webnovel

The Stripper (Strip 29)

Masaya akong umuwi sa apartment. Galing ako sa bahay at nagpakita na sa pamilya ko. Everything went fine,narinig ko ang mga sides nila,sinabi ko din ang mga napag usapan namin ni Lourd sa kanila. Pinipilit nila akong bumalik na pero tumanggi ako,sabi ko saka na pag tapos na ang lahat ng problema,wala naman silang nagawa kundi ang pumayag.

Medyo naging madrama lang nung umpisa,panay ang sorry ko. Pero nung niyakap na ako ni Papa,nabura na lahat ng pangamba ko. Yumakap din sina Mama at Keesha. Inimbitahan pa nga ako ni Keesha na sumama sa kanila ni Bently sa Boracay pero tumanggi ako. Sinabi ko din na pupuntahan ko si Ate Kris one of these days.

Bago pa nga ako tuluyang umuwi ay dinaanan ko muna si Polar sa likod bahay. Napangiti ako ng makitang natutulog ito.

They want to know kung saan ako nakatira pero hindi ko sinabi. Ang sinabi ko na lamang ay tatawag ako pag babalik na sa bahay at isasama ko ang tropa at si Brave para makilala nila. At yun na nga,nagpaalam na ako at umuwi.

Isa na lang ang problema ko,si Kristy. Kung paano ko sya makakausap ng maayos. Pero bahala na,saka na siguro pag dumating na ang araw na magkaharap kami ulit.

Pagpasok ko sa apartment ay tahimik sina Killian at Lemon na agad kong ipinagtaka.

"Anyare? May masama bang nangyari?" ani ko at tumabi ng upo sa dalawa.

"Wala naman. Umalis lang naman sina Haven at Dane,dala mga gamit at damit." sagot ni Lemon sa akin.

"Huh? Bakit?"

"Nag away sila kanina pag alis mo. Ayun nag alsa balutan si Dane,pero sabi nya keep in touch daw. After an hour si Haven naman ang nag alsa balutan. Susundan at hahanapin daw nya si Dane." dagdag pa ni Killian na busy sa phone nya.

"Nakaka praning silang dalawa kanina." ani Lemon at tiningnan akong mabuti. "Ikaw? Kamusta ang lakad?"

"Nagpakita na ako sa pamilya ko. Naging maayos naman ang lahat." sagot ko at ngumiti. "Huwag nyo masyadong isipin si Haven at Dane,babalik dito ang mga yon."

Tumayo na ako at nagpunta sa kwarto. Natutulog pala dun si Brave.

Umuwi sya? Bakit kaya?

Kaya ang ginawa ko ay humiga na lang din sa tabi ni Brave. Gusto ko din munang matulog,at mamaya yayayain ko silang lahat na lumabas,gusto kong icelebrate ang magandang pangyayari sa araw na ito.

Nang malapit ng mag gabi at sakto nakauwi na si Edge ay sinabi ko na ang balak ko. Masyadong nagalak ang mga praning,ang sabi ko kakain kami sa isang restaurant. Kaya ayun,nagbihis ng bongga ang mga baliw.

"Galing ka pala sa inyo kanina,that's good." ani Edge ng nasa taxi na kami.

"Yup. At tiningnan ko din si Polar. Balak ko ngang ipakilala si Brave sa kanya eh." ang sagot ko naman. Si Edge ang nasa front seat kaya siksikan kaming apat sa back seat.

"Talaga? Miss ko na sya!" at tumawa si Edge.

"Bakit mo ako ipapakilala? Sino ba yon?" takang tanong ni Brave na ikinahagikgik namin ni Edge.

"Basta tol! Magugulat ka!" natatawang sabi ni Edge. Naalala ko pa nung nakita ni Edge si Polar,napamura pa sya.

"Sige ipakilala mo ako,para malaman ko kung bakit natatawa si Edge." nakangiti pang sabi ni Brave.

"Kami? Hindi mo ipapakilala dun sa Polar?" pagsingit ni Lemon.

"Oo nga. Si Brave palagi?" dagdag pa ni Killian.

"Syempre kasama kayo!" ang sagot ko naman.

Nang makarating kami sa restaurant ay iginiya kami ng waiter sa isang magandang pwesto. Busy ang lahat sa pagpili sa menu ng mapatingin ako sa entrance.

Sabay na pumasok sina Kaze at Kristy,na may dalawa pang kasama. Iginiya sila sa table na medyo malapit sa amin.

Napatingin ako kay Edge,nakita din pala nya ang mga ito. Mabuti na lamang at sa amin nakaharap si Brave kaya hindi nya kita sina Kaze.

Nang masabi na namin ang mga order namin ay nagkwentuhan muna kami. Pinag usapan namin sina Dane at Haven,kung ano na kaya ang ginagawa ng mga ito at kung nasaan.

"Panigurado akong hindi iyon uuwi sa mga bahay nila. May kanya kanya silang issue sa pamilya nila." ani Edge at uminom ng tubig at lumingon sa pwesto nina Kaze na mukhang hindi din kami napansin.

Mabuti na lamang at hindi clinggy si Brave na magrereklamo kung bakit hindi kami magkatabi. Yan din ang nagustuhan ko sa kanya,alam nya kung kailan at saan pwedeng maglambing.

Nang dumating ang mga orders namin ay nagsimula na kaming kumain. This time,si Edge naman ang bangka,sya ang nagkekwento ng story nya. Nailipat na pala nya sa isang townhouse ang pamilya nya,kaya pala nung una nagtataka ako na sa apartment na sya nakatira.

Nag ring ang phone ni Brave,tiningnan nya ito at ngumiti.

"Si Nanay tumatawag. Pinadalhan ko kasi ng load kanina." aniya. Hay! Namimiss ko na si Nay Neth.

"Sagutin mo na! Ikamusta mo kami." nakangiti kong sabi. Tumango sya at naglakad na palabas. Mabuti na lamang at hindi sya nakita ni Kristy,paniguradong iisipin agad nun na nandito ako,na totoo naman.

"Kamusta ang trabaho nyo?" tanong ko kay Edge at nagsimula ulit kaming kumain.

"Ayos naman ako,mabait lahat pati ang HR. Gusto nila si Brave kasi masunurin at mabait. Kung medyo mataas daw ang pinag aralan ni Brave,hindi lang sya messenger." sagot ni Edge.

Naalala ko nung bago sila mag apply,kinwento ko kay Brave na messenger nga ako dati ni Lourd. Ganun na lang din daw ang trabaho nya,para makabisado nya daw ang mga lugar.

"Mabuti yan,hindi din naman lugi sa sweldo. Anytime pwede na syang magpadala kay Nay Neth." ang nakangiti kong sagot. Iniiwasan ko ng tumingin sa pwesto nina Kaze dahil baka mahuli nila akong nakatingin sa kanila.

"Ngayon,panigurado maghahanap sila ng ipapalit kay Haven. Hindi naman talaga kailangan nun ng trabaho." ani pa ni Edge.

"Pwede ako. Tutal nakakahiya na din na lagi nyo akong naaabutan sa bahay." ang pagsingit ni Killian sa usapan.

"Ako din. Yung pwede sana kahit high school graduate lang." dagdag ni Lemon.

"Ako na bahala sayo,Lemon. I will help you." ani ko.

Bumalik na si Brave,at salamat naman dahil hindi pa din sya napansin ni Kristy. Dahil abala si Kristy sa paglalambing kay Kaze.

Pinagpatuloy namin ang pag kain. At ng matapos ay nagpaalam ako na magbabanyo muna.

Tapos na akong umihi at naghuhugas na ako ng kamay sa sink ng may pumasok. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagsasabon ng aking mga kamay.

"Kaya ba ayaw mong bawiin ako dahil kay Edge? Kayo na ba?!" boses ni Kaze kaya nilingon ko.

"Kaibigan ko si Edge. At wala kang pakialam dahil tapos na tayo at may asawa ka na. Pwede ba Kaze?" iritado kong sabi kahit na tumatambol tambol na naman ang puso ko.

"Bakit ba lagi mong dinadawit na may asawa ako?"

"Dahil iyon ang totoo. Tama na Kaze--" bigla nya akong hinalikan,nagbalik bigla sa akin ang lahat lahat kaya montik na akong bumigay pero naisip ko si Brave kaya tinulak ko sya.

"Mahal mo pa din ako." ang sigurado nyang sabi.

Hindi agad ako nakasagot. Paano nyang nasasabi to kung may asawa na sya?

"Kalokohan yan Kaze. Bumalik ka na sa asawa mo." napapailing kong sabi at nilampasan sya. Hinding hindi na ako papatibag,hindi na ako magpapadala sa emosyon ko.

"Pinakasalan ko si Kristy dahil nagbanta sya. Mapapahamak daw ang pamilya mo kung hindi ko sya papakasalan. Kaya kahit galit ako sayo at sa pamilya mo ay ginawa ko ang gusto ni Kristy,huwag lang silang mapahamak. Kayang gawin ni Kristy ang lahat ng gusto nya at hindi ko gustong mapahamak ang pamilya mo dahil sa akin,kasi kahit galit ako sa kanila,hindi ko maiaalis na mahalaga sila sa akin." mahabang sabi ni Kaze na ikinabitaw ko sa doorknob ng pinto.

Magsasalita na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Kristy,ako ang una nyang nakita bago sya lumingon kay Kaze at ibinalik sa akin ang tingin.

"Talagang hindi mo tatantanan si Kaze ano? Pinupuno mo talaga ako eh!" bigla akong hinablot ni Kristy,sa gulat ko ay hindi ako nakareact,iniuntog nya ako ng malakas sa pader. Pakiramdam ko ay nabiyak ang bungo ko dahil doon.

"Kristy!" sigaw ni Kaze,kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita kong hinila ni Kaze si Kristy.

"Bitawan mo ako! Pinupuno na ako ng baklang iyan!"

Naramdaman kong may umagos sa mukha ko,pagkapa ko ay dugo pala. Umakyat na ang galit ko at hindi na ako nakapagpigil.

"Tigilan mo na 'to Kristy! Nagsasawa na ako!" bulyaw ni Kaze sa nagwawalang si Kristy.

"Nagsasawa? Mamaya ka sa akin! Bitawan mo ako! Papatayin ko pa ang baklang iyan!" sigaw ni Kristy.

Nilingon ako ni Kaze at sumenyas na umalis na daw ako. Pero hindi,hindi ko aatrasan ang asawa nya.

"O sige! Ayan! Makipagpatayan ka!" tinulak ni Kaze si Kristy papunta sa akin. Agad kong hinablot ang buhok nya at iwinasiwas ang ulo nya.

"Sobra ka na! Wala naman akong ginagawa sayo!" sabi ko habang winawasiwas pa din si Kristy.

"Bitawan mo ako! Bakla ka! Kakasuhan kita!" nagsusuntok sya,tumatama sa akin pero wala akong paki,tinadyakan nya din ako sa hita pero ininda ko lamang kahit masakit.

"Wala akong pakialam!" at kinaladkad ko sya papunta sa sink,inilublob ko ang ulo nya at binuksan ko ang tubig. Mapapatay ko talaga sya!

"Tama na Keeyo! Baka lumala ang sitwasyon!" ani Kaze at hinila ako. Sakto biglang nagpasukan ang mga tao sa CR.

Agad akong nilapitan nina Brave,niyakap nya ako. Si Kristy naman ay panay ang mura sa akin habang umiiyak.

Pagtingin ko kay Kaze ay nakatulala ito kay Brave na parang nakakita ng multo.

"K-kuya? Kuya Brave? Buhay ka?!"