webnovel

The Stripper (Strip 4)

Halos sabay pa kaming napalingon ni Ate Cris sa mga tumawag sa amin. At ganon na lang ang gulat ko ng si Kaze pala ito at yung lalaking bagong stripper.

"Oh,look what weve got here." ang nakangising sabi ni Ate Cris ng makalapit ang mga ito.

Ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi ako mapakali. Anong kailangan nila?

Nang tingnan ko si Kaze ay nakatitig sya sa akin.

"Gusto ko lang makuha ang address mo." casual na sabi ni Kaze. Napatingin ulit ako kay Ate Cris.

"For what?" taas kilay na tanong ni Ate Cris. Oo nga naman,akala ko ba,kakalimutan naming nagkakilala kami? At kahit sa campus ay hindi ko sya dapat pansinin.

"Its too personal. Pero kung ayaw nyong ibigay. Its okay." ani Kaze at tumalikod na.

"Suplado. Akala mo naman hindi natikman ni Keeyo." bulong ni Ate Cris at alam kung narinig iyon ng isang lalaki.

"Ate naman!" ang suway ko agad dito.

"Sige sundan mo muna sya. Maghihintay ako." nakangiting sabi nung lalaki. Medyo nahiya ako dahil naalala ko yung kanina. Shit! Nagiging makamundo na ako.

Tiningnan ko si Kaze at medyo malayo na sya sa amin kaya tumakbo na ako para maabutan sya. Kung bakit nya kailangang malaman ang address ko,wala na akong pakialam,ang mahalaga ay gusto nyang malaman.

"Kaze? Teka! Saglit lang!" ang sigaw ko. Tumigil naman sya,syempre naglingunan din yung ibang tao. Sila yung mga taong gising sa gabi at tulog sa araw.

"Ano?!" ang iritado nyang sabi kaya napa atras ako.

"Uhm. Kailangan mo ng address ko diba?" sabi ko at agad inilahad ang palad ko. "Akin na phone mo,itatype ko."

Lumingon muna sa paligid si Kaze bago kinuha sa bulsa nya ang kanyang phone at iniabot sa akin. Mabilis akong nagtype sa notes nya at ni-save ito at muling ibinalik sa kanya.

"Good." aniya at tumalikod na.

"Salamat kanina." ang hindi ko mapigilang sabi.

Tumigil sya sa paglalakad at binalikan ako. Tinitigan nya ako sa mga mata. Para akong lilipad na parang aalis ang kaluluwa ko sa katawan ko.

"That's for a show. And you deserve that chocolate." aniya at tuluyan na talagang umalis.

BOOM BADING!

Kinikilig ako,kinagat ko na lang ang lower lip ko para hindi ako mapasigaw. Pakiramdam ko ay special ang tingin nya sa akin. Hindi naman imposible diba?

Kaya ng makabalik ako kina Ate Cris at dun sa lalaki ay hindi na maalis ang pagkaka ngisi ko.

"Pasensya at natagalan." ani ko.

"Oh,tumawag asawa ko. Umuwi ka na lang." sabay abot ni Ate Cris ng pera. "Mag usap muna kayo ni pogi."

"May pera ako Ate Cris." ang sabi ko at ibinalik ang pera sa kanya.

"I know. Pero ayokong sa lalaki mo magagastos ang pera mo,kaya pera ko ang gamitin mo. Pag hindi,isusumbong kita." aniya at ibinalik sa akin ang pera. Narinig kong napahagikgik yung lalaki. "Oh pogi,ikaw na bahala kay Keeyo." at sumakay na sya sa kotse at umalis na.

Bakit lagi akong iniiwanan ni Ate Cris sa mga ganitong sitwasyon?

"Hi!" ani nung lalaki. Naglahad ito ng kanang kamay at ngumiti. "Im Edge Pangilinan."

Tinanggap ko ito. "Just call me Keeyo. Uhm are you gay?"

"No. Straight ako. Sadyang naagaw mo lang ang atensyon ko kanina and I don't know why. Kaya eto,gusto kitang makilala." aniya at ngumiti.

Gwapo nga talaga sya. No wonder na sya ang pumapangalawa kay Kaze.

"Uhm ganon ba."

"Kain muna tayo sa Mcdo bago kita ihatid sa inyo. Pwede ba yon?" ang nahihiya nyang sabi. Agad ko naman syang pinagbigyan.

"Sure! Gutom na din ako eh." ani ko at tinungo namin ang pinaka malapit na Mcdo.

Gusto ko sanang magtanong kung anong meron sa pagiging stripper. Pero nahihiya ako since ngayon lang naman kami nagkakilala.

"Are you still studying?" ang tanong ni Edge ng kumakain na kami. Sya ang nagbayad kahit pa nangungulit na ako na ako na lang ang magbayad.

"Yup. Graduating na next week. Ikaw?" ang sagot at balik tanong ko.

"Yup. Mabibigat ang requirements,hindi kaya ng mga magulang ko,graduating na din ako kaya kahit labag sa kalooban ko ay pinasok ko ang trabahong ito." sagot nya kumagat sa manok. Ako naman ay napainom sa softdrink.

"Ganun ba talaga kahirap?" ang naaawa kong tanong. "Masisira ka sa trabahong iyan. Dudumi ka."

"Oo mahirap. Sa tulong ng kinikita ko sa Strip club,for 5days ay nakapagpasa ako ng mga requirements,at eto nga,gagraduate na din. Ang masama lang,nalaman ng girlfriend ko,ayun nakipag break." ang malungkot nyang sabi.

I was caught off guard. Bakit nakakaranas ng mga ganun ang mga taong mababait? Silang mga kapos ay nagsusumikap. Yun nga lang sa maling trabaho sya napunta. I can't blame him,kahit siguro ako ay kakapit sa patalim pag sa akin nangyari iyon.

"Im sorry to hear that. Ano na ngayong balak mo? May nakakilala ba sayo?" puno ng simpatyang tanong ko.

"Fortunately,wala naman. At salamat sa Diyos. Nagpapa table ako pero hindi ako nagpapa take out. And to answer your question,bukas ng gabi ang last night ko." sa sinabi nya ay napangiti ako,may pag asa pa sya,maitutuwid pa nya ang kanyang buhay.

"Glad to hear that. Nararamdaman kong mabait at matalino ka." sabi ko,at bigla akong may naisip itanong. "Bakit ginawa mo yung kanina? At saka bakit mo ako kinilala?" out of curiosity ay tanong ko.

"Salamat. Uhm eh ano kasi,part ng show yun at ikaw ang nakita ko,alam kong hindi ka magagalit." nahihiya nyang sabi at napahawak sa batok. "Saka nararamdaman ko kasing mabait ka." dagdag pa nya. Parang nag init ang mukha ko,agad syang napahagikgik.

"Mambobola." ang sabi ko na lamang at natapos na kami sa pagkain. Paglabas ay pumara sya ng taxi.

"Bago ka sumakay may gusto akong malaman." aniya.

"Ano yon?" at binuksan ko na ang pinto ng taxi.

"Anong ginagawa mo sa lugar na iyon?"

"Sasagutin kita bukas. Hintayin mo ako sa labas ng school ko." at sinabi ko sa kanya ang pangalan ng school ko.

Nang makauwi ay agad akong natulog. Masaya ako na nagkaroon ako ng bagong kaibigan sa katauhan ni Edge.

Nagising ako sa ingay. At kung anong ingay iyon? Si Keesha na kumakanta kanta sa labas. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kakambal ko,pakiramdam ko ay sinasaniban sya ng kung ano,nagiging weird na sya,siguro dahil sa manliligaw nya.

Naligo na ako at nagbihis. May practice kami ng graduation at si Keesha ay wala. Kaya pagbaba ko ay naabutan ko syang nagvi-videoke.

"Hoy! Ang aga aga ang ingay mo?! Nasan sina Mama at Papa?" ang pagbulabog ko sa kakambal kong halos maputol na ang litid sa kakabirit.

"Masaya ako,walang pakialaman! Pumasok na sila sa trabaho." sagot nya na naka mic pa.

"Papasok na ako. May dadalhin akong bisita mamaya! Kaya utang na loob,tigilan mo yan at baka umulan!" at agad akong tumakbo palabas ng main door dahil babatuhin na nya ako ng throw pillow.

"Humanda ka sa akin mamaya!!" ang sigaw nya na naka mic pa din kaya kahit nasa labas na ako ay nadinig ko pa din kaya hindi ko mapigilang matawa.

Pagdating sa campus ay si Kaze agad ang nakita ko,nasa tapat sila ng gymnasium ng mga classmate nya. Kasabay pala namin sila mag practice ngayong araw.

Kontento na ako na tinitingnan sya sa malayo. Pag naaalala ko kasi yung mga nangyari sa amin at yung kagabi ay nabubuhayan ako ng dugo. Okay lang na hindi kami magpansinan dito sa campus,ang mahalaga ay may pinanghahawakan ako,at yon nga ay yung nangyari sa amin.

Kaya ng magsimula na ang graduation practice ay ganadong ganado ako. Ewan,siguro ay dahil kay Kaze.

Nang matapos ang graduation practice ay dumiretso na ako sa cafeteria dahil matinding gutom na ang nararamdaman ko,diba nga hindi ako kumain sa bahay kanina? Kaya eto,dito ako kakain.

"Aray!" at tumilapon ako at ang pagkaing nasa tray. May nabunggo kasi ako. Tumapon sa akin ang spagetti at burger.

"Hindi kasi tumitingin sa nilalakaran." anito at inilahad ang kamay. Montik ko ng mabanggit ang pangalan nya dahil sa gulat,mabuti na lamang ay naitikom ko agad ang aking bibig.

"Im sorry. Sobrang gutom na kasi ako." ang sabi ko na lang. Nanginginig ang mga kamay ko ng iniabot ko ang kamay ko,tinulungan nya akong tumayo. "Uuwi na lang ako." wala sa sariling sabi ko at tumingin sa paligid.

"Mabuti pa nga. Ang dumi mo na." ani Kaze habang nakatitig sa akin. Nag init agad ang pakiramdam ko dahil sa tinging ibinigay nya.

"S-sige. Uuwi na ako,sorry ulit." at agad na akong lumabas ng cafeteria. Dahil pag nagtagal pa ako sa harapan nya ay bibigay na ang mga tuhod ko. Dahil sa totoo ay lang ay kanina pa nanginginig ang mga ito.

Paglabas ko ng gate ay agad akong naghanap ng masasakyan. Sana lang may dumaang taxi.

"Keeyo!" at awtomatikong napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Edge,at ang gwapo gwapo nya sa school uniform nya.

"Edge! Montik ko ng makalimutan na magkikita tayo." ani ko ng makalapit sya. Tiningnan nya ako,mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyari sayo?"

"Nadisgrasya ako sa cafeteria. Sama ka sa bahay,ipapakilala kita sa kakambal ko." sabi ko at saktong may taxi kaya pinara ko.

"May kakambal ka? Wow!" ang masaya nyang sabi.

"Mamaya ka na magalak pag nasa bahay na,tara!" at hinila ko na sya sa backseat.

Pagdating namin sa bahay ay napapangiti ako dahil sa pagka mangha ni Edge,napaka inosente nya. Pagpasok palang sa bahay ay naaamoy ko ng may bine-bake sa kitchen.

"Ang bango." ang kumento ni Edge.

"Nagluluto ata ng snack ang kakambal ko,tara." at hinila ko sya papunta sa kusina.

"Oh Kambal! Nandyan ka na pal-- the heck? Anong nangyari sayo? At sino sya?" ang gulat na reaksyon ni Keesha.

"Nagpaka tanga ako sa cafeteria,at huwag mong subukang tumawa. At sya nga pala,this Edge kaibigan ko,Edge sya ang kakambal ko,si Keesha."

"Magandang tanghali Keesha!" ang masayang bati ni Edge dito.

"Hihi! Mukhang mabait ka! Bagay kayo ni Keeyo!"

"Gusto mong isubsob ko yang mukha mo sa bagong bake mong cake?"

"Sus! If I know." nang iinis na sabi ng kakambal kong praning. "Tamang tama,dito na kayo mag snack." dagdag pa nito.

"Magbibihis lang ako." ang sabi ko na lang.

"Sama ako. Gusto kong makita kwarto mo." ani Edge. Pumayag na ako,kesa naman aningin sya ni Keesha.

Habang naliligo ako ay pinahiram ko muna ng Tab si Edge. At ng matapos ako ay bumaba na agad kami,para lang magulat sa maaabutan namin.

"Kaze! Kakambal ko nga pala at kaibigan nya,si Edge." maligalig na sabi ni Keesha.

Nagkatinginan kami ni Edge. At parang biniyak ang puso ko.

Tama nga ang aking hinala.