webnovel

Ang Babae sa Larawan

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Mubai. Sa halip ay lumingon siya sa tagapagsilbi at sinabi, "Dahil narito na ang lahat, maaari mo nang simulang isilbi ang mga pagkain."

"Opo, Mr. Xi." Yumuko ang tagapagsilbi at kumilos na para sumunod.

Ang pangungunot ng noo na nasa mukha ni Ginang Xi ay naroon pa din ng magkomento ito, "Mubai, hindi mo pa din sinasagot kung bakit siya naririto."

"Inimbitahan ko siya." Tiningnan ni Mubai ang buong grupo at sinabi, "Maupo na kayo at maging kumportable na."

"Mubai, bakit hindi mo isinama si Lin Lin?" Natural na pinili ni Tianxin ang upuan sa tabi nito at malapit na itinanong, "Nami-miss ko na ang cute na bata; matagal ko na siyang hindi nakikita."

Ang lahat ng ito ay sinadya, ang ipakitang malapit siya sa dating asawa nito at banggitin ang anak nito.

Gusto niyang maging tinik sa tagiliran ni Xinghe.

Hindi siya pinansin ni Xinghe at naupo sa katapat ni Mubai.

Ang bilog na hapag-kainan ay malaki para magkasya ang sampung tao pero sa araw na iyon, ang seating arrangement ay malinaw na naghihiwalay sa dalawang partido.

Ang mga tao ng Xi Family at Chu Family ay nakaupo sa isang parte ng mesa habang si Xinghe ay naupong mag-isa sa katapat nila. Mayroong mga upuang walang laman sa tabi nito.

Ang dalawang ina ay talagang hindi siya pinansin at ihiniwalay siya. Hindi nila pinapansin ito at nagsimulang mag-usap ng sila-sila lamang.

"Ping, ang damit pangkasal nila Tianxian at Mubai ay handa na, pati na ang sa atin. Pumunta tayo sa saloon mamaya para tingnan pagkatapos ng tanghalian," sabi ni Ginang Xi kay Ginang Chu ng nakangiti.

Ang dalawa ay malapit na magkaibigan simula ng kanilang kabataan. Nasubukan na ng panahon ang kanilang pagkakaibigan.

"Talaga?" Tuwang-tuwa na tumatawa si Ginang Chu. Nanunuyang tumingin ito kay Xinghe habang nagpapatuloy, "Kung gayon, pumunta tayo mamaya. Wala kang ideya kung gaano ko gustong makita ang damit ni Tianxin. Dahil sa ang damit ay nagkakahalaga ng limampung milyong RMB. Mabuti na lamang at pumapayag si Mubai na bilhan siya ng napakamahal na damit."

Itinaas ni Ginang Xi ang boses niya para makasiguradong maririnig siya ni Xinghe, "Ano ba ang sinasabi mo? Mas mahalaga si Tianxin kaysa sa damit. Nakita ko siyang lumaki, alam kong siya ang pinakamainam na dalaga na nakikita ko, wala ng hihigit pa sa kanya. Isa naming karangalan na maikasal siya sa Xi Family."

"Masyado mo naman kaming pinupuri, pero si Mubai ang pinakamabuting binata na nakadaupang-palad ko. Wala kang ideya kung gaano masaya ang puso ko na makita silang magkakatuluyan."

Tumango si Ginang Xi. "Ganoon din ang nararamdaman ko. Nababagay talaga sila sa isa't isa; tanging si Tianxin lamang ang nababagay para kay Mubai."

Ang dalawang pares ng magulang ay tumingin sa masayang pares nang may pagsang-ayon sa kanilang mga mata.

Walang ekspresyon si Mubai, ang kanyang mga iniisip ay isang misteryo sa lahat ng naroroon… well halos sa lahat ng naroroon.

Si Tianxin, sa kabilang banda, ay nahihiyang namumula. Tumayo siya at tinulungang magsalin ng tsaa para kina Ginoo at Ginang Xi. "Auntie at Uncle, sana ay masiyahan kayo sa tsaa."

Biniro siya ni Ginang Xi, "Isinisilbi mo ba ito sa akin bilang manugang ko?"

Lalong namula si Tianxin pero ang ngiti na umuusbong sa kanyang mukha ay hindi niya mapigilan. "Auntie, binibiro mo na naman ako…"

"Tianxin, ano ang ikinahihiya mo? Ang tasa ng tsaa na iyon- iinumin ko din iyon sa susunod," may ngiti na sinabi ni Ginang Xi. Tiningnan niya ng may giliw at pagsang-ayon si Tianxin.

Ito ay isang kabaliktaran kung paano niya tratuhin si Xinghe.

Kahit na sa kasal, hindi niya pinansin si Xinghe. Nang maikasal si Xinghe, ang kanyang damit pangkasal ay galing sa barata at ang kasalan ay simple at maliit, kung saan ay hindi man lamang ngumiti si Ginang Xi.

Ang pagkakaiba ay halata pagdating kay Tianxin.

Huwag nang isama pa ang presyo ng damit, ang mga magulang ni Mubai ay gusto siya. Sa kanilang mga mata, tanging si Tianxin lamang ang makakapantay kay Mubai.

Kahit na ngayon, gumagawa pa sila ng paraan para mapahiya si Xinghe.

Kung si Xinghe ay tulad ng ibang babae, aalis na siya ngayon pa lamang.

Ngunit, nanatiling mapayapa ang hitsura ni Xinghe. Tulad ng isang dalaga na nasa isang larawang gawa sa pinturang langis, nakaupo lamang siya, tahimik na may tiwala sa sarili, na sinusuntok ang mundo sa paligid niya.