webnovel

Mimi and Chloe (GGIS #1)(Filipino)

Girls-Gays Inlove Series Series #1 Mikael (Mimi) Edwards & Chloe Mendoza In a relationship at 15, Engaged at 16, And broke up before turning 17. After 2 years, Chloe came back after realizing it will always be Mikael. But what if pagbalik niya nag-iba na ito. Hindi lang sa pag-uugali kungdi kasama na 'yong sexual orientation nito. Oh, no! **Namali ako ng unang post sa story na to. mygash, first time kasi ajejeje**

Aybeeming · Urbain
Pas assez d’évaluations
62 Chs

Chapter 11

After that day ay mas lalong naging matatag ang relasyon nila ni Mikael. Mas lalo pa nilang nakilala ang isa't isa. They're inseparable. Naging classmates ulit sila pagkatungtong nila ng 4th year highschool. Hatid sundo na din siya nito from home papunta ng school then vice versa. Nakilala na din ito ng dad niya and her dad has no objection of their relationship.

Minsan nag-aaway din sila but not to the extent na maghihiwalay sila. Maloko naman kasi talaga ang boyfriend niya. Bully, clingy, possessive, you name it. But that just made her love him more. Everytime na napipikon na siya ay agad naman itong magsosorry. Kilala na niya ang ugali nito. Him, being a bully, is like his paglalambing towards her. Sila at ang relationship nila ay parang naging role model ng mga kapareho nilang estudyanteng magkasintahan. Na kahit na magkasintahan sila ay hindi pa din nila pinapabayaan ang pag-aaral nila.

Siyempre, tumataas ang grades niya. Ikaw ba naman magkaroon ng genius na boyfriend? Chos! Hindi siya nagchicheat ah! Tinotutor kasi siya ni Mikael and sabay silang nag-aaral if may quiz and exams sila. Kaya ayun, naging top 3 siya sa klase, while top 1 naman ito.

'Yon nga lang ay hindi na sila masyadong nakapag bonding ng mom niya. But she see to it, na every sunday, would always be exclusive for her family. Ganoon din ang sabi niya kay Mikael kasi baka magtampo din ang parents and ang dalawang ate nito if mawalan ito ng time sa kanila.

Yes, may dalawang ate siya. Nameet niya na ang mga ito noong after party ng pageant nila. But his ates are always busy. Yung pinakapanganay kasi na si Ate Michelle ay nagtatrabaho na sa company nila. And si Ate Mikaella naman ay nag-aaral ng Medicine. 8 years ang gap ni Ate Mikaella kay Mikael, kaya masiyadong spoiled ang boyfriend niya kasi bunso at only son pa.

If you're gonna ask if nagtry na sila ng something aside from kissing ni Mikael, then the answer is a million times NO! Nagkikiss sila, yes, but smack lang. Ayaw na nilang lumampas pa kasi magtitrigger lang 'yon ng pagkatuliro at makalimot pa sila. They're still young. Marami pa silang pangarap na plano nilang tuparin ng magkasama. Alam nilang dadating ang oras para sa mga ganoong bagay.

It was her 16th birthday that day and magte-10months na sila ni Mikael. Gusto niya sana ay simpleng party lang but her mom wants it grand, she reasoned out na only child lang siya kaya hindi na mauulit na may mag sisweet16 sa pamilya nila. Her dad cancelled and rescheduled all his appointments for her special day kaya napa-oo na lang siya.

Kanina pa siya palakad-lakad sa room niya hawak ang cellphone niya. Hindi niya macontact si Mikael, who's supposedly her escort. Naiinis siya na nag-aalala. Never pa ito nangyari na naka-off ang cellphone nito at hindi nagpaparamdam sa kanya ng mahigit isang oras, not unless na sleeping time na nila.

"Anak, it's time! Let's go? Kompleto na ang entourage mo and mga bisita." Her mom said pagkapasok nito at ng dad niya sa room niya. Dito lang sa bahay nila ginanap ang birthday niya, as she requested. Gusto sana ng mom niya na sa isang magarbong hotel.

Napatingin siya sa mga ito, her mom is wearing an off shoulder pink gown while her dad is wearing a tuxedo with pink ribbon. Ang ganda at ang pogi ng mga magulang niya, hindi halatang may anak na ang mga ito. Her mom is smiling habang nakahawak sa braso ng dad niya na nakangiti din but there's something missing in her Mom's eyes. Hindi niya mapoint-out kung ano 'yon. Sa susunod niya na lang iisipin iyon, its her 16th birthday. Dapat happy thoughts lang but then Mikael kinda ruined it. She misses him.

Napalabi siya, "Paano maging complete, Mom! I can't contact Mikael!"

Tumawa ang dad niya, "He's already downstairs, princess."

"What?!" Gulat niyang sinabi at agad naunang lumabas sa room niya, sumunod din ang parents niya. Hinawakan ng mom niya ang hem ng train ng pink tube gown niya. Mahaba kasi ang train noon pero ang sa harap is above the knee ang haba kaya kitang-kita ang makinis niyang legs.

Didiretso na sana siya pababa ng stairs nang pinatigil siya ng party organizer na hinire ng parents niya. Nakalimutan niyang aantayin niya pa pala ang pagstart ng music before siya bababa. She's very eager to see her boyfriend. Kanina pa siya nito tiniis, and pinag-alala siya nito kaya kailangan niya itong bigwasan ng konti. Konti lang naman.

When the music started, agad niyang narinig ang pagtahimik ng mga bisita nilang nasa sala. Pumwesto ang parents niya sa magkabilang gilid niya, hinawakan ng mga ito ang magkabilang braso niya and sabay silang bumaba sa stairs. Agad niyang hinanap ang boyfriend niya, nalunok niya ang laway niya nang bigla itong nagpakita at pumwesto ito sa pinakababang baitang ng stairs.

'Shet! Ampogi ng loko!'

Nakasuot ito ng white na tuxedo pero pink ang blazer. Naka brush-up pa ang buhok nito na kumikinang dahil sa hairgel. Feeling niya tuloy siya si Rose sa Titanic na movie at ito si Jack. Seryoso itong nakatingin sa kanya, na parang kinakabahan. Kinabahan na din tuloy siya. May problema kaya? Ngayon niya lang itong nakitang naging ganoon.

Nagtatanong ang expression niyang tumingin dito. Nagsmile lang ito ng tipid at agad inabot ang kamay niya na nilahad ng dad niya.

"Take care of my princess." Makahulugang sabi ng dad niya. Nabigla siya doon kaya napabaling ang tingin niya sa dad niya. Medyo OA ng dad niya, ha? Eh sasayaw lang naman sila ni Mikael? Hindi naman yata siya itatapon or sasaktan nitong lokong to habang nagsasayaw sila.

"Yes, sir." Sagot naman ni Mikael na sobrang seryoso talaga. Dito naman siya napabaling. Kinabahan na siya. Medyo hindi siya updated sa kaganapan ngayon. May something ba?

Magtatanong na sana siya ng biglang kumanta na ang choir na kinuha ng parents niya. Like I'm Gonna Lose You ni Meghan Trainor at John Legend. Nagulat siya, hindi 'yon ang kantang sasayawin nila ni Mikael na pinractice nila last week. Pero hinila na siya nito pagitna. Agad nagform ng circle ang mga bisita para magkaroon sila ng pwesto ni Mikael sa gitna ng kanilang malaking sala.

Hinawakan nito ang baywang niya at kumapit naman siya sa leeg nito. Pinagdikit ni Mikael ang mga noo nila at mataman siyang tiningnan sa mga mata ng nagstart na silang sumayae. Nakocurious at kinakabahan na talaga siya. Feeling niya may magaganap ngayon. Hindi niya magawang magtanong kasi natatakot siya. Pumikit siya ng saglit at hinayaan itong ikutin siya ng tatlong beses.

"Babe." Tawag nito sa kanya ng tumigil itong sumayaw ng patapos na ang kanta. Bumuntong hininga ito ng malakas.

Natatakot siya. Kinakabahan siya. Feeling niya hihimatayin siya.

Tumingin lang siya dito. Bigla nitong tinanggal ang mga kamay niyang nasa leeg nito. Naiiyak siya bigla, hindi niya alam kung bakit. Hinawakan nito ang kanang kamay niya at pinasok ito sa bulsa ng pantalon nito. May nakapa siyang maliit na box. Napaawang ang bibig niya.

"Kunin mo." Sabi nito sa kanya. Agad niyang kinuha ang box at biglang tumulo ang luha niya. "Open it." Masuyong sabi nito.

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang box. And nagulat siya sa nakita niya.

Walang singsing pero may nakasulat na maliit na note na nakalagay ay, 'JOKE LANG!'.

Tumawa ito bigla. "Joke lang!"

Tumawa din ang mga bisita at mga magulang nila.

"Nakakainis ka!!!" Sigaw niya dito at hinampas-hampas niya ito sa balikat.

Magwowalk-out na sana siya ng hinigit siya nito sa braso at biglang nagchange ulit ang music. Intro ng kantang Marry You ni Bruno Mars.

May nag-abot dito ng isang highstool at pinaupo siya nito doon. Lumaki agad ang mga mata niya ng naglakad ito ng patalikod na nakaharap sa kanya. Kikindat-kindat pa ang loko. Nagstart na itong sumayaw then biglang nagsulputan ang mga back-up dancers nito. Wow! Back-up dancers!

Umindak-indak ito. Tawang-tawa siya bigla. Ang pangit pala nitong sumayaw ng upbeat na song. Pilit na pilit. Feeling niya mababaliw na siya sa paiba-ibang emosyon na naramdaman niya sa araw na 'yon. Kung matuluyan nga siyang mabaliw, eh, kasalanan talaga 'to ni Mikael.

Patapos na ang kanta ng umalis na ang mga back up dancers nito. Natira ito na may hawak ng microphone at mabagal na naglakad palapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya, kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likod noon. Napaawang ang bibig niya.

"Babe.. I know mga bata pa tayo and I know this is too early for this, pero hindi naman tayo magpapakasal agad. Siguro mga after pa natin makagraduate ng college, katulad ng pinag-usapan natin. Gusto kong magchange status naman tayo. And take our relationship to another level before tayo gumraduate ng highschool. I have our parents' blessings, by the way." Masuyong sabi nito sa kanya. Napasinghap siya pero hindi niya iniiwas ang mga mata niya dito.

"When I found out that day na gusto mo din ako, I immediately grab the opportunity. And I was glad na hindi ka kumontra, noong sinabi kong girlfriend na kita. I love you. I love you so much. Each passing day simula noong naging tayo mas lalo kitang nakilala and mas lalo pa kitang minahal ng sobra. And I don't think I could love someone again aside from you. I want you to see and feel that I'm really serious about you. So.. now, I'm gonna ask you. Will you be, my fiancee, babe?" Tanong nito sa kanya sa sobrang masuyong boses. "Please, don't say no. Mamamatay ako. Puwedeng maybe or pag-isipan ko, pero, please, don't say no." Dagdag nito sa mababang boses na nagpatawa sa kanya.

Napatingin siya sa mga bisita, they're all waiting for her answer.

"Who would say no to you?" Panimula niya na agad nagpakislap sa mga mata nito. "Ofcourse, its a yes, babe!"

"Yes!" Agad siyang pinatayo at binuhat nito at inikot-ikot. Nagpalakpakan ang mga tao.

"Teka lang!" Nagpababa siya dito. "Saan na pala ang singsing ko?" Tanong niya noong naalala niya.

"Here!" Sabi nito at nakangising nilabas ang kwintas nitong suot. Ginawa pala nitong pendant ang engagement ring niya.

Tinampal niya ito sa balikat pagkatapos nitong isuot ang singsing sa daliri niya. Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Tinawag na sila ng organizer ng party niya na magstart na daw ang program. Binati sila ng mga bisita noong naglakad na silang dalawa papunta sa harap ng mini-stage na ginawa sa loob ng isang malaking room na kung saan parati hineheld ang mga party sa bahay nila. Magkatabi silang dalawa sa cleopatra style na couch sa gitna ng entablado. Actually, siya lang dapat ang nasa gitna since she's the celebrant pero pinilit niya si Mikael na samahan siya. Namiss niya kaya ang fiancee niya. Fiancee na talaga. Kinikilig siya.

Naupo na din ang mga bisita nila sa mga kanilang respective seats at nagserve agad ng appetizer and drinks ang mga waiter and waitresses sa mga ito. Hinatiran din silang dalawa ni Mikael ng drinks. Then, the program started.

Agad niya itong sinita noong nag-oopening remarks ang dad niya. "Pinakaba mo 'ko kanina, akala ko kung ano na!" Sabi niyang naiinis dito, tawa lang ito ng tawa.

"Para maging memorable naman ang engagement natin, babe. I'm sorry for making you worry." Sabi nito. "Happy birthday, fiancee."

Nagsmile siya at agad humilig dito. "Thank you, fiancee. I love you."

Hinalikan siya nito sa ulo at agad niyapos sa baywang. "I love you more."