Halos isang linggo na mula nang mangyari ang lahat sa Subic. Balik na sa dati sina Kenneth at Ryan sa opisina. Balik na nga sa dati, dahil balik na rin ang pagkasubsob ni Kenneth sa trabaho.
O, mas lalo bang lumala? Oo, mas lalong naging workaholic si Kenneth pagkatapos nung insidente sa Subic. Pansin nga ni Ryan na halos hindi na ito nagla-lunch kung hindi man ito may lunch meeting kasama ang mga kliyente nila. Pero kahit iyon ay trabaho pa rin naman. Kapag gabi naman ay ito ang nahuhuling umuwi and God knows kung anong oras ito nakakauwi. Minsan nga naitanong iyon ni Ryan kay Darlene. Ang sabi ng inaanak niya ay natutulog na daw ito minsan ay hindi pa rin umuuwi si Kenneth.
Mukhang ganoon na naman ang mangyayari ngayon. Alas-otso y media na ng gabi at sarado na ang shop. Wala na ring mga empleyadong naroon. Tingin ni Ryan ay silang dalawa na nga lang ni Kenneth ang naroon ngayon.
At kung titignan ni Ryan ay parang wala pang balak umuwi ang kanyang kaibigan. Oo, mukhang lalo nga itong lumala matapos iyong nangyari sa kanila ni Samantha.
Marahan siyang kumatok sa may pintuan nito na nakabukas naman. Kaagad naman niyang nakuha ang atensiyon nito.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Ryan dito.
"May tatapusin lang ako," ani Kenneth sabay balik sa kung anumang ginagawa nito kanina.
"Marami pa ba iyan? Hintayin na kita."
"Huwag na… Bakit nga pala andito ka pa?"
Tuluyan nang pumasok si Ryan sa opisina nito at naupo sa upuang nasa harapan ng mesa nito.
"Alam mo, dapat ang ginagawa mo fina-follow up mo iyong nasimulan mo na kay Jhing. Bahala ka, mapupunta lang sa wala iyong nangyari sa Subic."
"Hindi pa ba?"
"Hmm?" Napatingin si Kenneth kay Ryan.
"Hindi pa ba napunta sa wala iyong mga nangyari sa Subic?"
Kenneth knows na hindi na tungkol kay Jenneth ang tinutukoy ng kaibigan. Nagpatuloy na lamang ito sa ginagawa upang maiba ang usapan.
Pero walang balak tumigil si Ryan. Dahil kung patatagalin niya ay baka lalong matuluyang mawalan ng saysay iyong mga nangyari sa Subic.
"Natatandaan mo ba iyong sinabi mo sa akin noon? Noong after sa ating ipasigaw iyong crush natin tapos nalaman ko nga na si Sam yung crush mo."
Hindi sumagot si Kenneth. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Kaya naman nagpatuloy lang din si Ryan sa pagbabalik-tanaw.
"Tinanong kita noon kung bakit hindi mo siya niligawan. Ang sabi mo, ano bang karapatan meron ang isang tulad mo na ligawan ang isang Samantha de Vera? Hindi ba sapat iyong kaibigan mo siya at nakakasama lagi? Iyong paghahangad na maging higit pa sa kaibigan ang maging relasyon ninyo ay sobra-sobra na… Kaya siguro nagpapakahirap kang magtrabaho ngayon ay para kahit papaano ay makapantay ka naman sa estado niya sa buhay–"
"Ryan, please!"
"Wala ka ba talagang balak gawin, Ken?"
"She's engaged to be married!"
"She's just engaged! She's not yet married!"
"And you want me to ruin that engagement? You want me to ruin her relationship with her boyfriend?"
"Kenneth, she loves you. I saw it nung magkasama kayo sa Subic. The way you look at each other, it just tells how much in love you are with each other."
"Pero mali! May boyfriend siyang tao, Ry. May karelasyon siya."
"Hindi ba mas mali? Yung piliin niyang ma-engage sa isang tao, and eventually makasal, kahit na hindi naman iyon ang totoong mahal niya?"
Hindi nakasagot si Kenneth.
"Hindi ba unfair para kay Allan? Hindi ba dapat yung babaeng pakakasalan niya ay buong-buong siya ang minamahal? Hindi iyong punong-puno ng pag-aalinlangan kasi iba naman ang totoong mahal ni Samantha. Ikaw ang mahal niya."
"You never really liked Allan."
"Kasi naaalala ko iyong sarili ko sa kanya."
Medyo naguluhan si Kenneth sa sinabing iyon ni Ryan.
"Because I know he doesn't belong there. Pero nandoon siya. Just like me in my family. Kaya naiinis ako kasi parang nakikita ko iyong sarili ko sa kanya… Anyway, that is not the point. Kenneth, you and Samantha are in love with each other."
"She chose him. Umuwi siya kasama si Allan."
"Kasi hindi mo siya pinigilan. Kenneth, hindi mo siya pinaglaban. Hanggang ngayon hindi mo pa rin siya kayang ipaglaban."
Masakit ang sinabing iyon ni Ryan. Dama ni Kenneth ang impact ng mga salitang iyon. Pero totoo naman kasi. Hanggang ngayon ay hindi niya magawang ipaglaban si Samantha. Hanggang ngayon ay hindi niya kayang ipadama ng tuluyan ang nararamdaman niya para dito.
"Kenneth, napakarami mong excuses. Dati, oo naiintindihan ko. Samantha being a de Vera, nakaka-intimidate nga naman iyon. Pero Kenneth, matanda na tayo. Hindi na sapat ang mga ganoong excuses para hindi mo magawang ipaglaban ang pagmamahalan ninyo ni Samantha. Wealth has never been an issue. At huwag mong sabihin na nai-intimidate ka kay Allan just because he works at Facebook. You are great on your own right, Kenneth. Just learn how to embrace that greatness para magkaroon ka ng lakas ng loob na ipaglaban ang taong mahal mo."
Tumayo na si Ryan at akmang aalis na. Nang muling magsalita si Kenneth.
"Si Kristine…"
Natigil sa pag-alis si Ryan.
"How do you think she will feel?"
"She'll be hurt, because she loves you so much. But that's the point. She loves you so much that she's willing to see you happy even if it's with another person. Kenneth, she's dead. And I know she's not selfish enough to not let you fall in love again just because she loves you. I'm sure she will understand."
"We wouldn't know that."
Ryan looked at him intently. Kenneth could sense that he wants to say something, but in the end, he did not say anything. Umalis na lamang ito ng hindi lumilingon man lang sa kanya.
Hindi na makapag-concentrate sa trabaho si Kenneth pagkatapos ng conversation na iyon. Wala na siyang magawa kaya naisipan na niyang umuwi na. It's Friday, and he knows everyone is out doing Friday stuff. Samantalang siya ay nandoon, nag-iisa, at pilit tinatapos ang trabahong hindi naman niya kailangang tapusin.
Oh well, maybe he needs to go home now. Nagligpit na siya at umuwi na sa kanila. Pagdating sa bahay ay nadatnan niya ang mag-lolang Darlene at Aling Marie na nanonood ng teleserye. Nagpasya siyang makinuod kasama ang mga ito.
"Daddy, kumusta na kaya si Tita Sam?"
Napabuntong-hininga siya sa tanong ng anak. Hindi sana niya ito sasagutin kung hindi ito nangulit ulit.
"Hindi ba natin siya pwedeng puntahan, Daddy? Bukas, Sabado naman. Baka pwede akong magpunta sa bahay nila."
"Baka busy ang Tita Sam mo," ani Kenneth sa anak.
"Sandali lang naman po tayo, eh."
"Baka… andun iyong boyfriend niya." Biglang nalungkot si Kenneth sa tinuran.
"Mabait naman po si Tito Allan. Siguro okay lang sa kanya na dalawin ko si Tita Sam."
"Huwag na," ani Kenneth.
Akala niya ay titigil na ang anak niya sa pagsasalita. Pero muli ay inungkat na naman nito ang tungkol kay Samantha.
"Alam mo Daddy, kung magkakaroon ako ng isa pang mommy, gusto ko si Tita Sam iyon."
Hindi nakasagot si Kenneth sa sinabi ni Darlene.
"Kasi ang bait-bait niya tsaka ang galing niyang mag-alaga. Nung nasa ospital ako, lagi niya akong pinupuntahan tapos lagi niyang chine-check kung kumusta na ba ako."
"Kasi siya ang doktor mo. Normal lang naman iyon sa mga doktor sa mga pasyente nila."
"Pero iba po si Tita Sam."
"Paano mo naman nasabi iyon? Ikaw, minsan ka pa lang naman na-admint, ah! Kaya paano mo maiko-compare si Sam sa ibang doktor?"
"Iba talaga siya, Anak," ang sabi naman ni Aling Marie.
At iyon na nga. Nakisali na ang nanay niyang kanina ay abala sa panonood ng teleserye. Pero may teleserye bang mas magiging kapanapanabik kaysa sa love life ng anak mo?
"Iba ang pag-aalaga niya kay Darlene. Isa pa, sa tingin ko naging sobrang saya mo nung makita mo siya ulit. Kakaibang sigla ang meron ka noong makasama mo siya ulit sa ospital."
Hayun na nga. Masyado siyang obvious na maging ang nanay niya at si Ryan ay napaghahalata ang kanyang totoong nararamdaman. Kaya hindi siya masyadong makagawa ng dahilan o ng kung anumang kasinungalingan.
"Di po ba, Lola, bagay po siyang maging bagong mommy ko?" tanong ni Darlene kay Aling Marie.
"Oo naman," sang-ayon ni Aling Marie.
"May boyfriend na siya," ani Kenneth. "Hindi ba, si Tito Allan mo na sabi mo mabait?"
Napasimangot si Darlene. "Oo nga pala."
Akala ulit ni Kenneth na tapos na ang usapan. Pero muling humirit si Darlene.
"Siguro gusto din siya ni Mommy para sa iyo, Daddy."
Nagulat si Kenneth sa sinabi nito.
"Kasi alam niya na aalagaan niya tayo kagaya ng pag-aalaga ni Mommy sa atin."
Niyakap ni Darlene ang ama. Gumanti naman ng yakap si Kenneth. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa narinig sa anak. Alam niyang malapit na malapit ito sa asawang si Kristine noong nabubuhay pa ito. Kaya naman pakiramdam niya ay kabisado ni Darlene ang magiging reaksiyon ni Kristine sa mga bagay-bagay.