webnovel

Daniel (Chapter 5)

"DANIEL, ANO NA?" text ni Ruby.

"Basta 'di ako sure. Magpapaalam pa ako sa parents ko," reply ko sa kanya.

"Huhubells... Okay po."

Magre-reply pa sana ako nang biglang tinawag ako ni nanay Lea.

Agad akong lumabas ng aking kwarto at bumaba papunta sa kusina. Amoy na amoy ko ang adobong baboy na niluluto niya.

"Bumili ka nga ng suka, 'nak," utos niya sa akin.

"Okay, nay! Asan po ang pera?" sagot ko naman sa kanya.

"Wala ka na bang barya diyan? 'Yan na muna ang ipambili mo!" tugon naman ni nanay na abala sa pagdidikdik ng paminta.

May bigla akong naisip. Didikdikin din kaya ako ng nanay ko kapag nalaman niyang isa rin akong paminta? Natawa ako sa isiping 'yon.

Tumakbo nga ako papunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang natitira kong barya sa coin purse na nasa bag.

"Nak, pakibilisan mo naman diyan mas mahinhin ka pa kay Maria Clara, ha!"

Narinig kong sigaw ni nanay Lea mula sa kusina. Natawa na lang ako sa panunukso niya.

Bago lumabas ng kwarto ay sinipat ko pa ang sarili ko sa salamin. Nagpa-cute pa ako saglit hehe...

"Nak, pakibilisan naman, oh."

Narinig kong muling sabi ni nanay Lea.

"Lalabas na po," sabi ko naman.

Lumabas na ako ng bahay namin. Sanay akong lumabas na naka-boxer lang.

Nakasando lang din ako nang mga sandaling iyon. Dumiretso ako sa tindahan ni mang Rodel.

"Shit!" napamura ako sa isip nang makita si Brad.

Nakaupo siya sa bench na nasa may tindahan ni mang Rodel. Umiinom ng Red Horse mag-isa.

Napangiti siya nang makita ako. Namumula na ang mukha niya at halatang tinamaan na sa ininom dahil namumungay na ang mga mata.

"Daniel, right?" tanong niya na parang hindi sigurado.

Napatingin siya sa legs ko. Bigla akong na-conscious. Balbon kasi ang legs ko. Kasing balbon ng legs niya. Lalaking-lalaki talaga.

"Oo. Brad 'di ba?" Hindi ko namalayang napatitig na naman ako sa kanya.

"Yep," nakangiti niyang sabi sabay tungga ng bote ng Red Horse.

"Ano'ng bibilhin mo, Daniel?" tanong ni mang Rodel.

Parang bumalik ako sa earth bigla. Hindi ko alam kung saan ako galing. Sa Mars ba o sa Jupiter.

Napatingin ako kay mang Rodel. Pangiti-ngiti pa ito sa 'kin.

Parang may iba sa ngiti nito nang mga oras na 'yon. Hindi tulad ng dati na halatang nanlalandi.

Nanunudyo? Bigla akong kinabahan. Hindi kaya napapansin na nitong may lihim akong pagtingin kay Brad?

"Pabili po ng suka, mang Rodel," sabi kong naaasar sa nakakalukong ngiti ng baklang tindero.

"Shot ka muna, tol!"

Napalingon ako kay Brad. Tsk... ang sarap niyang halikan sa mga labi.

Ang pula kasi na parang apple. May kilig na naman akong naramdaman no'n sa kalooban ko.

"Pass muna ako, tol. Baka pagalitan ako ng parents ko, e," pagtanggi ko namang nginitian na rin siya.

Parang naglakbay ulit ako sa ibang planeta nang mga sandaling iyon.

Hindi ko na napansing tinatawag na pala ako ni mang Rodel para ibigay ang sukang binili ko.

"Daniel..." Hindi ko na alam kung pang-ilang tawag na iyon ni mang Rodel sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha. Napatingin ako kay mang Rodel. Nakangisi pa ito.

Singbilis ng kidlat na ibinigay ko rito ang pambayad at kinuha ang sukang binili ko.

"Sige, tol... Nagmamadali ako, e," paalam ko kay Brad.

Bigla akong nagsisi sa ginawa ko. Bakit nga ba kailangan ko pang magpaalam sa kanya?

"Sige, kapag may time ka inuman tayo, ha!" sagot naman niya.

"Sure," tipid kong tugon sa kanya kapagkuwa'y ngumiti.

Shit! Am i in love? Ibang-iba talaga ang tibok ng puso ko.

Para akong si Kathryn Bernardo na kinikilig kay Daniel Padilla. Ang tindi 'di ba? Parang teleserye lang.

What the fuck! Hindi ito puwedeng mangyari. Tumalikod na ako sa kanya at nagmamadaling humakbang palayo.

Hindi ko na matagalan ang eksenang iyon, e.

"Papa Brad, sabihin mo lang kung isang Red Horse pa, ha!"

Narinig kong sabi ni mang Rodel. Sa lakas nang pagkakasabi nito hindi ko alam kung sinadya ba nitong marinig ko 'yon o talagang may pagkabingi si Brad.

Basta isa lang ang alam ko nang mga sandaling iyon. Nawasak ang puso ko sa lakas ng bomba na pumutok sa loob.

Nasaktan ako bigla at nanghina sa sinabi ni mang Rodel.

Alam kong may kapalit lahat ng binibigay nito sa mga lalaki at hindi ko in-expect na pati pala si Brad.

Shit! Broken-hearted agad ako. Nanlumo akong pumasok sa bahay namin.