webnovel

Daniel (Chapter 47)

MAGMULA nang may nangyari sa 'min ni Anne ay naging madalas na talaga naming ginagawa iyon. Gano'n pa rin ang sitwasyon, madalas kong imaginin si Brad at ang nakakatawa, pati si mang Rodel ay lagi talagang umiepal sa imagination ko.

Of course, nakakakonsensiya ang ginagawa ko kasi unfair para kay Anne. Pero paano ko naman siya mapapaligaya kung hindi ko gagawin 'yon? Ang hirap talaga ng sitwasyon ko.

Naging madalas din ang pagsubo ni Anne sa kargada ko. Adik na adik siya sa bahagi kong 'yon. Madalas nga ay nagkakasundo kaming pumunta sa CR kahit may klase pa tapos 'yon lang gagawin niya. Sasambahin niya akong parang Diyos.

Pero kahit kailan ay hindi ko talaga pinahihintulutang labasan ako sa kanyang bibig. She's not a gay. Para sa 'kin, gawain lang ng mga bakla ang tumikim ng katas ng mga lalaki. Madalas ay napapansin kong parang nabibitin si Anne pero nilalambing ko na lang siya. Basta... ayoko talaga ng gano'n.

Sa mga nagdaang araw ay naramdaman ko ring may namumuong kakaiba sa puso ko para kay Anne. Napapansin ko ang sariling lagi na siyang iniisip. Lagi ko rin siyang namimiss kaya naging madalas na talaga ang aming pagsasama.

Sa una ay kinukwestiyon ako ng mga magulang ko kung bakit madalas ay late na akong umuwi. Lagi nga akong ginagabi. Pero nang ipakilala ko sa kanila si Anne ay natuwa naman sila at naging tanggap agad nila ito bilang girlfriend ko. Proud na proud sila sa 'kin kasi napakaganda raw talaga ni Anne. At saka naramdaman din nilang seryoso nga ito sa akin.

Alam ko namang seryosong-seryoso talaga si Anne kaya ginagawa ko ang lahat para masuklian siya. I even told her that I also love her. Nagtataka nga ako sa sarili ko kasi hindi na ako nagi-guilty sa tuwing sinasabi ko sa kanyang mahal ko rin siya. Na-realize kong baka totoo ngang mahal ko na si Anne. So I made a decision to fight for her.

Kung tatanungin ako kung ano ang ipinaglalaban ko, well, 'yon ay ang straight version ng ako. Actually, nakatulong din ang paglayo ni Brad sa 'kin. Si Brad lang naman kasi talaga ang lalaking nagpatibok ng puso ko sa lahat. Siya lang din ang talagang pinagpantasyahan ko. Inaamin kong napapahanga rin ako ng ibang lalaki, but not to the point na maghahabol akong maka-sex sila. Iba si Brad. Ibang-iba.

Pero seryoso na talaga akong kalimutan siya kaya madalas ay naging kaaway ko ang aking sarili. Minsan ay nasasampal ko pa ang mukha ko kapag may mga panahong biglang sumasagi sa aking isipan si Brad. Talagang inilaan ko na ang aking sarili para kay Anne.

Hanggang isang umaga ay nagising na lang akong wala na si Brad sa sistema ko. Kapag nagsi-sex kami ni Anne ay nararating ko na ang langit na siya lang ang iniisip. Hindi ko na kailangang mag-imagine pa ng ibang tao para lang ma-turn-on ako.

Nang mga panahong iyon ay masasabi ko na talagang isa na akong ganap na lalaki. Sobrang saya ko at lagi akong nagpapasalamat kay Anne. Again, hindi masama ang pagiging bakla. Pero sa kagaya ko ngang hindi makapag-out ay mahirap talaga.

Kaya nga siguro dumarami ang mga 'pamenta' ngayon. Mga kagaya ko rin silang hindi kayang ipaglaban ang totoong nararamdaman. Napakahirap talaga ng sitwasyong pilit mong itinatago ang iyong pagkatao lalo na't para sa kapakanan ng pamilya.

Isang hapon kakauwi ko lang galing sa school ay dumiretso ako sa tindahan ni mang Rodel. Uhaw na uhaw ako nang mga sandaling iyon kaya naisipan kong bumili ng softdrink.

Napalingon sa 'kin si mang Rodel at ngumiti. Nginitian ko rin siya. Agad siyang tumalima at kumuha ng softdrink sa refrigerator.

"Namiss na kita, Daniel," sabi niya. Inilahad niya sa akin ang bote ng

softdrink. Kaagad kong tinanggap iyon at ininom.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako.

"Daniel, may ibibigay ako sa 'yo..." sabi niya.

"Ano naman 'yon, mang Rodel?" I asked him.

Hindi siya tumugon sa halip ay may kinuha sa kanyang shoulder bag at ibinigay sa 'kin.

"Ano 'to?" maang kong tanong sa kanya. Isang ATM card kasi ang ibinigay niya sa 'kin.

"Nandiyan ang one hundred thousand na ibinayad ng nanay at tatay mo sa 'kin. Ikaw na ang bahala riyan, Daniel. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin sa kanilang nagpagamit ka sa 'kin at quits na ang utang ninyo. Kaya ang ginawa ko, tinanggap ko ang pera at idiniposito sa bangko."

Napatingin ako sa kanya. Ang bait nga ni mang Rodel. Hindi ko siya dapat pag-isipan ng masama nang dahil lamang sa pagkakagusto niya sa akin. May mga sinabi pa siya tungkol sa ATM pero alam ko naman ang gagawin ko.

"Salamat, mang Rodel," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Salamat din, Daniel," nakangiti niya ring sabi.

Nagtitigan kami. Naisipan kong makipagtalik ulit sa kanya noon pero biglang sumagi sa isipan ko si Anne. Nangako na kasi akong hindi na talaga papatol pa sa mga bakla.

"Daniel, malapit na ang birthday ko, sa sabado na. Sana makapunta ka rito. Wala akong ibang bisita, e."

"Sige po, mang Rodel. Walang problema." tugon ko sa kanya.

"Ano pala ang mga paborito mong ulam para 'yon ang mga ihahanda ko?"

"Spaghetti po at adobong manok."

"Sige. Aasahan kita, Daniel, ha."

"Promise po," sabi ko. "Sige, mang Rodel. Salamat ulit. Uuwi na ako," paalam ko sa kanya.

"Daniel..."

Tatalikod na sana ako no'n nang sambitin niya ang pangalan ko.

"Bakit, mang Rodel?" maang kong tanong sa kanya.

"Daniel, namiss ko kasi ang titi mo, e. Baka puwedeng kahit ipaamoy mo lang sa 'kin. Please..." nagmamakaawa niyang sabi.

Napabuntong-hininga ako. "Sige pagbibigyan kita pero amoyin mo lang po, ha," sabi ko.

Abot hanggang tenga ang kanyang naging ngiti. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Wala namang masyadong tao. Binuksan niya ang pinto at kaagad akong pumasok.

Niyakap niya ako nang mahigpit pagkasara ng pinto. Inamoy niya ako. Para mas maamoy pa niya ako ay kusa ko nang hinubad ang aking damit. Kaagad na naglakbay ang kanyang ilong at bibig sa buo kong katawan.

Panay ang papuri niyang amoy baby raw ako. Napapangiti na lang ako sa kanya. Dahil sa hinahalikan niya rin at dinidilaan ang aking katawan ay hindi ko napigilan ang sariling mag-init at tigasan.

Hanggang sa lumuhod na siya sa aking harapan. Mabilis niyang tinanggal ang butones ng aking pantalon at ibinaba ang zipper.

"Tigasin ka talaga, Daniel," sabi niyang hinimas ang aking kargadang nasa loob pa ng panloob. Ibinaba niya hanggang hita ang aking pantalon.

Napakagat ako ng ibabang labi. Alam kong nalibogan na ako nang mga sandaling iyon pero kinontrol ko ang aking sarili. Hindi ako dapat magpadala sa init ng katawan.

"Bilisan mo, mang Rodel. Amoyin mo na para makauwi na ako. Hinihintay na nila ako ngayon," utos ko sa kanya.

Kaagad namang tumalima ang baklang tindero. Mabilis na ibinaba ang aking puting panloob hanggang kalahating hita. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang tayong-tayo kong kargada. Pinagmasdan niya lang iyon kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko at inihampas sa kanyang mukha.

Natawa si mang Rodel sa aking ginawa. "Sige pa, Daniel. Paluin mo ako ng batuta mo," sabi niya.

Sunod-sunod na hampas nga sa kanyang mukha ang ginawa ko. Pagkatapos no'n ay mabilis kong inayos ang aking panloob at pantalon. Bitin na bitin ang hitsura ng baklang tindero. Hindi pa rin siya tumayo.

"Uuwi na po ako," paalam ko sa kanya.

"Ang daya mo, Daniel. Hindi ko man lang masyadong naamoy," malungkot niyang turan.

"Ikaw kasi, e. Sabi ko sa 'yong bilisan mo tapos mas gusto mo pang pinapalo na lang kita."

Nagkibit-balikat siya pero nanatiling nakaluhod sa 'king harapan. May bigla akong naisip.

"Open your mouth," utos ko sa kanya.

May lungkot pa rin sa kanyang mukha pero ginawa naman niya ang sinabi ko. Nag-ipon ako nang maraming laway kapagkuwa'y dinuraan ko ang kanyang bibig. Ang iba ay napunta sa kanyang mukha. Napangiti siya.

"Ang tamis..." sabi niya at nilunok niya ang laway ko.

Pagkatapos nang ginawa ko ay lumabas kaagad ako ng tindahan niya. Umuwi na nga ako sa bahay. Nadatnan ko si nanay Lea na nanunood ng TV sa sala.

"Hello, nay," masayang bati ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Hi, nak, upo ka muna rito sandali," sabi ni nanay.

I sat beside her. Inakbayan ko pa siya at hinalikan ang buhok.

"Kailan mo ulit dadalhin si Anne rito?" she asked.

"Basta dadalhin ko na lang siya rito isang araw, nay" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nakakamiss ang kasintahan mo, e. Ang bait niya kasi," tuwang-tuwa niyang sabi.

"Salamat ulit sa pagtanggap niyo kay Anne, nay."

Ngumiti si nanay. "Basta, ang pangako mo sa 'kin na ibibili mo ako ng mansion huwag mong kalimutan, ha," nakangisi niyang sabi.

Agad ko namang naintindihan ang ibig niyang sabihin. "Oo naman, nay, pangako ko 'yon sa 'yo, e," malambing kong tugon.

Naisipan kong ipagtapat sa kanya ang tungkol sa ATM na ibinigay sa 'kin ni mang Rodel. But I've changed my mind. Mas pinili kong isekreto na lang muna. Pero naguluhan talaga ako kung paano ko sasabihin sa kanila ang tungkol doon.

"Nay, kanino pala kayo umutang ng perang pambayad kay mang Rodel?" mayamaya ay tanong ko.

"Sa ninong Albert mo," tugon niya.

Napatango-tango ako. Naisip ko nang mga sandaling iyon na wala naman pala kaming dapat problemahin pa. Bayaran man o hindi ni tatay Rey ang utang na 'yon, alam kong okay lang kay ninong Albert. Total magkarelasyon naman silang dalawa.

Napabuntong-hininga ako at napatingin kay nanay Lea. Naaawa talaga ako kay nanay sa kataksilan ni tatay sa kanya.

Sa totoo lang, kating-kati na ang dila kong sumbatan si tatay tungkol sa nalaman ko sa kanilang dalawa ni ninong Albert. Pero sa tuwing maisip kong gawin 'yon, bigla na lamang akong pinanghihinaan ng loob. Hindi ko pala kayang gawin. At saka alam kong 'pag ginawa ko 'yon, isang malaking pagbabago sa takbo ng pamilya namin ang mangyayari.

Ang gulo. Bigla akong napatanong sa isipan. Hindi kaya katulad ko rin si tatay na noon pa gustong magladlad pero hindi niya nagawa dahil may malaking bagay na pumipigil sa kanyang gawin 'yon? Kung ganoon nga ang sitwasyon, pareho lang pala kami ni tatay nang pinagdadaanan. Nahihirapan din pala si tatay sa pagtatago ng totoong pagkatao niya.

Hindi kaya kung ano ang buhay ni tatay Rey ay ganoon din ang magiging buhay ko balang araw? Iyong magkakaroon din ako ng sariling pamilya pero may itinatago rin palang lalaki na karelasyon? Ang saklap kung ganoon nga ang magiging buhay ko.

Pero bakit kaya kailangang kamuhian ni tatay ang mga bakla? Ano'ng gusto niyang palabasin? Oo, nagkukunwari siya para sabihing lalaking-lalaki talaga siya. Pero kailangan ba talaga niyang manlait sa mga bakla knowing the fact na bakla rin siya? Hindi ba siya nasasaktan sa sarili niyang kidlat?

Ang gulo talaga ni tatay Rey. Pati ako sinasaktan na rin niya. Kung aaminin ko na lang kaya kay tatay na bakla ako? Ano kaya ang gagawin niya? Aamin din kaya siyang bakla siya?