webnovel

Jin (Chapter 36)

"YAP!" Kaagad siyang bumaba at pahilang niyakap ang umiiyak na si Marian. Ang babaeng tanging laman ng kanyang puso.

Humagulgol silang pareho nang iyak sa balikat ng isa't-isa.

"Yap, I'm really sorry iniwan kita kaagad nang hindi man lang kita pinakinggan. Binalikan kita sa bahay nila Rebecca pero wala ka na roon. Humingi nang tawad sa akin si Amos. Naawa ako sa kanya kaya pumayag akong isekreto na lang ang ginawa niya sa 'yo."

"Ikaw kasi, e. Mas inuuna mo ang galit kaysa sa 'kin," parang bata niyang turan. Hinagod ni Marian ang kanyang likuran.

"Yap, kalimutan na natin 'yon. Magsimula tayo ng bago."

"Oo, yap," nakangiti niyang sabi, "paano mo nga pala ako natunton dito?"

"Nagtanung-tanong ako, yap," kumalas si Marian sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya, "ito ang picture mo, oh, kung kani-kanino talaga ako nagtanong," nakangiting sabi nito.

Kinabahan siya at naisip niyang baka may nakapagsabi rin ditong nanggaling siya sa tahanan ng isang bakla. Pero wala naman siyang nababasang kakaiba sa mga mata ni Marian. Ang tanging nababasa lamang niya ay ang labis nitong pagmamahal sa kanya.

Hindi na niya napigilan ang sarili, kinabig niya si Marian at siniil nang maalab na halik sa mga labi. Kaagad namang tumugon ang dalaga.

"Mahal na mahal kita, yap," madamdamin niyang pahayag nang magkalas ang kanilang mga labi.

"Mahal na mahal din kita, yap. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa ibang lalaki, alam mo ba 'yon?"

"Ako rin, yap. Ikaw lang ang babaeng gusto ko," nakangiti niyang turan at nagpahid ng mga luha.

Napatingin ito sa suot niyang damit. "Saan galing 'tong damit mo, yap?" maang nitong tanong.

Napalunok siya ng laway at kaagad nag-isip nang isasagot sa katanungang iyon ni Marian. "A, yap, kasi nakalimutan kong isuot ang sando ko, e, paglabas ko sa bahay nila Rebecca," ngumisi siya, "kinuha ko ito sa sampayan, yap, na nadaanan ko," pagsisinungaling niya rito.

Tumawa si Marian at nakahinga naman siya nang maluwag dahil napaniwala naman niya ito.

"Let's go," mayamaya ay sabi ni Marian.

Inakbayan niya ito. "Saan tayo pupunta, yap?" tanong niya.

"Nainggit ako kay Amos, e. Gusto kong tikman ulit ito, yap," tugon nitong dinakma ang kanyang harapan.

Napakamot siya ng ulo. Sa isip niya nang mga sandaling iyon, "Patay! Mapapalaban na naman si Junior ko!"

Naglakad na sila papunta sa sasakyan ni Marian na nakaparada sa hindi kalayuan.

"Yap, 'di ba marunong kang mag-drive?" tanong ni Marian.

"Oo, yap. Gusto mong ako ang mag-drive?"

"Kung gusto mo."

"Sige-sige, yap," natutuwa niyang tugon. Nasabik siya noong mag-drive. Hanggang dyip lang kasi ang nasubukan niya.

Kaagad silang sumakay. Siya nga ang nag-drive ng sasakyan.

"Saan tayo, yap?" tanong niya kay Marian.

"Kahit saan, yap. Mag-drive ka lang," tugon naman nito.

Ngumiti lamang siya rito at muling natuon ang mga mata sa kalsada. Sa totoo lang ay wala siyang maisip na lugar na kanilang pupuntahan kaya nag-drive lang talaga siya nang nag-drive.

Bigla niyang naramdaman ang kamay ni Marian sa kanyang hita. Nagsalubong ang mga mata nila sa rearview mirror. Nagngitian sila. Hanggang sa napunta na nga sa namumukol niyang harapan ang kamay nito. Medyo napaigtad siya nang maramdaman ang paghimas at pagpisil ni Marian sa bahaging iyon. Kaagad siyang tinigasan.

Hinayaan na lamang niya ito. Nag-init siyang bigla. Ilang sandali pa ay tinanggal na ni Marian ang butones ng kanyang pantalon at mabilis ding ibinaba ang zipper. Ipinasok nito sa loob ng kanyang panloob ang kamay at kaagad na sinakal ang kanyang pagkalalaki.

"Yap, gusto kitang chupain e kaya lang bigla kong naalala na nanggaling pala ito kanina sa bibig ni Amos," natatawang sabi ni Marian.

"Hmp... h'wag mo na siyang banggitin, yap. Plano ko ngang idemanda siya, e. Hindi ko pa rin matanggap, yap, na may nakatikim na sa aking bakla," pabebe pa niyang sabi. Sa totoo lang ay nakokonsensiya na siya sa kasinungalingan niya kay Marian.

"H'wag na, yap. Isipin mo na lang na isang bangungot 'yon. Kawawa si Rebecca, e. Mahal na mahal niya ang asawa niya."

"Hindi ba alam ni Rebecca na bakla si Amos, yap?"

Patuloy lamang sa pagsalsal ng napakatigas niyang kargada si Marian nang mga sandaling iyon kaya paminsan-minsan ay napapapikit siya sa nararamdamang sarap.

"Alam niya, yap. Pero mahal na mahal niya e kaya tinanggap niya pa rin si Amos. Pero ang pagkakaalam niya, yap, hindi na gumagamit ng lalaki si Amos."

"Kawawa naman si Rebecca. Niloloko lang pala siya ng asawa niya."

"Pero sabi ni Amos sa akin, yap, na sa 'yo lang daw naman siya ulit tumikim, e. Hindi raw talaga niya napigilan, yap. Labis siyang humanga sa 'yo."

"Ang hirap talagang maging pogi, yap," natatawa niyang sabi.

"Oo nga, e. Marami akong karibal sa 'yo. Sana lang, yap, hindi ka na papatol sa iba. Hindi ako sigurado kung tama o hindi ba ang mga narinig ko tungkol sa 'yo pero sana lang, yap, kung totoo man 'yon, h'wag mo nang ulitin. Nandito naman ako, e. Handa akong magpaubaya sa 'yo, yap, kung kailan mo gugustuhin. Mahal na mahal kita."

Napanganga siya kasi ramdam na ramdam na niya ang namumuong katas na gustong kumawala no'n. Patuloy pa rin kasi si Marian sa pagtaas-baba ng kamay sa kanyang pagkalalaki.

"Oo, yap. Pangako," sabi niya. Pero alam niyang mahihirapan siya dahil napapalibutan siya nang maraming temptasyon at palaging malayo sa kanya ang nobya.

"Asahan ko 'yan, yap. At saka nangangako rin akong sa 'yong-sa 'yo lang ako."

Hindi na talaga niya napigilan pa ang sarili. "Ahhh..." ungol niya at biglang nagsitalsikan ang marami pa ring katas mula sa kanyang pagkalalaki.

Natawa si Marian. Pero hindi pa rin nito tinigilan ang pagsalsal sa kanyang pagkalalaki. Napapaungol pa rin siya at nanginig.

"Ang sarap, yap. Sana palagi kitang kasama para hindi na ako mapagod pa," nakangiti niyang sabi.

Hinayaan lamang niya si Marian. Aliw na aliw itong pinaglalaruan ang kanyang katas. Sobrang dulas naman ng kanyang kargada. Napapaigtad pa siya dahil sa kiliting nararamdaman lalo na sa malakobrang ulo ng kanyang pagkalalaki. Panay ang kanyang ungol at tawa lamang ang sinusukli ni Marian sa kanya.

"Amoy zonrox," sabi ni Marian.

Tumawa lamang si Jin sa kakulitan ng kanyang nobya.

"Yap, itigil mo ang sasakyan. Alam kong pareho na tayong gutom. Kain muna tayo para malakas mamaya."

Napatingin si Jin sa isang karinderya at inihinto nga ang sasakyan.

"Asan na tayo, yap?" tanong niya rito.

"Nasa barangay Basud na tayo. Malapit na tayo sa San Isidro, yap," tugon nito.

Nagkibit-balikat siya kapagkuwa'y hinawakan ito sa batok at kaagad na siniil ng isang maalab na halik sa mga labi. Kapwa sila napapikit sa labis na sarap ng halikang iyon. Halikan na punong-puno ng pagmamahalan.

Nang magkalas ang kanilang mga labi ay inayos na niya ang kanyang sarili. Si Marian naman ay naghugas ng kamay gamit ang hand sanitizer.