webnovel

Miasma

Jean Claude Deleon Virata, di ito ang nakagisnang pangalan pero nabuhay sa loob nitong batang to. Naandito na ako sa sobrang modernong sibilisasyon kung saan salamanka ay normal sa mundong ginagalawan. Naandito pa rin ako sa pilipinas, kahit anong pagbabago nangyare sa panahong ito. Pilipinas na nakagisnan ko ay ganito pa rin sa pilipinas na nakikita ko ngayon. Anong gagawin ko sa bagong buhay na binigay sakin. Kung ano man ang gagawin ko, ay gagawin ko para sa sarili ko at hindi sa bansang pinaglaban ko noon.

Raysly · Action
Pas assez d’évaluations
6 Chs

Episode 0-2

EPISODE 0-2.

Mindanao

Napagising ako sa sunod sunod na putok ng baril at Granada sa labas sa dilim ng gabi. Napatayo ako mula sa sahig kung saan ako natutulog yakap ang M16 nang may pumunta sa tent, Mga panahong nagsabi si Duterte ng martial law sa ibang bahagi ng Mindanao dahil sa mga pagusbong ng mga rebelde. May pumuntang sundalo sa tent.

"AMBUSH AMBUSH!!" sabi ng isang sundalo sa labas kaya nagempake at naghanda umalis para sa pakikipagsagupaan. Dinala ko ang aking bagahe naglalaman ng mga bala, gamit, at pagkain. Huminga ako ng malalim bago lumabas at nakita ko ang paligid puno ng putukan at malakas na ingay ng mga pambasabog sa kampo. Una kong pinuntahan ang mga ka platoon ko para malaman ang sitwasyon.

"anong sitwasyon natin?!" pasigaw kong tanong kay Javier.

"napalibutan tayo ng mga rebelde, sinugod tayo ng wala sa oras." Sabi nya sakin

40 kami sa platoon nang umalis kame papunta sa lugar ng engkwentro, naandito kame sa isang kampo kung saan ang mga supply ng mga sundalo na nakalagay. Ang gusto yata mangyari ay maputol ang supply ng mga sundalo para matapos na giyera sa pagitan ng rebelde pero di basta basta ito pupuntahan dahil isa ito sa mga armadong base sa lahat ng kampong nakadestino dito.

Habang sinasagot ang engkwentro sa rebelde ay nakita ko ang sitwasyon sa harap, nakahigang mga sugatan na sundalo sa paligid, mga butas sa lupa ng pulbura sa pampasabog.

"anong impormasyon sa mga sumugod na mga rebelde?" tanong ko sa sundalong may pangalan sa gilid ng dibdib nya ay "pangilinan"

"Sabi ni sarge 7 grupo na nagsamasama na mga rebeledeng sumugod dito, gusto na nilang magkaroon na magandang pwesto sa giyera kung masisira ang supply base nten." Sabi ni pangilinan habang bumabaril sa mga rebelde, kung ganoon karaming rebelde naandito ngayon, bakit lamang sa hilaga lang sila nag pressure at hindi sa buong palibot ng base dahil nakakapagtatakang isipin. Habang iniisip ko yun ay bumilog ang aking mata at tinignan ko si Javier. Dalawa lang kami sa hilaga dahil malapit ang tulugan naming doon habang ang iba nasa timog kung saan ang armory.

Tumakbo na kami doon patimog, habang palapit may mga rebeldeng nakapasok na sa base kaya pinagbababaril namin nagmamadaling pumunta sa armory.

"HQ we need backup!, I repeat! We need backup! OVER!"

"Di makasagot ang HQ Sarge!"

"Depota! Kung kalian pang nawalan ng komunikasyon."

Narinig ko habang nasa gitna kaming parte ng base patakbong timog at nakita naming lahat ang pagsabog sa katimugan parte at ngayong maglalong nagpaulan ng mga pamabasog ang mga rebelde sa lahat ng sulok ng base.

"Nakaengkwentro naming ang mga rebelde habang nandoon kami kasama ang Lieutenant pero kasama sya sa mga napatay ng rebelde. Decoy lang yung nasa harap, ang kinakakugulat lang ay kilala nila kung sino si lieutenant at yun agad ang una nilang pinatay."

Mas lalo lang tumama ang hinala ko. May inside info na nangyare sa base, ang nakakainis pa sinira nila ang satellite sa kung saan nasa timog iyon.

"Javier kailangan nating bumalik sa tent, kunin natin ang Manual na radyo." Sabi ko sa kanya yun, at sumangayon sakin

Kaya bumalik kami sa tinulugan namin sa hilaga ay pagkita namin sa loob ng tent ay sira yung radyo na para bang sinadyang sinira ito gamit ang matigas na bagay nito.

Di kami nagsalitang dalawa, alam namin agad wala kaming mapagkakatiwalaan sa ganitong kalagayan na to dahil sinadya ang pagpunta dito dahil may alam na may radyo dito sa mismong lugar at mismong mga kasama namin matulog dito ay potensyal na suspek. Di pagaaksayahan ng oras isang rebeldeng pumunta dito sa bawat kampong maghanap ng radyo sa kalagitnaan ng engkwentro sa base eh kung nasira na nila ang pangkomunikayson namin sa davao.

"kailangan na nating tumakbo, Javier. Walang saysay itong paglaban nating kung mamamatay lang tayo na mismong sa paligid natin di natin alam kung sino ang kaaway at kakampi." Sabi ko sa kanya, may asawa't anak sya na uuwian sa ilocos kaya gagawin ko lahat ng makakaya kong mabuhay sya. Nawalan na ako ng tiwala sa kapwa kong sundalo, ang mahalaga lang ay makaalis kami dito kahit anong mangyari.

"kung aabondanahin natin sila, anong sasabihin natin sa court martial?"

"wala naman maghahanap satin kung di nila alam na buhay tayo, tska di tayo hahanapin kung mimistulang private lang ang ranggo natin." Ang proproblemahin lang naman naming dalawa ay transpo papuntang Luzon kung makakalabas kami ng buhay dito.

May naisip akong plano kung paano kaming makakaalis dito, pero ang tsyansang gumana to dahil di namin alam ang pinakanangyari dahil nakadepende sa taas ng posisyon ng traydor sa amin ngayon. Siguradong may kasabwat siya pero madedehado kami kung kilala kami ng pasimuno nitong gulo dito sa base.

"Di ko alam kung magugustuhan mo tong plano pero…." Ang aalangan kong sabi sakanya

"Sa tagal na nating magkasama ay lahat ng plano mo ay walang palyang mabubuhay tayo sa kahit anong sitwasyon natin ngayon, sabihin mo na kung ano yan."

Di ako sumagot ng ilang segundo at huminga ng malalim bago sabihin ang katagang

"Kailangan natin pumatay ng kapwa nating sundalo."

.

.

.

.

.

.

.

Nakalabas na kaming dalawa naghahanap ng pagkakataon para maputanayang kasabwat kami sa rebelde, di eepekto na magsusuot kami ng pangrebelde dahil di namin alam ang dialektong sinasalita nila pero hahanap kami ng oportunidad na kasbwat kami. Habang nagtatago kami at tumitingin kung sino ang mga posibleng kasabwat.

Nakita naming sa kanlurang bahagi kung saan ang mga supply ng base ay may nakita kaming nagbabarilang sundalo at rebelde pero dehado ang mga rebelde dahil sa lakas ng pwesto ng mga sundalo kung saan sa taas ng burol kaya nakikita ang mga rebelde sa mababang patag.

Tinignan ko si Javier, ito na ang pagkakataon. Papatayin naming ang kapwa sundalo para makapasok ang mga rebelde, pero una naming gagwin ay dpat masira ang harang at poste sa burol upang makasugod papasok ang mga rebelde kaya kumuha kami ng mga pambasabog sa supporta sa poste at harang upang gumuho to kaya patagong pinlanta naming dalawa tutal nakasundalong suot kami kaya di kami pinapansin. Inorasan naming magsabay sabay hanggat maari ang mga bomba para sabaysabay guguho at di makakaresponde ang mga iba pang sundalo, tama na tong mga sundalong mamamtay sa ginawa namin ngayon.

Habang patakbo kaming umalis at nagtago ay narinig naming sumabog na ang mga bomba, pagkakita namin ay nakita naming dalawa ang dulot ng ginawa namin. Gumuhong mga poste at nasusunog na mga metal sa paligid at sigaw ng mga sundalong sa sakit ng nararammdaman sa ktawan dahil natamong sugat' pilay dahil nahulog sila tska natabunan din sila ng mga debris. Ang tanging magagawa naming ay patayin agad sila para di na nila maramdaman pa ang paghihirap.

Habang isa – isang pinapatay ang mga sundalo na kahit di masikmuraan ni Javier ay kailangan nyang gawin to.

"Bakit!?"

"Traydor!"

"POTA KA! KASBWAT NYO ANG MGA REBELDE NA YAN"

"NASAAN ANG PAGIGING MAKABAYAN MO HA!! PAPATAYIN MO ANG KAPWA MONG SUNDALO!"

At marami pangmapoot na salitang binitaw sa aming dalawa habang pinagbabaril namin sa ulo, gusto ko na matapos itong gabi na to. Nasa kamay ko ang dugo ng mga sundalong pinatay ko para mabuhay kaming dalawa, ito ba kadaming tao kailangan mamatay para lang makaalis kami dito malaimpyernong sitawasyon na to. Walang kaming mahingan ng tulong, wlang mapagatiwalaaan at walang maasahan, sa aming dalawa nakasalalay kung makakuwi kami o hindi.

Pagkakita sa amin ng mga rebelde habang kami ay nagliligpit ng mga sundalo ay dinaanan kami at di pinansin, tama nga hinala ko na may mga sundalong kasbwat dito sa planong pagsugod dito kaya may lumapit sa aming rebelde.

Mahabang buhok na may maraming bakas ng sugat sa mukha, suot na may lumang Kevlar na para bang ilang beses na ito natamaan ng bala,nakamaong pants at boots. Katamtamang katawan pero wag mo maliitin dahil mararamdaman mong pinapaliguan nya ang kanyang sarili ng dugo ng kanyang mga kaaway.

Nagsasalita sya ng lengwahe ng di ko maintindihan nang matagal, arabo ayata kaya nagkatinginan kami ni Javier kaya nagsalita ako.

"Pasensya na kung di namin kayo maintindihan, napagutusan lang kaming dalawa dito at minabuti naming pasabugin ang harang para mapabilis ang proseso." Sabi ko sa lalaking kasing tangkad ko.

"Aah, naintindihan ko. Salamat sa pagtulong, sumunod na lang kayo." Matipid nyang sabi sa amin at sumunod na lang kami sa lakad ng ibang rebelde habang ang iba ay tumatakbo paloob.

Lumingon sa amin ulit ang lalaki. "maghubad na kayo ng suot na yan, baka mabaril kayo ng mga kasama natin." Sumunod na lang kami sa kanya at tinapon na ang mga uniporme namin.

Napaluhod ako bigla at nakita iyon ni Javier kaya pinaupo nya ako sa malapit na eskinita. Nakikita ng mga naglalakad na rebelde ang itsura ko, di alintana sakin ang pagod't sugat ko sa katawan pero ang pinakamabigat sa akin ay iyong kalooban mo. Totoo pala iyong bigat ng konsiyensya na sobrang bigat ay namimilipit ang aking dibdib sa sakit na kaya mo lang gawin ay lumuha lamang.

Niyuko ko lang sarili ko pero hinarang ni Javier ang harap ko para di Makita ng mga rebelde ang tahimik ng hikbi ko para itsurang pagod lang ako sa paningin nila. May lumapit sa aming rebelde at inabutan kami ng tubig, tahimik nya lamang ibigay at di na kami pinansin na para bang tapos na ang trabahong pinagawa at magpahinga na kami.

Kaya minarapat namin tumambay na lang dito kaysa sa makita pang pinapatay ng rebelde ang mga kapwa kong sundalo, tama na iyon nakita ko sila mamatay sa ginawa naming dalawa tutal matatalo naman din kami minarapat na lang sa kamay naming sila mamatay kaysa sa rebelde.

Isang oras lang lumipas ay natapos at nanalo ang mga rebelde. Base sa mga sitwasyong nakalahad dito ay totoo ngang may kasbwat ang mga rebelde dito sa base, di ko alam kung sino pero sana di kami kilala tutal mga di kami imporntanteng mga sundalo sa army at sunod naman may tyansa kaming makalabas sa impyernong ito kaso gagawin naming ito palakad para di makahalata ang mga rebelde dahil kung nawalang gamit or sasakyan ay maghihinala itong mga to kaya't minarapat kung anong meron hawak namin ngayon ay ito lang kaya naming dalhin patakas dito.

Sumunod na kami sa pinagtitipunan ng mga rebelde sa gitna ng base, at nakita ko ang mga nakatipon na mga sundalo at nagkakatuwaan sa kabilang banda ng kinatatyuan naming at nakita ko ang isa sa mga iyon ay nakilala ko sya, si sarge. Kaya pala di nagpapanic nung sumugod dito sa base, tska kasama nya ang dalawang ulupong nyang alagad sa tabi nya. Nagsalita sya, pinatitipion ang mga sundalo maliban sa mga mas mataas sa kanya. sumunod kame, syempre para di maghinala pero may pumigil sa amin sa mismong palakad papuntang sa malaking espasyo nakapalibot doon. Tumingin ako sa likod ko kung sino at nakita ko yung lalaking unang lumapit sa akin nung pinasabog namin ang harang.

Napakadiin nang kamay nya sa balikat na para bang ayaw kami palakarin papunta doon, tska ginalaw nya ang ulo na sinasabing "wag". Nagtaka ako nung una pero nagulat ako kay Javier na sumunod sya sa lalaki at tiningnan nya ako kaya sumunod na lang ako. Mukhang may alam sya na di ko alam ang mangyayari. Pinanood namin sila pumunta sa gitna.

Nagaasaran pa sila habang nagtipon tipon sila kasama ang sarge na akala nila papalakpakan at papasalamatan sa ginawa nila pero biglang pinaulanan sila ng mga bala palibot. Buti nalang sumunod ako sa kanila kung hindi ay dedo din ako kagaya doon sa mga nakahigang sundalo punongpuno ng bala sa katawan.

Pagkatapos ay umalis na sa camp kasamang mga supply galing sa base, habang naglalakad ako ay nagpaiwan ako dahil iihi lang ako at sinabi k okay Javier ay sumunod sya lalaki kanina at susunod na lang ako pagkatapos. Palakad na ako pero may naramdaman ako sa aking dibdib ko, may nakasaksak na kutsilyo, binunot iyo n at napahiga ako pabaligtad. Gusto ko Makita kung sino iyon ay ginawa ko ang lahat kung sinong walanghiya sumaksak sakin. Pagkakita ko ay isang taong nakasuot ng uniporme, sa lumalabong paningin dahil mawawalan sya ng malay ay lumapit ang mukha nya. Di ako makapagsalita sa kanya at gulat na gulat ako, si Colonel. May nagsabe sa patay na sya dapat sa timog bahagi ng base at napagtanto kong kasinungalingan iyon para di malaman na sya ang pasimuno nitong gulo sa base. Pero sa lahat ng mga sundalong lagi nyang nakakasama, ay ako lagi nyang nakikitaan ng potensyal kaya nakilala nya ako. Minarapat na lang na pinatay ako dahil di ako sumasama sa mga grupo ng sundalo nya noong inalok nya ako para maging kasama sa mga pinapamahala nyang mga platoon, so kaya pala sya naghahanap ng mga sundalong kakampi sa kanya dahil sa ganitong punto ng operasyon na kailangan ng inside job.

Napapikit na lang ako dahil di ako makahinga, ganito na lang ba ako mamamatay. Di ko man lang Makita ang kaibigan kong si Javier makabalik sa pamilya nya. Karma nga ito, kung ano ang tinanim at sya rin ang aanihin mo. Kaya kong tanggapin to kung mabubuhay at makakatakas si Javier dito. Yun lang ang huling hiling ko sana sa diyos, wala na akong hiniling sa kanya mula pagkabata ko. Ito lang ibigay nya sa akin, ay lubos na pinasasalamatan ko iyon sa poong may kapal.

At iyon ay nagdilim ang paningin ko at nagpahinga sa gitna ng kagubatan hinihigaan ang sarili kong dugo sa lupa.

8/4/2020

its been almost 1 week ago since the last update, the storyboard has been a mess and need a lot of research topics needed to this kind of story. since through military theme that i can relate the things i regret for most of the time, might as well go with it and spend some time to read a background of PH military.

Please comment and spread it, together with my wattpad too.

Rayslycreators' thoughts