"MOMA YOU'RE HERE! " habol ko ang hininga habang nakahawak sa pinto ng unit ko. Nagtataka at nagtatanong na mga titig ang ibinibigay nila sa akin.
Nakadungaw ang kalahati ng ulo at katawan ko sa labas ng pinto habang ang kalahati naman ay nasa loob. Kinakabahan ako sa mga oras na ito. Malapit na kaming mahuli kung hindi lamang kami nag madali sa pag-ayos.
"Namumutla ka anak!" pag-aalala ni moma. Lumapit siya at inilagay ang likod ng palad niya sa noo ko pagkatapos sa leeg "...wala ka namang lagnat" inosente ang tingin nito. "...pero ang putla ng mukha mo, para kang natuklaw ng ahas!" ani niya.
Mapanuri ang mga matang nakatutok saakin, si Karen ang katapid ko. Napalunok ako sa biglang pagkabog ng puso.
"Ha ha ha" mapaklang tawa ko "b-baka gutom lang ako moma. Oo! Gutom! Gutom sobra..." pinagpawisan din ata ako dahil sa sobrang kaba.
"Hay naku anak! Pinapabayaan mo ba ang sarili mo dito? Alam mong gutom kana di kapa kumain. Namumutla ka tuloy!" hindi naman galit si moma. Nag-aalala lang.
"Papapasukin mo ba kami ate o papatayuin mo lang kami?" mataman akong tinitigan ni Karen.
"Ay sorry!" ani ko bago niluwagan ang pinto. "Pasok kayo..." Naunang pumasok si Karen, malikot ang mga mata nito. Nagulat ako ng hawakan ako ni Moma sa braso.
"Anyway darling, susurpresahin ka sana namin. Lalo na iyang kapatid mo. Kaso naunahan mo kaming mapagbuksan ng pinto. Kami pa ata ang nasurpresa na mutla ka kanina." bumaling si Moma sa likod which is si Dada ay nakatayo parin doon. "Mahal paki lagay na ang binili natin kanina..."
Tumalima naman si dada at nilagpasan kami saka pumasok sa kusina, sumunod naman kami pagkatapos. Panay ang daldal ni moma saakin ako ay tatango-tango lang.
"We went to Tagaytay , darling. Chineck namin ang cafe natin doon. Alam mo na, lagi nalang si Dada mo ang pumupunta doon. I suggest to him, why don't we go there together , diba?"malambing nitong sabi saakin. Nginitian ko lang siya. "Sayang nga darling at hindi ka nakasama."
"You cook? " basag sa usapan namin ni moma. Bigla nanamang umusbong ang kaba sa dibdib ko.
"Ha ha ha...yes d-dada.."ayon nanaman ang mapaklang pagtawa ko para lang maibsan ang kabang nararamdaman. 'Wew!'
"Bakit ang dami ng niluto mo? Mauubos mo ba ito? " kumuha ng kutsara si dada at kumuha ng sabaw. "Hm. Taste good anak. Kakain kami bago umuwi. Teka at tatawagin ko lang ang kapatid mo."
Napamura ako sa isip. Shit lang talaga! Para kay Simon ang tinolang manok na niluto ko. Kamusta kaya siya sa loob ng kwarto? Saan kaya siya nagtago sa oras na ito? Ayos lang kaya siya?
Gusto ko siyang puntahan sa kwarto at tignan. Baka mamaya ay makita siya doon. Lagot talaga kaming dalawa. Hindi ko pa naman naipapakilala si Simon sa parents ko. Sabi ko pa naman kay moma kapag meron na akong boyfriend, una silang makakaalam!
Naalala ko pa kanina bago mabuksan ng tuluyan ang pinto.
---
"Bilis! Tumayo ka!" hatak ko ang braso niya. Tamad naman siyang nagpahila saakin.
"Why don't we face them together?" binalingan ko siya ng tingin.
"Hindi pwede dahil hindi ko pa nasasabi sa kanilang may boyfriend na ako"
"Kaya nga harapin natin sila. Ipakilala mo ako."
Mataman ko siyang tinignan. "Simon hindi pwede. Magagalit sila kapag na kita tayong magkasama. Hayaan mo akong kausapin sila, bago kita ipakilala. Lalo na si dada, hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sayo kapag nakita niya tayo dito. Na tayong dalawa lang!" nag-aalala kong sabi sa kanya. Lumamlam naman ang expression ng mukha niya.
Hiuminga siya ng malalim "okay. If that's what my baby's want..." na guilty naman ako sa sinabi niya. Inintidi niya ako.
Mabilis kong binuksan ang kwarto pagkatapos ay itinulak siya doon.
"Magtago ka muna dito"
"O-kay? Saan naman ako dito magtatago? Sa kama mo, sa cabinet, or sa cr?" suplado niyang saad. Nakataas pa ang kilay habang naka cross arms.
Inilibot ko naman ang tingin sa loob. "Um...hindi ko alam! Basta ikaw na bahala dito! Wag kalang magpapakita. Pupuntahan kita dito kapag wala na"
Pagkatapos ko sabihin iyon. Sinarado ko agad amg pintuan hindi na inalala pa ang magiging reaction niya sa loob.
Tinakbo ko ng mabilis ang pinto at huminga ng malalim bago binuksan.....
---
"Darling!" pitik ng kamay ni moma ang gumising sa naglalakbay kong pag-iisip. Tumingin ako sa kanya. Nagtataka ang mga tingin niyang ibinibigay.
"Masarap po yun!" wala sa sariling sabi ko sabay tawa. Mas lalo lang nadipina ang pagkakunot ng kanyang noo.
"Anong masarap?!" napataas ang boses niya "May sakit ka ata talaga Ran Emannuel. Kung saan-saan na lumilipad ang utak mo." inilagay niya ulit ang likod ng kanyang palad sa noo at leeg ko. "Ang mabuti pa, kumain na tayo. Lalo na ikaw, kumain ka. Nalipasan ka ata ng gutom kaya wala sa katinuan ang utak mo."
Kung pwede lang sabihin kay moma na, wala na talaga ako sa katinuan. Naku baka nasabi ko na. Hindi naman nagtagal pinagsaluhan namin ang nitulo kong tinolang manok.
Ang hirap lunukin ng pagkain lalo na kapag ang isip mo nasa loob ng kwarto. Hindi pa nakakakain si Simon. Panigurado gutom iyon ngayon.
Kung hindi lang sana dumating sila moma baka kasabay ko na ngayon kumain ang boyfriend ko. Bakit naman kasi hindi sila tumawag sa akin. Para ma inform ako esi sana hindi kami mukhang magnanakaw na nagtatago.
"Ate can I borrow your dress?"
"Ha? Bakit? Ano na naman ang gagawin mo? Saan mo gagamitin?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Para sana sa job seminar na gaganapin. Sa University lang naman kami. Hindi kasi ako makapasok sa kwarto mo dahil alam kong papagalitan mo ako."
"Kailangan mo na ba ngayon? I have some dress dito."
"Oo sana ate. This coming monday na kasi 'yun e. Formal attire daw ang kailangan. E, alam mo naman ang mga suotan ko diba? " sabi niya sabay hagikgik.
Napairap ako "Oo, alam na alam. Napagkakamalan ka na nga minsang tibo dahil sa suot mo. Bakit ba kasi ang hilig mo sa itim na pantalon, itim na damit, itim na jacket, at maging sa mga gamit mo itim lahat. Nagluluksa ka mag-isa karen?" pang-asar ko sa kanya.
"Hahaha" napatakip na ng bibig gamit ang kamay habang tumatawa "Trip ko lang, bagay naman sa akin e, huwag ka ngang kj ate. Pahiramin mo nalang ako ng dress mo. Malay mo matipuhan kong magsuot nun pag nagkataon" may pataas-baba pa ang kilay niya habang nakatingin saakin.
"O siya. Pagkatapos nating kumain. Pumunta tayo sa kwarto. Pero... "
"Pero?" ani ni Karen.
"Maghugas ka muna ng pinggan. Mauuna ako sa kwarto para pilian ka ng isusuot. Ano deal?" may pa nginig pa ang paa ko habang nakaupo.
"Deal!"
--------------
KUMATOK AKO SA PINTO bago pumasok. Maingat kong isinarado at inilock ito para ligtas sakaling may bigla nalang papasok.
Mahirap na at baka dito pa kami mahuling dalawa ni Simon. 'Pero teka. Saan naman kaya nagtago ang boyfriend kong iyon?' Palinga-linga ako sa loob ng kwarto.
"Simon? " mahina kong tawag sa kanya. Walang sumasagot.
Una kong pinuntahan ang cr kung nandoon ba siya. Pero wala akong nakitang bakas niya ng makapasok ako doon. Dali akong lumabas at tinungo ang ilalim ng kama. Nang hawiin ko ang nakatkip. Walang Simon akong nakita doon.
Nakapamaywang akong tumayo. Kagat ang labi habang inililibot ang tingin. Sakto namang tumama ang mga mata ko sa cabinet. Tinungo ko ito at marahas na binuksan. Kasya ang isa or dalawang tao sa loob ng mga damitan ko. Kahit na tumayo pa sa loob ay kasyang kasya.
Tumambad saakin ang mga damit kong naka hunger. Hinawi ko ito para sana tinan kung nandoon si Simon. At hindi nga ako nagkamali. Ang loko nakangisi sa harap ko ngayon habang kagat ang pulang undies na hindi ko alam kung saan niya napulot.
Para akong kamatis sa sobrang pula. Namumula akong tinignan ang kagat niyang undies. Hinatak ko ang kamay niya palabas doon. Ang loko, nakuha pang tumawa pa habang walang reklamong nagpahila saakin.
"Simon!" tinampal ko ang braso niya. Balak ko rin sanang kunin sa bibig niya ang pulang undies na kagat kaga niya. Loko talaga 'to!
"Akin na yan! " pilit ko paring abot sa undies ko. "Simon akin na yan! " naiinis ko na sa kanya. Ang loko panay ang iwas saakin. "Sabi nang akin na e!" malakas ko siyang hinatak. Hinawakan ng dalawa kong kamay ang batok niya para makalapit at makuha ko ang kinakagat niyang undies ko.
Bago ko pa man iyon makuha , nahulog na ito ng kusa ng bitawan ng kanyang ngipin ang undies ko. Walang pasabing hinila ako at hinalikan.
"Hmp! " tinutulak ko siya.
Kinakabahan kasi ako baka may kakatok nalang bigla. Wala talagang pakundangan itong loko na ito. Walang pinipiling lugar. Basta maka halik okay na.
"Ate! " malakas na katok ang pumukaw saakin. Pero hindi man lang natinag sa kinakatayuan si Simon. "Ate! Bakit mo ini-lock?! " sigaw sa labas ni Karen
Pilit ko namang inilalayo ang mukha ko kay Simon. Pilit niya namang inilalapit ang mukha niya sakin. Talagang namumuro na talaga ito.
"Ate! Buksan mo! "
"Hmp! Sim... Hmp!" patuloy kong tulak sa kanya.
"Shit! That's hurt baby..."reklamo niya ng kagatin ko ang labi niya. Napahawak naman siya dito at tinignan pa kong dumugo.
"Bagay lang yan sayo!" pagalit kong bulong sa kanya. Habang pinandilatan siya. "Magtago ka ulit... " ani ko sabay tulak sa kanya papunta sa cabinet. "Ay, mali. Wag diyan, dito!" turo ko sa ilalim ng kamay.
"Really?!" inis niya akong binalingan.
"Oo, kaya bilisan muna. Magtataka na ang kapatid ko. Bilis na!"
"Tsk!" napakamot siya aa kanyang batok.
"Wag kang malikot mamaya! Humanda ka sakin. Pag tayo talaga na huli!" banta ko sa kanya. Kasalukuyan na siyang pumapailalim sa kama. Ng masigurado ko na okay na. Tinungo ko na ang pintuan.
"Ate! -"
Tumikhim ako "Pasok!" masaya kunwari kong pagkakasabi. Sumilip muna ang kapatid ko sa loob kaya napasunod ako.
"Bakit naman ang tagal mong buksan? Kanina pa ako kumakatok hindi mo man lang narinig" sabay pasok nito sa loob.
Tumikhim ulit ako "Ah...kasi na cr ako. Oo, tama!Nasa cr nga ako..." sumilip ako sa ilalim ng kama, wala namang bakas ng Simon. Kaya nakahinga ako ng malalim.
Napabalik lang ang tingin ko kay Karen ng humarap siya saakin. Nilawakan ko ang ngiti. "Ano naman ang ginawa mo sa loob ng cr at bakit ang tagal mong pagbuksan ako?" tumalikod siya sa akin pagkatapos ay naglakad papunta sa kama.
Sumunod naman ako "Tumae! Ano pa nga bang gagawin ko sa cr. Ano bang gamit ng cr? Diba ginagamit para tumae!" alibi ko.
Umakyat siya sa kama at tumalon-talon pagkatapos ay umupo. "Sus. Alam ko! Pero grabe namang tagal nang pagtae mo ate. Gaano ba kalaki ang inilabas mo? Hmp! " natatawa pa ito habang nakatingin saakin.
"Tse! Tigilan mo na nga ang pag banggit niyan."
"Hahaha. Ikaw ang unang nabanggit nun." malikot ang mga mata niya kung saan-saan nakatingin "ate akala ko pipilian mo ako ng dress. Saan na pala iyon? " mataman nyang sabi.
"Oo nga pala." ani ko ng maalala iyon. "Meron akong blue, purple, white at black na dress dito. Meron ding bulaklakin baka gusto mo? " kinuha ko ang mga nakasabit na dress sa loob ng cabinet. Inilapag ko ito sa kama. Naupo din ako sa gilid ng kama pagkatapos.
Namimili si Karen ng dress habang ako naman nakatingin lang sa kanya. Napapahawak pa ito sa baba niya habang pumipili. Wari kinikilatis kung saan at ano ang babagay sa kanya.
Napapikit naman ako ng maramdaman ko ang marahang paghaplos ni Simon sa paa ko. Pilit ko iwinawaksi ang kamay niya gamit lamang ang paa ko. Inilalayo ko ito sa kanya. Ibinalik ko ulit sa dati ang posisyon ng paa kong nakalapag sa ibaba ng kama.
"Ate sa tingin mo babagay saakin ang white? Or black nalang?" mukha siyang nalilito sa idadamit.
Ayon nanaman ang kamay ni Simon, humahaplos sa paa ko. Inaasar talaga ako ng loko na ito e. Humanda talaga siya mamaya pag umalis na ang pamilya ko. Hay!
"'Yung white dress ang bagay sayo Karen. Wag ka nang magsuot ng black dress. Halos lahat ng damit mo black na. Try mo naman ng ibang kulay. " suhestyon ko. "Ano ba! " bigla bulalas ng bibig ko.
"Galit ka ate Eman?" tapatingin ako kay Karen. Bumungisngis ako sa harapan niya at umiling.
"Hindi! Makulit lang kasi ang LAMOK! Panay kagat sa paa ko." alibi ko nanaman.
Inilibot ng kapatid ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto "Parang wala naman ate Em."
"Meron! Aray! Nakakainis talaga ang LAMOK!" sabay hampas ko sa kamay ni Simon. "Shit!"
"Ate ano 'yun? Parang boses lalaki-"
Titingin na sana siya sa ilalim ng kama. Pero mabilis kong hinablot ang braso niya. "Ito bagay to sayo! " I'm referring to the white dress. "This dress suits you better." ibinigay ko sa kanya. Nagtatanong naman ang mga tingin niya "Tara na. Tapos na kana diba? Right! Tapos kana nga! Dahil ako, tapos na!" hinatak ko siya pa baba sa kama. Hindi naman ganun ka lakas ang pag hatak ko sa kapatid ko. Medyo lang.
"E ate hindi ko pa-"
"Hindi bagay sayo yun. Ayan ang bagay sayo"
Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa kwarto ko. Abot abot ang kaba ko dahil sa kalokohang ginagawa ni Simon. Talagang hindi mapigilan ang malimot niyang kamay. Ang sarap!.... Putulin..... Ng kamay niya.
Nasa sofa sila moma at dada nang madatnan namin sila sa labas ng kwarto. Napatingin naman sila sa aming dalawa.
-----------------
"WE BOUGHT YOU honey syrup darling! Pauwi kami galing sa Tagaytay kanina ng may nadaanan kaming nagbebenta niyan." bigay niya sa paper bag na dala ni dada kanina. "Hindi ka kasi nakasama sa'min kaya naisipan kong bumili ng pasalubong. Alam ko namang busy ka sa trabaho mo" ani ni moma.
Na guilty tulo ako. Kung pwede lang sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko sila nabibigyan ng time. Nauna ko pang lumandi kay Simon. Hay!
Binuksan ko ang paper bag na kulay brown. May tatlong honey syrup akong nakita.
"Binilhan din namin sila Argen at Rein. Sana magustuhan nila iyan." pumapalakpak pa ang kamay ni moma ng sabihin niya iyon.
"Thank you sa pasalubong moma! Sorry for not having time with you. I'll make up for those day na wala ako. Promise!" emosyonal naman nila akong tinignan ni Dada.
"Anak naiintindihan namin iyon. Alam namin na busy ka. Ganyan talaga dahil may trabaho kana. " si dada.
Hinawakan ko ang kanilang kamay "Thank you po talaga. I love you both!" pagkatapos ay niyakap sila.
"We love you too!" sabay nilang sabi. Yakap parin ako ng dalawa.
"Um.. Moma?... Dada? " sabi ko bahang nakayakap parin ako sa kanila.
"Ano 'yun Eman? " ani dada.
Humiwalay ko sa pagkakayakap at umupo ulit. "Um... Naalala nyo ba iyong sinabi ko sa inyo nu'ng nag video call ako habang nasa Paris?"
Gusto kong sabihin sa kanila ng paunti-unti dahil ayokong magulat sila sa sasabihin ko.
"Ahuh" sabay nilang sabi.
"Diba...sabi ko nu'n kapag may boyfriend na ako kayo ang unang makaka alam? "
"Ahuh" sabay ulit nilang sabi.
"Moma.. Dada.." tawag ko "...Karen, may boyfriend na ako!" final kong sabi.
"Ahuh" sabay ulit nilang sabi.
"Ayon lang?! " taka ko silang tinignan. Tumawa lamang si karen sa gilid "Wala kayong violent reaction or something. Dahil sinabi kong may boyfriend na ako? Hindi ba kayo galit sa nalaman nyo?"
"Ahuh" sabay ulit nila.
Napalabi ako. "Naman e! " napapadyak pa ang paa ko habang naka upo.
"Anak" ani dada "bakit naman kami magagalit?" si dada. Tinignan niya si moma. Matamang tinapik ang kamay para humingi ng tulong.
Ngumiti siya kay dada saka tumingin sakin "Your dad is right darling. Bakit nga ba kami magagalit? You're in your right age for having a boyfriend. Magagalit lang siguro kami kung nasa posisyon ka ng kapatid mo..." my moma look at my sister. Which is Karen suddenly shifted her weight while sitting.
"Your mom's right! Nasa tamang edad kana Eman. Hindi ka namin pagbabawalan sapagkat dumaan din kami sa ganyan ng Moma mo. I was so young back then. Mas bata pa sa inyong dalawa ni Karen when I met your mom. " ani dada.
"Ahh" sabay naming sabi Karen na kilikilig.
"Hindi namin sinasabi ito Karen para tularan mo ha? " si moma. Pagpapaalala kay karen. 'Coz my sister is still a student. Siguro kapag nakapag trabaho na rin siya kagaya ko pwede na.
Defensive namang tumingin si Karen sa parents namin "Wala naman akong sinabing tutularan ko ang ginawa n'yo moma a!" ani Karen.
"I know. I know. Nagpapaalala lang kami. I kaw naman Eman. " baling ni moma saakin. "Kailangan naming ma meet yang boyfriend mo."
Hindi ko napigilan mapangiti. Nakakataba ng puso na naiintindihan nila ako. At gusto nilang makilala si Simon.
"Okay moma. Bukas na bukas din iuuwi ko siya sa bahay! I mean! Isasama para makilala nyo" nag peace sign ako sa kanila.
Marami pa kaming pinag-usapan nila moma , dada at kapatid ko. Parang ayaw pa ngang umuwi ni moma kung hindi lang siya pinilit ni dada. Nakakastorbo na daw sila saakin. Sabi ko naman na okay lang. Pero naalala kong nasa loob pa pala ng kwarto si Simon.
Kaya sinabi kong umuwi na sila dahil gabi na rin. At delikado na sa daan kung gagabihin pa sila ng uwi. Hinatid ko sila sa baba sa entrance ng building tinutuluyan ko.
I bid my goodbye's to them then I hug and kiss them before they go. Bago makasakay si Karen sa kotse ni dada. Lumapit muna ito saakin. Taka ko naman siyang sinundan ng tingin.
Niyakap niya ako ulit.
"Miss mo talaga ang ate mong maganda no? " sabi ko ng biro.
"Hm. Parang hindi naman! " ani niya sabay tawa habang nakayakap saakin "pero alam mo kanina ate... "
"Ano? " naguguluhan ko namang tanong.
"Ang LAKI pala ng LAMOK sa ilalim ng kama mo. Akalain mo 'yun may PAA! " nanlalaki ang mga mata kong umalis sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. Akala mo sa mukha niya nakasagap siya ng malaking pera sa ngiting ipinapakita niya saakin.
Shit! Nahuli na!
"Pasalamat ka mabait ako ngayon! " nang aasar ang ngiti niya , tinaasan pa ako ng isang kilay. "HULI KA PERO DI KULONG! BYE! HAHAHA! "
---------------
INILOCK KO ANG pinto nang makapasok ako sa unit ko. Sinigurado ko na talagang naka lock iyon. Sakali mang may pumasok nalang bigla hindi agad siya makakapasok kasi naka lock. Naninigurado lang.
Wala akong nakitang bakas ni Simon sa kusina at sofa kaya minabuti kong pumunta sa kwarto. Hindi pa rin siya lumalabas doon. Baka kung ano nanaman ang kalokohan na ginagawa. Humanda talaga siya! Nalaman ng kapatid kong nandun siya. Pahamak talaga ang lalaking iyon.
"Hi baby... " malanding bungad niya saakin pagkapasok ko sa kwarto.
Ang loko, gandang ganda sa posisyon ng pagkakahiga niya sa kama ko. Nakatagilid ito ng higa habang ang isang siko ay nakapatong sa kama at ang kamay nito ang nagsisilbing higaan ng ulo niya. Ang isang kamay naman hawak ang pula undies na kanina kagat niya. Bastos talaga! Nakatukod ang kanan niyang paa sa kama samantala ang isang paa niya ay nakahiga.
"Simon" malamig kong banggit sa pangalan niya.
"Hm... Yes baby? " sabi niya sa malanding paraan. "Wala ng storbo. Tayo nalang. So-"
"Walang hiya ka talaga! " mabilis kong nilakad ang pagitan namin. Sumampa ako sa kama at hinampas hampas siya. Naiinis ako sa pagiging malandi at bastusin nang lalaking ito. Ewan ko ba kong saan niya nakuha ang pagiging ganun. Suplado siya ng makilala ko. Hindi ko alam na may ilalabas pa palang baho ang lokong ito.
"Bastos mo! " balak ko siyang sabunutan. Pero nahuli niya ang kamay ko. Tawa siya ng tawa habang ako. Nag-aapoy sa inis. "Bastos mo talaga! Yung undies ko nakuha mo pang kagatin! " nakapatong na ako sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya sa sobrang tawa.
Waring sayang saya dahil naiinis niya ako. "Haha. Baby... Your undies smells like vanilla. I really like it. I want to devour it. "