Sa mga oras na ito, si Toro ay nakatingin lamang sa isang balon isang daan at limampung metro ang layo mula sa kaliwang gate ng bayan.
Bumalik lamang siya sa kanyang pandama nang tawagin siya ng dark shadow monster, pagkatapos ay umiling siya at lumakad pabalik.
"Wala, may bigla lang akong naramdaman na kakaiba"
Nang marinig ang kanyang sagot, sinabi sa kanya ng dark shadow monster.
"Ang atmosphere dito ay hindi komportable ngunit hindi ko masabi kung ano ito .. huwag kang magiging pabaya at maging alerto ka lagi"
Tumango si Toro matapos marinig ang sinabi ng dark shadow monster at inatasan ang lahat ng mga halimaw na magpatuloy sa paghahanap hanggang sa gitna ng bayan.
-
Sa ilalim ng balon na tinitignan ni Toro kani-kanina lamang ay may isang maliit na katawan ng malinaw na tubig. ang tubig ay malinaw at kalmado na kayang maipakita dito ang mga bituin sa kalangitan.
Di nagtagal, isang serye ng mga bula ang nagsimulang mabuo sa ilalim. bumula ito hanggang maabot nito ang ibabaw ng tubig. pagkatapos ay nagsimulang bumilis ang pagdami ng mga bula at ginulo ang tubig. ang orihinal na malinaw sa ibabaw ay nagsimulang maging maulap na asul ..
"Blip blip blip .."
Ilang sandali lamang ay mas marami pang bula ang nagsimulang mabuo ngayon.
Isang asul na dragon figure ang biglang umangat mula sa tubig sandali bago isubsob muli ang kanyang sarili sa kailaliman ..
-
Pagkatapos ng ilang minuto, ang pangkat ng mga halimaw ay halos nasa gitna ng bayan.
Ang mga aura ng mga naninirahan sa bayan ay lalong lumilinaw habang papalapit na sila.
Karamihan sa kanila ay karaniwang tao lamang at tiyak na may ilang mga chosen. kahit na ang kanilang lakas ay nasa mas mahinang bahagi ng spectrum. nangangahulugan ito na sila ay mahina bilang chosen o sinusubukan lamang nilang pigilan ang kanilang mga aura.
Ang hukbo ng devilslave ay dahan-dahang naglakad patungo sa gitna ng bayan.
Sa wakas, huminto si Toro at ang kanyang pangkat sa tabi mismo ng isang tatlong palapag na gusali. sa kalye sa kabila ng gusaling ito ay ang lugar kung saan naroroon ang lahat.
Habang tumatawid nang kalye ang dark shadow monster upang tingnan ito, biglang tinawag siya ni Toro. "Teka wag muna! parang may mali dito!"
"Eh?" Nagulat sa kanyang sigaw, ang dark shadow monster ay lumingon upang tingnan siya at sinabi, "Ano ang problema?"
"Makinig ka!" ang mukha ni Toro ay naging mabangis, "Napagtanto mo bang wala pa tayong naririnig na mga tinig o tunog mula nang pumasok tayo sa bayan ?!"
"Mga boses?" ang dark shadow monster at ang mga sundalo ng halimaw ay napapikit sa una, pero napakabilis din nilang naging alerto nang mapagtanto nilang tama ang sinabi ni Toro.
Tama siya! wala sa kanilang grupo ang nakarinig kahit isang pagsilip mula nang pumasok sila sa bayan!
Pwede nilang palampasin ang hindi sila makarinig ng anuman sa gate ng bayan dahil ang nasa isip nila ay nagpa-plano ng ambush ang mga residente dito, ngunit kung sila ay napakalapit na sa sentro kung saan nandoon ang daan-daang mga tao at wala pa rin silang naririnig ni isang ingay, mayroon nang problema dito!
Ito ay masyado nang kahina-hinala!
Ang bawat isa ay labis na nakatuon na pakiramdaman ang anumang aura sa mga gusali habang naglalakad sila sa mga kalye sapagkat nasanay sila na hindi nakakarinig ng anumang tunog mula pa noong una kaya halos nakalimutan nila kung gaano kakaiba iyon!
Ang dark shadow monster ay tumalon ng ilang metro sa kalangitan upang tingnan nang mas malapit ang nangyayari.
"..."
Ngunit sa oras na ginawa niya iyon, bigla na lang siyang napatigil sa kanyang ginagawa at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat na parang may nakita siyang hindi kapani-paniwala.
Walang gumagalaw habang pinapanood siya.
Si Toro na hindi makayanan ang suspense ay nagtanong na kay dark shadow.
"Ano ba ang nangyayari diyan? ano bang nakikita mo?"
Si dark shadow na natahimik ay nagulat sa boses ni Toro at mahinang sinabi. "Wala .. wala namang tao dito.."
"Ano?" Sa sobrang hina ng kanyang boses ay hindi siya narinig ni Toro. "Walang ano?"
Habang namimilipit pa rin ang mga mata dahil sa pagkabigla, inulit ni dark shadow ang kanyang sinabi, "Wala .. wala talagang tao dito !!"
"Walang tao?" nagsalita ang lahat. nagulat ang mga sundalong halimaw nang marinig ang sinabi ni dark shadow.
"Anong klase ng biro ang sinasabi mo?" sumigaw si Toro, "Daan-daang tao ang nandito, paanong walang tao? letse ka, ako na titingin mag isa"
Tumalon siya sa hangin upang makarating sa kinaroroonan ni dark shadow. nang tumingin siya sa buong lugar, agad na bumagsak ang kanyang panga at naging kasing tigas ng kay Dark Shadow. "Tang- tangina ! Wala talagang tao! ano bang nangyayari dito ?!"
Ang reaksyon ng dalawa ay nagbigay ng pagkalito sa hukbo ng devilslave. dahil dito ay tumalon din sila sa langit upang tingnan ang nangyayari sa kanilang sariling mata.
Ngunit nang tumingin sila sa ibaba kung nasaan ang gitna ng bayan ..
Walang sinuman ang nandoon!
Isang malaking plaza ang nakatayo sa gitna ng bayan kung saan naramdaman ng lahat ang aura ng mga naninirahan dito at ilang mga chosen. ngunit kahit ni isang tao ay wala silang makita doon!
Kahit na hindi nila ito nakikita, malinaw na nadarama ng lahat ang daan-daang mga aura kung saang direksyon sila nakatingin.
Ang pag sense ng aura ng isang tao at hindi nakikita ang tao na iyon ay isang bagay. ngunit ang madama ang aura ng daan-daang mga tao at hindi makita ang mga ito ay siguradong may kakaiba!
Ito ay isang pambihirang kaganapan na hindi nila maipaliwanag. walang kahit sinuman sa pangkat ang may ideya kung ano ang nangyayari sa bayan na ito kaya malaki ang pagkagulat na kanilang nararamdaman sa kanilang puso.
Ang aura ng lahat ng mga tao dito ay magkakaiba sa paningin. ngunit ngayon na nakatuon na silang lahat dito, napagtanto ni Toro at Dark Shadow pati na rin ang mga devilslave army na sa ugat ng lahat ng mga aura na ito at ang paraan ng kanilang pagbabagu-bago ay .... magkapareho sa bawat isa!
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!