webnovel

Mahal Kita Alam Mo Yan (Book2 of CKAMB)

You have to endure the strong storm if you want to enjoy the brightest sunshine. -Bamby Eugenio

Chixemo · Urbain
Pas assez d’évaluations
62 Chs

Chapter 10: Bad Daddy

Kinagabihan. Tumabi sa amin si Knoa na natulog. Kinarga na sya't lahat paalis ni Jaden sa higaan namin subalit bumabalik ito. Hindi maubos ang halakhak namin ni Jaden dahil hindi talaga ito nagpaawat.

"Mom! Dad! Do guys still love me?.." anya nang mapagod na't tumayo sa pareho naming harapan ng asawa ko. Umupo ako't hinayaan sa malamig na sahig ang aking mga paa. Ngumuso ako't nginitian sya. Tumingin pa nga ako sa ceiling upang wag tuluyang mahulog ang namuong luha saking mata.

"Nope son. We loved you. You know that.."

"Eh bakit ayaw nyo akong katabi?. I miss hugging Mommy.." he almost cried.

Kinagat ko ang sariling labi. Naaawa na ako. My goodness! Why is he so cute?!

Gumalaw ako't tatayo na sana but Jaden is to fast para pigilan ako. Umupo sya't mabilis na ikinawit ang braso saking baywang tapos niyakap nya ako patalikod. Nilagay nito ang baba saking balikat saka duon pinakatitigan lang ang batang unti unti nang tumutulo ang luha. I looked at him. Questioning what he is doing.

"Don't move. Gusto ko lang syang makitang umiyak.."

"Jaden?.." I whispered. He suddenly kissed me. And for Pete's sake. Infront of our growing son.

"Ssshhh.. It's Babe, not Jaden.." pigil nya pa sa sasabihn ko sana. Instead. He turned my head to where my son is. And I'm like! Damn Jaden!!

"Fuck!.." I cursed. Pinalo ko ang kamay nitong nakalock sa may tyan ko. ayaw talaga akong pakawalan.

"Baby, ugh! Stop cursing please. I might turn on.." halakhak nito sa may tainga. Ginaya ang minsang pagpapaikot ko ng aking mga mata.

Kingwa! Naaasar ako na gustong tumawa. But here we are. Someone's still watching us despite of his eyes full of flowing tears.

"Babe, stop. He's now crying.." muli. Kinurot ko sya sa mismong tyan nya.

"You don't love me.." sinisinok na sambit ni Knoa. "You just loved Mommy."

And then. Duon na bumalot sa buong silid ang malakas at nakakaasar na tawa nitong asawa ko. Sumabay din ako dahil natawa naman talaga ako. Who wouldn't thought. Noon, wala lang syang muwang. Hindi marunong maglakad. Nakangiti lang. Saka lang iiyak kapag gutom. Ni hindi nga mahawakan ang sariling bote ng gatas tapos ngayon?. My gosh! Anong nagawa ko noon para biyayaan ako ng ganitong katalino na anak?. Gosh! I can't!

"Oh boy!.." Jaden finally stood up. Natatawa pa rin ito. Umiling syang tumayo sa gilid kung saan medyo harapan din ni Knoa. Doon nya tinitigan si Knoa habang walang humpay pa rin ang luha sa mata. Umiling sya't hahawakan ang sariling labi pagkatapos ay namaywang. Nilingon ny ako saglit. Para bang may gusto syang sabihin pero pinili nalang na wag sabihin dahil masyadong curious o matalino ang batang nasa harapan namin.

"Of course, I really do love Mommy.. no one can replace her.." Jaden started explaining. Knoa blocks his vision. Not wanting to let us or let him know that he's hurt. Not knowing that he's daddy is not yet done. Tumayo ako para lapitan sya. Jaden didn't stop me but I know that he want me to wait until he's done. Kaya huminto ako. Tumayo sa tabi ng bed table kung saan nakatayo ang lampshade. "But when you came.. my love for her is suddenly divided into two.."

"Still, you don't love me.." anya na gumaralgal pa ang boses. He looked at his daddy. Jaden bit his lower lip and then finally comes near him. Umupo ito upang pumantay ang paningin nila.

"We always do love you my big boy.. hindi iyon mawawala kasi ikaw yung dahilan kung bakit naging mas matatag pa kami ng Mommy mo.." hindi umimik ang bata. Syempre, he's too young for him to understand what's his daddy have told.

"I love you my Knoa.." I interrupt. Tumabi ako sa kanila. Jaden is now carrying him. "Mahal kita. At hinding hindi iyon magbabago Knoa.."

"Bakit ayaw nyo akong katabi?.." nguso nito sa amin. Jaden even chuckled.

"Kasi, we're just joking big boy."

"But I'm not laughing po?.."

"Hahahaha.. we know.. we know.." Jaden again laughed. He kissed his forehead for letting him know that we are truly sincere of what we've been talking.

Hindi na nagsalita pa ito. Basta niyakap nalang ang leeg ng ama at duon na nakatulog.

"Ang sama mo talaga.." palo ko sa braso nya pagkatapos ilapag si Knoa sa higaan.

"What?. natuwa ka rin naman diba?.."

"Oo. It's just that, parang sobra ata yung ginawa natin.."

"Tsk.. don't think again too much babe.. he's still young and everyday.. kailangan nating ipaalala sa kanya na someday hindi nalang sa kanya umiikot lagi ang mundo natin. We need to teach him how to be independent.."

"E diba ikaw yung may ayaw na turuan pa sya?.." ngiwi ko.

"That's not my point.. it's just that. For now, slowly, we need to make him realize that someone's coming. Kasi baka kapag hindi natin ginawa ang ganitong way, baka magulat sya or worst pa yung maaari nating makita sa kanya.."

Unti unti akong tumango. I think he has a point. Sabagay nga naman. Dahil hindi pa nga nya alam ang tungkol sa pagbubuntis ko, it's better this way to introduce to him that he's become a kuya next time soon. It's not sooner but soon.

"Now you get it?.." he asked. Nginitian ko lang sya't tinanguan. "Better.. I'm you know babe.. I'm ready turn on.. I want to hear you curse again.."

"What?!.."

"Shhhh!.."

"Jaden, baka marinig tayo. Ano ka ba?.." pinanlakihan ko sya ng mata.

"Hindi yan.. sink bang nagsabi na mag-iingay ka?.." pinalo ko sya ng pinalo hanggang sa hinuli nya ang braso ko't nag-umpisa nang halikan ako.

Slowly, we are getting hotter.

"Jaden, someone's calling.." himig ko ng marinig ang tawag. At first. Hindi sya gumalaw pero nang di tumigil ang tawag. Huminto ako't pinigilan sya. "Answer it. Baka magising ang bata.." sinsero kong sambit. Matagal syang tumitig sakin hanggang sa naglakad na nga sya papunta sa walanghiyang cellphone nya. Kung sino man sya. Bahala sya! Nang-iistprbo. Mabuti nalang at hindi nagising si Knoa.