webnovel

3

MAKIKITA ang sigla sa kilos ni Kyle ng mga oras na iyon. Mas lalo niya pang ginalingan ang laro,marahil ay ginanahan dahil sa sinabi ng dalaga. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagshoot sa bola na naging dahilan ng pagkapanalo nila. Hindi naman magkumayaw ang mga estudyante lalo na ng mga kababaihan sa pagsigaw ng pangalan ni Kyle. Panay din ang tingin nito sa gawi nina Maritoni na tila humuhugot ng lakas sa dalaga na siya namang ginagantihan ng matamis na ngiti ng dalaga.

Makikita naman ang hindi maipintang inis na lumalarawan sa mukha ni Darlene.

" Ano naman ang ibig sabihin ng tinginan niyo na 'yan ni Kyle,sis?"sita ni Carol sa kaybigan.

" Well,Kyle and i are officially on," nangingiti namang sagot niya.

" Huh, paano naman nangyari 'yun? Dont tell me,tinotoo mo yung sinabi mo kanina nung lumapit ka sa kanila?" di makapaniwalang tanong ni Jona.

" Exactly!" bulalas ng dalaga. "I told him na if he won the game,sasagutin ko na siya," dagdag pa niya.

" Actually,sis, kahit hindi mo gawin 'yun mananalo naman talaga sila. Kaya 'wag ka ngang assuming, na ikaw ang reason kaya nanalo sila," mataray na wika ni Carol.

Tumawa naman ng malakas si Jona dahil doon.

" Nakakainis kayo!Ang bu-bully niyo!"nakairap niyang sabi "Alam ko naman 'yun,gusto ko lang talaga ipahiya ang Darlene na yan sa pag- aassume niya na magugustuhan siya ni Kyle! Atleast,ngayon alam na nila na ako talaga ang nililigawan ni Kyle."

" As in, gumawa ka talaga ng eksena doon?" tanong pa ni Jona.

" Eh, kaya ka pala natapilok kanina, karma yan, sis.Ikaw pala ang bully, eh," natatawa namang sabi ni Carol.

" Shut up!" inis niyang sabi.

Nanahimik naman ang dalawa dahil nakikita nilang napipikon na ang kaibigan.

Ang totoo niyan sanay na siya sa ugali ng dalawang kaibigan lalo na kay Carol na talagang prangka. Matagal niya ng kakilalala ang dalawa,bagong salta lang siya noon isang taon na ang nakakalipas. Ang dalawa ang una niyang nakilala na naging kaklase niya rin. Maykaya ang pamilya nina Carol at Jona ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagkakaibigan nila. Mabait sa kaniya ang mga ito,tinutulungan siya lalo na pagdating sa pinansyal kapag nadedelay sa pagpapadala ng pera ang kaniyang mga magulang. Kaya naman malaki ang utang na loob niya sa dalawang kaibigan. Nakilala niya na talaga

ang dalawa sa pagiging alaskador at prangka,kaya nasanay narin siya ng malaunan.

" So,ano pa hinihintay mo? Lapitan mo na ang boyfriend mo para ma-congratulate," basag ni Jona sa pananahimik niya.

"Lakad na, 'di ba 'yun naman ang gusto mo?Ang mang-agaw ng eksena?" pang-aasar paring sabi ni Carol.

" Wait lang, no!Hahayaan ko muna siya ng mga ka-team niya,moment nila 'yun. Tsaka, baka isipin niya excited ako.Pakipot naman muna ng 'konti."

" Naku! Ang sabihin mo,hanggang ngayon nahihiya ka pa rin sa pagkakatapilok na nangyari sa'yo kanina," humahalakhak na sabi ni Carol.

Hindi na umimik pa si Maritoni.Pinandilatan niya nalang ang kaibigan na sinasabuyan pa siya ng kinakain nitong chichiria.

Hindi na niya pinatulan pa ang pang-aasar ng mga kaibigan at pinagmasdan na lang ang boyfriend na niya ngayon na si Kyle na masayang nakikipag-usap sa mga ka-team nito.

Nang matapos na nga ang event ay saka lang nagkaroon ng pagkakataon na magkausap ang dalawa.

" So, Toni,are we-"

" Yes, babe,we're officially on!" excited na sagot ni Maritoni.

Napahalakhak naman si Kyle dahil doon.

" Whoa! May tawagan na 'agad tayo?" malapad ang ngiting tanong ng binata.

" Bakit ayaw mo ba? Anong gusto mo?Honey,mahal,darling or what?"

" No,okay na 'yun, mas sweet," agad na sagot ng binata.

Masayang-masaya si Maritoni ng araw na iyon. Ang totoo ay halos wala pang isang buwan mula nung manligaw ito sa kaniya. Hindi nga niya agad masagot ito dahil nagpapakipot pa siya. Ayaw niyang isipin nito na easy to get na babae siya na atat na atat na maging jowa nito.

Una silang nagkakilala ni Kyle sa gym rin ng campus. My games rin ang lalaki noon ng maligaw si Maritoni doon kaya nakinood na rin siya. Nang una niyang makita si Kyle ay na love at first sight n siya sa binata. Hindi nga rin niya inaasahan na magugustuhan din siya ng lalaki gayung maraming nagkakagusto rito. Ginawa niya ang lahat ng uri ng pagpapansin sa binata. Nariyang magkukunwari siyang nabangga kuno ang lalaki habang naglalakad. May eksena pa siya na tatabihan niya ang lalaki sa bench ng school at magkukunwaring umiiyak para mapansin at kausapin siya nito. Lahat ng arte ay ginawa niya para mapansin at nagtagumpay nga siya. Naging magkaibigan sila at malaunan ay nanligaw na nga ito sa kaniya.

At ngayon ay talagang may relasyon na sila dahil sinagot na rin niya ito sa wakas at hindi na niya tiniis pa ang nararamdamang pagmamahal sa binata.

Kasalukuyan silang nasa isang park ng mga oras na 'yun. Kagagaling lang nila sa mall para magshopping. Binilhan pa siya ng flowers at chocolate ng lalaki.

"Babe,bakit mo ako binilhan ng flowers?Anong occassion?" tanong niya habang nakapulupot ang braso sa binata.

" Of course, i want you to be happy. Saka dati pa naman kitang binibigyan niyan, ah, kahit nung nanliligaw pa ako sa'yo."

Humarap siya sa lalaki at nagtanong.

"Babe,bakit ako ang niligawan mo?Marami namang nagkakagusto sa'yo, pero bakit ako ang pinili mo?"

Napangiti ang lalaki at pinisil pa ang ilong niya.

" Ano bang klaseng tanong yan,Babe?"

" Basta, gusto ko sagutin mo," pangungulit parin niya.

Nag-isip muna ang lalaki bago nagsalita.

" Hmm,syempre maganda ka,sexy,masayahin at palagi mo akong napapasaya. Kaya mahal na mahal kita," sabay halik nito sa noo niya.

Kinilig ng sobra si Maritoni ng dahil doon.

" Ayiie! Kinikilig ako, Babe,totoo ba 'yan? Baka binobola mo lang ako, ah," sumimangot pa siya kunwari.

" Ofcourse not! I'm telling the truth," diin pa ng lalaki.

" Gusto kong ulitin mo 'yung sinabi mo," paglalambing pa niya na hiling sa nobyo.

" Alin doon?"

" Iyong mahal mo ako."

Niyakap siya ng lalaki at bumulong sa tenga niya." I love you,Babe."

Gumanti rin naman siya ng yakap dito.

Pamaya- maya ay may sumita sa kanila na isang may edad ng babae. Tingin nila ay tagalinis sa lugar na iyon ang babae.

" Hoy! Mga batang 'to dito pa kayo naglalampungan! Sayang pinapaaral sa inyo ng mga magulang niyo, ah,ke- babata niyo pa, eh!"

Agad na tumayo ang dalawa at nagsimulang maglakad papalayo.

" Naku! Kung naging anak lang kitang babae ka, kinurot na kita sa singit!" pahabol pa nitong sabi sa dalawa.

Nang makalayo sila ay umupo narin sila sa isang bench.

" Ang sungit naman nun, Babe, 'lika na nga kainin na natin 'tong chocolate,"aya ni Maritoni sa lalaki.

Pinagsaluhan nila ang chocolate na binili ni Kyle. Sweet na sweet pa ang dalawa na nagsusubuan pa.

" Babe, bangin ka ba?Kasi, hulog na hulog na ako sa'yo, eh," humahagikhik na sa sabi ni Maritoni.

"Ang korni naman ng sinabi mo,Babe, eh,wala na bang iba?" nangingiting tanong ng nobyo.

" Oh, sige ito nalang.Sinong mas maganda samin ni Darlene?"

" Bakit naman nasali si Darlene sa usapan?" may pagtatakang tanong ni Kyle sa dalaga.

" Basta, sagutin mo nalang!"

" Okay,syempre ikaw." kaagad na tugon ng nobyo.

" Sus, iyong totoo?"nangingiti niyang tanong.

Ngunit natawa lang ang binata. Sinaway niya ito ngunit tila pigil ang ginagawa nitong pagtawa na para bang may nakikitang nakakatawa. Nang mainis siya ay inginuso naman nito ang pinagtatawanan niya. Namula siya sa hiya nang sabihin nitong may bahid ng mga chocolate ang mga ngipin niya. Agad siyang lumayo rito sa hiya at para tanggalin narin ang chocolate na nasa ngipin niya. Sinundan naman siya ng lalaki,ayaw niya pang lumapit dito dahil sa hiya,ngunit sa huli ay nagpumilit narin ito. Hinawakan siya sa kamay ng lalaki at naglakad na sila palayo.