webnovel

Daniel (Chapter 10)

"UYYYY... h'wag niyo namang ganyanin si Daniel. He's not like other guys. He's not easy to get at magkaibigan lang kami!"

Napaawang ang mga labi ko nang sabihin iyon ni Ruby. Hindi ko talaga inasahan iyon.

"I can wait... at kung ayaw niya, okay lang 'yon sa 'kin. As long as he's always there for me. That's more than enough," dagdag niyang sabi.

Grabe, sobrang na-touch ako do'n. Ngumiti ako at naglakas-loob na magsalita, "I'm not yet ready," sabi ko. "Darating naman siguro ang tamang panahon para sa bagay na 'yon."

"How sweet..." tukso nila.

Pero ayaw ko na silang intindihin pa. Alam kong seryoso si Ruby sa kanyang sinabi.

Pero hindi ko talaga alam kung kailan ako magiging ready para sa kanya. Hindi ko talaga alam.

Alas dose na kaya nagpaalam na ako kay Ruby na uuwi na.

Sinabihan akong KJ ng iba pero wala namang pagtutol mula sa kanya.

"Gusto mo ihatid na kita sa inyo. I can drive you home. Baka mahirapan ka nang makakita ng masasakyan sa mga oras na 'to!" sabi ni Ruby.

Nasa may gate na kami.

"Are you sure?" nagdadalawang-isip kong tanong.

Nakainom na kasi siya at baka delikado nang mag-drive pa.

Nabasa siguro niya ang iniisip ko kaya muli siyang nagsalita, "don't worry, safe ka sa akin. Hindi pa naman ako lasing, e. Saka hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa atin. Hindi ko pa naaamoy kahit kilikili mo man lang," nakangising sabi ni Ruby.

Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Sige, sabi mo, e. May tiwala naman ako sa 'yo. Thank you so much, Ruby. Nag-enjoy talaga ako sa party mo!"

"Are you sure? Baka naasar ka sa panunukso ng mga kaibigan ko, e."

"Hell no!" nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumawa siya at niyakap na naman ako. Ginantihan ko na rin siya ng yakap.

Mga ilang sandali rin iyon bago kami nagkalas.

"Tayo na!" sabi niya.

"Sige," tipid kong tugon.

Sumakay na kami sa kanyang sasakyan. Mayaman talaga si Ruby.

Alam kong makakaya niyang kunin ang lahat ng lalaking magugustuhan niya.

Pinatugtog niya ang stereo. Perfume ni Britney Spears ang naka-play.

Sumabay siya sa pagkanta. Magaling pala siyang kumanta. Babaeng-babae ang kanyang boses.

Habang nasa byahe ay wala ni isa sa amin ang nagsalita. Si Ruby ang bumasag ng katahimikan.

"Daniel, h'wag kang magalit sa sasabihin ko ha."

"Hmmm... okay. Ano 'yon?" Seryoso akong tumingin sa kanya.

"I think I'm fallin' for you," mahina niyang tugon pero malinaw naman sa aking pandinig.

I was speechless. Alam kong seryoso siya sa kanyang sinabi.

Parang gusto ko na tuloy magtapat sa kanya na pareho lang kami ng gusto.

Pero natamimi ako at isa pa, hindi ako handang ipaalam ang tungkol sa sekreto ko.

"Noon pa kita gusto, Daniel," dagdag niyang sabi. "But I'm not expecting anything. You're straight, tanggap ko 'yon." May lungkot sa boses niya.

Napahugot ako nang malalim na hininga. "Ruby, you barely knew me," sabi ko. "Ang dami mo pang hindi alam sa buhay ko!"

Lihim akong nakaramdam ng guilt sa mga pinagtapat niya.

If only I had the guts to tell him the truth siguro magbabago pa ang pagtingin niya sa akin.

"Tama ka! Hindi pa kita masyadong kilala. Pero bigyan mo naman ako ng chance na mas kilalanin ka, Daniel. I mean you're always courteous but aloof. Paano kita makikilala niyan kung lagi kang lumalayo?"

Napabuntong-hininga ako sa kanyang sinabi.

"I'm sorry. Okay, from now on hinding-hindi na ako lalayo sa 'yo. I know you'll be a good friend. Mapagkakatiwalaan kita."

Napalingon siya sa 'kin at ngumiti. Pagkatapos ay bumalik ulit sa kalsada ang mga mata.

"Thank you so much, Daniel! This is the best birthday of my life ever."

Na-touch na naman ako. Parang gusto ko na tuloy siya yayaing mag-sex kami.

Gusto ko siyang pagbigyan. Para mas lalong makompleto ang birthday niya.

"Ruby..." mahinang sabi ko.

"Bakit, Daniel?"

Biglang umurong ang dila ko, "Mamaya na lang," I said.

Ngumiti lamang siya sa akin. Actually, hindi ko alam kung paano sasabihin 'yon.

Isa pa malapit na kaming dumating sa bahay. Saan naman namin gagawin 'yon?

Naalala ko ang sinabi ng mga kakilala kong lalaki na pahada sa mga bakla.

Puwede raw gawin 'yon kahit saan. Natawa ako sa aking naisip. Saan ba puwede? Sa sasakyan niya? Sa bakuran namin?