webnovel

Aktibong Pag-atake

Éditeur: LiberReverieGroup

Biglang naramdaman ni Ee Chen na wala siyang silbi. Nagsagawa na siya ng mahabang imbestigasyon sa Country R at wala siyang nakuha. Kung ikukumpara, nagawang makahanap ng maraming impormasyon ni Xinghe sa napakaikling panahon. Masaya siya na hiniling niyang maging estudyante nito.

Sa kaparehong oras, masaya din si Ee Chen. "Dahil ang Chui family ay may intensiyon na kalabanin ang He Lan family, hindi ba't nangangahulugan nito na maaari natin silang kausapin para makipagtulungan?"

Kung nasa kanila ang suporta ni Presidente Chui, mas magiging madali ang lahat.

Umiling si Xinghe. "Hindi pa, sa ngayon ang masasabi ko ay ito ang iniisip ng presidente, pero hindi ko masasabi na ganito din ang iniisip ng iba pang miyembro ng Chui family."

"Sa madaling salita, maaaring hindi kinakatawan ng presidente ang buong Chui family?" Tanong ni Sam.

"Posible iyon kaya huwag tayong masyadong umasa. Sa anumang kaso, magpapatuloy ako sa pag-iimbestiga. Siguro ay pagod na kayo, maaari na kayong umalis at magpahinga ngayon."

"Okay, aalis na kami, dapat ay magpahinga na din kayong dalawa ng maaga." Nakakaunawang tumango si Ali. Pagkatapos ay itinulak na niya ang iba pa palabas ng silid, at naiwan na lamang sina Xinghe at Mubai.

"Plano mo bang kontakin si Chui Qian?" Tanong ni Mubai kay Xinghe sa mababang tinig.

Talagang kilala na siya nito ng husto at ito nga ang tumatakbo sa kanyang isip. Tumango siya. "Oo, plano kong maging aktibo para makita kung ano ang magiging reaksiyon niya. Mas mainam kung payag siyang makipagtulungan sa atin."

Sinusuportahan siya ni Mubai. "Hindi iyan masamang ideya, at sa oras na ito, mas maigi na maging aktibong partido. Kontakin mo na siya pero huwag kang masyadong magpapahalata tungkol dito."

"Alam ko." Inilabas ni Xinghe ang kanyang telepono para tawagan ang sekretarya ng presidente. Ang hindi niya alam ay pareho din ng iniisip si Chui Qian. Ang mga salitang sinabi sa kanya ni Xinghe noong piging ay natatak sa kanyang isipan. Matalino si Chui Qian para maintindihan kung ano ang ipinahihiwatig nito. Posible kaya na napansin niya ang mga problema ng He Lan family?

Kung kailan kinukunsidera ito ni Chui Qian, ang sekretarya niya ay magalang na kumatok sa kanyang pinto at binuksan ito para sabihan siya, "Mr. President, mayroong tawag para sa iyo. Ito ay mula sa isang Miss Xia mula sa Hwa Xia."

Nagulantang si Chui Qian. Agad niyang ipinapasa sa kanyang sekretarya ang tawag. "Hello, Miss Xia?"

"Mr. President, paumanhin kung naistorbo kita ngayong malalim na ang gabi, pero maaari ko bang makuha ang ilang minuto ng oras mo? Ito ay tungkol sa ilang importanteng bagay," tanong ni Xinghe sa normal na tono.

Naintindihan ni Chui Qian na mayroon siyang gustong pag-usapan na importante, kaya agad niyang pinaalis ang kanyang sekretarya. Pagkatapos, seryoso niyang sinabi, "Miss Xia, please continue."

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa si Xinghe sa kanya at dineretso na siya. "Mr. President, may natuklasan kaming ilang problema sa paghahanap sa aking ina at may kinalaman ito sa He Lan family. Gusto ko lamang malaman kung ano ang iniisip mo tungkol sa partikular na pamilyang ito."

"Walang masyadong isipin sa kanila, gayunpaman, ang bawat malalaking pamilya ay may parte na nakatago mula sa publiko," sagot ni Chui Qian sa malabong paraan, pero ang sagot niya ay may pakahulugan pa din.

Nakuha ni Xinghe ang bagay na hindi nasabi. Nagpatuloy siya, "Kung hindi ka din nasisiyahan sa kanila, maiaalok namin ang pagkakataon ng pagtutulungan. Siyempre, ang termino ng pagtutulungan ay nakasalalay ng husto sa iyo. Huwag kang mag-alala, dahil hindi tulad ng ilang partido, mapagkakatiwalaan kaming kakampi."

Talagang nagulat sa pagkakataong ito si Chui Qian!

Nalaman nila ang isyu sa He Lan family at alam nilang pinupuntirya niya ang mga ito, pero paano nila nalaman?!

Naningkit ang mga mata ni Chui Qian. "Mukhang kilala na ako ng husto ni Miss Xia."

"Mr. President, hindi ito mainam tulad ng iniisip mo. May narinig kaming ilang bagay at nagkaroon kami ng pagdududa at gusto naming malaman pa ang iba," kalmadong sagot ni Xinghe, hindi na sinabi ang totoo na na-hack na niya ang intelligence agency.

Gayunpaman, maingat pa din si Chui Qian. "Hindi ka ba natatakot na ang pagdududa mo ay mali?"