webnovel

ANG BISITAHIN SI XIA XINGHE

Éditeur: LiberReverieGroup

Halatang hindi ito ang dahilan ng kanyang kasiyahan.

Napakunot-noo si Ginang Xi, "Huwag mong sabihin sa akin na nakalimutan mo ang bagay na ito?"

Talagang nawala nga sa isipan niya.

Nagkibit-balikat si Mubai at nagtanong, "Kailan nga ba ito?"

"Pagkatapos mo mag-agahan, sunduin mo na si Tianxin at magpunta na kayo sa bridal shop. Pagkatapos ng fitting, pwede na kayo mag-lunch ng magkasama," suhestiyon ng kanyang ina na nakangiti.

Mas gusto niyang ang dalawang magkasintahan ay magkaroon ng oras sa isa't isa.

Tumango ng bahagya si Mubai, "Sige."

Walang masyadong opinyon si Mubai pagdating sa usapin tungkol sa relasyong pampuso, kaya mas gusto niyang hayaan ang kanyang magulang na pumili ng kanyang magiging kasintahan.

Katulad ng pagsunod niya sa bilin ng ama noon na pakasalan si Xia Xinghe, ngayon naman ay susundin niya ang kagustuhan ng ina na pakasalan si Chu Tianxin.

Hindi alam ng kanyang mga magulang na tinatrato ni Mubai na isang misyon ang pagpapakasal na ito, basta matapos lang ang lahat.

Hinahayaan niya ang pamilya niya at hindi niya alintana ang future wife niya kaya wala siyang pakialam kung sino man iyon.

Bukod sa pamilya niya, ang tanging interes niya ay ang computer science.

Mas interesado siya sa mga bagay na computer-related.

Kahit na nasa tabi na niya si Tianxin, iniisip pa din niya si 001.

"Mubai, ano ang iniisip mo? Kanina ka pa tahimik mula noong dress fitting," tanong ni Tianxin.

Agad na natigil sa malalim na pag-iisip si Mubai, "Oh, hindi naman importante."

"Sabihin mo sa akin, gusto kong makatulong kahit paano," tuloy ni Tianxin, nagbabakasakali na humaba ang usapan.

Sumagot si Mubai, "Iniisip ko si Lin Lin. Sinabi kasi niya sa akin kaninang umaga na masama ang pakiramdam niya, nag-aalala lang ako sa kanya."

Sa totoo lang, hindi naman talagang nagsisinungaling si Mubai dahil nasabi naman talaga ni Xi Lin na masama ang pakiramdam nito…

Pero alam ni Mubai na nagtatantrums ang bata dahil aalis siya ng bahay para samahan sa dress fitting si Tianxin…

Napasimangot si Tianxin pero agad din itong nawala ng mapagtanto niya na mas mahalaga kay Mubai ang anak ng ex niya kesa sa kanya.

Ang dami niyang ginawa para mahalin siya ni Mubai pero ang mas inalala nito ay ang anak niyang ito!

Pero kinunswelo niya ang sarili, dahil mas mahalaga pa din dito ang pamilya. Pinaplano na niyang magkaroon ng madaming anak dito.

At makakalimutan na din niya si Xi Lin kapag nangyari iyon.

"Huwag ka ng mag-alala, madaming mag-aalaga kay Lin Lin. Alam kong magiging maayos din siya," kunswelo ni Tianxin ng may ngiti, nangangamba na baka hindi ituloy ni Mubai ang samahan siyang mananghalian para umuwi at alagaan ang anak.

Para mawaglit sa isip ni Mubai at maiba ang paksa ng usapan, sinabi niya, "Mubai, wala akong natanggap na update tungkol kay Xinghe pagkatapos natin siyang makita. Nag-aalala ako sa kanya, nasabi mo na ba kay Lin Lin ang tungkol sa kanya?"

Nang maalala si Xinghe, naging interesado si Mubai sa latest update dito.

"Hindi ko siya binabanggit kay Lin Lin, masyado pang maaga para doon. Sa totoo lang, masyado akong abala para malaman kung ano na ang kalagayan niya ngayon. May kaunti naman tayong oras ngayon, bakit hindi natin siya bisitahin?" biglaang desisyon ni Mubai, na nagpagulat kay Tianxin.

"Gusto mo siyang bisitahin ngayon na?"

"Bakit hindi? Mayroon akong gustong ibigay sa kanya at kung hindi ako nagkakamali, malapit lang ang bahay nila."

Agad na nagsalita si Chang An na nakaupo sa harapan, "Tama si CEO Xi. Malapit lamang dito ang bahay ni Miss Xia, mga 10 minuto lang mula rito."

"Then it's decided, puntahan na natin siya."

"Yes, sir." Sagot ni Chang An at nagmaneho na patungo sa bahay nila Xinghe.

Hindi makapagsalita si Tianxin.

Hindi nasunod ang kanyang plano ngayong araw. Hindi ba dapat at papunta na sila sa romantic lunch nila ni Mubai? Bakit kailangan pa nilang puntahan ang buwisit na Xinghe na iyon?

Isa pa, batay sa usapan ni Mubai at ng alalay nito, parang may dati ng contact si Mubai sa dati nitong asawa, dahil alam nito kung saan ang tirahan nito.