This is the first series I will be updating:
Malta Formosa Series #1: To Fall
(Completed)
Malta Formosa Series #2: To Forget (Ongoing)
For the remaining series I haven't created yet, but I'm planning to make at least 5 series for Malta Formosa.
----
Prologue
"Teka hintayin mo naman ako! "
I shouted to the man who's walking so fast. Akala niya siguro sa paa ko gulong ng kotse na pwedeng bilisan. Huminto ako dahil hindi ko na kaya, masakit na kasi ang paa ko sa kakalakad. Hinihingal din dahil sa kakatawag sa kanya.
Lumingon siya sakin na kunot ang noo. Makikita rin ang kabagutan sa mukha at matad kung tumitig.
"Hurry up! " he shouted and walked again.
Nakakainis talaga siya! Kung hindi lang ako kinausap ni dada para pakisamahan ang lalaking 'to baka iniwan ko na siya dito at bumalik sa bahay para tumulong.
Dada asked me to be polite and kind toward this visitor na bumiyahe pa para lang puntahan ako dito sa ancestral house namin.
Dada said that baka magustuhan ko daw 'tong lalaking inireto niya saakin. Asa! Baka sakali daw na magkamabutihan kaming dalawa. Pwe! Asa!
Hindi naman talaga ako tutol sa sinabi ng tatay ko pero wala pa akong panahon sa mga ganito.
Ayaw ko naman silang suwayin because all this time todo suporta sila sa gusto ko, even before. Sinabi pa ni dada na hindi habang buhay tatagal silang mag-asawa, kaya kailangan nilang masilayan ang apo daw nila bago sila pumanaw sa mundong 'to.
Huwag ko daw ikulong ang sarili ko sa nakaraan. Bakit hindi ko daw subukan ulit?
Gusto kong matawa sa sinabi nila. Alam ko naman yun e! Tinanong ko rin naman sa sarili ko yun! Kinukulong ko parin ba ang sarili ko sa nakaraan kaya hindi ako makausad at makahanap ng bagong mamahalin?
Masaya ba ako sa buhay ko ngayon? Nabibigyan ko ba ng ligaya ang puso ko kahit hindi ako nakatali sa isang relasyon?
Lagi nalang yan ang tumatakbo sa isipan ko. Kapag nakakakita ako ng couple sa kung saan-saan, napapatanong ako. Sinasabi ko nalang na masaya ako kahit wala na, kahit mag-isa nalang, kahit hindi na siya bumalik kasi hindi naman siya tumagal sakin.
Did I satisfied myself sa sagot ko? Ewan ko! Hindi ko alam!
"Your dad called me his looking for you. Kausapin mo. " he reached for my hand and placed his phone.
Tinitigan ko muna siya bago sinagot ang tawag.
"Da! Si Ran to." sagot ko sa phone niya.
"Kamusta?! Ano okay ba siya para sayo anak? Pumasa ba?! Natipuhan mo ba? Anong pinagkakaabalahan n'yong dalawa-"
"Dada!" I cut him.
Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Desperado na ba talaga silang magkaapo? Kaya ganun nalang kung itulak ako sa lalaking to!
Ni wala nga akong maramdaman. Kahit pagtibok ng puso para sa lalaking to wala! Ilang araw na rin siyang namamalagi sa bahay as bisita, pero wala talaga e.
"Eman. Kailan ka pa ba magse-settle down anak? Tumatanda na kami ng moma-"
"Dada please lang! "
I can't control my anger anymore. I respect them so respect mine too.
Pinatay ko kaagad ang tawag pagkatapos ay hinila ang kamay ng lalaking nasa harap ko na matamang nakatingin sa walang reaksyon kong mukha. I put the phone on his open palm pagkatapos tinalikuran siya.
Babalik nalang ako sa pinagparkingan ng kotse niya at doon maghihintay sa kanya.
I rolled my eyes. I'm waiting for him for almost 10 minutes, ang bagal naman niyang maglakad, saan na kaya yun pumunta?
Dadagdagan niya ata ang inis ko kahihintay sa kanya.
"Here! " bungad niya ng makalapit sabay taas ng dalang plastik na may lamang bottle of water and sandwich, inirapan ko siya saka hinablot ang dalang plastik.
"Thank you! " naiinis kong pasasalamat.
"Huwag kang mag thank you kung napipilitan ka lang. " suplado niyang pagkakasabi, tinapunan ko lang siya ng tingin.
"Edi 'wag! " bastos kong sagot.
He tsked.
Naiilang ako habang ngumunguya ng sandwich dahil nakatingin siya.
"Tingin-tingin mo?! Gusto mo?! "
"Nagsabi ba akong gusto ko?"
"Hindi! Nagtanong lang din ako! "
Tahimik na pagkatapos nun.
Tumikhim siya.
"Nga pala my friend invited me to his birthday celebration wanna come? Balak kitang isama kasi-"
"Hindi ako sasama! " mabilis kong sagot.
Nainis siguro siya.
"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo." madiin na pagkakasabi. Pagkatapos bahagya niya akong tinulak para tumabi dahil nakaharang ako sa pintuan ng kotse niya.
"Get in the car! Bumalik na tayo sa bahay nyo." ayun lang at pinaandar na ang engine.
Hindi naman ako nakatutol, wala akong choice baka iwanan ako sa daan.
The next day napilitan akong sumama sa kanya. Hapon na nang makarating kami sa sinabi niyang bahay ng kaibigan niya daw.
He didn't tell the name of his friend. Kaya para akong tangang nakasunod sa kanya. There are lots of visitors also, some of them were poloticians and celebrities. Ako lang ang hindi, dahil simpleng tindera ng aking munting karinderya lang ako....ngayon.
His friend's house is so huge, a mansion rather. Halata naman dahil hindi biro ang mga dumalo, mga bigtime kumbaga. Also, the man who I am with is bigtime but I don't like him.
Take note! I don't, even love him is not my option.
We occupied the available table and we both seated. May kausap siya ngayon isang celeb, hindi ko nga lang kilala dahil hindi naman ako matandain sa pangalan tsaka hindi ako interesado, pero alam kung celeb minsan ko ng nakita ito sa tv e.
Tahimik nalang ako sa tabi niya until my eyes set on the woman who passed through our table. Napatayo ako, nakita ko naman ang pagsunod ng tingin ng katabi ko.
"Blessica... " tawag sa pangalan ng kaibigan ko dati. Namamalikmata siguro ako.
Nag excuse ako sandali at sinabing magcocomfort room lang.
Umalis ako doon at hinanap siya sa bawat nagsisiksikan na mga bisita. They were laughing and chatting. Hindi ko makita ang hinahanap ko, it's been years since we've met and we part ways. Palinga-linga ako pero nawala na siya sa paningin ko o baka naman namalikmata lang ako?
Balak ko na sanang bumalik sa kinauupuan ko. But then someone grabbed my hand and pulled me out of the crowd. Pilit kung inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa palapulsuhan ko.
Hindi ko siya kilala! Sino ba siya? Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod at naglalakad ng mabilis habang hila ako.
"Ano ba! Bitawan mo ko! " nakaagaw na kami ng pansin ngayon ng mga bisita. But the man who pulled me somewhere I don't even know, inignura lang ang mga taong nakatingin sa amin.
Napansin ko ang singsing sa kanyang ring finger. Hindi ko natuloy ang pagpupumiglas, kusa ng sumunod ang mga paa ko na wari parang may sariling isip sa oras na 'to. Nagulat ako dahil nakita ko na ito noon, the day where in nasa isang pamilihan ako at nagkabunguan kami. Nagtataka kong tinitigan ang likod niya, ang pananamit, ang tindig ng katawan, ang kamay ulit niyang may singsing na nakahawak sa palapulsuhan ko.
Someone that is familiar to my eyes. I don't know why my heart suddenly beat fast. Nararamdaman ko ang pamamawis ng kamay ko maging ang leeg at noo.
No! This can't be true! This is not him!
Sobra-sobra ang kaba sa puso ko ng lumiko kami sa madilim na espasyo sa likod ng bahay, doon may pool at garden.
Huminto kami doon, nanginginig ang kamay matapos niyang bitawan, nakasunod ang mata ko sa bawat galaw niya. Parang bumagal ang lahat ng unti-unti siyang lumingon.
And my tears I am holding for almost five years have burst, out of my control I burst. Napapailing akong tumingin sa kanya. I promise to myself that day we set apart, hinding-hindi na ako iiyak dahil sa kanya, but then I lost. Kinain ko ang sinabi ko noon.
"Why?! "
I asked him like I'm begging in front of him.