webnovel

Moonville Series 2: Maybe This Time

Two years after her mother died, Darlene received a letter telling her to help her dad, Kenneth Oliveros, to fall in love again. Ang instruction ng kanyang mommy, find Samantha de Vera, ang high school best friend ni Kenneth at first love nito. Sa tulong ng mga kaibigan ng kanyang mga magulang at pati na rin ng 'divine intervension' ay nagawang matagpuan ni Darlene si Samantha de Vera. Nagawa rin niyang magkalapit ulit si Sam at Kenneth sa isa't isa. Pero, paano ba niya magagawang maibalik ang dating nararamdaman ni Kenneth kay Sam gayong hindi naman alam ng daddy niya na ang best friend ang first love nito? At ang isa pang problema, may boyfriend na si Samantha at hindi ito basta-basta papayag lang na pakawalan ito at ibigay ng ganun-ganun na lang kay Kenneth. Kahit pa nga mapatunayan nito na si Kenneth din ang mahal ni Sam. Magawa pa kaya ni Darlene ang misyong itinalaga sa kanya ng kanyang ina?

joanfrias · Urbain
Pas assez d’évaluations
52 Chs

Homecoming: Chapter 5

Natapos din ang mga designs na ilang araw nang pinagkakaabalahan ni Ryan. Lunes ng umaga nang kausapin niya ang mga karpentero na gagawa sa mga designs niya.

"Sana maihabol iyong samples before the end of next month. Kasi balak namin siyang isama ni Kenneth sa Valentine's day promo natin next year. Kaya ba?"

"Kaya po Sir," sagot ng isang karpintero nila.

"Good." He smiled. Maganda naman ang naging takbo ng usapan nila.

Nasa ganoon siyang disposisyon nang datnan siya ng sekretarya niyang si Grace.

"Sir, excuse po. May bisita po kayo."

"Ha?" tanong niya dito.

"Jenneth daw po ang pangalan."

Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi niya maiwasan ang ganoong reaksiyon sa tuwing maririnig ang pangalang iyon. Feeling niya kasi ay isang 'Jenneth' lang ang nag-e-exist sa mundong ito.

Na hindi naman. Speaking of which, sino kayang Jenneth itong naghahanap sa kanya?

"Nasa may showroom po. Hinihintay kayo," ang sabi pa ni Grace.

"Sige, pupunta na ako."

Muli siyang nagbilin sa kanyang mga tauhan bago pumasok sa building at dumiretso sa may showroom. Kaagad naman niyang nakita ang tinutukoy ni Grace dahil na rin sa mag-isa lang naman ito doon. Abalang tumitingin ng furniture iyong babae na walang iba kundi iyong 'Jenneth' nga na kilala niya.

Natigilan siya nang makita ito. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya at sinadya pa talaga siya nito doon?

Wala siyang nagawa kundi ang lapitan ito. He put on his salesman persona so that he could deal with his 'unwanted' guest easily.

"Nice choice."

Dama niya ang pagkagulat ng babae. And aside from that, he could also see how beautiful the lady in front of him is. Muntikan na siyang mapatunganga kaya nagpatuloy na lamang siya sa pagbebenta.

"That loveseat is made of Lauan or Philippine Mahogany. It is considered the best in Asia. Very sturdy and will really last for many years. The upholstery is microfiber. As you can see, it's softer that other fabrics, so it's more comfortable. It's also more durable and allows for quick, thorough cleaning. The closely woven nature of the material also lessens the accumulation of dust and lint, making this fabric an excellent choice for users who suffer from dust allergies or sensitivities. Like you. You have asthma, right?"

He remembered a moment when she had an attack. Sobrang nag-panick siya noon, samantalang ito ay balewala lang na kumuha ng inhaler upang maibsan ang paninikip ng dibdib nito.

𝘋𝘢𝘮𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘦𝘮𝘰𝘳𝘪𝘦𝘴!

Back to work ulit siya para mapigilan ang pagdagsa ng mga ala-ala. "Its foam is made of Uratex and it has a five-year warranty. Aside from that, it has a great design, perfect for sitting alone, or with someone…"

It was a loveseat. A two-seater couch where lovers could sit down and hang out. Ewan niya pero for the first time na nagbenta siya ng loveseat ay bigla siyang nailang. Nagpatuloy na lamang siya sa pagma-market.

"Pwede nating palitan ang kulay, and also the fabric. We have samples there if you like to check."

"It's actually perfect," ani Jenneth. "Actually, the color is what caught me."

"You really like that color, huh?"

Gusto niyang batukan ang sarili sa sinabi. Bakit ba siya mismo ang nagpapasubo sa sarili niya? He should stop doing that, or else, baka ano pa ang isipin ni Jenneth sa kanya.

Jenneth smiled. "Yeah, but… Anyway, I went here for this."

Isang bangle ang kinuha nito mula sa dalang puting bag. Nakilala naman iyon kaagad ni Ryan.

"How did you get that?" It was Darlene's bracelet, the one that he gave her on her seventh birthday.

"I saw this in my bag. Nahulog siguro ni Darlene nung magkita tayo sa The Coffee Club. Ibabalik ko sana kay Kenneth, kaso nakaalis na pala siya."

Bigla niyang naalala iyong sinabi ni Darlene sa kanya.

𝘔𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘱𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢, 𝘕𝘪𝘯𝘰𝘯𝘨.

Kaya pala. Iyon pala ang ibig sabihin ni Darlene. Kanino kaya nagmana ng pagka-wise ang batang iyon?

"He has a meeting," ang sabi na laman niya. "May kinuha lang siyang mga designs para doon sa presentation niya."

"Sabi nga noong guwardiya."

"Kung hihintayin mo siya, baka hanggang mamaya ka pa dito. He has a series of meetings outside. Baka mamayang hapon na iyon makabalik."

"Kaya nga ikaw na lang sana ang magbalik nito," ani Jenneth, referring to Darlene's bangle.

"So, I'm just a substitute now, huh?"

It was meant to be a joke, pero parang hindi nito iyon nakuha.

"I'm just kidding. Ako na ang magbibigay," pagkaklaro niya.

Kinuha niya ang bracelet mula kay Jenneth, and in the process ay nadampian ng mga daliri niya ang palad nito. It was unintentional, kagaya ng mahinang kuryenteng naramdaman niya sa pagdamping iyon. Natigilan tuloy siya saglit.

The air suddenly felt awkward. He suddenly felt restless. Ayaw niya iyong feeling na iyon. Iyong parang may kung ano na hindi niya maintindihan. Ewan… Basta kailangan niyang alisin ang pakiramdam na iyon.

"So… you didn't come here to buy the sofa?"

Napatingin si Jenneth sa sofa na tinitignan nito kanina.

"Come on. You can try it." Pinuntahan niya iyong sofa at saka umupo doon. "The foam is firm but very comfortable. Sit down."

Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya, na ewan niya kung bakit niya ginawa. Sa huli lang niya naisip na hindi naman pala niya ito gustong makatabi. Well, hindi naman sa hindi gusto. He just doesn't like the feeling that that might give him.

"Next time na lang siguro. Tsaka, hindi ba bawal upuan iyang mga iyan?"

"Oo. Pero kung sinabi ng owner ng shop, pwede naman siguro. 'Di ba?"

Jenneth smiled. "Maybe…" Napatingin ito sa paligid. "Actually, I'm looking for a new closet."

"Sa taas ang mga closet," aniya. "Dito kasi sa first floor, puro mga pang-living and dining room ang naka-display. Yung bedrooms tsaka pang-office and other furniture sa second floor naman. You want to see the closets? May mga bagong gawa kami."

"No, it's okay. Next time na lang siguro. I have to go to work pa."

"Oh… I assumed it's your off. You don't look like someone who goes to the patients and extract their blood."

She's wearing this black dress that flows through her body beautifully. And her naturally wavy hair made her more alluring. He remembers she always tie that hair of hers. Buti na lang ngayon ay natuto na itong maglugay. Mas bagay kasi nito ang ganoon.

"I… uh… don't do that anymore. Sa Lab na lang kasi ako ngayon. You know…"

He doesn't know what she really means, but why would he care?

"Ah… But, I just noticed you seem to like darker colors now. I mean, it's not usually what you want… I mean, as I remember, you like vibrant colors; pastels, mga pink, purple…" Naalala niya kasi na parang naka-itim na dress din ito noong Sabado sa The Coffee Club.

"Kamamatay lang kasi ni Mama, eh. So, I was told to not wear those kinds of colors muna."

Nagulat siya sa narinig. "Your mom died?"

Tumango si Jenneth. "Last month lang."

"Oh…" Naalala niya ang mama nito. The woman has always been good to him. Although, there was that one moment…

Pero wala naman itong nagawang kung anuman na makakasakit sa kanya. Hindi tuloy niya malaman ang sasabihin.

"I-I didn't know."

"I understand." Jenneth became melancholy.

"I'm sorry…" Nalungkot na rin siya sa nakikitang pagkalungkot nito. He suddenly felt the urge to come to her and hold her and console her.

But of course, he could not do that.

"It's okay." Tumalikod ito at muling tinignan ang mga naka-display na furniture. "I'll get by, I guess."

Hinayaan na lamang niya itong tumingin sa mga tinda nila. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin.

"I guess, I have to leave now," she suddenly said. "Thank you and, uhm… I'll try to come back."

"Sige… Ingat…"

That was not what he wanted to say. Pero, ano nga ba ang gusto niyang sabihin? Hindi niya alam. Kaya hinayaan na lamang niya itong umalis.

Napatingin siya sa bangle na hawak. An idea suddenly hits him. Oo nga at medyo out of topic, pero iyon naman talaga ang dahilan kung bakit napunta sa bag ni Jenneth ang bracelet ni Darlene. Kaya naglakas-loob siyang tawagin si Jenneth upang muli itong kausapin.

"Jhing…"

Tumigil naman ito.

"Yes?" She faced him again.

"May itatanong sana ako sa'yo. About Sam… Samantha de Vera."

"Ha?" Halatang hindi nito inaasahan ang tanong niya.

Lumapit siya dito. "Ano kasi… Kung may balita ka sa kanya? I just thought, maybe… well, you work now in TGH. So, I thought maybe you heard something about her… Wala na rin kasi kaming balita sa kanya. Parang nakalimutan na nga niya kami, eh." He faked a chuckle.

"Wala eh… Yun lang sinabi ko nung Sabado, iyon lang ang alam ko sa kanya."

"Ganoon ba?" Hindi niya maiwasang malungkot sa narinig.

"Basta ang alam ko, sa States na siya nakabase. May boyfriend siya. Baka nga magpapakasal na sila. Siyempre, sino pa ba naman ang gustong bumalik dito, 'di ba? Napaka-comfortable ng buhay niya sa States. And I also heard her boyfriend is a good guy… Maybe the next thing that we'll hear about her is that she's getting married."

Lalo siyang nalungkot sa sinabi nito. It sounded as if wala na talaga silang pag-asa pa sa misyong ibinigay sa kanila ni Kristine.

"Nalungkot ka yata bigla?" tanong ni Jenneth sa kanya.

"Wala… May naisip lang ako."

Tumango na lamang si Jenneth. "I'll go now."

Isang tango lamang ang kanyang sinagot. At tuluyan na nga itong umalis.

He looked at the bangle once again. Aminado siyang hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ni Darlene. Pero hindi pa rin niya maiwasang malungkot na parang wala na talagang pag-asa na mangyari ang gusto ng inaanak.

Ang masama pa, sa kanya manggagaling ang masamang balita na siguradong magpapalungkot dito. Ayaw pa naman niyang nakikitang malungkot ito. But, what could he do? He must tell her or else, she'll continue having false hopes sa misyong ibinigay ng yumao nitong ina.