webnovel

Daddy Lucas (Part 20)

Nakaupo ngayon ang tatlo sa lamesa at nababalot sila ng katahimkang nakakabingi. Tulala si Ivan, hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Nanginginig naman sa kaba si Addy, hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila ni Ivan. Si Lucas naman ay hindi mapakali. Alam niyang kapag nagkataon, maaring sumambulat ang buong katotohanan sa kanilang tatlo at malalaman ng dalawa na pareho nniya silang tinuhog. Wala siyang pag-aalalang nararamdaman kay Ivan dahil pang-alis init ng katawan lang naman talaga ang naging relasyon nila. Pero si Addy, ayaw niyang saktan si Addy. Parang nakababata na niya itong kapatid.

"Kailan pa?" may gigil sa mga tingin at sa bawat pagsambit ni Ivan ng mga tanong na iyon.

"Ba... babe, please let me explain. Hindi naman kasi yo---" isang malakas na suntok sa lamesa ang umalingangaw sa buong apartment na nagmula kay Ivan.

"Ang tanong ko, kailan pa?!" hindi makakibo si Addy. Ramdam niya ang galit ng nobyo. Gustuhin mang umawat ni Lucas, walang lumalabas na mga salita sa bibig niya. "Ano? Pipi ka na ngayon? Samantalang kanina sa kama mo ang ingay ingay mo?"

Napahilamos ng kanyang mukha si Addy at tumingin kay Lucas na tila nanghihingi ng tulong. Hindi niya alam kung sasabihin ba niya ang buong katotohanan pero mukha namang wala na siyang choice. Bumuntong hininga siya ng malalim at inabot ang kamay ni Ivan sa lamesa ngunit nagpumiglas ito.

"Matagal na, babe." bakas sa mukha ni Ivan ang pagtataka mula sa nakuhang sagot kay Addy kaya minabuti ni Addy na ipaliwanag ng buo ang sitwasyon. "First week pa lang ng classes natin sa college may nangyari na sa amin ni Kuya Lucas." tumingin siya kay Lucas at nakatungo lang ito. Napatakip naman ng bibig niya si Ivan at napatingin ng makahulugan kay Lucas. "Oo, babe. Tama ang narinig mo. Una pa lang may nangyayari na sa amin ni Kuya Lucas, bago ka pa dumating. Lahat ng sulok ng apartment na 'to at kahit nandito ang asawa't anak niya, lahat 'yon nagawa na namin."

Nagsimulang maging emosyonal si Ivan hindi lang dahil nasasaktan siya kung hindi dahil sa galit, galit kay Lucas dahil pinaglaruan silang dalawa ng nobyo niya ng hayok na barakong ito.

"Pe...pero babe..." sinubukan muling hawakan ni Addy ang kamay ni Ivan ngunit nagmatigas ito. Parang napupunit ang kanyang puso ng makita niyang umiiyak ang nobyo. Hindi niya akalaing ngayon na mangyayari ang sandaling ito. "...babe, believe me, nung dumating ka? Ikaw na lang. Itinigil ko 'yung kung anong meron sa amin ni Kuya Lucas. Tiniis ko 'yung libog, tiniis ko 'yung pressure kahit ang hirap. Babe, nag-effort ako para maging loyal sa'yo. Maniwala ka."

"Pe...pero kagabi... hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Siguro dahil na rin sa alak at sa dahilang aalis na si Kuya Lucas dito sa Maynila, hindi ko na napigilan pa 'yung bugso ng damdamin ko. Nagpaubaya na ako ulit kahit mali. At alam kong mali ako 'don, babe. Alam ko. Ang tanga ko kasi konti na lang, hindi ko pa kinaya. Hindi ako nag-isip kagabi. Hindi kita naisaalanmg-alang." umiiyak na rin si Addy sa puntong ito.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Ivan. Mas bumigat ang loob ni Addy at mas na-guilty siya. Paano niya nagawang saktan ang kanyang mahal? Bakit sa isang saglit, nagawa niyang magpatalo sa temptasyon?

"Babe... tahan na. Ayokong nakikitang ganyan ka. Bigyan mol ang ako ng isa pang chance, I'll promise..." habang nagpupunas ng luha. "...I promise I'll be better. Pleaaaseeee, babe." pagmamakaawa ni Addy.

"Bago ka humingi ng panibagong chance, Addy... pakinggan mo muna ako dahil may importante akong sasabihin sa'yo." nahirapan man ngunit sa pagkakataong ito'y nagawa na niyang tingnan si Addy at ang mukha nitong basang basa ng luha. "I.... I'm so... I'm sorry din. Hin... hindi lang ikaw ang nagloko sa 'ting dalawa."

"Ssssssh. Babe, hindi. Ayan ka na naman eh. Ako 'yung mali dito pero ayan ka na naman, pinapagaan mo na naman 'yung loob ko. Alam kong ako 'yung mali. Alam kong busy ka nitong nakaraan kaya wala tayong masyadong time sa isa't isa pero hindi 'yon sapat para hanapin ko 'yung atensyon na hindi mo maibigay sa akin sa ibang tao." ngunit mas lalong bumuhos ang luha ni Ivan ng marinig ang mga salitang 'yon. "Ohhh? Bakit mas umiiyak ka babe? May nasabi ba akong mali?"

Napahilamos na lamang gamit ang kanyang mga palad, napatingala at napasigaw si Ivan sa pinaghalo-halong emosyong nararamdaman niya.

"Grabe. Napaka-mapaglaro talaga ng tadhana." napakunot naman ng noo si Addy dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ng nobyo. "Teka, hindi ko alam kung saan magsisimula. HAHAHA. Sa dinami-dami ng pangloloko ko sa'yo hindi ko na alam kung saan ako nagsimula at saan ako magsisimula."

"Babe? Anong panglolo... hindi ko maintindihan?" nagugulumihanang tugon ni Addy.

"Natandaan mo ba nung minsang nagpaalam ako sa'yo na uuwi ako sa'yo ng maaga kasi masama pakiramdam ko? 'Yung dapat kakain tayo?" at nakita niyang tumango si Addy. "Eh nung birthday ni Mommy? Nung tumawag ka sa'kin kasi galit nag alit ka kasi sabi mo parang nakita mo ako dito?" muling napatango si Addy. "Tanda mo din ba na hindi ko agad nasagot telepono ko nung nagpaayos ako ng laptop kay Lucas?" napatingin si Addy kay Lucas. Parang sumikip 'yung dibdib niya... parang alam na niya kung saan ito patutungo.

"Tanda mo lahat ng 'yon?" umiiyak na wika ni Ivan. "Ilan lang 'yon sa mga pagkakataong... niloko kita. Nagtaksil ako sa'yo, nagtaksil kami sa'yo... ni Lucas."

Hindi maintindihan ni Addy ang nangyayari at ang sinasabi ni Ivan. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ni Addy kay Ivan at kay Lucas. Si Lucas naman ay tila napako sa kinauupuan. Heto na, sabi niya. Mukhang sasabog na sa mukha nilang tatlo ang katotohanan. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag.

"A... anong sinasabi mo? Babe? Ku... Kuya Lucas? Anong pinagtaksilan niyo ako? Anong... hindi ko maintindihan!" litong lito na sagot ni Addy.

"So... sorry Addy. Ano kasi... nilo---" hindi na pinatapos ni Ivan si Lucas na magsalita.

"May nangyayari rin sa'min ng kasama mo sa bahay." parang isang bombang sumabog at umalingawngaw sa diwa ni Addy ang narinig. Hindi maproseso ng isip ni Addy ang narinig.

"Ma... may nangyaya... paanong?" hindi maipahayag ni Addy ang gusto niyang sabihin. Wala siyang masabi. Hindi niya alam ang sasabihin. Parang kanina lang alam niya ang gagawin ngunit para siya ngayong timang na tila nawawala sa katinuan.

"Na... nagsimula ito nung una mo akong dinala dito sa apartment niyo. May tensyon na sa pagitan naming non. At dun ko rin unang nakita ang kabuuan ni Lucas ngunit kaagad kang pumagitna. Sobrang laking pasasalamat ko non na pumagitna ka kasi kung hindi, alam kong bibigay na ako agad. Kaya gusto kitang isama noon sa pagpapaayos ng laptop ko? Kasi natatakot ako. Natatakot akong baka hindi ko ma-kontrol 'yung sarili ko at lokohin kita. At... at nangyari nga." napatakip na lang ng mukha si Addy at napasuntok sa lamesa. Napasinghap naman si Ivan sa kabilang banda. Naiiyak at natatakot siya pero kailangan niya 'tong gawin.

"Hindi ako busy 'non, Addy. May nangyayari sa amin ni Lucas sa opisina niya ng mga oras na 'yon at 'yun ang kaunahan... at nasundan pa ng ilang beses, hindi ko na mabilang. Sa condo ko, sa sasakyan ko, maging nung umuwi ka ng Quezon... may nangyari sa'min sa mismong kama mo." parang tinataga ng itak ang puso ni Addy ng mga oras na 'yon.

"At... at tanda mo nung time na nagsesex tayo ng nakapiring ka? Alam mo kung bakit kita pinagpiring 'non? Kasi habang inuupuan kita, may nangyayari sa amin ni Lucas." napatayo na si Addy sa pagkakataong ito.

"Hindi. Hahaha. Putang-ina, hindi. Sabihin mong joke lang 'to, Ivan. Sabihin mo!" at sinipa ni Addy ang sofa. Napatungo na lang si Ivan.

"So ano 'to, Kuya? Proud ka ba? Proud ka bang natuhog mo kaming dalawa? Anong pakiramdam mo habang may nangyayari sa inyo? Iniisip mo ba ako? Naisaalang-alang mo ba ako? Oo, alam ko! Wala akong karapatang sumbatan ka. Baka nga karma ko 'to dahil sa pangloloko natin sa pamilya mo, pero putang-ina mo pa rin! Ang baboy mo!" hindi na napigilan ni Addy ang damdamin kay Lucas. "At ikaw, Ivan..." hindi na babe ang tawag niya. "...anong gusto mong sabihin ko sa'yo ngayon? It's a tie? It's a prank? Tang-ina niyong dalawa. Tang-ina ko rin! Tang-inang buhay 'to!"

Naglakad papalabas ng apartment si Addy ngunit mabilis siyang sinundan ni Ivan at kaagad pinigilan. Nang nasa pinto na sila ay hinablot ni Ivan ang kamay nito.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ivan.

Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ang mag-nobyong si Jed at Jerome. Curious na curious si Jed sa nangyayari habang si Jerome naman ay hindi mapakali... kinakabahan.

"Ano kayang nangyayari sa kanila? Bakit sila nag-aaway? Siguro may lokohang naganap 'no? Diba sabi mo magjowa 'yang dalawang 'yan?"

"Ahhh... eh ano, ewan ko." kinakabahang sagot ni Jed.

"Pabayaan mo muna ako. Hindi madaling iproseso lahat ng kababuyang nalaman ko ngayon!" pasigaw na tugon ni Addy habang nasa may labas sila ng unit.

"Tang-ina, kung makapagsalita ka... ako lang baboy dito? Pati din ikaw!" sumbat naman ni Ivan.

"Waaaw! HAHAHA. Hindi ako nainform na paligsahan pala 'to? Sinong mas malinis dapat 'yun ang mas galit? Ang babaw mo! Aalis ako dahil nasasaktan ako. Aalis ako kasi hindi ko matanggap na habang nagsisikap akong magpakabuti para sa'yo non, nagpapakasasa ka sa katawan ng ibang lalaki! Sana pala hindi ko na lang binago 'yung sarili ko kung ganito lang din naman pala 'yung kakahinatnan natin. Baka mas masaya. Baka nakapag-threesome pa tayo!" at kaagad na umalis si Addy.

Napalingon naman si Ivan sa kinaroroonan ni Jed at Jerome at tumitig ito ng makahulugan kay Jerome.

"A... ano hon. Tara na? Pasok na tayo sa loob? Hehe." wika ni Jerome.

***

"Ano? Bakit tahimik ka? Asan 'yung pagiging barako mo? Wala na din? Nabahag na din buntot mo?" pang-aasar ni Ivan kay Lucas. "Utak-kantot ka lang pala pero bobo ka sa totoong buhay. Makaalis na nga!"

Gabi na ngunit wala pa rin si Addy. Nagaalala na si Lucas sa kanya. Sinusubukan niyang tawagan ang binata ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Napabuntong hininga na lang siya. Wala nga talagang lihim na hindi nabubunyag. Akala niya ay hindi na ito mangyayari ngunit sa isang iglap, biglang nabago ang lahat. Naguguilty siya dahil siya ang naging dahilan upang maghiwalay ang dalawang magkasintahan. Dahil kahit sabihing parehas naman nilang ginusto 'yon, alam niyang inakit niya ang mga ito.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya natameme ng ganito kalala. Parang ang liit ng tingin niya sa sarili niya? Parang ang sama niyang tao? Nasa aktong pag-iisip siya habang kumakain ng bumukas ang pinto ng pabalang at iniluwa nito si Addy.

"A... Addy..." tatayo sana siya para lumapit dito ngunit kaagad siyang binalaan nito.

" 'Wag kang lalapit sa'kin, gago ka. Hindi kita kilala, hindi na kita kilala." parang mga balang unti-unting bumaon sa puso niya ang mga salitang 'yon.

"Addy... a... alam ko walang... walang kapatawaran 'yung ginawa ko sa'yo... namin sa'yo... pero a... ako pa rin 'to. Ang Kuya Lucas mo. Nag-aalala lang ako kasi tingnan mo... basa ka tapos hindi ko pa alam kung kumain ka n---" hindi na siya pinatapos ni Addy.

"Wow? Now you're acting like you're concern. Eh nung iniiputan niyo ako sa ulo ni Ivan, concern ka din ba? Naiisip mo ba ako? 'Yung mararamdaman ko kapag nalaman ko ang totoo? O baka naman binastos niyo pa ako habang nagkakantutan kayo kagaya ng pangbabastos mo kay Ivan kagabi?" hindi makasagot si Lucas. Tama naman kasi lahat ng sinabi ni Addy. "Kaya ba hindi mo masabi sa'kin kung sino 'yung ibang mga nagpaligaya sa'yo nitong nakaraan kasi putang-ina hindi mo alam kung papaano sasabihin na boyfriend ko ang tumutugon sa kalibugan mo ngayon?" punong puno ng emosyon sa boses ni Addy. "Oo ng apala, nakalimutan ko. Wala nga pala akong karapatang magtanong kasi ako rin naman eh. Naging puta mo rin ako! Oh eh ano, ngayon ha? Proud ka? Nakakapogi ba?"

"Oo nga alam kong mali nga, Addy. Pero nagawa ko lang 'yon kasi ano... kasi lalaki ako! At kailangan kong ilabas lahat ng pangangailangan ko. Diba ikaw ang nagpasok sa'kin sa ganitong sitwasyon? Tapos ano? Tapos iniwan mo 'ko sa ere isang gabi at sinabi mo sa'king ayaw mon a. Akala mo madaling umalis sa ganitong sitwasyon? Iniwan mo ako sa ere, Addy! Kaya naghanap ako ng ibang pupuno sa pangangailangan ko na iniwan mo." malumanay na pagpapaliwanag ni Lucas.

"So kasalanan ko? Kasalanan ko kung bakit ka ganyan ngayon? Oo, siguro nga, ako ang nagparanas sa'yo ng mga hindi mo dapat naranasan, pero ginusto mo din 'yon! Hindi lang ako! At hindi ko na kasalanan kung hindi matahan 'yang titi mo at pati boyfriend ng kasama mo sa bahay pinatos mo!" punong puno ng galit na tugon ni Addy. "Siguro nga, karma ko na rin 'to, sa pangloloko ko sa pamilya mo. I get what I deserved. I hope you also get yours."

Kaagad na umakyat ng kwarto niya si Addy at nag-ayos. Inayos niya ang kanyang mga damit at mga gamit at inilagay sa isang bag. Matapos nito ay kaagad siyang bumaba. Nabigla naman si Lucas ng makitang nag-alsa balutan ang kasama sa bahay.

"Te... teka, saan ka pupunta?"

"Obvious ba? Aalis na ako. Ayoko na dito." mataray na sagot ni Addy.

"Saan ka pupunta? Hindi mo na naman kailangang umalis? Kasi sa makalawa, hindi mo na ako makikita. Uuwi na ako ng Quezon." paliwanag ni Lucas.

"Sukang suka na ako dito, Lucas." wala ng paggalang sa pagtawag ni Addy sa pangalan ni Lucas. "Para akong humihinga ng lason. Sa bawat lingon ko dito nagtatanong ako, ginawa kaya nila dito? May nangyari kaya sa kanila sa CR? Sa laundry area kaya? Sa kama ko kaya? Alam mo 'yung feeling na ganon? 'Yung parang mababaliw ka sa kakaisip?" maanghang na salita ang pinapakawalan ni Addy. "Haha. Bakit nga ba kita tinatanong pa ng ganyan. Eh wala ka namang ibang alam kung hindi kumantot at magpatsupa. Seryosong tanong, asan ba utak mo? Nasa titi mo?"

"Te... teka lang, Addy." napahinto si Addy sa pag-alis sa apartment ng pigilan siya ni Lucas. "Alam ko... malaki kasalanan ko sa'yo. Pero ano... pero gusto ko lang humingi ng tawad. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo, at masaya akong nakilala ka kahit sa maiksing panahon. Maniwala ka sana kapag sinabi kong ayaw kitang saktan, hindi ko lang talaga alam kung bakit mas inuna ko libog ko kaysa sa mga mahal ko sa buhay. Hindi lang sa'yo... lalong lalo na sa pamilya ko. Hindi ko na nakilala ang sarili ko sa sobrang hayok ko sa kalibugan."

"A... alam ko galit ka sa'kin at alam kong mahirap itong hinihingi ko pero sana, dumating 'yung panahon na... na mapatawad mo ako... kami ni Ivan. Kasi, isa ka sa dahilan kung bakit naging madali sa akin ang buhay ko dito sa Maynila. Aalis na ako at hindi mo na ako makikita pa ulit siguro at alam kong 'yon ang gusto mo pero sana... balang araw, mapatawad mo ako."

***

Dumating na ang araw ng pag-alis ni Lucas sa nasabing apartment. Ilang araw din siyang malungkot at walang makausap sa unit na 'yon. Pagkakauwi sa hapon ay may bitbit itong mga bote at nag-iinom. Hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang mga huling araw niya sa Maynila. Akala pa naman niya'y aalis siyang masaya at puno ng hindi malilimutang karanasan.

Iwas din sa kanya si Jerome. Marahil ay alam nito ang nangyari at ayaw nitong maapektuhan ang relasyon niya ngayon.

Bago tuluyang lumabas ng unit at ikandado ang pinto ay sinulyapan niya sa huling pagkakataon ang unit. Parang kalian lang, nasa may sala siya at nagaayos ng gamit ng may kumatok na binata at nagtatanong kung pwede ang mag-board. Parang kalian lang masaya silang kumakain sa lames ana 'yon at nagtatawanan. Nanunuod ng Scream series sa sala. Parang kalian lang akala mo tuloy tuloy na ang lahat, pero matatapos din pala... sa malungkot pang paraan.

"Haay. Salamat." at tuluyan nan gang kinandaduhan ni Lucas ang pinto at ibinigay sa may-ari ang susi. "Paano po, salamat po sa anim na buwan, kuya." ngumiti lang sa kanya ang may ari ng apartment at sinabihan siyang mag-ingat.

Mabigat ang kanyang loob habang lumalabas ng compound, sa huling sandali ay sinulyapan niya ito at pagkatapos ay naglakad na palayo... patungong terminal.

Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ang dalawang piraso ng mata kay Lucas habang lumalakad ito palayo. Nasaktan man siya nito ay hindi niya maikakailang napalapit na siya dito. Kuya na niya ito at nasanay na siya sa presensya nito. Kaya mabigat ang makita itong umalis lalo na't hindi sila okay. Ngunit ito na siguro ang dapat mangyari. Masyado ng maraming nasaktan, masyado ng maraming pangloloko... ang kahulihang pwedeng gawin na lamang ay ang tuldukan ang lahat upang makapagsimula ng bago. Hindi lahat ng pagsasama at pagkakaibigan ay may happy endings.

"Salamat na lang sa mga ala-ala, masaya man o masakit... Lucas." at tumalikod na rin si Addy at binagtas ang kasalungat na daan.