Tahimik lang na nakatingin si Lumba sa labas ng sasakyan. Alas Quatro sila natapos sa pag-chainsaw sa bundok. Alam ni Lumba na Illegal ang kanilang ginagawa. Ngunit anong magagawa niya?
Sobrang taas ng qualification ng mga kompanya sa kinukuha nilang employees. How many times did Lumba tried to apply a job. However he failed even his educational attainment, even he is already a graduate. Company demands for expecience na wala sa mga Fresh Graduates, maliban kung may Part-time job sila while studying.
"Anong balita sa pag-abroad mo? Natapos mo nang inaral ang Korean Language na 'yan. Wag mong sabihin na scam lang 'yon?" Biglang tanong ng ama niya habang naka-focus sa pagmaneho na sasakyan nila.
Lumingon si Lumba sa tatay niya at, at may napansin siyang kakaiba sa Side View Mirror nito. Nanindig bigla ang kan'yang balahibo sa nakita. Nanlaki ang mata niya at lumakas ang pintig ng puso. Nanlamig siya at pinagpapawisan ang noo.
Tumingin ang tatay niya sa kan'ya. "Oh ano nangyari sayo?" Tanong nito nang mapansin na may kakaiba sa expression ng anak.
"Mag-ingat sa pagmaneho tay, parang hindi maganda ang kutob ko." Sagot nalang niya pero sa loob niya kinakabahan pa rin siya.
Hindi niya mawari kung anong gawin, at kung paano niya iligtas ang ama niya sa kamatayan. Tumingin siya sa labas ng bintana at tumingin sa Side View Mirror na malapit sa kan'ya. Nakita niya ang sariling reflection na wala na ang kan'yang ulo.
Mas lalong kumaba siya at mas lalong hindi niya alam ang gagawin. He had an unbelievable ability na hindi niya ipinaalam sa iba. He can see a premonition of death. Iyon ay makikita niya na malapit ng mamatay ang isang tao kapag ang reflection nito sa salamin ay wala ng ulo.
"Lumba? 'Di mo pa sinasagot tanong ko. Kumusta na ba ang pag-apply mo abroad?"
"Ang ibang kaklasi nakapunta naman ng Korea, maghintay lang daw kami sa susunod na batch." Sagot naman ni Lumba habang nasa labas pa rin ang tingin. He was deliberating if he will reveal to his father his scary ability of him. Nakita niya na wala silang ulo dalawa. It means to say malapit na silang mamatay.
There is a way to scape death, ang matukoy kung ano ang maging cause. If it was an accident, maybe they can delay a time. They may need stop for a while. Pero kung ibang kamatayan, ay wala na siyang magagawa.
"Sigurado ka na ba diyan sa gusto mong pag-abroad, at ang sabi nila sobrang hirap ng buhay roon? Kapag naroon ka na, wag ka masyado magpadala kung hindi naman kami nangangailangan, at kaya ko naman magtrabaho. Huwag mo isipin ang kamag-anak mo na mukha ng pasalubong, huwag mong gayahin ang pinsan mo na sa pag-uwi eh ilang buwan ubos na ang pera." Litanya nito.
"Sige tay, basta magsabi kayo sa akin kung sobrang nangangailangan kayo ng pera." Nanghihina niyang sabi. He is not sure if he could still go to Korea, and he don't know how to scape death.
Hindi mawari ni Lumba kung bakit may gan'yan siyang ability. Even his own death eh malalaman niya kung malapit na siyang kunin.
..
Nahihiwagaan si Lumba kung bakit nakauwi na sila eh wala pa ring nangyari. He did not want that something will happend pero naguluhan siya kung anong maging cause of death nila. May manloob kaya sa kanila, biglang masunog ang bahay, o baka bihlang lumindol.
"Kunin mo ang chainsaw sa likod, at ipasok mo sa bahay baka nakawin 'yan kapg nandiyan lang yan" biglang utos ng tatay niya.
Binuksan ni Lumba ang pinto ng sasakyan saka lumabas.
Nang makalapit si Lumba sa ina niya ay ibinaba niya ang Chainsaw saka kinuha ang kamay ng ana para magmano.
"Kumusta naman ang unang araw mo anak?" Tanong kan'yang ina.
Ngumiti ng walang kagana-gana si Lumba sa kan'yang ina. "Kapagod nay, pero ayos naman si Tatay magturo, at bukas kaya ko na kahit hindi ako tingnan ni Tatay." Sagot nito atsyaka inalsa muli ang Chainsaw at lumakad papasok ng bahay.
Tumingin naman si Teresa sa asawa niya at ngumiti. "Mabuti iyon at natuto si Lumba sa logging, pansamantala ay may pagkukunan siya ng pera, keysa naman hintayin niya ang planong pag-abroad eh baka matagalan pa siya."
Tumingin naman si Mang Kanor sa pinto. "Pumasok na rin tayo lalo na pumasok na rin si Lumba, at gutom na rin ako.
" O sige,Tara na at maipaghanda ko na kayo ng pagkain" aya ni Teresa.
...
Pagkapasok ni Mang Kanor at Teresa ay biglang kumahol ang aso nilang si Burlatoy. Napataas ang kilay ni Mang Kanor lalo na nahiwagaan siya bakit ito tumatahol sa kanila na para bang sila ay estranghero.
"Burlatoy! Anong tinatahol mo? Hindi mo na ba kami nakilala?" Tanong nito.
Subalit mas lalong kumahol ang asa sa kanila kaya nagkatinginan ang dalawa. Lumabas si Lumba sa kan'yang kwarto para tingnan kung sino ang tinatahol ng aso.
"Lumba! Patigilin mo nga ang aso na 'yan, ano bang nangyari diyan? Imbis na magnanakaw ang tahulin niyan eh kami pa na nagpapakain diyan."
Lumapit si Lumba sa aso atsyaka hinihimas ang ulo nito. Ngunit kahit anong gawin niya, at pinalo na nga niya ng hindi kalakasan ang ulo nito ay patuloy pa rin ito sa pagkahol. Napailing-iling nalang si Lumba.
Umalis ang tatay niya sa pinto saka umupo sa gawa sa kahoy na upuan sa Sala. Pinili nalang nitong manood ng TV na bukas na pagpasok pa lang niya. Habang ganoon din ang Asawa na pumunta sa kusina para ihanda ang pagkain.
Ngunit kahit nakaalis na nga ay hindi pa rin matigil ang aso sa pagtahol. Tila ba sa pintong iyon ay may nakikita itong ano. Ipinagtaka ito ni Lumba at tumingin sa pinto pero wala namang makita roon na kahit ipis o ano man lang.
"Bur? Ano ba tinatahol mo kahit wala namang tao?" Tanong niya.
Tumingin ang tatay niya sa gawi ng aso na parang hindi mapakali at tahol nang tahol. Umiling ito lalo na hindi niya marinig ang balita sa TV. Tahol lang nito ang maririnig.
"Ilabas mo na lang 'yan Lumba nang matigil na 'yan sa pagtahol."
Tumango si Lumba saka nito binuhat ang aso niyang may kalakihan. Ngunit kahit sa pagbuhat niya ay tumatahol pa rin ito. Nang makarating siya sa pinto ay bigla na lamang nanindig ang balahibo niya at tila ba nanlamig siya. Binuksan niya ang pinto saka binaba ang aso.
'Ano bang nangyari? Bakit nanlalamig ako?'
Isinawalang bahala niya na lang iyon at pumasok sa loob at umupo sa upuan kasama ang tatay niya.
...
Habang nasa hapagkainan sila ay naririnig nila ang alulong ng aso. Inilabas na nga nila ito pero umiingay pa rin ito. Tumingin ang nagtatanong na mata ni Teresa ang asawang si Mang Kanor. "Kanor? Hindi kaya ay nakakita ng multo ang asong iyon? O nakakita ng nilalang na hindi natin nakikita? Engkanto?" Tanong nito.
Umiiling si Mang Kanor kay Teresa. "Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin sa gan'yan? Pero ewan ko kung ano ang nangyari sa asong 'yon, pag-alis natin sa pinto eh hindi tayo sinundan ng kan'yang tingin. Tila ba may tao pa rin itong nakikita sa pinto na hindi natin nakikita."