webnovel

Miasma

Jean Claude Deleon Virata, di ito ang nakagisnang pangalan pero nabuhay sa loob nitong batang to. Naandito na ako sa sobrang modernong sibilisasyon kung saan salamanka ay normal sa mundong ginagalawan. Naandito pa rin ako sa pilipinas, kahit anong pagbabago nangyare sa panahong ito. Pilipinas na nakagisnan ko ay ganito pa rin sa pilipinas na nakikita ko ngayon. Anong gagawin ko sa bagong buhay na binigay sakin. Kung ano man ang gagawin ko, ay gagawin ko para sa sarili ko at hindi sa bansang pinaglaban ko noon.

Raysly · Action
Pas assez d’évaluations
6 Chs

introduction

Philippines,

Ilang daan taong nakatayo ang isang mumunting bansa na ito. Sa dami ng sumakop nito, maraming pagbabago at rebulosyon ay nakayang tumayo ang bansa sa tagal ng panahon. Pero itong mababang bansa na ito pati na ang lahat ng parte sa mundo ay napapaligiran ng salamangka. Maraming tawag dito, salamangka/magic/mahou/etc. Ay napatunayang totoo ito at nasasabing naibalik kung ano meron ang mundo dati. Unang nadiskubre ito noong 2137 sa Europa nung nararamdaman ang pagbigat ng gravity sa madaming bansa simula ang Spain at UK, sunod ay kumalat ito sa buong mundo na kahit ang siyensya ay di maintindihan. Nagkagulo ang lahat ng tao dahil sa biglaang pagbigat ng gravity nang 10 beses sa normal ay nahihirapang kumilos ang mga ordinaryong mamamayanan ng lahat ng bansa, kaya sumikat ang mga Body reinforcement.

Body reinforcement ay ang bagong tawag sa mga training facilities, doping, therapy at human modification ukol sa katawan ng tao. Sa pagdaan ng taon ay naging normal ang pamumuhay dahil nakayanan ng katawan ng tao ang makipagsapalaran sa hagupit ng kalikasan habang pinagaaralan ang sakuna na ito.

Sa 5 taong nakalipas, taong 2142. Dumating ang pinakamalalang pangayayari ay ang dumog ng mga kwebang punong - puno ng mahika sa ibat ibang parte ng mundo na may lamang mga kakaibang mga organismo o masasabi nating halimaw. Tanging solusyon na masara lamang ito ay maubos ang mga halimaw doon o mapatay ang nagmamay -ari ng kweba.

Maraming nasira, lumubog, naghirap, dumaan din ang 5 buong pangdaigdigan giyera ng bansa pero ang pilipinas ay sanay sa ganoong pangyayari kaya nanatiling nakatayo pero maraming nais na abusuhin ng pagkakataon na ito upang sakupin ang pilipinas ay nahihirapan dahil sa pagbabago ng sobrang lakas na klima at malaking pagbabago ng porma ng mga anyong tubig at lupa sa bansa.

Lahat kase ng bansang malapit sa equator ay nagkaroon ng malaking pagbabago ukol sa klima. Nagadjust mismo ang kalikasan pero may kapalit ay ang malalakas na halimaw at mas lalong malakas na gravity kaya di kinaya ng tao ang pagbabago. Kakaonti na lamang na bansa tumagal at nasakop habang ang pilipinas ay umuunsad sa araw araw upang mabuhay.

Di lahat nag sawi sa pagsakop ng pilipinas, mga nagwagi sa pagsakop nito ay ang china, britanya at Russia.

Sa taong 2345, naibalik ang kapayapaan ng pilipinas at natapos ang world war 7. Naging normal na kabuhayan na ang pilipinas na naging kasama na doon ang pagpuksa ng halimaw sa bansa at paggamit nito sa pamumuhay ng tao.

Sa taong 2400, 3rd world country pa rin ang pilipinas sa mundo. Nahuhuli pa rin ito sa modernisasyon pero hindi maalis ang tingin ng ibang bansa dahil sa lakas ng ekonomiya ukol sa ekspotasyon sa mga gamit sa pamamagitan ng mga materyales ukol sa supply na kailangan ng ibang bansa.

Pilipinas lamang ang mga ruta konekta sa buong mundo dahil sa labor at supply, isa na itong istratehiyang lokasyon upang masustento ang pagkukulang ng lahat ng bansa sa mundo.

Mababang bansa man ay kapalit nito ay kapayapaan at seguridad sa bansa.

Sa lahat ng pangyayaring dumaan ay nadiskubring mas lalakas at dadami ang mga kwebang kung saan masasabing ang mundo daw ay lalakas dahil daw ang mundo ay gusto manumbalik sa orihinal na lakas nito at di alam kung bakit lalong lumalakas ang mga piling hayop sa mundo.

Hello reader,

I'm a new writer from philippines. since quarantine i practice making stories. this is my first story published in webnovel, please support if you like the story and comment if there is something to improve on.

even though i'm a filipino, i find it hard to write in filipino language since i always tongue tied speaking tagalog.

PEACE <3

Rayslycreators' thoughts