webnovel

"Bisita"

Alam na ni Miriam ang isasagot ng kaibigan. Pero ang hindi niya alam ay ang magiging reaksyon ng kanyang sarili sa katotohanang ang taong kasama niya sa loob ng bahay nila ay bangkay na pala. Biglang gumalaw si Regina sa kanyang kinatatayuan. Unti-unti siyang lumapit sa kaibigan. Unti-unting umaangat ang dilim na bumabalot sa tunay niyang mukha ngayong patay na siya. Unti-unting umaakyat ang anino ng kadiliman mula sa kanyang baywang papuntang dibdib hanggang umabot ito sa balikat at umakyat pa patungong mukha niya. Sa dibdib pa lang ay may mapapansin ka nang kakaiba. May dungis ng kulay pula na parang dugo ang suot ni Regina, mga patak na nasa iba't ibang parte ng naturang bahagi ng kanyang katawan. Nang ipakita ng natitirang liwanag sa loob ng kwarto ang mukha ni Regina. Hindi makapagsalita si Miriam. Nanigas na lamang siya na parang yelo sa kanyang kinatatayuan. Duguan ang ulo ng kaibigan. Napakaputla ng kanyang mukha at puro puti na lamang ng kanyang mata ang nakalabas. Bitak-bitak ang labi at may konting ugat nang lumalabas sa kanyang pisngi. Nang maprosesso na ni Miriam sa kanyang utak ang bagong itsura ng kaibigan ay saka lamang siya sumigaw at napaatras. Hindi namalayan ni Miriam ang rebulto sa kanyang likod at natumba siya kasama nito. Nabasag ang mamahaling rebulto na may hawak-hawak na ilaw. Napapikit na lamang si Miriam sa sobrang bilis ng pangyayari.

Miriam: Aaaahhhhh....!!!!

Nang tuluyan nang natumba si Miriam sa sahig ay napahawak na lamang siya sa kanyang ulo at pilit na ginigising ang sarili. Kailangan niyang manatili sa kanyang ulirat upang ligtas at buhay siyang makakalabas sa bangungot na nangyayari sa kanya na hinding hindi niya makakalimutan. Nang bumalik na muli ang kanyang lakas, pagkabukas na pagkabukas niya ng kanyang mga mata ay biglang nawala ang kaibigan sa kung saan niya ito huling nakita. Muling napalibutan ng matinding tahimik ang buong buhay. Nakiramdam muna ang dalaga pilit na hinahanap ang kaibigan sa paligid pero hindi niya talaga ito mahanap. Dahan-dahang tumayo si Miriam mula sa pagkakabagsak niya... nang biglang may nagsalita.

Regina: Totoo nga ang kasabihan. Masamang damo matagal mamatay.

Muling nagpakita si Regina sa kaibigan. Pero sa pagkakataong ito ay nakaharap na siya sa bintana., nakatayo nang matuwid, nakatalikod.

Miriam: Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.

Biglang tumawa nang konti si Regina.

Regina: Ganyan ba kasarap humalik si Bogs Miriam at hindi mo na naiintindihan ang ibig kong sabihin. Akala ko ba matalino ka. Akala ko ba malakas ang memorya mo. Ang bilis mo naman pa lang makalimut.

Miriam: Anong...?

Biglang naalala ni Miriam ang nangyari isang linggo na ang nakakalipas.

Balik-tanaw:

Sa Unibersidad ng Makati parehong nag-aaral ang magkaibigang sina Regina at Miriam sa parehong kurso na Business Management ganon na rin ang kasintahan ni Regina na si Bogs. Isang araw, bigla na lang nakita ni Miriam ang kaibigan sa school gym na umiiyak. Nilapitan niya ito at kinamusta.

Miriam: Ano na naman ang nangyari? Alam mo hindi mo na kailangang sabihin sa akin kung sino ang nagpaiyak sa'yo kasi alam ko na ang isasagot mo. At this moment gusto ko lang malaman kung ano na naman ang bago niyang ginawa. Bilib din ako sa kumag na 'yon noh? Kasi sa tuwing nagkakamali paiba-ba. Grabe.

Regina: Alam ko may babae siya.

Miriam: O akala ko ba tapos na 'yan. 'Di ba nga ang sabi mo wala ka namang nakikitang pruweba para paghinalaan siya na may iba siyang babae.

Regina: Wala nga pero, alam mo 'yong pakiramdam na hindi ka mapakali 'pag hindi ko siya nakikita at nararamdaman ko na may ginagawa siyang karantaduhan. Alam kong wala akong makitang proof. Hindi ko siya nahuli kailan man na may kasama siyang iba. Pero meron talagang nag-uudyok sa akin na mag-imbistiga ako eh. Alam mo na, ang nature nating mga babae 'pag may nagagawang kasalanan ang ating mga partner.

Miriam: I got your point. No need to explain.