webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urbain
Pas assez d’évaluations
42 Chs

Chapter 3

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Inayos ko pa kasi ang damit kong susuotin sa trabaho. Dahil sa wala namang required na damit sa company kahit ano nalang daw ay pwede. Except pala sa sobrang eksi na halos labas na ang kaluluwa, bawal daw yun.

Namili ako ng damit sa cabinet ko. Kinuha ko yung navy blue na long-sleeve. May design ito sa right side na gold crown na maliit, tamang makikita lang pag malapitan. Pinartner ko naman dito ang maong pants na hapit sa binti. I choose to wear my black high heel kasi mas bagay syang tignan.

May nabasa nga ako sa isang books store nun.

What does your footwear say about you?

Nabasa ko lang to. Pag high heel daw ay ganito ang ibig sabihin.

'Definitely not silent, but deadly. You're quick to speak your mind and it may bug some people. They just need to learn to take things as it is. You don't have time to sugarcoat things for them'.

Well parang ganun ata ako e direct to the point. I don't need to sugarcoat things for them.

Napakibit-balikat nalang ako sa naisip.

"Good morning moma, dada" humalik ako sa pisngi nila. I saw my two-friend sitting on the right side of the dinning table.

Hindi ko nakita si Karen. Baka pumasok narin, Monday kasi. Naupo na rin ako at nagsimulang maglagay ng sariling pagkain sa plato.

"Re tumawag pala si boss" tawag pansin ni rien sa akin.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanya habang kumakain. Uminom muna ako ng tubig bago siya tinanong.

"Bakit daw?" nakakunot noo kong pagkasabi.

"Pinapasabi niyang puntahan mo daw siya sa office niya later. May sasabihin ata?"

"Baka tungkol dun sa Paris bakla" si argen

"ah okay, didiretso nalang ako mamaya sa office niya pag dating natin doon." saad ko sa kanila.

After the short conversation. Pinagpatuloy ko na ang pagkain.

I gathered my things pagkatapos noon hinanap ko na sila moma and dada para magpaalam. Naghihintay na kasi yung dalawa sa labas. Dahil 10:00am pa yung pasok namin at 7:30 o'clock palang hindi ako nagmadali. Makakarating naman kami doon bago pa mag-alasdyes.

At dahil hindi ko sila mahanap sa dining area maging sa sala. Lumabas na ako baka sakaling nandun sila kasama yung dalawa. As expected, nandoon nga sila nakikipag-usap.

"Da!" tawag ko. Nakalapit na ako sa kanila bago sila nakatingin sa gawi ko.

"We need to go now. Mahaba pa yung byahe namin e. Two hours kaming babyahe." I explain to them.

"Okay darling, basta mag-iingat kayo. Drive safe. Wag masyadong mabilis" paalala sakin ni mama

"Don't worry ma, mag-iingat po ako. Da, ingatan nyo po si moma ha?" paalala ko rin kay dad ng magawi ang tingin ko sa kanya. Tumango naman siya saakin bilang pagsang-ayon.

"Wag kang mag-alala anak, lagi ko namang iniingatan ang mommy mo. Baka dadalaw pala kami next next week sa condo mo."

"Osige dad, pero baka gabi na ako makakauwi nun"

"okay okay, copy." Sabi ni dada

"Anyway, pumasok nalang kayo sa condo pag wala pa ako. You know the password naman diba?" tanong ko dito. Tumango naman si dada.

"Osige na darling baka matraffic pa kayo sa daan." Sabi ni moma. Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi niya she did the same. I hugged dada after that.

"Goodbye moma, da alis na kami." Paalam ko.

"Mag-ingat kayo argen and rien" sabi ni moma

"Yes, mother dear. Thank you po sa regalo. Bye po!" si argen masayang nito sabi, sabay itinaas ng kaunti ang kamay para mag goodbye.

"Salamat, mother cecil and also father cecilio hihi" si rien naman ang nagpasalamat.

Natawa naman sa kanya ang mga magulang ko. Nasanay na sila sa tawag ng dalawang ito sa kanila. Kung hindi ba naman baliw tong mga kaibigan ko e.

"Bye!" paalam ko ulit at pagkatapos nun umalis narin kami....

Hindi magkanda-ugaga ang mga katrabaho namin ng maabutan namin sila sa loob ng company. Lahat sila ay may kanya kanyang trabaho. Hindi rin nila napansin ang pagdating namin..

Kung tutuusin tama lang ang dami namin dito. Ang kompya ay may kataasan dahil nga umabot ito ng third floor and meron pang roof top kung saan ang iba ay doon tumatambay pag lunch break or yosi break. Yes! Most of my work mates mapababae man o lalaki, nagyoyosi. Hindi ngalang kami kasama nila argen and rien sa mga yon. Dito sa third floor ang pwesto ko malapit sa office ni boss. Yung mga kaibigan ko naman ay medyo malayo saakin. Walo kaming nagtatrabaho dito sa third floor hindi pa kasama si boss doon. Bali walong cubicle ang meron sa loob, apat sa kaliwa, apat din sa kanan at sa dulong bahagi ay office nang boss namin.

Inilagay ko muna ang dala kong laptop sa table ko pati na ang bag.Pagkatapos noon ay pumanhik na papunta sa office ni boss.

Nang marating ko na ang pinto ng office, tatlong beses muna akong kumatok bago pumasok. Pag pasok ko nakita kong nakatalikod ito, may katawagan si boss. Kaya pala wala akong narinig na sumagot. Kadalasan kasi sumasagot yan e.

Tumayo lang ako sa gilid habang nakikinig sa kanya sa katawagan niya.

(You're going to Paris this coming week, right? You know, our friends from Malta wants to see you Laz. Tagal mo ding hindi nakakapunta dito e. We expected you to come bro!)

"Yes...and of course, We will see." Importante ata yung pinag-uusapan nila kasi makikita sa kanyang mukha na seryoso.

Medyo naririnig ko rin yung kausap niya kahit hindi nakaloud speak. Matalas pandinig ko e.

(Make it sure Laz. Tom will surely hate you for ditching us again. Lalo na alam niyang pupunta ka ng Paris. Siguradong tatadtarin ka nanaman ng mura nun. If I, were you? I'll come. haha)

"Hmm. Tell him to get lost. That sh*t is pestering me. Kung kani-kanino niya binibigay yung number ko."

Inis na sabi ni boss sa kabilang linya. Hindi niya parin ata nararamdamang kanina pa ako dito. Rinig ko na yung pinag-uusapan nila kaya.

(Hahaha that f*ck*r is really pestering you Laz. You need to find woman na daw kasi para hindi siya ang maghanap para sayo. Baka isipin nun bakla ka. haha)

"G*g*. No need to find bro dahil nakita ko na siya-" nakangiti ito ngunit tama namang pagharap niya, nakita niya ako kaya hindi niya natapos ang sinasabi niya sa katawagan. Nawala rin yung ngiti nya at napalitan ng seryosong titig. Ang bilis naman magbago nang mood nito.

(Nakita? Sino? ...Oh! Now I get it. What is her name then?)

(Hey laz. still there? Hey-)

bigla nalang niyang pinatay ang phone niya ng walang paalam sa katawagan at nilapag ito sa table niya. Inayos naman nito ang upuan at umupo saka bumaling ulit saakin.

Bakit hindi niya sinagot yung tanong ng katawagan niya? Nahiya ata si boss sakin dahil narinig ko yung convo nila. Nakakahiya!

"Good morning boss!" masigla kong bati sa kanya para kunwari'y wala akong narinig kani-kanina lang.

"Morning Ran kanina kapa?" hanggang ngayon nagugulat parin ako sa kanya pag tinatawag niya ako sa first name ko. Ewan ko ba dito kay boss. Pag sa iba surname ang gamit niya kung tumawag sa mga katrabaho ko, pag dating sakin first name bases.

I cleared my throat before I speak.

"Hindi naman boss. Kakapasok ko lang din!" pagsisinungaling ko.Tumango lang sya bilang pagsang-ayon.

"Nga pala, sabi ni Rien pinapatawag mo daw ako?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Nakita ko namang umayos siya nang pagkakaupo.

"Ah yes... yes. Well, I call you because. I wanted to inform you that this coming Friday sasama ka saakin sa Paris. Pupuntahan natin yung publishing book doon na pagmamay-ari ng kaibigan ko. He offered me kung pwede doon nalang sa kanyang tayo magpagawa para mapamura ang bayad natin." Sabi nito. Tango lang ako ng tango sa suwestyon ni boss.

"Isa pa maganda naman yung quality product na ginagamit nila for publishing a book. Dahil kilala ko naman siya. Pumayag na rin ako. I hope okay lang sayo?" tanong nito saakin.

"Walang problema sakin yun boss" pagsang-ayon ko sa kanya.

Nakita ko naman ang ngiting sumilay sa kanyang labi. Kung tutuusin gwapo si boss. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko man lang nakitaan to nang pagkahilig sa babae. Ni halos wala kaming makitang babae ditto na dumadalaw sa kanya o kaya naman sinusugod siya.

Isang beses pa nga namin siyang ginawang head of the topic e. Ito kasing si bakla pinangunahan ang pagiging ususera.

Nagtataka daw siya bakit wala man lang kaming nababalitaang may naging babae ito. Pero ang sabi niya hindi niya naman daw naaamoy kalahi si boss. Baka daw pihikan lang ito at ayaw maging head line ng balita sa company. Masyadong malihim si boss.

Well, siya kasi yung apo ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin. Siya ang pansamantalang humahawak ng kompanya nila dahil nga yung lolo niya ay nagpapahinga sa U.S. Matanda na kasi yun at panigurado akong si boss na rin hahawak nitong kompanya pagnagkataon.

"Call me Laz" nagulat naman ako sa biglaan niyang pagsalita.

"po?" gulat kong tanong sa kanya.

"I said call me Laz. Boss is too formal."

"Nakakahiya boss-" he cut me.

"No. I prefer Laz kesa sa boss, Ran" madiin nitong banggit sa pangalan ko. Hindi naman siya galit sa lagay nayun no?

"O-osige L-laz?" pautal ko pang banggit sa pangalan niya. Hindi kasi ako sanay. Sumilay naman ang ngiti sa labi nito.

"Tatawagin mo lang akong boss pag nasa labas tayo ng office na to.Okay ba yun?"

"O-kay?" wala sa sarili kong sabi "E bakit naman kasi first name bases pa. Parang wala naman akong galang nun." imbis na sa isip ko lang yun, nasabi ko pa. Natutop ko tuloy yung bibig ko sa gulat sa sarili. Natawa naman siya saakin.

"You look cute, Ran." mahina pero kahit ganun rinig na rinig ko ang sinabi niya. I remained my face calm kahit na halatang pinamulahan ako don.

"Tinatawag din naman kita sa first name mo. Hindi naman din nagkakalayo ang edad ko sayo." sabi pa nito.

"Ah, ganun ba..." hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko sa sasabihin ko sa kanya.

Nangangalap ang isip ko ng sasabihin. Kagat labi nalang akong nakatingin sa kanya.

"anyway, you may now proceed to your cubicle." Sabi nito. Tumango naman ako sa kanya ng hindi nakatingin.

Nahihiya kasi ako.

Tumayo narin ako at handa na akong tatalikod ng may pahabol pa syang sasabihin "and Ran! Don't forget to be on time. Okay?"

"O-okay Laz"

I sighed.

Nang makalabas ako ng office ay dumiretso na agad ako sa cubicle ko. I sat down and open my laptop. I'll check first the lay-out design na ginawa ko para dun sa libro na ipupublish sa Paris. Hindi kasi ako kontento sa ginawa ko parang may kulang.

Nilaan ko ang oras ko sa pag-aayos ng design for the book. Hindi ko na rin na malayan na lunch break na pala. 1pm lunch break. 4pm naman yosi break (not good for the health), 5pm just chillin. At balik ulit sa trabaho hanggang 8 o'clock in the evening.

"Oy bakla!" nagulat naman ako sa biglang pag sulpot ni argen sa harap ko habang nakatungkod ang mga siko pader na nagsisilbing harang.

Nakasilip sya saakin ngayon.

"Ano? Lunch break na day! Wag masyadong masigpag! Naku! Kain na tayo dahil kanina pa naghihintay si buday dun oh!" sabay turo nito kay rien na ngayon ay naghihintay saamin. "Baka tayo kainin nyan!" biro nyang sabi saakin. Natawa naman ako sa kanya.

Inayos ko naman ang table sa cubicle ko bago tumayo. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Kinuha ko na ang wallet. Naunang naglakad si argen na sinundan ko naman.

"San ng apala tayo kakain gen? Hindi pa naman ako gutom talaga. Baka mag sandwich lang ako."

"Ako rin bakla. Ewan ko lang sa kay buday kung kakain din ba sya. Tanungin muna natin sya?" suwestyon ni argen.

Nakalapit na kami kay rien. Tinanong naman siya ni argen kung kakain ba sya o hindi. Katulad naming busog din pala sya. Kaya napagdesisyonan naming sa coffee shop nalang kami muna.

Argen and Rein ordered a macchiato and a sandwich for the three of us.

While I was searching for vacant table for us. Nakarating ako sa dulong parte ng shop kung saan may Nakita akong vacant table doon. Good for four people. Dali-dali akong pumunta doon para umupo. Nagulat naman ako ng may kasabay akong umupo at magkaharap kami.

"Sorry wala na kasi akong maupuan. Pwedeng dito narin ako umupo Ran?"

I didn't know what to say dahil sa pagkabigla ko.

"Pero kung ayaw mo I'll try to find another-" I cut him.

"No boss, it's okay. Nagulat lang ako"

Nakita ko naman sya ngumiti.

"Thank you Ran"

"Wala yun boss-"

"Sabi ko sayo tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. Wala naman tayo sa trabaho ngayon dahil lunch break naman"

"Ay oo ng apala pasensya na Laz, nakalimutan ko." Nagpeace sign nalang ako sa kanya. Natawa naman siya.

"Tss. Don't forget next time. I like it when you call me by my name" he said.

"Ah oo b-ba, n-next time" that was all I said. Because that was the only words that came out of my mind.

Parang tanga lang.

Nakatingin sya sakin ngayon habang ako naman kung saan saan na nakakarating ang mata maiwasan ko lang yung titig nya. Ang awkward nun para sakin.

"Aba!"

pareho naman kaming napatingin sa nagsalita.

Si bakla.

"Nangangamoy isda bakla! Hindi mo ba naaamoy yun?" taas kilay nitong tanong kay rien na sya namang ikinunot ng noon ng kaibigan.

"Ha? Wala naman akong naaamoy bakla" si rien. Napatingin naman ako saglit kay Laz na ngayon ay napa-inom ng kape nya. Parang wala syang narinig.

"G*g* palibhasa tanga. Di marunong sumakay." Pairap pa nito kay rien. Halata namang kami yung sinasabi nito. Mahilig talaga to sa maghinala e.

"Marunong kaya ako sumakay!"

"Ay g*g* ewan ko sayo bakla! Bakit ba kita naging kaibigan. Sobrang inosente ha? Maupo na nga tayo. O sya Ran lipat ka." Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

Inuutusan niya ba akong lumipat sa kabilang upuan katabi ni Laz?

"Ha?" maang kong tanong sa kanya.

"Jusko day! Sabi ko lipat ka ng upuan. Tabi ka doon sa upuan ni boss. At kami naman dyan ni rien sa inuupuan mo. Dali!"

"Bakit?" hindi parin ako naalis sa pagkakaupo. Itinaas naman ni argen ang dalang order namin.

"Anong bakit? Bilis na kaya bakla? Baka mabuhos ko to sayo." Wala talagang hiya to e. Tinaasan pa ako ng kilay. Tumayo nalang din ako para matapos na ang kakasalita nito. Baka kung ano nanaman ang sabihin e.

"Lilipat din pala bakla, pumapakipot pa!"

"Argen" banta ko sa kanya.

Pero parang wala naman sa kanya iyon. Umupo na silang dalawa. Samantalang ako ay nakatayo parin.

Napatingin naman si Laz saakin. Sinundan naman ito ng dalawa kong kaibigan.

"Bakla wag ng pakipot! Naku si boss na yang katabi mo. Gwapo yan bakla. Gwapo! Hi Boss!" malandi nitong sabi kay Laz. Inirapan ko muna sya bago umupo.

Tahimik akong sumusubo ng sandwich habang yung dalawang kaharap ko ay nag-uusap. Si Laz naman ay nakikinig lang din sa kanila. Paminsan minsan ay tumutingin sakin. Pero dedma. Di ko siya tinatapunan ng tingin.

Ang awkward kasi.

"Sama mo naman kami sa Paris boss. Makahanap man lang ng you know. Papable doon. Diba bakla?" biro ni argen. Tipid naman itong ngumiti.

"Naku. Ikaw lang naghahanap ng lalaki dun argen" si rien.

Pansin ko na kanina pa sya seryoso. Habang nagsasalita. Anu kaya nangyari dito. Napakibit balikat nalang ako.

"Sorry guys but maybe next time? I'm planning to have an outing together with our staff. Pag katapos siguro nitong pagpunta naming ni Ran sa Paris."

Doon lang ako napabaling ng tingin ng banggitin niya ang pangalan ko.

Kitang-kita naman sa dalawa ang pagkagulat ng banggitin ito ni Laz. Nasanay din kasi sila na apilyedo ginagamit nito pag tinatawag kami.

"Omy buday! First name talaga ah. Selos na ako boss."

Ngiti lang ang isinukli nito sa dalawa. Tumingin naman sya sa gawi ko na ngayon ay nakatingin na kami sa isa't isa. Dahil feeling ko namula ang mukha ko. Tumingin ako sa harap. Doon ko naman Nakita ang tinginan ng dalawa kong kaibigan saakin at kay Laz.

Wag kayong mag-isip ng kung ano!

Pinandilatan ko silang dalawa. Si rien ay normal lang na nakatingin saakin. Pero halatang iba na ang nasaisip. Si argen naman. Obvious naman. Kung anu-ano nanaman ang sasabihin nito.

"15 minutes before the time. Are you all done?" tanong nito saamin.

Tumango naman kaming tatlo.

Lumabas na kami ng coffee shop. Kaharap lang nito ang company. Tumawid na kaming apat sa high way.

Nasa loob na kaming apat. Tumingin naman saamin si Laz.

"Mauuna na ako sa inyo Jimenez and Austria. Salamat sa time nyo. Ms. Maldecir I'll go ahead." Hindi paman ako nakakabawi sa pagkagulat tumalikod na siya. Bakit ba ganito siya?

"Okay boss!" kinikilig na paalam ni argen. Wala namang sinabi si rien tahimik lang.

"Hay naku si bakla feel na feel yung pagiging Rapunzel sa haba ng hair."

Natahimik naman ako.

"Iba din! Nabihag si BOSS!"

Pailing-iling nalang akong pumunta sa sarili kong cubicle...