webnovel

Chapter 5

"Goodmorning Mam M.E., ang aga niyo po magising alas kwatro pa lang po ng umaga" sabi ng isang katulong nila Elonor nang makita nito sa my kusina.

"Naku, ate my pupuntahan kasi ako" sabi niya

"Sana sinabi niyo po para maaga ko po kayo pinaghanda mam"

"Naku, ok lang iyon, Oo nga pala Ate, magkakaroon po ako ng business trip for one month, pag my naghanap sakin sabihin mo my Business Trip ako sa Hongkong, si Maan na lang ang kuntakin nila" sabi nito

"Kailan po kayo aalis mam?"

"Mamaya maya na, si Maan na muna ang bahala dito, napakiusapan ko na siya" sabi ni Maria.

Matapos kumain at mag ayos ng gamit si Maria, umalis na ito. Pansamantala muna siyang titira sa kanilang rest house na medyo malayo sa mga tao. Doon magagawa niya ang lahat ng kanyang gagawin dahil ang rest house na iyon ay malayo sa mga ibang bahay. Nasa gitna ito ng 3 ektaryang lupain na pagmamay ari nila Maria.

"Ate, kayo na bahala dito" paalam nito saka sumakay sa kanumyang sasakyan

"Opo mam" sagot nito

Krrriiiinnngggg Krrrrriiiiinnnngggg

"He-hello" sagot ni Maan sa kabilang linya

"Bes, paalis na ako" sagot ni M.E

"Huh? Bakit ang aga?" sabi naman ni Maan nang makita ang kanyang orasan.

"Para maaga din matapos ang aking plano! Sige, I have to go!" sabi ni Maria

"Ok, ingat!" sabi nito saka pinatay ang tawag.

*****************

Maria Eleonor's POV

Pagdating ko sa aming rest house ay agad kong inayos ang aking mga gamit.

Matapos ko mag ayos ng aking gamit, sinabi ko muna sa caretaker ng bahay na magbakasyon at ako na muna bahala sa rest house.

Nang makaalis ito saka lang ako nag ayos ng sarili. Naligo akong muli, nag ayos, isang miniskirt at isang blouse na labas ang pusod at kurba ng aking katawan ang aking sinuot.

Naglagay ako ng wig at saka kaunting make up. Tumingin ako sa salamin na makikita ang buong katawan. Ang laki ng aking pinagbago, wala na si Jenny. Hindi ko na nakikita ang dating ako.

"Hindi ako ito" nasambit ko

"Pero kailangan!" sabi ko ulit na para bang kausap ang aking sarli sa salamin.

Ilang minuto ko din tinitigan ang sarili ko saka naisipan umalis.

"Lets get started"

Umalis ako ng bahay at sumakay sa aking sasakyan.

Hindi ako nakakaramdam ng takot sa oras na ito, isalang nararamdaman ko! Galit!

Habang binabaybay ko ang kalsada . . .

tug tug tug tug tug

Bigla na lang naflat ang gulong ng aking sasakyan.

"Anak ng-" naiinis akong bumaba sa aking sasakyan.

Tinginan ko ang gulong saka nalumo,

"Paano na ito? My Reserba nga ako pero mahirap, hindi tama ang damit ko"

Ilang minuto din akong naiinis na nakatitig sa gulong ng sasakyan.

"Hi Miss, Need Help?" sabi ng isang lalaki

Napatingin ako dito, ngumiti ako sakanya

"Oo sana" sabi ko

"Teka my reserba ka bang gulong diyan? Kasi kung wala pwede ka muna makisakay sa akin" sabi nito at para akong matutunaw sa kanyang titig.

"Mayroon diyan sa likod" sagot ko, Pumunta ito sa likod ng sasakyan saka binuksan ang trunk nito.

Kinuha niya ang reserba, hindi ko alam kung masyado siyang halata o iniisip ko lang pero kanina pa ito nagpapacute, sa bawat galaw niya parang pinapakita niya na siya ay malakas.

Natutuwa naman ako sa ginagawa niya.

"Iyan Miss ok na" sabi niya nang matapos niyang palitan ang gulong ng aking sasakyan.

"Naku thank you thank you" sabi ko sabay yakap sakanya

"Walang anuman"

"Paano ba kita pasasalamatan?" tanong ko sakanya

"Naku hindi na" sabi niya

"Hindi ako papayag, Ito calling card ko, kita tayo mamayang gabi, sabihin mo lang kung saan mo gusto, treat ko, just call me" sabi ko sabay kindat sakanya para naman itong asong ulol na natuwa sa sinabi at ginawa ko

"Ok" sabi nito, mukhang nagpipigil

"Teka, ano pala pangalan mo?" tanong ko sakanya

"Anton, Anton Fuentabella" sagot nito sabay lahaf ng kanyang kamay

"Maria, Maria Eleonor" sabi ko sabay abot ng kanyang kamay, ngumiti ako, ngumiti din siya

"Maria Eleonor! ang pangalan ng taong papatay saiyo" sigaw ng isip ko

"Sige, salamat ulit, i have to go, bye" sabi ko sabay nagbigay ng Flying Kiss sakanya at mukhang kinilig ang gago!

Napa Yes pa ito nang pabalik sa kanyang kotse.

Napakahayok mo talaga sa laman Anton, ramdam ko iyon sa pamamagitan ng pagtingin mo sa akin ramdam ko iyon!

Hayaan mo ipapalasap ko saiyo ang sarap na hinahanap mo! Sarap na magdadala saiyo sa impyerno! Hahahaha!.

**********************

Anton's POV

Napakaswerte ko talaga sa araw na ito, nakakilala ako ng babaeng mukhang makakama ko mamaya maya na, ang ganda niya at hmmmmm nakakagigil

"Anton, huwag ka aalis mamaya huh?" biglang basag trip ng asawa ko

"huh? naku, Overtime kasi hon" sagot ko sabay yakap sakanya

"Overtime o magbebeer house ka nanaman!?" ito nanaman mag uumpisa nanaman siyang ngumanga!

"Hindi ako magbebeer house! mag oovertime ako kahit tawagan mo pa boss ko!" sabi niya

"Boss? eh barkada mo naman boss mo eh! Parehas lang kayo!" sabi niya

"ajidjxkfkdldmxkcfkellsnxcnuffknsaoodjxbcneke" andami na niyang sinasabi hindi ko na lang pinapakinggan at saka hindi ko na iniintindi

"Sige aalis na ako" sabi ko na lang

"Hindi ka aalis! dito ka lang" sigaw niya

"Aalis ako!" sabi ko saka naglakad patungo sa pinto

"Bwis*t ka!!! huwag ka na babalik! mamatay ka na sanang hayop ka!!!" sigaw nito

Hindi ko na lang iniisip sinabi niya, ayaw ko mabadtrip mas lalo na at my naghihintay saking masarap na ulam. Hmmmm nakakatakam.

Papunta ako ngayon sa aming tagpuan, bigla akong kinabahan, hindi nasabik ang dapat doon.

Ayon natanaw ko na siya.

scccccrrrrrraaaaacccctttthhhh

Nagulat na lang ako at agad nagpreno, bigla na lang my tumawid na itim na pusa sa kalsada, buti na lang at hindi ko nasagasaan at walang ibang sasakyan kung hindi nabangga na sana ako.

Tok Tok Tok Tok

Nabigla na lang ako ng my kumatak sa salamin ng sasakyan, pero nakabawi din ako nang makita ko si Maria Eleonor ang kumakatok.

Sininyasahan ko siya na aayusin ko sandali ang sasakyan, bumalik naman ito sa kanyang kinakatayuan kanina saka ko inayos ang pagkapark sa kanyang harap.

Bumaba muna ako at pinagbuksan ko siya,

"Thanks" sabi nito saka ngumiti ng napakatamis,

Hmmmnnn! Grabe ang bango niya mas lalo na nung napalapit siya sakin para sumakay.

"Ok ka lang?" tanong niya sakin ng ako ay makasakay

"Huh?" tanong ko

"Kasi bigla ka napatigil kanina eh" sabi niya

"ah iyon ba, wala iyon medyo namalikmata lang ako" sabi ko

"Ganoon ba? nagworry kasi ako eh" sabi niya sabay haplos ng aking mga bintin

Napalunok naman ako ng laway. Hintayin mong babae ka, hindi kita titigilan mamaya!

"Wala iyon, ok lang ako" pag aasure ko

Hindi na ito nagsalita at bigla na lang kami natahimik

Bumili lang muna kami ng pagkain saka tumuloy sa rest house na tambayan naming magkakaibigan dati, dati noong kumpleto pa ang tropa, noong hindi pa nangyari ang malagim na pangyayari 15 years ago.

Teka teka bakit ba iyon iniisip ko! Tapos naniyon wala na kami magagawa doon. Isipin ko na lang itong kasama ko sa loob ng kotse ko. Malapit na kami sa resthouse.

Bumaba kami ng sasakyan ng maiayos ko ang pag park dito.

Inayos ko ang aming pagkain habang si Maria ay iniwan ko sa sala.

"Fell at Home" sabi ko sakanya

"Ok" sabi nito sa malanding boses at saka parang nang aakit, humanda ka talaga mamaya

Matapos ko inayos, niyaya ko siya kumain.

"Kain ka lang" sabi ko

"Magpakabusog ka dahil mamaya mapapagod ka!" bulong ko sa aking sarili

Nang matapos kami kumain niyaya ko siyang magpahinga sa kwarto, at hindi naman to tumanggi.

Pinauna ko ito at kumuha ako ng aming iinumin at kakainin.

Nilapag ko sa la mesa sa harap ng tv ang mga dala ko at nagpaalam lang sandali maligo, alam mo na, kailangan ko maging mabango!

Pagkatapos ko maligo, nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa, umiinom ito.

"Halika, inom tayo" sabi niya saka sinalinan ang baso

Lumapit naman ako dito saka tinungga ang laman ng baso!

"Ligo lang din ako huh?" sabi niya sabay pout! Nakakagigil siyang talaga!

"Ok!" sagot

Ilang minuto na din ang lumilipas pero hindi pa ito lumalabas, nag iinit na ako mas lalo na at medyo natatamaan na ako sa iniinom kong beer.

Gusto ko na siya pasukin sa cr.

Tatayo na sana ako nang bigla na itong lumabas, napalunok ako nang makita ko ang suot niya, nakatwo piece lang ito habang tumutulo pa ang kanyang buhok.

"wow na wow talaga!" sigaw sa utak ko, nakangiti ito na mas lalong nagpapainit sakin

Bigla na lang my pumailanglang na mabagal na musika sa loob ng kwarto, hawak pala nito ang remote control ng dvd player.

Ibinaba nito ang remote saka lumapit sakin ng dahan dahan, sumasabay ang kanyang bewang sa musika.

Gusto ko na siyang sunggaban!

Sumasayaw ito habang nakangiti ng nang aakit.

Gusto ko siya lapitan, pakiramdam ko ang tagal.niyang lumapit kahit pa malapit lang ang aming pagitan.

Pinagpapawisan na ako,

Nang makalapit na ito sakin agad agad akong tumayo at saka hahalikan na sana siya pero pinigil niya ang aking mga labi sa pagdampi sa kanyang labi sa pamamagitan ng isa niyang daliri.

"Hmmm! not so fast Mr. Fuentabella" sabi nito sa pang aakit na boses

"Nakakagigil ka!" sabi ko sakanya

"My gusto sana akong gawin" bulong niya sa aking tainga na ikinatayo ng aking balahibo

"Kung iyong papahintulutan" sabi pa nito sabay kagat ng bahagya sa aking tenga

"Oo, kahit ano pa yan" sabi ko.

Lumayo siya sa aking saka kinuha ang upuan na malapit sa tv.

Pinaupo niya ako sa upuan.

Pumunta ito sa aking likod.

"Pikit ka muna" sabi nito sabay haplos ng aking balikat.

Pumikit ako, naramdaman kong kinuha niya ang magkabila kong kamay saka inilagay saking likod.

Nararamdaman kong my nilalagay siya sa aking kamay kaya naman sinubukan kong ibukas ang aking mga mata.

"Wala na munang didilat mister" sabi niya kaya hindi ko na tinuloy ang pagdilat.

Nararamdaman ko ang bawat galaw niya, lumipat ito sa aking harapan.

"Ok Mr. Fuentabella pwede mo na idilat ang iyong mga mata" sabi niya

Nang pagdilat ko sa aking mga mata napahiyaw ako sa gulat at takot!

"Aaaahhhhhhhhh!" sigaw ko

Nakakatakot ang itsura niya, wasak at duguan ang mukha, pti ang katawan duguan, pero bakit parang my kamukha siya?

Tumibok bigla ng mabilis ang aking puso nang lumalapit ito sakin kaya naman napapikit ako!

"Oh bakit Mr. Fuentabella? My problema ba?" narinig na sabi niya sakin kaya naman binuksan ko ang mga mata ko, sa pagdilat ko bumalik na ang itsura nito ang makinis at magandang itsura nito.

"Ah wala!" sabi ko, namamalikmata na ata ako dahil sa tama ng alak sa akin pero kunti lang naman ang nainom ko.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang kumandong sakin!

Pakiramdam ko sumikip ang short na suot ko, gusto na kumawala ng aking alaga mas lalo na nang sumayaw ito, nakikiskis ang kanyang alaga sa aking alaga,

"Hmmmn" ibang iba ang pakiramdam.

Ramdam na ramdam ko ang sakanya dahil mukhang manips lang ang suot niyang two piece.

Itataas ko sana ang aking kamay pero hindi ko magawa, nakaposas ito sa upuan, napangisi ako, wild pala itong kasama ko.

"Do you feel it? do you want it?" biglang bulong niya sakin

"Ye-yes" sagot ko

Hmmmmnnnn sobrang nadadarang na ako sa ginagawa niya, hindi na ako makapagpigil, gusto ko na siyang angkinin!

"Please, i want you! Pakitanggal ang posas nang maumpisahan na natin" lambing ko sakanya

Tumayo ito at pumunta ulit sa aking likuran akala ko tatanggalin na niya ang posas pero hindi pala my kinuha lang ito.

"Ah? Ano yan?" sabi ko

"Ano sa tingin mo" sabi niya na nakangisi pa

"Ano gagawin mo diyan?" tanong ko, my hawak itong bubog

"I just want to have some fun! My gusto sana akong itanong at sa bawat maling sagot my parusa" sabi nito na ngumiti ng nakakatakot.

"So lets begin?" tanong nito

"A-ayaw ko" sabi ko

Tsaaak!

"Ahhhhhhhh!" napasigaw ako sa sakit nang isaksak niya sa aking binti ang bubog na hawak niya

"wrong answer" sabi niya

"Ok, Next Question, ano nangyari 15 years ago?" tanong nito

Hindi ako nagsalita,

"Sagot!" sigaw niya

Iyong maamong mukha kanina ay napalitan ng nakakatakot na mukha

"Hi-hindi ko alam" sabi ko

Tsaaakkkk!

"Ahhhhhhhhhh!" sigaw ko ulit sinaksak niya ang kabilang binti ko

"15 years ago, me-meron kaming pinasukan na bahay noon na isang pamilya" sabi ko na mautal utal na za takot at sa sakit na nararamdaman

"Sino ang mga kasama mong nanloob sa bahay na iyon?"

"Mga barkada ko"

"Nasaan na ngayon ang mga barkada mo?"

"Hi-hindi ko alam"

Tsaaaakkkkk!

"Aaaahhhhhhh! My kanya kanya na silang buhay! Pagkatapos ng isang taon sa pangyayaring iyon nagkawatak watak na kami! Tama na! Please!" pagmamakaawa ko

"SINO SINO SILA!?" tanong niya

Hindi ako makasagot, ano gagawin ko? Ano ba nangyayari?

Tinaas niya ang kamay niyang my hawak ng bubog

"Andiyan sa kabinet! Andiyan lahat ng files namin!" sigaw ko sabay turo sa kabinet sa pamamagitan ng nguso ko

Ngumiti ito at saka lumapit sa kabinet na sinabi ko. Binuksan niya ito at kinuha niya ang mga folder doon. Andoon lahat ang aming pagkakakilanlan at my mga sekreto kaming nasa loob ng folder na iyon.

Sana nakinig na lang ako sakanila na ipasunog ang mga nasa kabinet na iyon.

"Salamat huh" sabi niya bigla

"Huh?" sabi ko

"Dahil saiyo mabibigyan ko na ng hustisya ang pamilya ko!" sabi niya sabay ngiti

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tsaaaakkkk

Tsaaakkkkk

"Ahhhhhhhhhh! tama na! ayaw ko na!" sabi ko

"Sige! Sumigaw ka lang! Ang iyong paghiyaw ay musika sa aking pandinig hahahaha!" sabi niya

"PLEASE KUNG SINO KA MAN TAMA NA!"

"Naririnig mo ba sinasabi mo? Diba ganyan din sinabi ng pamilyang pinatay niyo 15years ago pero ano ginawa niyo nakinig ba kayo?" sabi nito, nakita kong lumuluha na ito

"Pinagsisisihan na namin ang nagawa namin noon"

"Pinagsisisihan???Pinagsisisihan??? nagpapatawa ka ba? pwes hindi nakakatawa! Kung pinagsisisihan niyo edi sana sumuko kayo sa mga pulis pero hindi!!" sigaw niya, lumapit pa ito sa akin saka

Tsaaakkkk!

"Aaaaaahhhhhhh!" sinaksak niya ako sa tiyan

Tsaaaakkkk

"Aaaahhhhhhhh!" nanghihina na ako hindi ko na kaya

"Pa-patayin mo na lang ako hu-huwag mo na ako pahirapan" pagmamakaawa ko

"Hindi! Papapahirapan kita tulad ng pagpapahirap mo sa kapatid ko!" sabi niya

"I-ikaw?" sabi ko

"Oo! Ako!" sabi niya na para bang alam ang sinasabi ko

"Tignan mo ang ginawa niyo sa akin!" sabi niya saka pinunasan ang kanyang katawan.

Isang malaking sugat ang tumambad sakin nang matapos niyang punasan ang kanyang katawan, isang malaking sugat na iniwan ng kahapon.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na niyang itinurok sakin ang siringilya na hawak niya, hindi ko man lang napansin na my ganoon siya hawak.

Bigla na lang nandilim ang lahat sa akin.

Paaaaakkkkk

Isang malakas na sampal ang nangising sa akin.

Nakasakay na ako sa aking sasakyan at teka bakit hindi ako makagalaw, wala naman akong tali o kahit anong pwedeng pumigil sakin.

"Hmmmmnnnn!"

Hindi ako makasigaw.

Ang sakit ng mga sugat ko!

Gusto ko humingi ng tulong!

Nasaan na ba ako??

"Hmmmmmn Hmmmmmn Hmmmmnnnn" iyong lang ang kanya kong sabihin

Napaluha ako sa aking kinahinatnan!

Sana nakinig ako sa mga kasama ko, sana nagbagong buhay na ako, sana . . . sana . . .

"Nakapagdasal ka na ba?"

Nagulat na lang ako ng nagpakita si Maria Eleonor sa harap ng sasakyan.

"hmmmn hmmmn hmmmn hmmmn" sabi ko

"Magpaalam ka na sa mundong ibabaw dahil dito, dito na magtatapos ang iyong buhay" sabi niya sabay tawa ng nakakatakot.

Nabigla na lang ako nang biglang umandar ang sasakyan.

"Hmmmmn Hmmmn Hmmmn" wala ako magawa

Hindi man lang ako makahingi ng pasensya sa aking asawa na kahit patuloy ko siyang niloloko ay patuloy parin niya akong tinatanggap ng buong puso.

Gusto ko man lang siyang halikan kahit sa huling pagkakataon ng aking buhay.

Gusto kong magsisi sa lahat ng aking ginawa, sana, sana mapatawad pa ako ng ating Ama.

Nakita ko ang isang malaking puno na malapit sa isang bangin.

Bumilis bigla ang takbo ng aking sasakyan,

"Hmmmmnnn Hmmmnnn Hmmmnnnn"

Sinusubukan kong tapakan ang brake pero hindi ko talaga kaya, gusto ko lumaban pero paano?

Malapit na! palapit na nang palapit hanggang sa . . .

Bogggsshhhh

Ang lakas ng impact pero kahit papaano buhay pa ako, buti na lang nakasealt belt ako pero ano iyon, ano iyong naaamoy ko?

Boooooommmmm!

**********************

24/7 Balita News

Isang sasakyan ang sumalpok sa isang malaking puno malapit sa isang bangin dito, at dahil sa lakas ng impact bigla na lang sumabog ito.

Napag alaman mula sa SOCO na si Mr. Anton Fuentabella ang may ari at lulan ng sasakyan na ito na halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ng kanyang katawan. Pero napag alaman ng mga SOCO na nakadrugs at nakainom and driver kaya ito nadisgraya.

Sobra ang paghihinagpis ng asawa at ng mga anak na naiwan ni Mr. Fuentabella, dahil ang mister lamang ang bumubuhay sakanilang mag anak. Hindi na alam ni Mrs. Fuentabella kung saan siya hihingi ng tulong. Kaya sa gustong tumulong sa pamilyang naiwan ni Mr. Fuentabella maari kayong lumapit sa aming tanggapan sa 24/7 Balita News.

Annie Batumbakal Nag uulat.