webnovel

Monster Invasion (Tagalog)

Isang araw, biglang sumulpot ang mga halimaw na galing sa ibang dimensyon upang sakupin ang ating planeta. Sinubukan lumaban ng mga tao pero ang naging resulta ay kalunos-lunos. Dahil dito, maliit na parte na lamang ng mundo ang natira para pamuhayan ng mga tao. Pero bago maubos ang sangkatauhan, binigyan sila ng langit ng isang pagkakataon. Isa-isang nagkaroon ng kapangyarihan ang mga tao para maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili. Pero may isang tao na nagkaroon ng medyo kakaibang kapangyarihan... Nagising si Ye Song mula sa mahimbing na pagkakatulog at nakita niya na ang mga halimaw ay nagsimulang maghasik ng karahasan. "System, ano na ba level ko ngayon?" *Ding* *Ang level ng host ay 999*

yamcee · Fantaisie
Pas assez d’évaluations
86 Chs

Paghaharap!

Sa bayan ng Malaya ..

Ang mga kung fu turtle at ilan sa mga armored gorilya ay nagbabantay sa may bukirin malapit sa bayan nang bigla silang may marinig na isang malakas na dagundong kung saan.

Lahat sila ay nakaramdam ng pagkabigla sa kanilang mga puso at nagsimulang maging alerto dahil sa dagundong na ito.

Kumunot ang noo ni Coco nang marinig ang ungol na ito kaya tumalon siya sa tuktok ng pader kung saan sinusubaybayan ni Tango at ng kanyang mga kasama ang paligid ng bayan.

Natuliro ang lahat sa nangyari dahil hindi nila alam kung saan nanggaling ang malakas na ingay na iyon.

Nang tatanungin na ni Coco ang mga ito kung may nakita ba silang kahina-hinala, bigla niyang nakita ang mukha ni Tango at ng iba pa na biglang namutla.

Naguluhan siya dahil dito kaya naman tumingin din siya kung saan nakatingin ang mga ito at may isang bagay siyang nakita na kanyang ikinagulat ..

Nakita ni Coco ang isang malaking grupo ng mga halimaw mula sa malayo na sumusugod patungo sa bayan ng Malaya!

Ang mga halimaw na ito ay bigla na lamang lumabas mula sa kawalan sa malawak na bukirin.

Ang mga mata nito ay namumula at naglalabas sila ng isang malakas na hangarin sa pagpatay.

"Devilslaves .." sinabi niya ng mahinang boses.

Ilang saglit lang pagkatapos niyang sabihin ito, bigla naging maputla ang mukha ni Coco nang makita ang mga halimaw na pasugod sa kanila.

Si Tango at ang iba pa ay nagising mula sa kanilang pagkatulala at nagsimulang maglabas ng malamig na pawis.

Ang kanilang mga mukha ay hindi maipinta dahil sa takot habang iniisip ang mga susunod na mangyayari.

Lumingon si Tango sa bayan habang hindi maitago ang takot sa kanyang mga mata.

Sumigaw siya ng malakas sa abot ng kanyang makakaya.

"Inaatake ang bayan ng Malaya!"

-

"Ipapakita ko sa iyo kung ano ang tunay na halimaw!" sigaw ng Ammut habang inilalabas niya ang mga black vines sa katawan nito.

Gayunpaman, pagkatapos sabihin ng Ammut ang mga salitang ito, isang anino ang biglang kumurap at sa isang iglap, si Ye Song ay nasa kanyang harapan na.

Isang siksik na hangarin sa pagpatay, mabangis at marahas ang biglang dumirekta sa Ammut!

Nagulat ang Ammut sa biglaang sitwasyon na ito ngunit nakapag react pa rin siya sa pamamagitan ng kanyang instinct at akmang aatakihin si Ye Song nang biglang dumating ang isang hindi malarawan na sakit mula sa kanyang dibdib.

Sa susunod na sandali, ang Ammut ay tumalsik palayo nang walang anumang lakas upang pigilan ito at sumalpok sa mga malalaking puno.

Ang lupa at mga puno ay nanginig dahil sa impact!

Hisss!

Ang mga halimaw na nagtatago sa kadiliman na nakasaksi sa pangyayaring ito ay napasigaw sa sakit nang makita nila ang nangyari sa Ammut na nasa ibaba.

Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. nangyari ito nang biglaan kaya wala silang oras upang makapag-react!

Ang mga halimaw na nagtatago sa kadiliman ay naramdaman ang paglubog ng kanilang mga puso at hindi nila maiwasang manginig sa kanilang gulugod dahil sa pangyayari ito.

Hindi nila inaasahan na ang batang ito ay napakalakas!

Samantala, si Ye Song ay dahan-dahang lumapit sa Ammut na nakahiga sa lupa, ang kanyang tinig ay malamig at kalmado habang nagsasalita.

"Kabayaran iyan sa pag-atake mo sa akin ngayon lang"

Nang marinig niya kung ano ang sinabi ni Ye Song, ang katawan ng Ammut ay nanginginig habang kinikimkim nito ang galit sa kanyang kamao.

Habang papalapit si Ye Song ay biglang nanginig ng malakas ang katawan ng Ammut at nagsimula itong magpalabas ng isang makapangyarihang aura na lumalakas kada segundo at patuloy lumalawak.

Ang galit ng Ammut ay tumodo na dahil hindi na niya kinaya ang pagmamaliit ni Ye Song sa kanya!

Huminto sa paglalakad si Ye Song nang makita niya ang Ammut na biglang naglabas ng isang itim na aura sa buong katawan nito at patuloy lamang niyang pinapanood ang eksena sa kanyang harapan.

Ang susunod na nangyari ay nakita ni Ye Song ang iba't ibang mga black vines na lumabas mula sa katawan nito na binabalot siya. pagkatapos ay tinakpan ang buong lugar na nakapalibot sa kanya at patuloy na lumalawak palabas!

Ang kapangyarihan ng pagwasak ng black vines ay naging sanhi ng mga puno upang hindi tumigil manginig. kahit na ang lupa ay nagsimulang magkaroon ng mga palatandaan ng maraming bitak!

Dahan-dahang tumayo ang Ammut habang ang pula nitong mga mata ay nakatuon sa pigura sa kanyang harapan.

"Ye Song, ikaw ang may gusto nito! hahayaan kitang mamatay at mawasak sa ilalim ng maraming black vines hanggang sa walang matira pati mga buto!"

Iniunat nito ang mga braso sa kanyang tagiliran pagkatapos ay lumutang nang mataas ang Ammut sa langit.

Habang tumataas ito, maraming mga laso ng black vines ang mas nagiging marahas at sumasayaw sa kanyang paligid.

Di nagtagal, parami nang parami ang mga black vines!

Ganap na pinakawalan ng Ammut ang kanyang malakas na pressure na naging dahilan para manginig ang buong paligid nang hindi sinasadya.

Binibigay ng Ammut ang kanyang buong pwersa para sa atakeng ito!

Halos sa parehong oras na ito, ang bawat anino na nagtatago sa tuktok ng mga puno ay malinaw na nadama na parang may isang malaking bundok ang nakapatong sa kanila mula sa itaas.

Hindi nila maiwasang mapaatras hanggang sa makakaya nila dahil takot sila na makasama sila sa mga black vines at magkaroon nang walang kabuluhan na kamatayan.

Nang makita ni Ye Song ang ginagawa ng Ammut, iniutos niya kay Ahoka na lumayo din ito hanggang sa maaari.

Nang marinig niya ang utos ni Ye Song, tumingin si Ahoka sa kanya bago tumalikod at nawala sa isang iglap.

Sa ilang sandali lamang ay si Ye Song at ang Ammut na lamang ang natitira sa lugar!

Patuloy na pinakawalan ng Ammut ang itim na aura sa buong katawan nito at ang mga black vines ay nagsimulang mangwasak sa paligid.

Gayunpaman, bago magsimulang mangwasak ang mga black vines, sa parehong oras ay biglang gumalaw na si Ye Song!

December na guys! irregular muna ang release natin dahil kailangan ng pera para sa bagong taon hahaha!

Creation is hard, cheer me up!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

yamceecreators' thoughts