webnovel

Chapter 22

Taas kilay kong sinalubong ang kaniyang mga titig, pero ako din ang unang umiwas ng tingin. Para akong teenager na pulang-pula ang mukha dahil nakatitigan ko ang aking crush.

Bumuntong hininga ako at muling nagsubo. Nagutuman ako ng husto kaya wala akong pakialam kahit pa pinapanood ako ni Kian.

Ramdam ko ang mainit na titig niya sa akin, at sinikap kong huwag maapektuhan.

"Mas lalo kang gumanda, Moo..."

He giggled like a teenager. I rolled my eyes.

"Ang swerte ko sa'yo. Buti na lang talaga naitali na kita sa akin," he said proudly. Umiling-iling ako. Pinulot ko ang baso ng ice tea at ininuman.

Titig na titig pa din siya sa akin. I can see the amusement and love in his eyes.

Pagkalapag ko ng baso ay hinuli niya ang aking kamay. Magaan niya itong hinawakan at dinala sa kaniyang labi. Magaan niya itong hinalikan.

I blushed, lalo na ng marinig ko ang pagsinghap ng mga estudyante na nasa kabilang lamesa. Kita ang kilig sa kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin.

"Ang sweet..."

"Sana all..."

"Ang guwapo niya, no?"

"Ang ganda din niya, kaya bagay sila..."

Nakakuha pa tuloy kami ng atensyon. Kian didn't mind it though.

Nilalaro naman niya ngayon ang aking daliri na dati'y may suot na singsing. Ang wedding ring namin.

Unconsciously, I look at his ring finger and was so shocked to notice that he is still wearing our wedding ring.

The ring that I've gave him years ago.

Ang singsing na binili ko gamit ang ilang taon kong inipon na pera. Hindi ako maluho kaya ang mga sumosobra sa mga binibigay nina Papa at Mama sa akin noon ay hinuhulog ko sa alkansya.

Ipon ko ito mula elementarya ako.

I was planning to use it to start a small business after finishing college. Pero gaya nga ng kasabihan hindi lahat ng nakaplano ay nangyayari lalo kung hindi pinapahintulutan ng tadhana.

Putting aside my plans, I thought that I should use the money to buy a ring; our ring. Hindi ako nanghinayang na gastusin ang lahat ng ito para sa wedding ring namin.

Paano, hindi man lang niya naisipan na suotan ako ng singsing kahit silver o kahit mumurahing singsing lang na nabibili lang sa tabi-tabi.

Hindi ko inakalang papahalagahan niya ito. I was so move to know that he didn't took it off for years, kahit pa nakipaghiwalay ako at iniwan siya ng walang usap-usap.

My eyes watered.

Ngumiti siya nang mapansin niya ang pagkakatitig ko sa kaniyang daliri.

"I am married to you. And I have no plan to end our marriage. You are mine, Moo. And I am yours..."

Suminghap ako at agad pinulot ang tissue na nasa gilid ng aking plato para punasan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak mula sa aking mga mata.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. I just realize how much I miss him all these years.

Paano na lang kung pinirmahan niya noon ang annulment papers? Paano kung hindi ko nalaman ang totoong nangyari? Na hindi nama talaga siya nag-cheat sa akin.

Thinking about the past made me realize my share of mistake.

"I love you so much," he almost whispered.

"Where's your ring?" tanong niya nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin.

"In my wallet," I answered. Tinanggal ko ito sa aking mga daliri pero hindi ko kailanman naisipang itapon, kahit pa ang nasa isip ko ay hiwalay na kami.

For the past years, though we're apart, I feel like I am still married to him. My love never fade even a bit. I tried to move on with my life without him. Sinikap kong tabunan ang mga masasaya at masasakit na alaala ko tungkol sa kaniya. Siguro nagawa kong i-divert sa ibang bagay ang aking atensyon pero ang kalimutan siya ay hindi ko nagawa. Nilabanan ko ang pangungulila ko sa kaniya.

Seeing him now after those years of being apart, I felt like my love for him gets deeper. Oh, how I miss him so bad.

___

Pagkatapos kong kumain ay inaya na niya akong lumabas ng fastfood.  Hinawakan niya ang aking kamay at agad pinagsiklop ang aming mga daliri.

Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa aming magkasugpong na mga daliri, nang hindi ako umalma.

"Mag-grocery muna tayo bago tayo umuwi. Hindi kasi ako kumakain sa bahay kaya walang mga stocks."

Tumango lang ako at nagpatianod sa marahang paghila niya sa akin papasok sa supermarket.

Kumuha siya ng cart ng hindi binibitawan ang aking kamay. He look so happy at may pag-hum pa siya habang kumukuha kami ng mga stocks sa mga shelves.

Tuloy ay napangiti din ako. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon sa totoo lang.

Padilim na ng makarating kami ng bahay. The house still look the same. Bagong pintura ito pero tulad pa din ito ng kulay ng dati nilang pintura.

Napatingin din ako sa aming bahay. Ganu'n pa din naman ang itsura nito. Bukas ang ilaw at may dalawang sasakyan na naka-park sa may garahe.

Pinagtulungan naming isalansan ang aming mga pinamili. Nagtulungan din kaming magluto. Hindi kami gaano nag-uusap, dahil wala akong maisip na sabihin. Pero siya hindi nauubusan ng baon. Kanina pa ako binobola.

"Ako na ang maghugas ng mga plato. Mauna ka ng maligo," aniya habang kinukubli ang munting ngiti sa kaniyang mga labi. Kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

"Okay," tanging sagot ko. Umakyat ako sa aming kuwarto.

Kung ano ang ayos ng kuwarto dati ay ganoon pa din naman.

May nadagdag lang na mga picture frames na nakasabit sa dingding malapit sa study table. Mga pictures namin.

May picture frame din na nakapatong sa night stand. It was our last picture together. Nanubig ang aking mga mata nang maalala ko ang araw na iyon.

MABILISAN lang ang ginawa kong pagligo. I wrapped my body with a towel before going out of the bathroom.

Nagkatinginan kami ni Kian. Kita ko ang pag-alon ng kaniyang adams apple nang pasimple niyang hagurin ng tingin ang aking katawan. Napatingin din tuloy ako sa namumukol niyang pagkalalake na kahit natatakpan ito ng suot niyang jeans ay halatang-halata.

Tumikhim siya bago tinuro ang mga damit ko na hinanda niya.

"M-maliligo na din ako," aniya bago dali-daling pumasok sa banyo.

Namula ang aking pisngi nang makita ang thong na kasama ng tshirt at short ko na hinanda niya.

No wonder he had a boner.

Pagkatapos kong magbihis ay pinakatitigan ang picture namin sa night stand, bago ako nahiga.

Minutes later natapos na ding maligo si Kian. Nakasuot siya ng puting tshirt at boxer shorts.

Tumabi siya sa akin pero may ilang pulgada ang pagitan namin. Humarap siya sa gawi ko, samantalang patihaya naman akong nakahiga.

"What are you thinking?" he asked.

Huminga ako ng malalim at umiling.

"That night, when you said that I was your biggest mistake did you mean that?" he suddenly asked.

"No. I just said that out of anger..." I answered before facing him.

Malungkot siyang ngumiti. Ganu'n din ako. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. Napapikit siya sa ginawa ko pero agad din siyang nagmulat ng mata at pinagmasdan ako.

"Buong akala ko 'yun na ang huling araw nang pagiging mag-asawa natin. Akala ko huling yakap ko na iyon sa'yo." I said almost whispering. It felt surreal.

"Hindi iyon mangyayari. Hindi ko papayagan na hanggang doon na lang tayo," tugon niya. Damang-dama ko ang pagmamahal niya sa mga kataga na binibitawan niya sa akin mula pa kanina. Hinaplos niya ang kamay kong may hawak sa kaniyang pisngi.

"I love you so much, Kian... Thank you for not giving up. Thank you for not ending everything for us. I'm sorry for leaving you. I am here now, I will never leave again."

"At hinding-hindi ako gagawa ng anumang dahilan para iwanan mo ulit ako," dagdag niya sa aking mga sinabi. Ngumiti ako.

"I think it's the part where I should kiss you," he playfully said. Tumawa ako at ako na mismo ang dumikit pa sa kaniya.

"I love you, Moo," bulong niya bago niya inatake ng maalab na mga halik ang aking labi.