webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias · Urbain
Pas assez d’évaluations
52 Chs

The Letter: Part 3

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘥𝘢𝘥𝘥𝘺 𝘮𝘰. 𝘐 𝘮𝘦𝘢𝘯, 𝘰𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘵 𝘨𝘸𝘢𝘱𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘔𝘢𝘣𝘢𝘪𝘵. 𝘔𝘢𝘵𝘢𝘭𝘪𝘯𝘰. 𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘪𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢. 𝘚𝘪𝘨𝘶𝘳𝘰, 𝘶𝘯𝘵𝘪-𝘶𝘯𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘰𝘣 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢.

***************************************************

Nalaman ko iyon noong minsang nagpi-PE kami. Volleyball ang laro namin noon. Hinati ang boys and girls sa tig-dalawang teams at pinaglaro kami ng teacher namin ng isang game. Nang magba-block ako ng bola ay nagkamali yata ako ng tapak sa paa ko. Bumagsak tuloy ako sa sahig ng gym. Pinilit kong tumayo pero medyo nahirapan ako.

Kaagad naman akong nilapitan ng teacher namin. "Okay ka lang, Kristine?"

"Okay lang Sir. Medyo sumakit lang iyong paa ko."

"Pahinga ka muna doon sa bench."

"Yes Sir."

Sinubukan kong maglakad papunta sa may bench pero ang sakit talaga ng paa ko. Hindi ko siya maitapak man lang. Noon na lumapit sa akin sina Ryan at Kenneth.

"Okay ka lang, Tin?" tanong sa akin ni Ryan.

"Natapilok yata ako, eh." Medyo nag-aalala na ako sa kalagayan ng paa ko.

"Dalhin na kaya kita sa clinic?" tanong naman ni Kenneth.

"Huwag na! Ano, magpapahinga lang ako. Baka mamaya mawala rin ito."

"Dalhin mo na nga siya sa clinic, Kenneth," utos ng teacher namin.

"Huwag na Sir. Okay lang po ako."

"Sige na," pilit ng guro namin. "Kenneth."

"Sige po, Sir," ani Kenneth sabay alalay sa akin.

The moment na hinawakan ako ni Kenneth, parang may iba na akong naramdaman. May pagkailang na ewan. Basta, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil doon kaya lalo akong hindi makalakad.

"Kaya mo bang lumakad?" tanong niya sa akin.

"Ahm..." Hindi ko alam ang isasagot. Kasi naman, sobrang kabog na ng dibdib ko. Naitapak ko tuloy iyong paa ko kaya sumakit na naman ito. "Aww!"

At walang sabi-sabing binuhat ako ni Kenneth. Lalo tuloy akong kinabahan. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, dinig na yata ng mga kaklase namin iyon.

"Okay ka lang Kristine?" tanong naman ni Sam na nakalapit na rin pala sa amin.

"Dadalhin ko na siya sa clinic. Natapilok siguro siya," sagot ni Kenneth sa kaibigan.

"Sige. Sana naman kaagad maalis iyang sakit ng paa mo."

Tinanguan ko na lang si Sam. Hindi na kasi talaga ako makapagsalita.

Sa buong paglalakbay namin ni Kenneth mula gym hanggang clinic ay hindi ko siya kinakausap. Siya naman, panay ang kwento sa akin.

"Baka namali lang ng tapak iyang paa mo noong bumagsak ka. Hindi naman siguro malala iyan. Sigurado ice compress lang ang katapat niyan. Magaling naman iyong school nurse natin. Magagamot niya kaagad iyan."

Nang maglaon ay tumigil na rin si Kenneth sa pagsasalita. Siguro kasi wala naman akong reaksiyon. Nang makarating kami sa clinic ay saka lamang niya ako ibinaba. Kaagad naman akong tinignan nung school nurse namin.

"Mukhang natapilok ka. Lalagyan ko na lang iyan ng ice compress para humupa iyong sakit. Siguro mga two to three days ang effect niyan. Sa bahay lagyan mo na rin ng ice compress para sa pamamaga. Then after two days, kung masakit pa rin hot compress naman. Huwag mong papamasahe kasi baka lalong mamaga iyan. Tapos kung papasok ka sa school lagyan mo na lang din ng bandage."

"Salamat po."

The nurse smiled and went on to do what she said. Nanatili naman si Kenneth sa may clinic upang samahan ako.

"Siguro mag-absent ka muna bukas para makapagpahinga iyang paa mo," aniya. "Nangyari na rin kasi sa akin iyan minsan dahil sa basketball. Masakit talaga iyan. Pero hindi naman seryoso at gagaling din kaagad."

Mukhang kailangan ko ngang lumiban ng klase. Bukod kasi sa masakit na paa ay gusto ko ring makapag-isip sa naramdaman ko kaninang buhat-buhat ako ni Kenneth. Ni hindi ko nga siya matignan ng diretso.

"Salamat, ha?" Sinubukan ko siyang ngitian, pero napaiwas kaagad ako ng tingin nang magtapat ang paningin namin.

"Wala iyon." Ngumiti din siya.

Bumalik na ang nurse dala ang ice compress. "Ilagay mo lang ito sa paa mo."

Ngunit bago ko iyon mahawakan ay nakuha na iyon ni Kenneth. "Ako na lang po."

At iyon na nga. Si Kenneth na ang naglagay ng ice compress sa paa ko.

"Kenneth, ako na lang." Ang bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko.

"Okay lang. Ang mabuti pa itaas natin ng kaunti itong paa mo."

Nasa kama ako noon ng school clinic. Umupo si Kenneth sa may paanan at saka nito ipinatong ang paa ko sa mga legs niya para ma-elevate ng kaunti. Saka niya nilagay ang ice compress.

At dahil doon, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba, pero parang bigla akong nailang sa ginagawa ni Kenneth. Naiilang, pero parang gustong-gusto ko naman iyon.

"O, namumula ka. Nilalagnat ka na yata," pansin ni Kenneth. "Ganyan kasi ako noon, eh. 'Di ba, Nurse?"

Napangiti ang babaeng nurse. "Hindi naman kaagad nangyayari iyon. Tsaka kung simpleng sprain lang iyan hindi naman siya lalagnatin pa. Baka epekto lang iyan ng ice compress. 'Di ba, iyong mga tao sa malamig na lugar namumula ang pisngi?"

The nurse smiled at me, and I knew she knows how I feel. Lalo yata akong namula dahil doon. Her smile widened, but with a wink she assured me that my secret is safe with her.

"Siguro nga," ang sabi naman ng walang kamalay-malay na si Kenneth.

Sinamahan ako ni Kenneth hanggang matapos ang klase namin at dumating na sina Sam at Ryan sa clinic. Last subject na rin naman kasi namin ang PE kaya kaagad din silang nakapunta doon. Dala na nila ang mga gamit namin ni Kenneth.

"Kumusta ang paa mo, Tin?" tanong sa akin ni Sam.

"Medyo okay na. Hindi na masyadong sumasakit."

"Mukhang magaling mag-alaga itong kaibigan ko, ah," ang sabi naman ni Ryan na inakbayan pa si Kenneth.

"Magaling mag-alaga si Nurse, kamo," ang sabi naman ni Kenneth. "Eh in-assist ko lang naman siya."

"Gusto mo patingin na natin iyan sa TGH?" tanong naman si Sam.

"Naku, huwag na Sam! Okay lang ako, promise." Nahiya naman daw ako sa concern na iyon.

Nilapitan kami nung nurse. "Kung hindi maalis ang pamamaga at sakit niyan pwede ka nang magpatingin sa doktor. Heto nga pala ang medical certificate mo kung sakaling hindi ka makapasok bukas."

"Salamat po." Kinuha ko iyong papel na iniabot niya sa akin.

"Ang mabuti pa, ihatid na kita sa inyo," ang sabi ulit ni Sam. "Para naman hindi ka na mahirapan pang mag-commute."

"Oo nga," sang-ayon ni Ryan. "Alam kong malulungkot itong si Kenneth na wala siyang kasamang uuwi ngayon, pero mahirap umakyat at bumaba ng jeep na ganyan ang paa mo."

"Ako na naman ang nakita mo," saway ni Kenneth kay Ryan.

"Eh siyempre, kasama mo siya laging umuwi, 'di ba? Aba, mahirap na mawala ang nakasanayan na," paliwanag ni Ryan.

"Tumigil na nga kayo at nakakahiya kay nurse," ani Sam. "Andiyan na iyong driver namin. Halika na, Tin?"

"Sige. Salamat, Sam."

Pinilit kong makababa ng kama at makatayo. Kumapit na lang ako kay Sam bilang suporta.

"Kaya mo na ba?" tanong naman ni Kenneth na nakaantabay pa rin sa amin.

"Oo, kaya ko na," sagot ko kahit sobrang hirap pa rin ako. Ayoko na kasing buhatin pa ako ni Kenneth.

Nagpaalam na kami sa nurse at lumabas na ng school clinic. Mabuti na lang at sa malapit lang naka-park ang kotse nina Sam. At nung sasakay na ay ang driver nila ang umalalay sa akin. Sa may backseat ako naupo katabi si Sam.

"Salamat Sam, ha?"

"Ano ka ba? Okay lang iyon. Para ano pa't magkaibigan tayo, di ba?"

Napangiti ako sa kabaitan ng katabi ko. Mabuti na lang at nakilala ko siya at naging kaibigan.

"Nasaan na nga pala iyong medical certificate mo? Ako na lang ang magbibigay sa mga teachers natin bukas."

Iniabot ko sa kanya iyong papel na ibinigay sa akin ng nurse. "Salamat."

"You're welcome." She grinned.

Kaagad naman kaming nakarating sa bahay namin. Pinilit ko ring makalakad na dahil ayoko namang buhatin pa ako ng driver nina Sam. Nakakahiya.

"Paano? Pagaling ka, ha?"

Nginitian ko siya. "Bye Sam."

"Babay!" Kumaway pa siya sa akin bilang pamamaalam.

***************************************************

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘱𝘶𝘮𝘢𝘴𝘰𝘬 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴𝘢𝘯 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢, 𝘬𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘵𝘶𝘯𝘨𝘬𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘺 𝘒𝘦𝘯𝘯𝘦𝘵𝘩. 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘪𝘨𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘮𝘶𝘭𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰 𝘬𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘰𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘨𝘺𝘮. 𝘛𝘶𝘸𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘣𝘰𝘬 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰. 𝘈𝘯𝘥 𝘶𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘯𝘰𝘸, 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘮𝘰𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘧𝘢𝘪𝘭𝘴 𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘮𝘦 𝘴𝘮𝘪𝘭𝘦.