webnovel

MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel)

She's a writer and he's a pilot from Malta. They met in unexpected place and time, they treat each other as a stranger until they fell in love. Akala nila okay na ang relasyon nila dahil masaya at nakakaya ang mga pagsubok, until the day Ran Emannuel Maldecir decide to break up with Simon Louise Tabone. For what reason did they break up? It's you to find out.

mefitaku21_ · Urbain
Pas assez d’évaluations
42 Chs

Chapter 26

"SO, HOW IS EVERYONE doin'? Have a seat, have a seat." Ani Blessica ng makalabas siya ng kwarto niya at nadatnan kaming nakatayo.

Ni isa sa aming tatlo ay nahihiyang umupo.

Kakatapos niya lang magpalit ng damit. Kung kanina bumaba siya galing sa roof top na nakasuot ng two-piece, ngayon naman nakasuot na siya ng maluwag na jogging pants with spaghetti strap na hindi umabot sa pusod ang laylayan.

Napansin kong sa mga ganoong damit siya lalong bumabagay, maganda ring tignan sa kanya. She's beautiful with those clothes suit her. How I wish ganun din ako.

Well nasubukan ko na rin namang magsuot ng ganung mga suotan pero hindi ko alam kung bagay ba saakin. Minsan kasi may pagkabaduy rin ako, may pagka ignorante sa damit. Ewan ko ba.

"We're fine and still breathing bakla. Lalo din gumaganda..." biglang sabat ni Argen. Kami namang nakikinig napataas nalang ng kilay.

Hindi naman napigilan ni rien magkomento about sa sinabi niya.

"Asa kang gumanda ka bakla? Saan banda?" tumingin sa gawi namin si rien  "Wag niyo ng pansinin ang isang to ha? Parang hinangin e!" aniya pagkatapos ay inirapan lang si Argen na hindi naman nagpatalo.

"Tse, baklang to! Hindi nalang nakisabay sa joke ko.KJ mo talaga kahit kalian" si Argen.

"Joke pala yun bakla? Ay, hindi ko alam." Sarkastiko namang saad ni Rien na ikinatawa naming tatlo.

Busangot namang tumingin saamin ang kaibigan naming si Argen. Hay! kahit kalian talaga itong dalawang to hindi mahinto-hinto sa kakabangayan nilang dalawa.

"That's nice to hear na you're fine." Komento ni Blessica. "Anyway, tara sa kusina the food is waiting na. Ipinahanda ko na yun kanina pa before I went up." She said then tumalikod saamin para pangunahan kami sa pagpuntang kusina.

Tuloy parin siya sa kakasalita habang kami naman ay nakasunod lamang sa kanya.

"Then let's talk about the upcoming outing in our home town! Yehey!" halata ang excitement sa boses niya kahit na hindi ko nakita ang buong mukha niya dahil nakatalikod.

"Outing daw bakla!" bulong ni Argen .

"Narinig ko argen. Hindi ako bingi." Walang pakeng sagot ni Rien sa kanya.

"Inulit ko lang baka nabingi ka- Ay, joke! Joke lang."

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Aso't pusa talaga ang mga 'to.

Hindi ko maiwasang mangunot ng noo sa sinabi ni blessica. Ngunit isinantabi ko nalang iyon at nagkibit balikat. Hindi ko alam na may balak pala siyang mag-outing pagkauwi niya. Siguro dahil matagal-tagal din siyang hindi nakauwi ng pinas.  

Sa tuwing nag-uusap kasi kami ni Blessica bukambibig niya lagi ang salitang 'miss ko nang umuwi' o kaya naman 'hindi na ako makapaghintay, gusto ko ng magbakasyon'. Ewan ko bas a babaeng to. Mayaman naman sila pero hindi makaafford bumili ng ticket pauwi.

Kung saan-saang lupalop ng daigdig na'to nakakapunta, pero ang sarili niyang bansa hindi niya napupuntahan. May topak din to e.

Parang noong nakaraang buwan lang, nalaman ko galing siyang Africa kasama ang mga katrabaho niya. 

Hindi ko nga lang alam kung ano ba ang ipinunta nila doon. I didn't ask her about her job. Basta ang alam ko may trabaho siya. At noong buwan din na iyon, nalaman kong lumipad sila papuntang Alaska.

Imagine, ang mahal ng ticket papunta dun pero nakuha niyang makapunta doon. Pero dito hindi man lang makabili. Ay, ewan ko ba dito. Minsan, napapailing nalang ako dahil nakakarating siya sa mga lugar na hindi ko pinangarap puntahan. Bukod sa malayo, wala rin akong pera, ang mahal kaya ng ticket.

"Matanong ko lang saan pala ang home town nyo Blessica? Excited ako sa outing kaso hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta." Si Argen.

Nagsasandok ako ng kanin ng magsalita si Blessica.

"You didn't tell them Ran?" imbis sagutin ang tanong ni Argen, sakin natuon ang nagtatanong na mukha ni Blessica.

Ako namang sumasandok ng kanin ay nahinto sa pagkuha. Tumikhim bago sumagot.

"Iisang lugar lang kami. Alam nyo na yun" ani ko pagkatapos ay pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ay shuta ka bakla! Inistress mo pa ako ng isang minuto kakaisip kung taga saan si Blessica, 'yun pala iisang lugar lang kayo?"

"Pasensya ha? Kasalanan ko pa palang nastress ka." Sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Malapit lang ba kayo sa kanila?" si Rien ang nagtanong.

Huminto naman si Blessica sa pagsubo para lang sagutin ang tanong niya.

"I think malayo. Hindi rin ako sigurado, matagal-tagal na mula nung umalis kami. I didn't get a chance to visit there na e." she said while looking at her food.

Napakibit balikat nalang si Rien sa nakuhang sagot mula kay Blessica. Habang si Argen naman tuloy ang subo ng pagkain.

"Ang sarap ng pagkain bakla. Pwede pa akong kumuha?" Argen asked.

Napatingin naman kami kay argen na maganang kumakain. Si Blessica tumango sa kanya bilang sagot.

"Do you want to try this one? Maliban sa mga inorder ko, I bought this one galing Paris. Gusto kong ipatikim sa inyo. Wait lang at kukuha ako ng isa pang plato."

Tatayo na sana siya ng pigilan ko.

"Huwag na Blessica. Dagdag hugasin lang yan kung kukuha ka pa ng isa. Pwede pa naman tong ginamit naming plato." Ani ko.

Tumango-tango naman siya bilang sang-ayon sa sinabi ko.

"Oo nga." Argen said.

Habang patuloy kaming kumakain. Pansin ko ang panay na sulyap ni Blessica saakin. Nangunot ang noo ko sa pagtataka.

Sumulyap muna ako sa dalawa, kina rien at argen. Wala silang paki sa paligid dahil busy silang dalawa sa pakikipag-usap.

"May dumi ba ako sa mukha?" biro ko sa kanya.

Blessica just laughed. "No nothing. I'm just wondering if your relationship with Simon is going better, you know." She said.

Hindi ko pinahalata sa kanya na nagulat ako. I remained calm though tinubuan na ako nang kaba dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" nagkunwari akong natatawa sa sinabi niya at nagtanong.

"Your relationship." She said

"How's your relationship with him?" there is no joke when she asked me that.

"We're fine." Nalilito kong sagot sa kanya. "Nitong nakaraan lang medyo hindi kami nagkaka-usap dahil busy siya at busy...busy din ako" ang huli kong sinabi ay hindi totoo. Actually hindi naman ako babad sa trabaho ngayon. Hindi ko lang alam kung bakit ko sinabi yun.

She didn't buy my excuse. Halata sa mukha niya iyon. And I know there is something that she wanted... wanted to ask? Wanted to know? Hindi ko alam.

"May gusto kabang sabihin?" I asked.

Nagsisimula na akong mabahala dahil sobrang lalim ng pagbuntong hininga niya.

"You were both busy..." wala sa sarili niyang saad. "really?"

"Oo, tama ka. Busy kaming pareho." Sagot ko kahit hindi niya tinanong. Napakagat labi ako. Ano ba ang gusto niyang sabihin? Bakit hindi niya ako diretsuhin, nabibitin ako.

"Ang seryoso nyong dalawa? Anong pinag-uusapan nyo?" bigla nalang nakisabat si Rien sa gitna ng katahimikan naming dalawa.

"I asked Ran about her relationship with simon. And she said they're fine." Hindi siya kumbinsido sa isinagot ko. Nakakunot pa ang noo.

Tumingin sa gawi ko si rien ganun din si argen. Tapos na pala silang kumain. At nasa amin na ang atensyon nilang dalawa.

"O tapos?" balik ang tingin ni Rien kay Blessica.

Umayos siya ng upo bago nagsimulang magsalita.

"I don't believe you." Saakin ang tingin niya. "Kung okay kayong dalawa ni Simon. Okay lang din pala sayong may kasama siyang iba?-"

"Hey, watch your word bakla! Ano bang gusto mong sabihin?" naiinis na tanong ni Argen.

She sighed.

"I saw Simon in Paris walking on the street while holding Anastasia's hand. They're laughing together and enjoying the night with each other. Is that what you called fine? Your relationship with him is on good terms, really? Because for me hindi ako naniniwala."

Para akong nabingi, parang isang bombang sumabog sa tenga ko at kumalat sa buo kong katawan.

I didn't move. I didn't know what should I react. All I know is that we're okay. We're fine. We're good. Nagkakausap naman kami. Wala siyang... wala siyang binanggit sakin. Wala.

"Pano ka nakaka siguro bakla? Baka namamalik mata kalang?"

"I have clear vision Argen. At hindi ako nagbibiro kung yan ang iniisip mo. Sinundan ko rin sila that time. So, if you asked me how sure I am? I'm 100% sure." She said.

I closed my eyes and heavily sighed. I tried to open my mouth to speak but there are no words that came out. Pilit kong iwinawaksi ang mga narinig ko ngayon lang. Ayaw kong maniwala.

"Sinabi mong sinundan mo sila?" it's Rien who asked.

"Mm. I followed them."

"Saan naman ang tungo nila? At bakit magkasama silang dalawa, e kaibigan namin ang girlfriend ni Simon? Si Ran ang girlfriend niya, bakit si Anasthasia ang ka-holding hands niya!"

"I don't know either!" I feel the tension between them. "Kahit ako Rein hindi ko rin alam. I asked myself the same question. Why did they do that?! All I know is that Simon and Anastasia were walking together, nakaholding hands pa pagkatapos pumasok sa isang restaurant na masaya!" frustration is on her tone.

I flinched. Nanginginig din ang katawan ko. Ang bilis ng paghinga ko. Nag-aamba na ring tumulo ang mga luha sa mata ko. I wish I didn't hear what Blessica told us.

"Hindi mo man lang sila inawat?!" she shouted.

"I'm running out of time that night Rien. Sumakto na fashion week namin yun and I'm in the middle of taking video about my everyday agenda. Nagkataon naman na susundan ko na sila, hinila agad ako ng manager ko dahil-"

"Sana diba pinigilan mo ang manager mo!-"

"I told you-"

"Pwede ba!" rinig kong sigaw ni Argen sa kanilang dalawa. In that moment, my eyes open.

Dahil hindi na kinaya ng sarili ko na pigilan ang sakit na nararamdaman. Umagos nalang bigla ang aking mga luha.

Sumabog ako sa gitna ng bangayan nila. Wala akong maintindihan sa lahat ng sinabi nila. Wala! Gusto kong sumigaw, pero walang lumalabas na ingay mula sakin. Gusto kong mag wala, pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi ko rin marinig ang sarili kong hikbi. Basta ang alam ko lang sa oras na'to lumuluha ako.

Wala naman tayong problema Simon diba? Sa pagkakaalam ko, masaya tayo. Tumatawag ka pa nga sakin diba? Masaya ka naman sakin Simon diba? Diba? 

Gusto kong matawa sa oras na'to bukod sa umiiyak ako, kinakausap ko rin ang lalaking mahal ko sa isip ko. Jusko! Bakit kailangan kong masaktan?

Naglilihim kaba sakin Simon? Sana hindi, sana lang.

"Ran"

Dahil pagnagkataon na naglihim ka, baka hindi ko kayanin Simon.

"Ran"

Baka hindi ko kayanin. Hindi ko rin matatanggap! Hindi!

"Ran!"

Si Rien yun. Bumalik ako sa realidad, napabaling ang tingin ko sa kanilang tatlo.

Pity?

Awa ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Naaawa sila sakin? Dahil ba nakikita nila akong nasasaktan?

Blessica holds my hand. "I'm sorry Ran..." nanginginig ang boses niya

"Hindi ko na sana sinabi-"

"dapat lang malaman ni Ran yun." Rien said.

"But-"

"Wala ng pero-pero. Ikaw na mismo nagsabi diba? Malinaw mo silang nakita. Hindi ka naman siguro magsisinungaling para lang sirain silang dalawa-"

"Why would I do that?! I'm telling the truth. I never lied to my friend at hindi ko ugaling manira."

"Talaga?" the way Rien asked that question, pabalang.

Napapikit ako. Gusto ko na tuloy mapag-isa. Kahit konting oras lang sana. Makapag-isip ako ng tama. Paganahin ang utak, at gumawa ng aksyon.

"Mag-aaway pa ba kayo sa harap ni Ran?" ramdam ko ang inis sa tono ng pananalita ni Argen. This is not the argen I know, not the smooth one. Nakikita ko ang tunay na argen, lalaking tunay. "Ang mabuti pa pagpahingahin muna natin siya." Suhestyon niya sa dalawa.

"R-right... Ran should rest for now. Sa kwarto ko nalang muna siya magpahinga-"

"Uuwi kami." matigas na saad ni Rien.

"Bakla, wag kang magmaldita ngayon. Baka masabunutan kita diyan kapag nagpatuloy ka." the smooth Argen is back. "At ikaw naman blessica, ituro mo kung saan banda ang kwarto mo at ng makapag pahinga na si Ran. Mag-uusap pa tayong tatlo." Aniya sa mga ito.

Hawak-hawak ako ni Argen sa kamay ng tumulak kami sa kwarto ni Blessica. Para akong batang tulala na sumusunod sa kanya.

Hindi nagpafunction ng maayos ang utak ko. Para akong tinurukan ng karayom na may gamot. Namamanhid ang buo kong katawan pati narin siguro ang utak ko.

May kulang akong nararamdaman sa oras na to. Ang binuong puzzle sa puso ko, feeling ko may kulang na isa at iyon ang nawala.

"Magpahinga ka muna Ran." Argen said.

Iniwan akong nakatayo ni Argen, habang siya inaayos ang kamang pagpapahingaan ko. Nakasunod ang tingin ko sa bawat galaw niya. Pagkatapos niyang maayos iyon. Bumalik siya para akayin ako at pahigain.

"Kailangan mo ng pahinga. Alam ko hindi madali sayo ang lahat ng narinig mo. Ganun talaga, masasaktan ka, totoo man yun o hindi." Hinaplos niya ang buhok habang ako tulala na namang nakahiga at tinatanaw ang kisame ng kwarto.

"Aalamin namin ang totoo. Huwag kang mag-alala at kapag okay kana, mag-usap ulit tayo ha?" he said.

Hindi ako kumibo, hindi rin ako tumango. Ni sumang-ayon wala. Alam kong labis ang pag-aalala nila sakin. Alam ko yun.

Pumikit ako. Gusto ko ng magpahinga. Ramdam ko ang pag-angat ng kumot at bumalot sa katawan ko. Doon lang naging panatag ang puso ko. I feel like someone is hugging me through a pillow.

Ramdam ko ang papalayong presensiya ni Argen.Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Mag-isa nalang ako.

"Salamat" nag-iisang salita na lumabas sa bibig ko bago ako nawalan ng ulirat.

--------------------

I'm walking on the seaside. Basta naglalakad lang ako, may sinusundan. Dalawang pigura ng tao na nakatalikod saakin.

Nagtataka ako kung bakit ako nakasunod sa kanilang dalawa.May sariling isip ang mga paa ko. May sariling isip ang katawan ko.

Nang huminto ang dalawang tao na nasa unahan ko. Napahinto rin ako. Nagtataka akong lumingon sa dagat, ang payapa ng pag-alon nito. Tumingin ako sa itaas, maaliwalas ang mga ulam, hindi makulimlim.

Tumingin naman ako sa harapan. Nagulat ako ng lumuhod ang pigura ng isang lalaki sa buhanginan, ang isang paa ang siyang sumusuporta sa isa niyang paa.

Tumingin naman ako sa pigura ng babaeng nakatayo, takip ang bibig sa gulat. It was a sweet moment for them.

Nanginig ang katawan ko ng may inilabas ang lalaki mula sa kanyang bulsa. A red box.

'Simon!'

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hanggang sa hindi ko nakayanan, bumagsak ang katawan ko sa buhanginan. Kasabay nu'n ang pagbagsak ng mga luha ko.

Nanginginig ang katawan ko dahil sa pag-iyak. Ang saya nila samantalang ako nasasaktan.

'Will you'

Napaangat ako ng tingin sa lalaking masayang nakaluhod sa harapan ko habang tanaw ang babaeng gulat na nakatingin sa kanya.

Nakikita ko ang saya sa mukha niya. Ang saya niya. Sobrang saya niya. Bakit?

'marry me'

Hindi mapigtas ang ngiti sa labi niya ng sabihin iyon. Ang puso ko. Nasasaktan na.

'Anastasia?'

Sobrang nanlaki ang mga mata ko ng maaninag ang mukha ng babaeng kanyang niyayang magpakasal.

Tumingin ako sa lalaking nanatiling nakaluhod. Alay ang kanyang pag-ibig.

'Simon...' tawag ko sa kaniya.

My heart broke into pieces. Para akong binagsakan ng libo-libong karayom.

'Simon!' nagsusumigaw kong tawag sa kanya.

Ang pigurang nakikita ko ngayon ay unti-unting nilulusaw ng puting liwanag.

'Simon!'

**

"SIMON!" nahihingal kong tawag ng magising ako.

Panaginip? Napasabunot ako ng sariling buhok. I thought it was real. Nanindig ang mga balahibo ko. Umiiling-iling.

Hindi maaari.

What if totoo nga? Anong gagawin ko? Wala akong maisagot sa tanong ko. What if? Puru ako what if.

A soft knock on the door bring back my sences. Nagmamadali akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Nagkunwaring tulog.

Nararamdaman ko ang presensiya nila. I know that it was Argen, Rien and Blessica.

"I told you I'm not lying..." Blessica said.

"Oo na. Sorry kung pinanghihinalaan kita kanina." Rien sighed. "Naawa ako sa kaibigan natin Argen. Hindi ko akalaing magagawa yun ni Simon." galit ang namumuo sa tono ng pananalita niya.

Naiiyak na naman ako. Pakiramdam ko iniwan ako ng mundo. Sinaktan ako ng mundo. Sinaktan ako ng katutuhanan. Pinamukha sakin ng katutuhanan na ayun yung totoo.

"Panu natin sasabihin sa kanya to? Matatanggap ba niya ang sasabihin natin? Nasasaktan akong makitang nasasaktan ang kaibigan natin Rein." namomroblemang tanong niya dito.

Ano ba ang mga pinagsasabi ninyo?

I'm crying, as I was silently praying to God to take this pain away from me. I don't want this.

"Truth hurts Argen. Walang taong hindi nasasaktan sa katutuhanang engaged ang dalawa at one week ng nilihim ito sa kanya." Rein tsked.

"Kahit ako magagalit kapag ang taong mahal ko engage sa iba."she added.

Napatakip ako ng bibig. Pinipigilang walang hikbing maririnig. Ayokong marinig nila ako. Ayokong isipin na kinakaawaan nila ako. Ayoko.

Engage?

"Hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig ka!" bulong na sabi ni Argen.

Rinig na rinig ko.

Hindi nyo na kailangan pang ilihim saakin. Mas lalo lang akong masasaktan.

I wanted to say that to them. Pero wala akong lakas ng loob. My blood's boiling because of anger, pain, disappointment, and heartache.

Truth really hurt.

"Panu kung hindi talaga siya maniwala satin?" pagdadalawang isip na tanong ni Blessica.

"Kausapin niya mismo ang magaling niyang boyfriend." Inis na sagot ni Rien sa kanya. "Subukan lang ni Simon na magsinungaling at kakalbuhin ko siya ng buhay." ramdam ko ang galit ni Rien.

Nanginginig narin ako sa galit. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang bumangon at harapin silang tatlo. Gulat ang bumabalatay sa kanilang mukha.

Kanya-kanya silang tawag ng pangalan ko. Pero ni isa sa kanila hindi ko pinansin. Tumayo ako, nilampasan sila, tinungo ang pintuan at lumabas.

Hinanap ko ang dala kong bag na inilapag ko sa couch kanina. I open it and searched my phone. Nang makita ko iyon, kahit nanginginig ang kamay nagawa ko paring nahapin ang pangalan niya.

I search his name in my friend list sa messenger. Hindi ko alam kung active ba siya o hindi dahil naka deactivate ang account ko. Mabubuksan ko parin naman kahit naka deactivate.

Bago ko pa pindutin ang video botton. His name pop-up. Hindi ko na pala siya kailangang tawagan dahil siya mismo ang nauna. At yun ang nakakasakit.

Sasabihin na siguro niya saking maghiwalay na kami dahil engage na siya. Nakakatawa. Nakakatawa siya.

Ang higpit ng hawak ko sa phone ko habang tulala na nakatingin sa pangalan niyang nagpop-up sa phone ko.

You really an asshole Simon! Manloloko! Pa-fall ka! Niloko mo ako! G*g* ka! Manloloko!

Nang hindi ko sinagot ang video call niya. Isa pang video call ang ginawa niya.

I gathered all my courage to face him. I smiled painfully.

Brace yourself Ran, this is the last time you will talk to him. After that, don't ever look back. Putulin mo na ang relasyon mo sa kanya. Hindi ka magiging masaya kong ipagpapatuloy mo pa to.Hindi siya ang nararapat sayo Ran. Hindi! Niloko ka niya. Niloko ka! Tandaan mo yan. To fall for him is the biggest mistake you ever did. Maling nahulog ka sa kanya.

"Baby! Thank god at nakausap kita. I have something to tell-"

"Let's break up" I said with finality.