webnovel

A Party of Three

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi na nakapagtatakang matakot si Lin Lin sa sinabi ni Mubai.

Lumabi ang bata at bumulong, "Sige na nga, hindi ko na siya iistorbohin sa ngayon, pero huwag mong kalimutan na sabihin sa kanya na bibisitahin ko siya kapag maayos na ang pakiramdam niya."

"Ipinapangako ko."

"At saka, ibigay mo ito sa kanya." Naglabas ng isang piraso ng tsokolate si Lin Lin at ibinigay ito kay Mubai. "Ito ang paborito kong meryenda. Masarap ito. Kapag kumakain ako ng isa gumaganda ang pakiramdam ko kaya sigurado ako na ganun din ang epekto nito sa kanya."

"Okay," tinanggap ni Mubai ang tsokolate ng may mabait na ngiti at umikot para tumingin kay Xinghe. Nakita niya ang kislap ng kagiliwan sa mga mata nito.

"Kung gayon… paalam." Tumalikod na ang bata para umalis.

Pinanood ni Xinghe ang anak niya na maglakad palayo at binalot ng lungkot ang kanyang puso. Hindi siya makapagsalita sa maikling pagkikitang iyon. Hindi niya gustong takutin ang bata.

"Para sa iyo ito." Ipinasa sa kanya ni Mubai ang tsokolate at mabagal na nagpaliwanag, "Sa tingin ko ay hindi magandang madamay pa siya dito, malilito lamang siya."

"Tama ka." Tinanggap ni Xinghe ang tsokolate at humarap sa villa.

Makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata. Ang maikling pagkikita nila ng anak ang nagbigay sa kanya ng matinding desisyon na makabalik sa kanyang sariling katawan!

Matapos magising ni Xia Meng sa katawan ni Xinghe, ang mga emosyon niya ay kumplikado.

Naroroon ang kagalakan, pag-aalala at nakokonsensiya siya…

Sa madaling salita, isa itong emosyonal na roller-coaster, may matataas at mabababa.

Hindi niya inaasahan na ang eksperimento ay magiging matagumpay. Pero ngayon na matagumpay na ito, nakaramdam siya ng kahungkagan…

Wala siyang ideya kung ang ginawa niya ay tama o mali pero wala na siyang ibang pagpipilian.

Ang bagay na nagbigay sa kanya ng lubos na alalahanin ay ang katotohanan na nagsimula ng magsuspetsa sa kanya si Xi Mubai.

Paano pa niya maipapaliwanag na ito lamang ang naging bisita niya kahit na nagkamalay na siya ilang oras na ang nakalipas?

Kailangan ni Xia Meng na makakalap ng mas maraming impormasyon. Tinanong niya ang nars na nag-aalaga sa kanya, "Ipagpaumanhin mo pero nasaan si Xi Mubai?"

"Mukhang umalis si Mr. Xi sa lugar ng mansyon na ito; wala akong ideya kung saan siya nagpunta."

"Salamat…" Tumango si Xia Meng at hindi niya mapigilang hindi magtanong, "Saan ang lugar na ito at maaari ba akong lumabas para maglakad-lakad?"

"Ipagpaumanhin po ninyo, Miss Xia pero hindi pa pwede, ang katawan mo ay nagpapagaling pa at partikular na iniutos ni Mr. Xi na mananatili ka sa silid na ito hanggang sa tuluyan kang gumaling."

"Pero gusto ko lamang makalanghap ng sariwang hangin…"

"Kung wala ang pahintulot ni Mr. Xi, hindi ka maaaring lumabas sa silid na ito."

"Bakit?" Nakaramdam ng panlalamig ang puso ni Xia Meng.

"Dahil wala kang karapatan na makalabas," isang presko ngunit pamilyar na boses ang biglang nagsalita.

Nilingon ni Xia Meng ang pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang taong pumasok.

Isa itong kakaibang pakiramdam na makita ang sarili niyang katawan hindi mula sa isang salamin ngunit mula sa pagtingin ng ibang tao.

Parang hindi ito totoo, na para siyang nananaginip.

Namutla si Xia Meng nang makitang pumasok sa silid si Xinghe.

Ang matalim na titig nito ay natuon agad sa kanya.

Sa ilalim ng mabangis na titig nito, lalong tumindi ang pag-aalala at pagkataranta ni Xia Meng.

"Please excuse us!" Sabi ni Mubai sa nars. Tumango ang nars at tahimik na umalis, isinara ang pinto sa likuran nito.

Sa wakas, sa loob ng silid, ay tanging silang tatlo ang natira.

Agad na naunawaan ni Xia Meng ang lahat. Nalaman ni XI Mubai ang katotohanan at si Xia Xinghe ay naroon para itama ang mga bagay.