ng isang tingin na katumbas ng isang kibit-balikat at sinabi, "Kahit na ano pa ang mangyari, kailangan niyang sumunod sa amin."

"Kung gayon, sasama ako sa kanya."

"Sakto lamang dahil may ilang katanungan din kami para sa iyo."

At ito ang paraan kung paano nasali si Munan sa imbestigasyon.

Walang isyu si Munan doon, tumingin siya kay Xinghe at determinadong sinabi, "Halika na, tara na."

Tumango si XInghe at umalis na sila lulan ng kotse ng pulis. Mabilis ang pagkilos ng Xi family dahil nang dumating na sila sa presinto, may sampung abogado na naghihintay sa kanila. Dahil sa kanilang presensiya, hindi nangahas na may gawing labag sa batas ang mga pulis laban kay Xinghe pero kailangang magpatuloy ng interogasyon.

Lubusang nakikipagtulungan naman si Xinghe, sinagot niya ang lahat ng tinanong ng mga pulis. Gayunpaman, kahit gaano pa niya igiit ang kanyang kainosentehan, kahit na isinuko pa niya ang kanyang personal na computer para suriin, wala pa din itong kwenta. Ito ay dahil sa napakahusay niya, na naniniwala ang mga pulis na kaya niyang manipulahin ang internet ng walang iniiwanang bakas. Walang ideya si Xinghe na, isang araw, ang kanyang abilidad ang magiging malaking balakid sa kanya. Ang pagiging mahusay sa kanyang gawain ay isa ding kasalanan!

"Sa ibang salita, kahit na ano pa ang sabihin ko o anumang pruweba ang ibigay ko, wala sa inyo ang maniniwala sa akin?" Tanong ni Xinghe.

Ang opisyal na nagtatanong ay nagbalik tanong din, "Sa tingin mo ay dapat ba kaming maniwala?"

"Kailangan mong maniwala, pero ang tanging masasabi ko sa iyo, pini-frame ako."

"Sino ang nag-frame sa iyo? Ano ang benepisyong makukuha nila doon?"

"Sino nga ba ang nakakaalam," sagot ni Xinghe ng nagkibit-balikat. Hindi niya masabi na si Saohuang dahil magdadagdag na naman ito ng isa pang kaso sa kanyang pangalan. Sa ibang salita, kailangan niyang makakuha ng dahilan at ebidensiya na na-frame siya bago niya malinis ang pangalan niya…

Sa kabilang silid, ibinibigay din ni Munan ang kanyang pahayag. "May isang taong sigurado na pini-frame si Xinghe. Ang layunin ng taong ito ay puntiryahin ang aming Xi family. Noong nakaraan, na-frame din ako sa parehong paraan pero ang plano ng taong ito ay pumalya kaya naman sinubukan din nila itong gawin sa isang taong may kaugnayan sa aming Xi family dahil madadamay nito ang aming Xi family sa pagtagal."

"Kung gayon, may ideya ba si Major Xi kung sino ang makakagawa ng ganitong bagay?" Tanong ng pulis.

Tulad ni Xinghe, alam ni Munan kung sino ang gumagawa nito pero hindi niya ito masabi.

"Wala akong sasabihin ng walang ebidensiya, pero isa itong tao na may hindi mabuting kasaysayan sa aming Xi family, ito ang dapat na imbestigahan ninyo."