webnovel

Daniel (Chapter 1)

ANG BUHAY ay sadyang mahiwaga. Maraming mga bagay at pangyayari na hindi natin inaasahan.

May mga katanungang hindi natin kayang bigyan ng kasagutan. At may mga misteryong hindi kayang ipaliwanag ng sinuman.

Ako nga pala si Daniel Lopez. I'm eighteen years old. Nasa five-nine ang height ko, moreno, medium-built lang ang pangangatawan, at balbon.

Maraming nagsasabi na may kahawig daw akong artista pero 'di ko na lamang sasabihin kung sino baka mayabangan pa kayo, kaya nga raw gwapo ako, that's what they say.

But, you know what? Mas gugustuhin ko pang sabihin nila na maganda ako. Sa totoo lang, isa talaga akong member ng sangkabaklaan dito sa mundo.

Correction, may bisexual pa pala, okay I'd rather say that I am bisexual. But sad to say, hindi talaga ako makalabas sa closet.

You wanna know why? Kasi isang pulis ang tatay ko. Puputulan niya ako ng lawit kapag nalaman niyang ganoon pala ako.

Kaya itinago ko na lamang ito sa loob ng labing-walong taon, as in since birth. It's hard but I don't have any choice. That's life, minsan talaga hindi natin kayang ipaglaban.

Nag-iisa nga pala akong anak. Gaya nga ng sabi ko, isang pulis ang tatay ko. Rey ang kanyang pangalan. Si nanay Lea naman ay dating elementary teacher sa isang private school.

Nag-resign si nanay matagal na para mas maalagaan daw niya kaming mag-ama. In short, kami lang yata ang Lopez na hindi mayaman, pero okay lang kasi hindi naman kami nagugutom at nakakapag-aral nga ako nang maayos.

Komportable rin naman ang tinitirhan namin na matatagpuan sa Libertad, Pasay City.

Nakakatuwa nga isipin kasi ang nanay ko, madalas tinutukso akong bading.

"Ang ganda ng baby Daniela ko." Madalas niyang sinasabi sa akin iyon kapag kami lamang dalawa.

Lagi ko naman siyang sinasagot na, "Ang nanay talaga ang kulit! Hindi po bading ang anak niyo. Crush ng campus nga 'to, e."

Nagtatawanan na lamang kami pagkatapos. Pero minsan ay naiisip ko rin, hindi kaya alam na nga ni nanay ang totoong pagkatao ko? Mother knows best, 'ika nga 'di ba?

By the way, second year college na ako sa kursong computer science sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay.

At 'yong sinabi kong campus crush ako ay hindi naman sa pagmamayabang pero minsan naiisip kong totoo nga 'yon.

Ang dami kasing nagkaka-crush sa 'kin sa school. Mapababae man o mapabakla ay kinikilig kapag nakikita ako.

Well, I'm not a snob type of a guy kaya lahat naman sila ay pinakikitunguhan ko nang maayos.

Pero kinakaibigan ko lamang sila at sinasabi ko sa kanila na focus muna ako sa pag-aaral.

Nakakainis nga minsan ang mga bakla e kasi 'yong iba ang lakas ng loob na sabihin sa akin na gusto raw nila akong tikman.

I wondered kung bakit 'di man lang nila naaamoy na may kalansahan din akong tinatago sa sarili.

"Daniel, busy ka ba mamayang gabi?"

Napaangat ako ng ulo sa nagsalita. Si Robert o mas kilalang Ruby iyon. Ang isa sa mga baklang haliparut na malaki ang paghanga sa akin.

Hindi ko na siya idi-describe basta baklang-bakla talaga siya. 'Yong tipong Vice Ganda, gano'n siya.

Third year college na si Ruby pero irregular. May isang subject na magkaklase kami.

"Hmmm... why?" nakangiti ko namang tanong at ibinaba sa mesa ang binabasa kong novel, Luna by Julie Anne Peters.

Isa kasi sa mga hilig ko ay ang magbasa at sumusulat din ng mga stories pero 'di ko naman masyadong siniseryoso. Kumbaga pampalipas oras lamang.

"Birthday ko kaya, kainis nga, e, 'di mo pa ako binabati," may kalandiang sabi ni Ruby.

Umupo siya sa bakanteng upuan kaharap ng sa akin. Kasalukuyan akong nasa canteen noon.

Nag-i-snack while nagbabasa. It's my break time, dalawang oras pa bago ang next subject.

"Ah, 'sensya na. Happy birthday nga pala," I told him. Nginitian ko siya pero hindi naman ngiti na tipong nakikipag-flirt.

"Iimbitahan sana kita sa party ko mamaya. Sa bahay lang naman," Ruby said.

"What time?" I asked.

"Mga eight. Punta ka please para maging sobrang happy ng birthday ko."

Medyo napatawa ako sa sinabi niya. Parang nagmamakaawa na kasi.

Grabe pa kung makatitig ang bakla. 'Yong klase ng titig na para akong isang masarap na putahe sa harapan niya.

"Try ko lang, Ruby. Medyo strict kasi si tatay, e. Ayaw niyang gumigimik ako, " sabi ko.

Which is totoo naman talaga 'yon. Strict talaga si tatay Rey. But I do understand my father.

It's for my own good anyway. Gusto kasi ni tatay na mag-focus ako sa pag-aaral.

Pero si nanay Lea ay hindi naman gano'n kastrikta. Gusto na nga nitong magka-girlfriend na ako.

"Ay, basta, Daniel, gawin mo ang lahat ng makakaya mo ha para makapunta. Please," makaawang sabi ni Ruby.

"Hmmm... okay po," matipid kong sabi.

"Bigyan mo na lang ako ng number mo puwede? Para makontak kita mamaya."

Actually maraming beses na siyang humingi ng number pero 'di ko pinagbibigyan.

Hindi rin naman kasi ako masyadong gumagamit ng cellphone. Madalas pa nga, iniiwan ko na lamang sa bahay.

Medyo nagdalawang isip ako kung ibibigay ko ba o hindi pero since birthday naman niya kaya ibinigay ko na rin. Laking tuwa naman ni Ruby. Parang nanalo ng lotto.

"Thank you so much, Idol. Ang pogi mo talaga," sabi niya na pinisil ang matangos kong ilong. Hinayaan ko na lamang ang bakla.