webnovel

MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA)

Laging malas si Shaina sa buhay, magmula nang mamatay ang ama niya sa isang car accident. Mas naging malas pa siya nang mabalitaan niya na baon sila sa utang dahil sa pagiging talo ng ama sa sugalan kaya for the sake of god nagawa siyang ireto ng ina sa matandang mayaman at walang gusto ay ang mapangasawa siya at gustong matikman pati ang puri niya. Kaya tumakas siya sa kanila para di matuloy ang pagreto ng ina sa matanda. Sa kasamaang palad, mas lalong malas ang buhay niya nang makilala ang magkakapatid sina Shawn ang pala kaibigan, si Steven ang bolero, si Tom na napakamaniyakis, si Alejandro ang babaero, si Mark ang tahimik ngunit mabait, si Ken na dating ex boyfriend niya, si at Orlando na masungit. Nabasag niya ang vase na nagkakahalagang 3 million dahil sa galit niya kay Orlando at naibato niya ang mga vase ngunit nakailag to. Nagmakaawa siya ngunit di siya pinagbigyan pero sa isang kundisyon, magtrabaho siya bilang waitress ng mga ito sa isang bar dahil nabasag niyang vase. Ako naman si loka loka handang gawin ang lahat mabayaran Lang niya mga ito. Paano kung umibig siya isa sa mga lalaki, at paano kung may mga pagtingin din ito sa kaniya? pagaagawan kaya siya?

Ruth_Rendon · Urbain
Pas assez d’évaluations
30 Chs

Chapter 6: The Celebrations

Titig sila sa isa't-isa habang nakasalo pa siya rito, di niya mapaliwanag ang mga bultahi ngayong nakatunghay si Orlando sa kaniya.

"B-bitawan mo na ako." anya na sa wakas ay napagtanto rin niyang nasa ganung posisyon pa, maging ito ay ganun din kaya binitawan nga siya nito "huuhh" sabay lakad palayo, sumunod ang mga kapatid kay Orlando.

Bumagsak siya sa may basurahan, di niya akalaing gagawin nito iyun. "Bakit mo ginawa yun?" tanong niya nang makatayo at sinundan ito.

"Sabi mo bitawan kita, edi binitawan nga kita." sabi nitong nakapamulsa habang naglalakad papalayo.

"Oo sinabi kong bitawan mo ako pero di ko sinabing ibagsak mo ako sa basurahan." nangangaliti na talaga siya na tila iniipon niya na ang galit rito, napahinto ito saglit.

"Joshua! Can you please paki alis nga itong babaeng to sa harapan ko." tawag ni Orlando sa assistant saka lumapit at bigla na siyang kinuha ng lalaki.

"Tandaan mo, may araw ka rin sa akin!!" angil niya rito habang nagpupumiglas siya dahil nakapulupot pa sa kaniya ang lalaking tinawag sa pangalang 'Joshua.'

"Bitawan mo nga ako!" angil niya rin sa lalaking nakapulupot sa kaniya, binitawan na siya nito saka umalis.

"Ggrrgrr! Buwisit." namalayan na lang niyang nakaalis na ang mga kotse.

Orlando's Proves

"Let's celebrate of our new business bulid!" sabi Shawn nang matapos ito, speech in front. Nagtaas ito ng kupita "Cheers!!" kaya lahat sila ay ganun din ang ginawa sabay lagok ng alak, medyo matapang.

Celebration para sa bagong business na tinayo nila na Fredo's Bar, Sport & Hotel na may kasama pang swimming pool sa tabi kung saan sila nakapuwesto.

"So I've heard na hiwalay na kayo ni Samantha." si Tom ang nagstart ng kanilang topic, sabay lagok pa ng alak.

"Yeah! Bakit mo naitanong?" kunot noo tanong niya sa pangalawang kapatid, sabay lagok din ng alak at nilagay sa lamesa ang baso.

"I saw her lastly, with another guy."

"I don't care if she's having a affairs with someone, wag lang niya ipapakita sa akin dahil may kinalalagyan yung lalaking yun." sabay lagok ng alak.

"Did you still-."

"No! Not anymore." pigil niya, " Minahal ko siya at binigay ko ang lahat sa kaniya pati kotse, pero anong ginawa niya sinaktan niya ako kaya binawi ko ang lahat ng binigay ko sa kaniya buwisit siya."

"Change the topic please!"

Lumapit naman si Steven sa kaniya, saka tumukod na may dala pang kupita. "How about the girl na muntikan na ting mabunggo."

"Bakit nasali yung babaeng MS. TANGA-TANGA na yun sa topic natin." anya kay Steven, di niya namalayang ubos na nila ang isang bote. Napabuntong hininga na lang siya.

"Inis ka sa babae kanina pero grabe naman yung titig mo." ani naman Mark kaya napalingon siya rito.

"Ken, ang tahimik mo."

"Yung babaeng muntik na nating mabunggo, ex girlfriend ko siya." Sabi nito nilagok nito ang alak na hawak.

"Anyare?"

" Nakita niya akong may kasamang babae sa kama, di man lang ako nakapag explain, highschool pa kami nun. Ang laki ng pinagbago niya nang makita ko ulit siya, mas lalo pa siyang gumanda" kuwento nito.

"Ganyan ang mga babae, sobra silang pride at proud sa sarili. Bakit tayo lang ba ang nanakit pati rin naman mga babae?"

"Oo nga naman." sangayon nina Alejandro, Steven, at Tom habang tumatango mga to, sa sobrang kalasingan ay si Mark at Shawn lang ang naghatid sa kaniya-kaniyang condo.

Orlando wakes up with those gorgeous woman beside him, napabangon siya saka sinipat ang sarili, 'right he is naked'.

"Hello! Handsome." ani ng mabini tinig ng babae, ngunit di niya to kilala kaya umalis siya sa higaan.

"Who are you?"takang tanong niya, nakita niyang tumayo ito ng walang saplot kaya iniwas niya ang tingin.

"Gusto to mo bang malaman?"

"Uhm! Yeah!"

"I'm Margaret, do remember?"

"The truth is, di alam, at wala akong balak alamin pa." sabi niya saka nagbihis at umalis, nakita niyang nakamaang lang ito.

"Are you supposed to live here!" dak dak nito saka nagbihis, halata sa itsura nito na disappointed at nabuwisit kaya pinagmumura siya nito lumabas ng condo niya.

Naghahanda na siya ng pagkain nang tumawag si Steven "Kuya di ka ba pupunta sa bar?" tanong nito

"Pupunta, medyo malelate lang bakit?"

"May meeting tayo around 8."

"Sige! Pupunta na?"

Naligo at nagbihis na rin siya saka pumasok sa kotse, pinaharurot niya papuntang bar. Nang may mabunggo siya babae, Ang tanga mo naman miss. Lumingon ito sa kaniya, di niya inaasahang makikita niya ang babaeng MS. TANGA-TANGA.

"Ikaw!" daig pa nila nagduet.