webnovel

Chapter 20

Malalim na ang gabi pero mas lalo pang dumagsa ang mga tao dito sa bar. Napagod na din akong magsayaw dahil halos magdikit-dikit na ang balat sa dami ng tao sa dance floor. Inaya ko na sina Macy na bumalik sa table namin.

Iinom lang ako ng kaunti tapos uuwi na ako. Sa condo ni Macy muna ako pansamantalang tutuloy habang wala pa akong nahahanap na unit. Ang bahay namin dito sa Manila ay pinaupahan kasi nina Mama at Papa kaya naman hindi din ako puwede doon.

"Sayaw pa tayo," aya sa akin ng lalake na kanina pa sunod nang sunod sa akin sa dancefloor, nang makitang tumalikod na ako at nagsimulang humakbang paalis ng dancefloor.

I smiled politely at him. "Pagod na ako, e," tugon ko nang nakangiti. Patuloy siya sa pag-indak sa harap ko. He's tempting me but I shook my head.

"Tara na!" aya ko sa mga kasama ko.

Ang kulit ng lalake dahil sinundan pa din niya kami. Naiinis na sina Macy at Barbara.

"Next time naman ulit," sabi ko sa lalake para tigilan na niya ako. Mukhang madami na din kasi siyang naiinom kaya makulit na.

Ang kulit talaga. Ngayon naman inaaya niya ako sa table nila. Malapit na kami sa table namin at mukhang napansin nina Eliot ang pangungulit sa akin ng lalake.

Tumayo sila ni Mardy, pero naunahan sila ni Kian na agad tumayo at lumapit sa amin.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kaniya. I stiffened. Hindi makapaniwala sa kaniyang ginawa.

"Stay away from her," pagtataboy niya sa lalake. Nagtaas ng dalawang kamay ang lalake at agad na ding umalis.

Pagkatalikod ng lalake ay mabilis ding binitawan ni Kian ang braso kong hawak niya. Bumalik siya sa upuan na parang wala lang.

Naupo na din ako sa tabi ni Macy. Tahimik ako at pilit pinapakalma ang aking sarili. My heart is beating fast. Para akong bata.

Inabot sa akin ni Macy ang isang baso ng alak. May panunudyo sa kaniyang mga mata na pinagkibit balikat ko lang kahit ang totoo ay naapektuhan ako.

Nandito pa din siya sa table namin. Hindi ba niya pupuntahan ang girlfriend niya?

Maybe they trust each other that much, my mind answered.

Pinilit kong sumabay sa usapan nila kahit ang totoo ay naiilang ako. Paminsan-minsan pa ay nagsasalubong ang mga mata namin ni Kian. Siya ang unang umiiwas ng tingin.

Kapag ako na ang nagsasalita ay seryoso niya akong pinagmamasdan. Hindi din nakaligtas sa aking mga mata ang paminsan-minsan na pagpasada niya ng tingin sa aking kabuuan.

I am wearing a red mini dress with a deep neckline. Siguro, nanibago siya sa itsura ko. Hindi na kasi ako balot na balot manamit tulad ng dati. Isa sa mga naging hobby ko noong nasa abroad ako ay mag-shopping at magmaganda.

Noong nagsasama pa kami never akong nagsuot ng sexy. Oh, I remember that one time when I prepared a surprise dinner for him. Nagsuot ako ng pulang sexy dress pero hindi niya nakita dahil napanis lang ako sa paghihintay sa kaniya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko na dapat iniisip pa ang nakaraan. Past is past sabi nga sa kasabihan. Mukhang masaya naman na siya ngayon. Masaya na din naman na ako... Kahit paano.

"Nagbakasyon ka lang ba o dito ka na mag-stay ulit?" tanong niya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.

"H-hindi ko pa alam," tugon ko.

Tumango lang siya. Nananantya ang uri ng tingin niya sa akin.

"Nice to see you again," aniya ng may ngiti sa labi. Umawang ang aking bibig at saglit na natulala.

"S-same." Iyon na nga lang ang nasabi ko nautal pa ako. Hindi na ulit siya nagsalita pero nanatiling nakatuon sa akin ang mga mata niya.

Tumikhim si Macy.

"Nasaan na pala ang girlfriend mo?"

Oo na! Alam ko namang may girlfriend na siya!

"S-She's with her friends," tugon niya nang hindi pa din inaalis ang tingin sa akin.

"Balita ko magpapakasal na kayo," singit naman ni Yona. What?!

Mukhang naging close sila ng mga kaibigan ko. Hindi na din naman kasi ako noon nagtatanong sa kanila. Hindi din nila nababanggit sa akin na may girlfriend na nga siya. Kung alam ko lang sana na meron na, baka hindi na lang ako bumalik.

Inubos ko ang pang-apat na baso ng alak. Uuwi na ako pagkatapos nito. Pinahiram ni Macy ang isang susi niya sa akin kaya kung hindi pa niya planong umuwi, mauuna na ako. Maaga pa ako mamaya dahil imi-meet ko ang may-ari ng shop na rerentahan ko.

Pagkalapag ko ng baso sa table nilingon ko si Macy na ngising-ngisi habang nakatingin kay Kian.

"Inaantok na ako," bulong ko sa kaniya.

"Kung ayaw mo pang umuwi, okay lang kahit ako na ang mauna," dagdag ko pa.

Hinihintay pa yata nila ang mga boyfriend nila. Late daw ang dating ng mga ito. Hindi ko na sila mahihintay pa.

Tumango siya kaya naman tumayo na ako. Tinignan ko ang mga kasama namin.

"Mauuna na ako," paalam ko. Biglang tumayo si Kian kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Ihahatid na kita," prisinta niya.

Huh?

Napalinga-linga ako. "Huwag na," tanggi ko. Ano ba ang nasa isip ng lalakeng 'to?

Umiling ako. "Baka magalit ang girlfriend mo," sabi ko na kinatigil niya. Para bang na-realize niya na oo nga may girlfriend pala ako at kasama ko dito sa bar.

——

Katatapos ko lang makipag-usap sa may-ari ng shop. Nagkasundo kami sa presyo. Pagkatapos ng tatlong araw ay magkikita ulit kami para sa pagpirma ng kontrata at payment.

Dahil maaga pa naman napagpasiyahan kong mag-ikot-ikot muna sa mall na malapit. Wala din naman akong gagawin sa condo ni Macy dahil pumasok siya sa trabaho. Mamaya pa siya uuwi para magpalit ng damit pagkatapos nu'n lalabas din siya ulit para mag-bar. Pipilitin lang niya akong isama. Tiyak na magkikita na naman kami ni Kian.

Hindi naman sa bitter ako at iniiwasan ko si Kian, pero ayaw ko lang talagang magkaroon pa ng puwang sa aking isipan ang mga bagay na maaring magpagulo lang sa aking isipan. Lalong-lalo na ang mga bagay na maaring magdulot na naman ng sakit sa aking puso.

For the past years, I believe that I am already healed. Pero nang magkita kami ni Jewel, ang payapa kong isip ay nagulo na naman.

Nagpasya akong umuwi. Naisip kong magnegosyo na lang dito sa Pinas. At gusto ko ding makausap si Kian, but I don't think that it is necessary for us to talk lalo na at nalaman kong may girlfriend na ang tao at mukhang magpapakasal na din.

Hindi ako magiging desperada. Hindi ako ganoong tao.

Masaya ba ako para sa kaniya? Yes. Ganoon naman talaga kapag nagmahal ka. Kung ano ang makakapagpasaya sa mahal mo ibibigay mo. Gaya ng ginawa ko noon.

Pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko ay agad na akong sumakay ng taxi pauwi.

Pagdating ko sa condo ni Macy laking gulat ko nang madatnan ko sina Kian, kasama niya ang barkada niya. Katabi ni Barbara ang isang kaibigan ni Kian habang nakahilig pa ito sa dibdib ng lalake. Si Macy naman ay akbay-akbay ni Raul.

What the hell?! Bakit parang ang dami kong hindi alam?

"G-Good evening," bati ko sa kanila. Ilang taon naman na ang nakalipas at hindi na din kami mga bata pa para umasta akong galit pa din sa kanila dahil sa nangyari. Ayaw kong isipin na hindi pa ako nakakapag-move on.

Binati din nila ako. Sumenyas ako kay Macy na ipapasok ko lang saglit sa loob ng kuwarto ang mga pinamili ko.

Hindi talaga ako makapaniwala.

Naupo ako sa tabi ni Kian dahil iyon na lang ang bakante. Tinaasan ko ng kilay sina Macy at Barbara. Hinihintay ko silang magkuwento.

Pag-alis ko noon ng bansa, nanligaw daw sa kanila ang mga kaibigan ni Kian. At hanggang ngayon sila pa din. Going strong. E, di sana all.

Tipid akong ngumiti sa kanila. Mukhang nagbago naman na ang mga kaibigan ni Kian. Hindi na sila mukhang immature na gaya ng dati. May mga narating na din sila sa buhay, iyong pinaghirapan talaga nila.

Nagpa-deliver sila ng pagkain. After kumain ay nagprisinta ako na magligpit at maghugas ng pinagkainan namin.

Hindi sumama si Kian sa kanila. Nakatayo siya sa may dulo ng mesa habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng pants ang kamay.

Wala siyang sinasabi at basta lang nakatitig sa akin. Tumalikod na ako at dinala sa sink ang mga hugasin.

Naramdaman ko ang kaniyang presenya sa aking likuran.

"Let me help you," aniya. Hindi ako umimik. Tinuro ko sa kaniya ang pamunas. Siya na lang ang magpunas ng mga nabanlawan ko na.

Tumikhim siya. "How are you?" tanong niya kapagkuwan. Tumikhim ako at saglit siyang tinapunan ng tingin.

"Good. You?"

"Never been better since you left me," prangka niyang sagot.

Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Tumikhim ako pero hindi na muling nagsalita pa.

"Hindi ka man lang ba nagsisi nang iwanan mo ako?" tanong niya. I can feel the loneliness and anger in his tone.

My chest hurts. Binilisan ko ang paghuhugas. Hindi ko siya sinagot.

"Hindi ka man lang ba nagdalawang isip nang magpasya kang ipa-annul ang kasal natin?" His follow up question makes my eyes water.

"Kung hindi ko ginawa iyon hindi mo matatagpuan ang babaeng totoong nakalaan para sa'yo," matatag kong sagot.

Pagkatapos kong mabanlawan ang mga plato tumalikod na ako. Kaya naman niya 'yun.