webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias · Urbain
Pas assez d’évaluations
52 Chs

The Letter: Part 9

𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘭𝘪𝘱𝘢𝘴 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢-𝘨𝘳𝘢𝘥𝘶𝘢𝘵𝘦 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘩𝘪𝘨𝘩 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭. 𝘉𝘪𝘵𝘵𝘦𝘳𝘴𝘸𝘦𝘦𝘵 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘨𝘩 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘨𝘳𝘢𝘥𝘶𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. 𝘔𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘩𝘪𝘨𝘩 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭. 𝘊𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘬𝘢 𝘯𝘢. 𝘔𝘢𝘭𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘵 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪. 𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘳𝘴𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘬𝘶𝘯𝘪𝘯. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘭𝘪𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘨𝘨𝘰 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢. 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘳𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘪𝘪𝘸𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘶𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘨𝘱𝘰. 𝘔𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘳𝘪-𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.

𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘥𝘢𝘺𝘴 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘥𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘨𝘩 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘥𝘢𝘺𝘴. 𝘐 𝘵𝘰𝘵𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘢𝘨𝘳𝘦𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘢𝘵.

***************************************************************

Nagpasya kami ni Kenneth na kumuha ng summer job, at swerte naman na pareho kaming natanggap sa noo'y baong tayong branch ng The Coffee Club. Dahil doon ay nadagdagan na naman ang closeness namin dahil kagaya sa school ay araw-araw din kaming magkasamang dalawa sa trabaho.

Halos araw-araw din ay pumupunta sa The Coffee Club si Sam. Lagi na ay naka-tambay siya doon. Minsan sinasamahan siya ni Ryan, pero madalas ay mag-isa lang siya. Naaawa na nga ako sa kanya dahil minsan halos maghapon na siyang nandoon. Hindi naman kami pwedeng tumambay kasama niya dahil baka mapagalitan kami ng boss namin.

At lumipas ang summer vacation. College na kami at magkasama pa rin kami ni Kenneth. Ang sabi nila, mahirap daw ang college at talagang malayo ito kumpara sa high school. Pero sa tulong ni Kenneth ay naging madali para sa akin ang lahat.

Unang sem break namin nang magtapat sa akin si Kenneth na gusto daw niya akong ligawan. Sobrang saya ko nang araw na iyon, at lalo akong sumaya nang pumayag ang mga magulang ko. Pakiramdam ko ay walang makakatanggal ng ligayang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Lalo na noong pormal na nga akong niligawan ni Kenneth. Pakiramdam ko ay natupad lahat ng pangarap ko.

Pero dahil sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko na may Sam pala na nasasaktan dahil sa nangyayari. Nalaman ko na lang na sumobra na nga yata ang ligayang natatamasa ko nang dumalo kami sa birthday party niya noong Disyembre ng taong iyon.

"Meron akong sasabihin sa inyo," umpisa ni Sam. "I got a scholarship!"

We knew it was not an ordinary scholarship. Alam naman namin na hindi na kailangan pa ng ganoon ni Sam. Kayang-kaya na siyang papag-aralin ng kanyang mga magulang.

"In Harvard. Pre-med course and then, Medicine."

And once more, I witnessed Sam's ability at its finest. Ang hirap makapasok sa Harvard, tapos scholar pa. Iba talaga ang talinong taglay ni Samantha de Vera.

"So, doon ka na mag-aaral? Next year?" tanong ni Ryan kay Sam.

"Oo. Gusto ko na nga sana sa spring na, kaso hindi naman sila nag-a-admit ng students during spring doon. Kaya, sa August na ako papasok. Pero kaagad akong pupunta doon. Siguro, after ng school year dito kapag naayos ko na lahat ng requirements. May mga aayusin din kasi kami doon at siyempre, kailangan ko na ring masanay doon."

"Biglaan naman yata?" tanong ko sa kanya.

"Hindi! Actually, matagal ko nang gusto ito. Sino ba naman ang ayaw makapasok sa Harvard, 'di ba?"

"Wala ka namang nabanggit tungkol sa Harvard."

Lahat kami ay napatingin kay Kenneth.

"H-Hindi ko ba nasabi sa iyo? A-Ang alam ko, alam mo naman na gusto kong mag-aral sa Harvard," ani Sam kay Kenneth.

"Ang sabi mo, sa CPRU ka magpe-pre-med, tapos sa Manila ka magme-Medicine. Kagaya ng Ate Glory mo," ani Kenneth kay Sam, and I could tell that he's mad while speaking.

"Oo nga, pero… pero sinubukan ko lang naman… Tapos, nakuha ako. Eh sayang naman iyong opportunity kasi nga, 'di ba? Harvard iyon. Ang daming gustong pumasok doon, tapos ako scholar pa. Eh okay lang naman kasi nandoon na rin sa Cambridge sina Ate Glory."

"Ni hindi mo man lang nabanggit na may plano ka pala na ganoon. Akala ko ba walang iwanan? Forever tayong magkakasamang apat?"

Ramdam ko ang sama ng loob ni Kenneth. Kung ako siguro ang kinakausap niya, baka napaiyak na ako. "Well, I guess there's really no such thing as forever," Sam said.

And with that ay nag-walk out na si Kenneth. Sinundan ko siya and we ended up on the sidewalk sa labas ng mansiyon ng mga de Vera. Magkatabi kaming naupo doon.

"Kenneth…" Hinawakan ko siya sa balikat.

"Nag-promise siya sa akin na walang iwanan! Habangbuhay kaming magiging magkaibigan. Tapos, bigla na lang siyang aalis?"

"Hindi naman ibig sabihin hindi na kayo magiging magkaibigan. Pwede pa rin naman kayong magsulatan, o kaya magtawagan. Marami namang paraan. Tsaka, pwede namang umuwi si Sam kapag bakasyon."

"Pero iba pa rin. Iba pa rin iyong araw-araw nagkikita kami, nagkakausap. Iba pa rin iyong anytime pwede ko siyang makita kapag gusto ko. Hindi na ganoon."

"Pero paano naman si Sam? For sure mahirap din para sa kanya ito. Pero gagawin niya ito para sa pangarap niya."

"Hindi naman ito iyong pangarap niya. Bakit biglang nagbago ang gusto niyang gawin?"

Hindi ako nakasagot. Alam ko ang dahilan ng biglaang pagbabago ng pangarap ni Sam, pero hindi ko masabi kay Kenneth. I'm not the right person to do that.

"Gusto ko nang umuwi. Kung gusto mong mag-stay pa, iwanan na muna kita dito."

Umiling ako. "Uuwi na rin ako."

Inihatid ako ni Kenneth pauwi. Habang daan ay wala kaming kibuan. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Oo nga at gusto kong masolo si Kenneth, pero hindi ko naman ginustong umalis si Sam. Kaibigan ko rin siya at mahalaga din siya para sa akin.

Kinausap ko si Sam after a few days. Hindi ko alam kung para saan ang pag-uusap naming iyon. Alam ko naman kasi na ayaw ko rin siyang pigilan dahil pangarap niya iyon, at bilang kaibigan niya ay gusto ko siyang suportahan sa gusto niya. Pero kagaya rin nina Kenneth at Ryan ay nalulungkot din ako sa pag-alis niya.

"Kailangan ba talagang umalis ka?"

"Ano sa tingin mo?"

Hindi ako makasagot. Medyo nasanay na ako sa pagiging sarcastic ni Sam sa akin mula noong prom night namin, na lalo pang naging intense after na maging formal ang panliligaw sa akin ni Kenneth. Pero hindi ko pa rin magawang sagutin iyon.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito," ang sabi ko na lamang sa kanya.

"Kung sa Manila ako mag-aaral, any moment pwede kaming magkita ni Kenneth. Ayaw mo naman iyon, 'di ba?"

"Sam…"

"Oh, come on, Tin. I know this is what you wanted." Nasaktan ako sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganoon-"

"Hindi sa ganoon? You wanted Kenneth for yourself!"

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Alam ko namang gusto mo siyang masolo. Gusto mo siyang makasama. Ayaw mong nandoon ako kasi panggulo lang ako sa inyo, 'di ba?" Her eyes started to well up. "I'm giving you what you want."

"Sam…" Naiiyak na rin ako sa takbo ng usapan. Ang sakit palang mapamukhaan ng kasakiman mo.

"You ruined our friendship. And it sucks because I could not regret that day that I made you my friend. Kasi Tin, mahalaga ka din sa akin dahil kaibigan ang turing ko sa'yo. At kahit ano pa ang mangyari hindi ko maalis sa puso ko na pahalagahan ka bilang kaibigan ko. At iyon ang lalong nagpapasakit ng damdamin ko."

Umiiyak na si Sam. Gusto ko siyang yakapin at i-console, pero parang makakasama lang lalo kapag ginawa ko iyon.

"You took Kenneth away from me. Inari mo siya ng buong-buo."

"Do you love him?"

I shouldn't have asked, because I already know the answer to that. But still, I want to hear it from her.

"You know the answer to that. You're the one who made me realize everything."

Wala akong nasabi. Totoo naman kasi lahat iyon. Kung hindi ko siguro siya kinompronta noon tungkol sa pagdodomina sa mga desisyon ni Kenneth, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Lahat ng iyon dahil sa pagiging makasarili ko.

"Hindi ko kaya na makita si Kenneth na unti-unting nawawala sa akin. I have to go away. Ayokong maging selfish at agawin siya sa iyo, Tin. Alam kong ikaw ang gusto niya, at gusto mo rin siya. At ako, isa lamang akong panggulo sa istorya ninyong dalawa. I don't want that role."

Ang lahat ng naramdaman ko tungkol sa aming tatlo noon ay siya palang nararamdaman ngayon ni Sam. Lalong nasaktan ang puso ko dahil sa sinabi niya, at dahil iyon sa guilt na nararamdaman ko.

"Take care of Kenneth, Tin. I know, he has never been mine, but he's all yours now."

Iyon ang huling pag-uusap namin ni Sam. Pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita. Hindi na kami lumalabas katulad noong mga high school pa kami. Hindi na rin siya sumasabay sa aming mag-lunch kapag nagkakasabay ang lunch break namin.

***************************************************************

𝘚𝘶𝘮𝘮𝘦𝘳 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘱𝘢𝘱𝘶𝘯𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘮𝘦𝘳𝘪𝘤𝘢, 𝘢𝘯𝘥 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘸𝘢𝘴 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦. 𝘗𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴𝘦𝘥, 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪𝘪𝘯. 𝘒𝘢𝘭𝘢𝘶𝘯𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘯𝘪𝘺𝘢.

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸, 𝘯𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘮𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩. 𝘈𝘭𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩, 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘧𝘦𝘦𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘪𝘣𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘵 𝘭𝘦𝘢𝘴𝘵, 𝘯𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘜𝘯𝘵𝘪-𝘶𝘯𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘚𝘢 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘙𝘺𝘢𝘯, 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢-𝘮𝘰𝘷𝘦 𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘪𝘮𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘯𝘵𝘦𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢.

𝘞𝘦 𝘧𝘪𝘯𝘪𝘴𝘩𝘦𝘥 𝘤𝘰𝘭𝘭𝘦𝘨𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘦 𝘱𝘶𝘵 𝘶𝘱 𝘍𝘶𝘳𝘯𝘪𝘵𝘶𝘳𝘦.𝘤𝘰𝘮 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘩𝘪𝘭𝘪𝘨 𝘯𝘪 𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘦-𝘥𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘧𝘶𝘳𝘯𝘪𝘵𝘶𝘳𝘦. 𝘐𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘦𝘨𝘰𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘪𝘱𝘶𝘯𝘥𝘢𝘳. 𝘔𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘬𝘣𝘰 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘮𝘢-𝘮𝘢𝘯𝘢𝘨𝘦 𝘯𝘪𝘵𝘰.

𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘳𝘦𝘦 𝘺𝘦𝘢𝘳𝘴 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘥𝘥𝘺 𝘮𝘰. 𝘈𝘯𝘥 𝘢𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘢 𝘺𝘦𝘢𝘳, 𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘮𝘦 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘭𝘪𝘷𝘦𝘴. 𝘌𝘷𝘦𝘳𝘺𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘴 𝘴𝘰 𝘱𝘦𝘳𝘧𝘦𝘤𝘵. 𝘞𝘦 𝘸𝘦𝘳𝘦 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺. 𝘉𝘶𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘯, 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘪 𝘚𝘢𝘮 𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘺𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘦𝘷𝘦𝘳. 𝘗𝘢𝘵𝘪 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘯 𝘱𝘢𝘭𝘢.

𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘭𝘶𝘮𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰. 𝘕𝘢𝘪𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘬𝘰 𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘴𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘴𝘢 𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘯𝘰𝘰𝘯. 𝘕𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘢𝘬𝘰, 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘥𝘥𝘺 𝘮𝘰. 𝘖𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦, 𝘐 𝘵𝘩𝘰𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶, 𝘵𝘰𝘰. 𝘉𝘶𝘵 𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘺𝘰𝘶'𝘳𝘦 𝘢 𝘴𝘵𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘥𝘪𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘓𝘰𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘦 𝘢𝘵 𝘕𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘙𝘺𝘢𝘯 𝘮𝘰. 𝘛𝘩𝘦𝘺 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘤𝘢𝘳𝘦 𝘰𝘧 𝘺𝘰𝘶.

𝘉𝘶𝘵 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘥𝘢𝘥, 𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘪𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘷𝘦𝘳𝘺 𝘩𝘢𝘳𝘥 𝘧𝘰𝘳 𝘩𝘪𝘮. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯, 𝘮𝘢𝘸𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭. 𝘠𝘦𝘴, 𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘩𝘦 𝘭𝘰𝘷𝘦𝘴 𝘚𝘢𝘮 𝘮𝘰𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘯 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘢 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥. 𝘏𝘦 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘥𝘰𝘦𝘴𝘯'𝘵 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘢𝘣𝘰𝘶𝘵 𝘪𝘵 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘶𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢. 𝘉𝘶𝘵 𝘐 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘥𝘦𝘦𝘱 𝘥𝘰𝘸𝘯 𝘪𝘯 𝘩𝘪𝘮, 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘪𝘴 𝘢 𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘱𝘭𝘢𝘤𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘩𝘪𝘴 𝘣𝘦𝘴𝘵 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥. 𝘈𝘵 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘩𝘦 𝘧𝘢𝘪𝘭𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘴𝘦𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵.

𝘉𝘦𝘧𝘰𝘳𝘦 𝘐 𝘥𝘪𝘦, 𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵. 𝘉𝘶𝘵 𝘐 𝘨𝘶𝘦𝘴𝘴, 𝘐 𝘤𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘯𝘰𝘵 𝘥𝘰 𝘪𝘵 𝘢𝘭𝘰𝘯𝘦 𝘦𝘴𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘮𝘺 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘰𝘯 𝘦𝘢𝘳𝘵𝘩 𝘪𝘴 𝘳𝘶𝘯𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘶𝘵. 𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘵𝘰 𝘪𝘯𝘧𝘰𝘳𝘮 𝘺𝘰𝘶 𝘢𝘯𝘥 𝘢𝘴𝘬 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘩𝘦𝘭𝘱. 𝘔𝘺 𝘥𝘦𝘢𝘳𝘦𝘴𝘵 𝘋𝘢𝘳𝘭𝘦𝘯𝘦, 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘮𝘦 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘚𝘢𝘮. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘮𝘦 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘩𝘦𝘳 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘥𝘢𝘥𝘥𝘺'𝘴 𝘭𝘪𝘧𝘦. 𝘐 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩 𝘵𝘰 𝘣𝘦 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘺 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯, 𝘢𝘯𝘥 𝘐'𝘮 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘩𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘭𝘦𝘵 𝘩𝘪𝘮𝘴𝘦𝘭𝘧 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯 𝘪𝘧 𝘪𝘵 𝘪𝘴 𝘚𝘢𝘮.

𝘚𝘰 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦, 𝘧𝘪𝘯𝘥 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘩𝘢 𝘥𝘦 𝘝𝘦𝘳𝘢 𝘢𝘯𝘥 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘩𝘦𝘳 𝘣𝘢𝘤𝘬 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘧𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳'𝘴 𝘭𝘪𝘧𝘦. 𝘈𝘴𝘬 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘕𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘙𝘺𝘢𝘯'𝘴 𝘩𝘦𝘭𝘱. 𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘵𝘵𝘺 𝘴𝘶𝘳𝘦 𝘩𝘦 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘨𝘭𝘢𝘥𝘭𝘺 𝘩𝘦𝘭𝘱 𝘺𝘰𝘶. 𝘉𝘶𝘵, 𝘪𝘧 𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘮𝘦𝘳𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘮, 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘪𝘺𝘰𝘯.

𝘉𝘶𝘵 𝘱𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦, 𝘥𝘰𝘯'𝘵 𝘨𝘪𝘷𝘦 𝘶𝘱. 𝘏𝘢𝘯𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘥𝘰 𝘪𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘥𝘢𝘥. 𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘥𝘰 𝘪𝘵 𝘧𝘰𝘳 𝘮𝘦.