webnovel

40

IPIILIG ni Maritoni ang ulo para gisingin ang sarili dahil tila napatda siya nang makita si Kyle na ngayon ay katabi na niya sa upuan at inagaw pa ang hawak niyang bote. Kinurap-kurap niya ang mata sa pagkakatitig dito at pinilit na maging kaswal. Muli siyang kumuha ng ibang bote ng alak ngunit muli iyong inagaw ng lalaki. Sinubukan pa niyang makipag-agawan dito ngunit mas malakas ang lalaki kaya hinayaan niya. Kumuha pa siya ng iba ngunit ganoon din ang ginawa ng lalaki. Natutulalang nakamasid lang sa kanila ang nga kaibigan.

" Ano bang problema mo, ah? Bakit nang-aagaw ka ng alak?" inis na puna niya rito na halata na sa boses ang kalasingan.

" Ang dami mo nang nainom, tumigil ka na! Hindi ka naman sanay uminom,ah?" tiim bagang na sagot nito sa kaniya.

" Wala kang pakialam kung gusto kong uminom! I just want to celebrate!" pinilit niyang ngumiti at pinasigla ang sarili.

Napatingin pa siya sa malapad na dibdib nito, parang gusto niyang humilig doon at damhin ang init nito. Gusto niyang makulong sa mga bisig ng dating asawa. Nahawakan nito ang kamay niya para muli siyang pigilan sa muli niyang pagtungga kaya naman tila siya nakuryente at nakaramdam siya ng panghihina. Pinaksi niya iyon ngunit muli siyang hinawakan nito ng mahigpit kaya natigilan siya at nagtama ang kanilang mga mata.

Puno ng hinanakit ang mga mata niya habang nakatitig dito. Marami siyang gustong itanong kung bakit nagawa nitong magtaksil at saktan siya. Muling bumalik sa alaala niya nang mahuli niya ang dalawa na magkatabi sa kama maging ang eksena noong isang araw. Kung bakit naman kasi pumayag pa siya ng magpasama si Troy para puntahan si Kyle. Mabilis niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak nito saka umismid at umiwas ng tingin sa lalaki.

" Kasalanan mo 'to, Alex! Siguro ikaw ang nagpapunta sa mokong na 'to dito, 'no?"

Napakamot naman ng ulo si Alex sa tinuran niya.

" Alam mo ba nung sinabi kong nandito ka agad siyang pumunta dito para makausap ka?" Paliwanag ni Alex

" Tinanong mo ba ako kung gusto ko siyang kausap, ha?!" asik niya dito.

Hindi nakakibo si Alex habang nakatitig lang si Kyle sa kaniya na tila hindi alam ang gagawin kung paano pa siya makakausap ng maayos.

" Hmm. Siguro, lilipat muna kami para makapag-usap kayo ng maayos?" suhestyon ni Micoy.

" Ah, hindi! Sino may sabing makikipag-usap ako, ha?! Ayoko nga," aniya pa.

" Gusto lang niyang mag-explain tungkol sa kanila ni Darlene-"

Napahinto ng pagsasalita si Alex nang takpan niya ang kaniyang dalawang tenga. Para siyang bata na kunwa ay pakanta-kanta pa at hindi inintindi ang sinabi nito.Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya si Kyle habang napapailing na lang.

" Bakit ba napakahirap para sa'yo ang pakinggan ako kahit na sandali?" mariing sambit ni Kyle na halatang pinipigil ang galit.

At dahil hindi niya ito pinapansin ay ito na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa pagkakatakip sa kaniyang tenga. Hindi naman alam ng mga kaharap niya ang sasabihin dahil sa kinikilos niya. Marahil bunga ng espirito ng alak kaya kumikilos siya na parang wala sa sarili.

" Itigil mo nga iyan,para kang bata!"saway ng lalaki sa kanya ngunit mabilis niyang binawi ang kamay.

" Sis, will u just act normal?" dinig niyang wika ni Carol ngunit sinamaan niya ito ng tingin.

Pakiramdam niya kasi ay tinraydor siya nito. Tila kumakampi pa yata ito sa mga taksil at napagkakaisahan siya.

" Bigyan mo naman ng chance ang kaibigan namin para mag-explain, Toni."

Muli siyang napatingin kay Alex at inirapan iyon. Para sa kaniya ay wala na silang dapat pang pag-usapan ni Kyle.

" Mag-explain para makapag sinungaling ulit? Hah! Okay sige, mag explain ka, go! Galingan mo,ah?" baling niya kay Kyle ngunit hindi agad ito nakaimik.

Bakas sa mukha ni Kyle ang pag-aalangan, kung paano uumpisahan ang sasabihin kaya muling nagsalita si Alex.

" Wala silang relasyon ni Darlene."

Bigla ay napahalakhak siya, para siyang kinikiliti sa singit dahil sa sinabing iyon ni Alex.

" Love, hayaan mo silang mag-usap." Narinig niyang wika ni Anya.

Napatingin siya kay Kyle gusto niya itong sampalin ng kaliwa't kanan dahil sa panibagong kasinungalingan na naman nito. At dahil pakiramdam niya ay nagsasayang siya ng oras ay tumayo na siya para iwan na ang mga ito. Pasuray-suray siyang tumayo para sana umalis.

" Aalis ka na, sis?"

Hindi niya pinansin ang kaibigan at tuloy lang siya ngunit nagpagewang gewang siya kaya inalalayan siya ng lalaki.

" Bitawan mo nga ako! Ikaw ah, kanina ka pa hawak ng hawak!" galit niyang saway sa lalaki.

" Hindi mo kayang umuwi, ihahatid na lang kita!"

Tinulak niya ang lalaki nang tinangka nito na hawakan siya. Para itong may sakit na pinandidirihan niya sa tuwing mahahawakan siya. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya sa kabiguang makausap siya ng maayos. Hindi rin siya makakapayag na ito ang maghatid sa kaniya dahil baka kung ano naman ang gawin nito sa kaniya at hindi niya na naman mapaglalabanan. Sa twing masosolo kasi siya ng lalaki ay hindi pwedeng hindi magkaroon ng mainit na eksena sa pagitan nila, natatakot siyang baka sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang bumigay.

" Bakit ba ayaw mo kong bigyan ng chance para makausap ka ng maayos, lagi ka na lang tumatakas, Maritoni! Hindi ka nakikinig!" Hindi na napigilan ni Kyle ang masigawan siya.

Humarap siya sa lalaki, kagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa gigil dito. Huminga siya ng malalim saka muling tumalikod ngunit hinila siya nito sa braso para muli siyang pigilan.

" Pag sinabi kong mag-uusap tayo,don't turn your back on me!" gigil na turan nito. " Wala kaming-"

Natigil ito sa pagsasalita ng umigkas ang kamay niya sa pisngi nito.

" Don't you ever dare to touch me again! Don't you ever dare!" Naluluha ang mata niya sa galit habang dinuduro niya ito.

Tulalang napatitig sa kaniya si Kyle habang nagtatagis ang bagang. Hawak nito ang namumulang pisngi habang naluluha. Kaagad na lumapit ang mga kaibigan para pakalmahin sila.

" Kyle, sige na, ako na maghahatid sa kaniya!" natatarantang wika ni Carol.

" Pare, next time na lang kayo mag-usap pag malamig na ang ulo at hindi na lasing," segunda naman ni Micoy na noon ay pigil-pigil ang lalaki.

Tila wala namang nagawa ang lalaki at nanlulumong napatitig na lang sa kaniya. Agad niyang tinungo ang sasakyan habang naiiyak. Sa backseat na siya pumwesto para umupo. Saka niya lang muling naramdaman ang pagkahilo at mabilis na napayukyok sa loob ng kotse. Hindi niya na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan nang nagdilim ang lahat sa kaniya.

Nang magising siya kinabukasan ay ramdam niya ang pananakit ng ulo. Dahan-dahan siyang bumangon at ilang saglit pang natulala. Maya-maya ay sumagi sa isip niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ni Kyle. Napahinga siya ng malalim saka muling nanlumo.

Pinilit niyang tumayo nang mapansing nakabihis na siya ng pantulog. Naisip niyang malamang ay binihisan siya ni Carol, wala na siya gaanong maalala dahil sa kalasingan. Agad niyang hinubad ang damit dahil naiinitan siya tanging bra at panty lang ang itinira niya sa katawan. Saglit siyang muling napaupo at ipinilig ang ulo nang makita niya ang orasan na nasa side table ay pasado alas nueve na pala. Napalatak siya, naalala niya na marami pa pala siyang dapat gawin sa opisina. May narinig siyang yabag mula sa labas dahil bahagyang nakaawang ang pinto ng kwarto niya.

" Huh? Nandito pa si Carol?" bulong niya sa sarili.

Tumayo siya para tunguhin ang closet at kumuha ng damit na isusuot pampasok. Narinig niya ang langitngit ng pinto at bumukas iyon.

" Bakit nandito ka pa, sis? Baka marami ng costumer sa shop mo?" aniya na hindi nililingon ang kausap. Abala kasi siya sa pamimili ng isusuot. Tinungo niya ang kama upang ilapag ang mga damit saka muling nag inat. " Tinanghali na ako, bakit hindi mo man lang ako ginising?"

Nang mapansin niyang hindi kumikibo ang kausap ay saka niya ito nilingon para lang magulat sa nakita. Pilyo ang mga ngiti ni Kyle habang tila nasisiyahang pinagmamasdan ang katawan niya. Nanlaki ang mga mata niya habang tarantang tinakpan ng mga kamay ang katawan.

" Hoy, ikaw? A-anong ginagawa mo dito, ha?!" nanlalaki ang mga mata niyang bulalas.

Nagpakawala ang lalaki ng mahinang tawa habang pinamumulahan din ito. Halatang bagong ligo ang lalaki dahil sa fresh look nito na lalong nagpatingkad sa taglay nitong kagwapuhan .Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi, ang alam niya ay nagprisinta si Carol na maghatid sa kaniya ngunit bakit si Kyle ang nasa harap niya ngayon?

Kinurap-kurap niya ang mata nagbabaka sakaling namamalikmata lang siya nang mga oras na iyon ngunit bigo siya dahil si Kyle talaga ang kaharap. Ito rin kaya ang nagpalit ng damit niya? Gusto niyang maloka sa naisip.

" Bastos ka huwag ka ngang tumingin! Ano bang ginagawa mo dito sa bahay ko?! inis niyang turan.

Lalo lang napahalakhak si Kyle sa kinikilos niya.

" Anong arte iyan? Baka nakakalimutan mo, naging mag asawa tayo at nakita ko na ang lahat sa'yo, Toni. Lalong lalo na iyan," anito matapos ay tumingin sa ibabang bahagi ng katawan niya.

" Hala! Talaga 'tong napakabastos mo!" Lalong nanlaki ang mga mata niya. " That was three years ago, 'no!"

" Three years ago? Remember last time nakita ko rin iyan?" anito na napatitig naman sa dibdib niya.

Napalunok siya ng maraming laway sa tinuran nito lalo na nang lumalapit ito sa gawi niya.

" Diyan ka lang 'wag kang lalapit! One meter away ay hindi five meters away, labas!" hiyaw niya.

Ngunit tila walang narinig ang lalaki patuloy ito sa paglapit sa kaniya habang pilyo ang mga ngiti. Tila may kung anong iniisip itong kapilyuhan na tanging ito lang ang nakakaalam.

" Sige subukan mong lumapit, talagang tatamaan ka sa'kin!" banta niya pa dito.

Nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya ay lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Titig na titig ito sa mga labi niya. Sigurado siya sa sarili na kapag ginawa nito ang naiisip na kapilyuhan ay talagang bibigay siya. Ngunit pinilit niyang labanan ang nararamdaman at umiwas nang tingin kaya napadako ang tingin niya sa malapad at mabalahibong dibdib nito dahil sa suot nitong sando.

" I want to make love to you, Toni and hear you moan my name," anas nito habang namumungay ang mga matang nakatitig sa kaniya.