webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 8)

"Uy! Chance! Nako pasensya na,nag crave ako sa siopao eh saka hindi ko namalayan ang oras!" sabi ko sabay tayo at lapit kay Chance.

"I can see na hindi mo nga namalayan ang oras." ani Chance na nakatitig kay Arloo,si Arloo naman walang pakialam. Bumaling ang tingin ni Chance sa slurpee na hawak ko. "Ang aga aga,ganyan kalamig ang binabanatan mo?"

"Libre ko yan. Gutom na gutom ang syota mo eh." pakshet! Bakit ka pa sumagot Arloo?

"Really?." salubong na mga kilay ni Chance,at sobrang kumakalabog na ang dibdib ko sa kaba.

"Really."

"Ano,uhm? Teka!--"

"Gutom pala eh. Oh,edi busugin mo!" pamumutol ni Chance sa sasabihin ko sabay walk out.

Napatingin tuloy ako kay Arloo na tumayo na din.

"Next time,sabihin mo sa syota mo,talian ka para hindi ka nakakawala." ani Arloo at lumabas na din.

Napanganga ako. Seriously? Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari tapos bigla silang magwo-walk out? Edi wow!

Kaya ang ginawa ko eh lumabas na din at nanakbo na pauwi. Paniguradong umuwi na si Chance,kailangan kong mag sorry at maglambing.

Pagdating sa bahay ay walang tao. Pumunta ako sa kusina,nandun pa yung niluto ni Manang Glory. Tiningnan ko ang ref,may nakadikit na note. Umalis na si Manang Glory dala si baby Chad.

Napahilamos ako ng palad sa aking mukha dahil sa frustration.

Bakit kasi umalis pa ako eh? San ko hahanapin si Chance? Ang tanga tanga ko talaga!

Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit,pinagpawisan ako kanina kakatakbo eh. Ang gagawin ko ngayon ay isa-isahin ang mga posibleng tambayan ni Chance.

Tae naman din kasi si Arloo eh,sumagot pa,ayan tuloy. Pero sabagay,wala naman siyang kasalanan dahil kasalanan ko naman ang nangyari.

Bumalik ako sa kapasigan at nagpaikot ikot para hanapin si Chance.

~ Ikot ikot lang,ikot ikot lang,

ikot ikoot ~

Bakit parang nadidinig ko si Sarah Geronimo?

Pumasok ako sa Ingen at inisa isa ko ang mga costumer hanggang sa may nakita akong pamilyar na tao.

"ISLE!!" sigaw ko kaya napatingin ang lahat sa akin. "Ay! Sorry po!"

"Woi,Kiji?! Anong atin?" yan si Isle,tulad ni Rook ay kinakapatid ko din siya.

"Pag galit o nagtatampo ka sa syota mo,san ka pumupunta?" walang ligoy ligoy na tanong ko.

"Wala akong syota!"

"Hindi yan ang tanong ko! Ang gwapo mo,mukha kang koreano pero boplaks ka! Nasan na talino mo?" sabi kong ganyan.

"Pinuri mo na nga,nilait mo pa! Sobra ka! Porket gumanda ka lang?"

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko para hindi kita malait! Para kang si Rook!"

"Pipi naman si Rook at laging mainit ang ulo! Ang sagot sa tanong mo? Edi mambababae! Iinom,magpapakalasing!" ani Isle at ngumisi. "Bakit? May pumatol na ba sayo?"

"Sapakin ko yagbols mo eh! Outdated ka! Naku! Sana mainlove ka sa bading! Walang kwenta sagot mo!"

"Dapat hindi ka na nagtanong."

"Tse! Dyan ka na!" at tumawa lang ang gago kaya lumabas na ako ng Ingen.

Paano kung nambabae nga si Chance para gantihan ako? O kaya ay naglasing! My gowd! Saang beerhouse ko siya hahanapin?

Sunod kong pinuntahan ay ang kanto. Sumakay ako ng trycicle papuntang San Miguel,hindi ako uuwi sa amin no? Pupuntahan ko si Adz. Anong oras na din kasi baka nagugutom na si Chance! Pag nagutom siya ay kasalanan ko! Tapos baka magka ulcer siya! O mahimatay dahil sa gutom.

Tengene! Ayoko ng mag isip!

Pagdating sa harap ng One Mercedez Plaza ay agad akong bumaba at nanakbo.

"HOYYY!!" may sumigaw galing sa likuran ko,pagtingin ko yung trycicle driver pala.

"Bakit po kuya?" ang nagtataka kong tanong.

"Bayad mo?! Nagpa special ka kaya magbayad ka! Hindi yung bigla ka tumatakbo! Ipapakulong kita!" galit na sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko.

Walangya! Nakalimutan ko pala magbayad.

"Naku kuya! Sorry po! Nagmamadali kasi ako! Eto po bayad!" inabot ko ang singkwenta at nanakbo na ulit ako. Ayokong makulong no? Nakakahiyang makulong dahil lang sa singkwenta.

Pagdating ko sa harap ng bahay nina Adz ay panay na ang pag doorbell ko,sunod sunod talaga.

"Adz!! Lumabas ka dyan! Mag usap tayo! Pag hindi ka lumabas dyan magwawala ako--"

"Magwawalang ano?" sabi ng isang babaeng lumabas sa maliit na gate.

Shit! Mama ata ni Adz!

"Magwawalang kibo po." ang nahihiya kong sabi at napalunok.

"Wala si Adz dito,umalis." mataray na sabi nito kaya napalunok ulit ako.

"Sorry po! Kayo po Mama niya? Nasaan po siya?"

"May kasama,hindi ko alam kung san nagpunta!"

Baka si Chance ang kasama? Teka? Kung ito ang mama ni Adz,kailangan kong magpasalamat para dun sa mga beauty products na binibigay ni Adz dati.

"Uhm,Maam. Thank you nga pala sa mga beauty products!" nakangiti kong sabi dito.

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Diba po kayo ang Mama ni Adz?" taka kong tanong.

"OFELIA! Tumawag si Maam! Plantsahin mo daw mga uniform niya!" sigaw ng isang lalaki sa loob ng bahay.

"Oo! Papasok na ako!" pumasok na ito at isinara ang gate. Napanganga na naman ako.

Bwiset?! Akala ko mama ni Adz? Plantsadora pala? Ano ba naman yan! May susunod pa ba dito?

Umalis akong nagmamartsa sa lugar na iyon. Naku Chance,magpakita ka na,huwag ka namang ganyan? Mag so-sorry na nga ako eh!

Saan pa ba pumupunta si Chance?

Aha! Baka nasa Infinitea siya! Dun sila dati nagpupunta ni Vane eh! Baka nagkakape lang siya! Tama! Ganon na nga siguro.

Kaya ayun,walkaton ang drama ko hanggang sa nakarating ako sa Infinitea,ang daming tambay pero walang Chance! Walang himala!

Nagkakape ba ang mga ito o nakiki wifi lang? Dapat pala dinala ko phone ko!

Shet! Ang pakyu ko talaga?! Bakit nga ba hindi ko na lang tinawagan si Chance? Ano beyen! Ang tenge tenge ke!

Umuwi na lang kaya ako at tawagan si Chance? O kaya hintayin ko na lang siyang umuwi din? Kaso magiging unfair naman yon para sa kanya. Ang dating eh wala akong kwentang kasintahan kasi hindi ko man lang siya hinabol at hinanap.

Pero kasi naman,nasan ba kasi siya? Anak ng teletubies naman oh?!

Saang lupalop ng Pasig ko hahanapin si Chance? Kasalanan ko kasi eh,dapat hindi ko na kinausap si Arloo,pero magiging bastos naman ako kung hindi ko kakausapin si Arloo.

"Hey! Kiji?!" sabi ng boses sa tabi ko. Paglingon ko ay si Khyerr.

"Oh? Khyerr? Musta? Whatyadoin hea??" sabi ko sabay tingin sa paligid. Chance magpakita ka na! Umuwi na tayo at kumain.

"Tambay lang. Usually dito ako pumupunta pag gusto kong makakita ng mukha ng ibang tao. Eh ikaw?" at sinalpak nito sa kanang tenga niya ang isang earphone. Ang tangkad at gwapo ng isang to,bakit kung kailan sem break saka niya ako kinakausap? Sa bagay,medyo naging malapit din kami nung mga time ng rehearsal.

"Ha? Ako?"

"Hindi. Yung kasama mo. May nakikita akong hindi mo nakikita."

"Gago ka! Huwag kang ganyan!" takot kong sabi. Kahit tirik ang araw ay nagkalat ang mga mumu no? Diba nga,sabi sa Readers Digest,sa 100 ba yun o 200 na nakakasalamuha mo sa araw araw ay isa dun ang multo. Kaya huwag tayo pakasiguro.

"Siyempre ikaw ang kausap ko,kaya ikaw ang tinatanong ko. Kiji naman! Yan ba epekto ng halik ni bro Arloo?" ani Khyerr kaya inirapan ko siya.

"Baliw! Play lang yun. Teka,bakit ba napunta kay Arloo?"

"Ewan ko."

"Dyan ka na nga! Hahanapin ko pa si Chance!" sabi ko at tumawa lang ang impakto.

"Goodluck sa paghahanap!" pahabol pa ni Khyerr,nilingon ko siya at binelatan.

Hay nako Chance! Kahit saan ka pa magtago hahanapin kita. You cannot escape me. You can run,you can hide but you cannot escape my love.

Tirik na ang araw! Im sure alas dose na o lampas alas dose na,kumakalam na din ang sikmura ko,nag gigyera na ang mga dragon at buwaya. Naisip ko yung niluto ni Manang Glory,sayang naman yon. Iinitin ko na lang mamaya pag uwi,pero hanapin ko padin muna si Chance.

Pero wala,hindi ko na talaga alam kung saan hahanapin si Chance. Kaya sumakay na lang ako ng trycicle pauwi sa sto.Tomas dahil hindi ko na kaya ang gutom.

Pagdating ko sa bahay ay nandun si Chance. Naka upo sa sofa.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Walang emosyong tiningnan lang niya ako.

"Chance." panimula ko. "Sorry,hindi ko naman alam na nandun si Arloo,saka siya ang nagpumilit na ilibre ako."

"O? Tapos?" sarcastic niyang sabi kaya napakagat ako ng labi. Paano ba ito?

"Hinabol kita,hinanap kita pero hindi kita makita." sagot ko naman at naupo sa tabi niya,hinawakan ko ang mga kamay niya pero hindi pa din nagbabago ang ekspresyon niya.

"Hindi mo ako mahanap kasi ayokong magpahanap. Nagpalamig lang ako ng ulo."

"Sorry talaga,hindi na mauulit." nakayuko kong sabi at sobrang guilty dahil sa nangyari.

"Ayos lang sana kasi nagkataon lang na nagkita kayo. Naiintindihan ko iyon. Pero ang umalis ng bahay ng walang paalam? Kiji,nasa puder kita,hindi ka ba nag iisip? Halos mapraning si Manang sa kakahanap sayo,nakakahiya!" mahabang sabi ni Chance.

Mas lalo akong nahiya at naguilty. Dun na ako bumigay,napahikbi na ako at pinabayaan ko ng tumulo ang mga luha ko.

"Sorry talaga. Tama ka,hindi ako nag iisip--" naputol ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinapit at niyakap.

"Huwag mo ng uulitin,Jiko. Sobrang pinag alala mo ako." bulong niya at hinalikan ang noo ko.

"Sorry--"

"Tama na ang kaka-sorry. Nangyari na,kaya kailangan mong maparusahan."

Bigla niya akong hinalikan,yung uhaw na halik kaya tinugon ko ito. Hindi ko na naman maiwasang mayanig dahil sa halik ni Chance.

Hanggang sa hinila niya ako patayo,nakarating kami sa kwarto ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi.

Tangena mo Chance! Nawala ang gutom ko! Humanda ka sa akin ngayon.