webnovel

Daddy Lucas (Finale: Jerome)

"Hon, ano 'yon? Aalis na 'yung kapitbahay natin? Ang daming dalang gamit eh." tanong ni Jed kay Jerome.

"Ah 'yon? Oo. Anim na buwan lang talaga 'yon dito sa Maynila tapos uuwi na siya sa probinsya nila, sa Quezon." sagot ni Jerome. "Ohhh? Bakit ganyan ka makatingin?" nagtatakang tanong ni Jerome kay Jed dahil bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

"Wala lang naman. Para kasing... ang dami mong alam sa kanya? Friends ba kayo?" hindi inaasahan ni Jerome ang tanong kaya naman hindi siya nakasagot agad.

"A... ano ba namang k... klaseng tanong 'yan, Hon? Hehe. Eh 'di siyemrpe ano... oo. Diba kapitbahay natin 'yan? Nakakausap ko 'yan paminsan-minsan. Dinalhan ko pa nga sila nung housemate niya ng pagkain nung birthday mo diba?" kinakabahang sagot ni Jerome.

"Ohhh ehh relax ka lang, babe. Hahaha. Nagtatanong lang naman ako, kasi hindi ko naman kayo nakikitang mag-usap." sagot naman ni Jed. "Anyway, ang lungkot lang. Base dun sa narinig natin nung isang araw, mukhang naghiwalay 'yung Addy 'no tsaka 'yung katalo niya, tapos parang gawa pa sa third-party." hindi naman makatingin ng maayos si Jerome kay Jed.

"O... oo nga eh." alanganing sagot ni Jerome.

Nababahala siya sa kung saan papunta ang kanilang pag-uusap. May gusto bang puntuhin si Jed? May alam ba siya?

"Alam mo, I really find cheating unfair. Hindi lang dahil sa niloko nila 'yung partner nila ha, but even the consequences." wika ni Jed. "Setting aside 'yung personal experience ko sa'yo ha? Kapag nakakarinig ako ng kwento ng cheating from my friends, a friend of friend, or kahit sa films and series... in the end, 'yung niloko pa rin ang magkakaroon ng doubt sa sarili nila. I mean, diba wala naman silang kasalanan? Hindi nila kasalanan na 'yung atensyong hinahanap ng partner nila sa kanila ay hinanap nito sa iba pero bakit 'yung niloko pa rin ang nagtatanong kung anong mali sa kanya? Kung anong kulang sa kanya? Hindi ba dapat 'yung nangloko? Kasi sila 'yung mali? Ayy ewan. Basta ang unfair." Tiningan ni Jed si Jerome na parang hindi palagay. Parang tensionado. "Oh? Okay ka lang? Hon, hindi ko tinutukoy 'yung past natin ha? Napatawad na kita at nakalimutan ko na 'yon. Thankful ako na hindi mo ako binigyan ng rason para pagsisihan na binigyan kita ng another chance. Base lang sa analysis ko 'yung mga nasasabi ko. Alam mo namang pangarap ko dating magtake ng Psychology diba kaso hindi ako pinayagan kasi wala daw pera 'don. Kaya siguro heto... ganito ako mag-isip." Pero wala pa ring nakuhang sagot si Jed mula sa kasintahan.

"Ano ba naman 'to oh. Nakakatamad kausap. Wala man lang cooperation. Tsk. Sige na nga, maghahain muna ako ng pagkain natin."

Buong gabing kinakabahan at hindi mapakali si Jerome. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi niya alam kung anong iisipin. Basta ang alam niya, natatakot siya. Alam niyang wala na siyang babalikan pa kung sakaling malaman ni Jed ang kanyang kataksilan. Hindi siya mapalagay nung sinasabi nitong deserve niyang mabigyan ng second chance dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya ito deserve. Baboy pa rin siya, manloloko. Mukha lang siyang matino pero alam niya, kapag mag-isa na siya, kapag wala ng nakatingin, alam niya kung sino talaga siya.

Tama naman si Jed. Kapag nagtataksil ka, ipinaparamdam mo sa taong mahal mo – na dapat pinapasaya mo – ipinaparamdam mo sa kanila 'yung self-doubt. Pinapababa mo 'yung tingin nila sa sarili nila kahit hindi naman sila ang may mali, kahit ikaw naman talaga ang mali. Kapag nagtaksil ka, inilalagay mo sa alanganin 'yung mga napundar niyo – hindi lang mga materyal na bagay – kung hindi napundar niyong samahan, nabuo niyong mga ala-ala, pinagsamahan ninyong mga sandali kasi kahit anong gawin mo, kapag nahuli ka na, hindi mo na maibabalik sa dati ang lahat. Hindi ka na matitingnan ng partner mo kagaya ng pagtingin niya sa'yo dati. Ang hirap ng maniwala ulit.

Nasa ganoong sitwasyon siya ng pag-iisip ng lumukob muli sa kanya ang matinding takot. "Walang lihim na hindi nabubunyag." sabi sa isang post sa isang social media site. Napatingin siya kay Jed. Hindi niya namalayang unti-unti ng pumapatak ang luha sa kanyang mata. Natatakot siya. Para siyang nahimasmasan. Tinatanong niya tuloy ang sarili kung bakit mas pinili niyang sundin ang tawag ng laman kaysa magkaroon ng peace of mind? Kung totoo ngang walang lihim na hindi nabubunyag, ibig sabihin bilang na ang mga araw na magkasama sila. Hindi niya alam, parang may kusang buhay ang katawan niya at mahigpit niyang niyakap ang kasintahan habang natutulog ito.

"Sorry, hon. Sorry." pabulong nitong wika habang umiiyak.

Bago dalawin ng antok, may mga iniisip si Jerome.

"Wala naman sigurong masama kung itago ko habang buhay itong sikretong ito diba? Lahat naman tayo may tinatago. Lahat tayo may ayaw ipaalam sa ibang tao. Kung totoong walang lihim na hindi mabubunyag, hahayaan kong panahon na ang magsabi nito. At buong puso kong tatanggapin ang husga ng tadhana kapag nangyari ito. Pero patawarin mo ako Jed, alam kong hindi mo deserve ang katulad ko pero mahal kita. Nagkamali ako, oo, pero nagsisisi na ako. Magbabago na talaga ako. Magbabago nang hindi mo alam. Itutuwid ko ang mga mali mo kahit hindi mo alam. Babawi ako. Mas magiging mabuting tao ako. At kung hindi pa rin sapat 'yon sa tadhana para patawarin ako sa mga katangahang nagawa ko, handa naman akong isuko ka. Handa akong ipaubaya ka sa taong mas deserve mo. Pero habang hindi mo pa alam... akin ka muna. Baka pwedeng akin ka muna."

Unti-unting naramdaman ni Jerome ang pagbigat ng talukap ng kanyang mata at ang mga sumunod ay purong dilim na.

***

Si Jerome ang karakter sa kwento na sumasalamin sa ating pakikipaglaban sa ating mga kahinaan. Sa totoo lang, sino bang hindi dito umulit sa kanilang mga kasalanan? Ilang beses na ba tayong nangumpisal at humingi ng tawad sa Maykapal dahil sa parehong kasalanan? Pero ganun pa man, hindi nito mapapagaan ang katotohanang nangloko siya. Mali, at maling mali talaga.

Mas maganda siguro kung bago tayo gumawa ng isang bagay, isaalang-alang natin kung makokompromiso nito 'yung inner peace na meron tayo. Kasi kung oo, bakit mo gagawin? At kung gagawin mo nga talaga, handa ka ba sa mga uncertainties, sa mga sleepless nights? Handa ka bang mag-isip ng mag-isip?

Isa lang si Jerome sa libu-libong mga taong tinatalo ng kahinaan kahit anong pilit lumaban. Pero sabi nga sa boxing, ang tunay na talo ay hindi ang natutumba. Ang tunay na talo ay ang mga natutumbang hindi na pinili pang tumayo. Parang tayo din. Nakakapagod man minsan tumayo ulit at lumaban, pero 'yun naman talaga ang kailangan. After all, hindi ka naman talaga pwedeng maging palaging masaya, pero pwede mong piliing maging matapang parati.

Naway may mapulot kayong kwento kay Jerome. Iwasan ang dapat iwasan, gayahin ang dapat gayahin. Ngunit higit sa lahat, huwag matakot sumubok at magbago... lalo na kung para sa ikabubuti mo.